Chereads / The Healing Angel / Chapter 44 - KAILANGAN MO NG TULONG?

Chapter 44 - KAILANGAN MO NG TULONG?

NAGKAKAGULO ngayon sa loob ng company ni Don Joaquin. Ang trend kasi ng virus kung saan nila kinalat ang mga ito ay hindi tumataas, ni isang bilang yata ay wala pang pumapasok sa data nila.

"Anong nangyayari bakit hindi yan tumataas?" maagang-maaga ay mainit ang ulo ni Don Joaquin.

"Wala pong problema ang system. Ang problema po ay yung mga location na kinalatan ng virus."

"Oh anong problema natin don?"

"Malaki po ang possibility na hindi naikalat ng mga tauhan natin ang virus or nadisinfect agad ito ng tao."

"Ano? Punyeta!" maya-maya pa ay bumulong na sa Don ang kanyang kanang kamay. Itinuturo niya si Raphael na may pakana ng lahat ng iyon.

"Sino ang hudas na gumawa nito?" tahimik ang lahat at walang umaamin.

"Wala talagang aamin?" kinalabit nito ang kanyang baril at nagpaputok ng isa. "Ikaw! kunin niyo ang hampas-lupang traydor na yan!" dinakip nila si Raphael at dinala sa isang room. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa.

Pagpasok na pagpasok ni Don Joaquin ay binigyan niya ng isang malakas na suntok si Raphael.

Pak! Umaagos ang dugo sa labi niya ngayon pero hindi siya umiimik.

"Silence means yes bossing?" tanong ng kanang kamay niya.

"Ikaw? anong balak mo kaya ka nandito? Balak mong sirain ang kumpanya ko?!" sabay tadyak.

"Sir huminahon po kayo !" pigil ni Doc Krystal.

"Paano akong hihinahon sa hinayupak na to!" at isa pa uling tadyak na nagpabaligtad sa sikmura ni Raphael.

"Anong sa tingin mong meron sa sinasabi mong kumpanya mo?" bumangon si Raphael at biglang nagsalita habang idinudura ang dugo sa bibig. "Dapat malaman ng tao ang ginagawa niyo. Gumagawa kayo ng sakit at kayo rin ang gumagawa ng gamot. Anong klase kayong nilalang? Halang na ba mga bituka niyo ? Wala ba kayong mahal sa buhay tulad nila?"

"Gag* ka pala eh!" sinuntok ulit ni Don Joaquin si Raphael. "Oo! wala nakong pamilya! Kinuha na ng sinasabi nilang Diyos! Ano bang nagawa ko at lahat na lang ng mahal ko sa buhay ay kinukuha niya? Ni isa wala siyang tinira!"

"Kaya ka ba pumapatay ng tao at pinagkakakitaan sila para lang sa pansariling kasiyahan mo?"

"Oo. Ano pang saysay ko sa mundo na to? Sabihin mo nga sa akin? Pera na lang ang magpapasaya sa akin Raphael. Pera na lang!" sabay paputok ulit ng baril sa direksyon ni Raphael pero dumaplis lang ito.

"Sir, nahuli na namin yung salarin!" nakaposas na ngayon si Kuya Maki.

"Hindi namin nahuli yung isa, siya lang naabutan namin na nagdidisinfect at nagbabalita sa mga tao na linisan ang mga parteng kinalatan natin ng sakit."

"Aba nga naman. Tauhan mo to diba?" binigyan niya ng isang suntok si Maki.

"Sandali. Wag mo silang idamay dito. Ako na lang saktan mo!"

"Hindi ba dating gangster to?" isa pa ulit na suntok sa may tiyan na nagpaduwal kay Kuya Maki ng dugo. This is too much sa isip-isip ni Raphael. Hindi niya inexpect na aabot sa ganito na madadamay pati ang mga mahal niya sa buhay dahil lang sa mission niya at pagmamahal kay Faye.

"Alam mo bang tawag sainyo? Mga basura kayo!"

"Pwe!" dinuraan siya ni Maki sa may mukha. "Buong buhay ko, puro kasamaan lang ginawa ko. At ngayong nagbabagong-buhay ako huwag na huwag mong lalaitin ang pagkatao ko!"

"I like it! Hahaha pareho kayo ng boss mo. Ang tataas ng ere niyo. Anong magagawa ng hamak na tulad mo ha?!" sabay hampas ulit ng baril sa mukha ni Kuya Maki.

"Alam mo, kung gagawa man ako ng kasalanan bago ako mamatay. Ikaw ang kasalanan na yon dahil papatayin kita."

"Ikulong niyo na ang bwiset na yan!" magkasama na ngayon sa kulungan si Raphael at Maki, hindi sila nag-iimikan.

10:30 PM

Nilalamig na sa ginaw si Faye sa labas ng bahay kahihintay kila Raphael. Maski si Ton ay hindi pa rin umuuwi dahil tinamaan siya ng baril sa bandang hita habang hinahabol siya ng mga tauhan ng Don. Mabuti na lang at nakatakas siya pero masyadong malakas ang pagdurugo ng sugat niya. Ano na kayang nangyari sakanila pag-aalala ni Faye.

Ilang sandali pa ay may puting van na huminto sa harapan niya. Naka-itim ang mga ito at may takip ang mukha.

"Sino kayo?" nagsimulang tumakbo papunta sa direskyon niya ang mga ito. Tumakbo siya nang mabilis para takasan ang mga ito. Habang siya ay tumatakbo ay may putok ng baril siyang naririnig. Sa bawat putok ng baril ay nababawasan ang mga taong humahabol sakanya hanggang sa naubos na ito.

"Mama!" sigaw niya habang tumatakbo.

Pagkamulat niya ng mga mata ay bumungad sakanya ang nakabulagtang mga naka-itim. Ang gumulat sakanya ay nang makita niya si Ton na nakabagsak sa lupa. May hawak itong rifle sakanyang kamay at duguan ang hita nito.

"Diyos ko! ano ng gagawin ko?" Wala siyang dalang cellphone. Si Ton naman ay nakalock ang laptop pati ang cellphone. Maya-maya pa ay may aninag ng isang tao siyang nakita. Babae ito at matangkad. Maganda, maputi at mukhang modelo.

"Kailangan mo ng tulong?" pagkasambit niya nito ay ngumiti siya. Si Faye naman ay nakatulala lang, hindi makapaniwala.

.

.

.

.

Dahil malapit ng matapos ang The Healing Angel, May 12 ang final chapter :( Please support my second work PAIN, RAIN GO AWAY! Enjoy readers! Have a good day!