Mangiyak-ngiyak na lumabas si Faye sa may sinehan habang may dala-dalang tissue. Hindi naman drama ang pinanood pero grabe ang hagulgol niya, sa takot.
"Faye, tapos ka na bang umiyak?" pag-aalala ni Raphael.
"Kanina pa! Hindi naman ako natakot noh! maliit na bagay."
"Talaga lang ha?" biro ni Raphael sabay yaya sa may arcade games. " Sa arcade na lang muna tayo, masaya raw don." dagdag pa niya.
"Sino nagsabi? Ayon sa search mo? Ha ha ha" pang-aasar ni Faye.
"Ahm. Hin~"
"Oops. Bawal magsinungaling ang angel alam ko yon." habang nakalapat ang kamay niya sa labi ni Raphael na agad din niyang tinanggal.
Bumili na sila ngayon ng cards at nagsimulang maglaro. Nagsimula sila sa may basketball. Lahat ng tira ni Faye ay pumapasok samantalang ang kay Raphael ay tumatalbog lang, muntik pa ngang makabasag ng machine.
"Kita mo yon! Steph Curry yon!" pagyayabang ni Faye. Sumunod naman ay ang bowling, billiard at kung ano-ano pa pero ni isa walang naipanalo si Raphael.
"Sigurado ka bang babae ka?" habang hinihingal.
"Hmm?" hinawakan niya ang balikat ni Raphael, nang akmang magdidikit na ang kanilang labi ay natawa si Faye. "Sabi ko sayo babae ako." habang nakangiti.
Sa may claw machines ay malakas ang hagulgol ng isang bata. Umiiyak ito dahil hindi niya makuha ang gusto niyang stuffed toy.
Pinuntahan nila ito at tinanong.
"Nako! Bakit naman umiiyak ikaw? Nasaan mama at papa mo?" ani ni Faye sabay abot ng hawak niyang candy na napanalunan niya kanina. "Ah, gusto mong kunin ang alin diyan?"
"Ayon po!" turo ng bata sa may angel na stuffed toy.
"Doc, halika rito may papakuha kami sayo. Ganito, andito si Kuya Raphael, kukunin niya yan para sayo. Diba Kuya?" habang naka-puppy face. Sinubukang tumanggi ni Raphael pero hinawakan ng bata ang kamay niya kaya wala na siyang nagawa.
"Ughhhh!!!" nakailang try si Raphael pero ayaw talaga.
"Hala, si ate na kaya?" pero ayaw ng bata at mas lalo pa itong kumapit nang mahigpit.
Ilang sandali pa ay biglang umangat ang stuffed toy na gusto ng bata, lumulutang ito. Gulat na gulat ang dalawa maliban kay Raphael. Nagtama ang tingin ni Raphael at Faye, hinawakan ng binata ang kamay nito at agarang naglakad nang napaka-bilis.
"Anong nangyayari?" tanong ni Faye.
"K-Kasi, ginamit ko lang yung powers ko, sa bata lang naman eh wala sigurong nakakita." paliwanag niya habang tumatakbo na sila papalabas ng mall.
Sa taas naman ng arcade ay itinuturo ng bata sakanyang mga magulang kung paano pinalutang ng lalaki kanina ang kanyang stuffed toy pero umalis din sila agad dahil hindi sila naniniwala.
"Ha, ha," hingal na hingal si Faye sa pagtakbo nila habang tumatawa. "Tingnan mo ginawa mo, muntik na tayong mahuli kung hindi na sa circus ka sana ngayon! Gagawin ka nilang magic ipapalit ka nila sa kalapati." biro nito.
"Naaawa na kasi ako sa bata kanina pa naghihintay, ngayon lang yon hindi na mauulit." pangako niya.
"Gusto kong mag-bike!" yaya ni Faye habang nakahawak sa manggas ng t shirt ni Raphael.
"Saan meron dito non?" tanong nito.
"Nakikita mo yon? Kapag diniretso natin yan mapupunta na tayo sa Intramuros." nakangiting sambit nito.
They walked for an hour bago makarating sa area na may bike rentals.
"May maganda rin pala sa mundo niyo no." sambit ni Raphael.
"Oo naman. Tuwing gabi napaka-ganda nitong Intramuros. Bakit? Ano bang meron sa langit? Totoo ba na puro ulap don kasi na sa taas?" sabay turo sa langit.
"Hindi. Ibang-iba sa pag-describe nila ang langit. Paano ko ba to ipaliliwanag. Walang makakatalo sa kagandahan nito." sabay tawa.
"Bakit mo ko tinatawanan aber?"
"Natawa lang ako sa sinabi mo."
Habang naglalakad sila para makapamili ng bike ay may grupo ng mga kabataang babae ang lumapit kay Raphael.
"Siya ba yon sis?"
"Oo sis yung poging doctor! Tara papic tayo!" yaya ng isa sakanila na bago magpaalam ay kumapit muna sa braso.
"Ate! pwede mo po kaming picturan? Please!" pakiusap nito kay Faye. Kinuha ni Faye ang camera at nilapat ito.
"Oh eto na!" sabay balik ng cellphone sa mga bata.
"Ako gusto ko ng solo pic naming dalawa!"
"Ako rin!"
"Hep! Hep! Hep!" pigil ni Faye sa mga bata. " Tanungin niyo muna kung papayag ako."
"Oh bakit sino ka ba?" pagtataray ng mga kabataan.
"Bakit hindi siya yung tanungin niyo?" tinuro niya si Raphael.
"Hoy! ano mo raw ako?" nakangiting tanong ni Faye habang nagpapacute.
"Kaibigan?" nagtawanan ang mga babae kay Faye kaya naman binuhat niya ang bike at pinaandar na lang ito.
"Sandali, hintayin mo ako!" humabol din si Raphael dahil sobrang bilis ng takbo ng dalaga. "Madisgrasya ka naman, bagalan mo!" sigaw sakanya ni Raphael pero hiyang-hiya na kasi ang dalaga.
Bang! Bang! Bang!
Ilang sandali pa ay may putok ng baril na nanggaling sa kinaroroonan ng dalawa. Bumagsak sa bike si Faye at tumagas ang dugo sa kanyang braso.
"Faye!' sigaw ni Raphael habang tinutugis ang riding in tandem na mabilis na nakatakas.
Mga dalawang minutong hindi umiimik si Faye. Ilang sandali pa ay nilapitan siya ni Raphael, umiiyak ito habang buhat-buhat siya. Mabilis na inalis ni Raphael ang dalaga sa mga tao, gamit ang kanyang pakpak na hindi pa niya gaano gamay ay inilipad niya sa itaas si Faye at binigyan nang...
ISANG MADIING HALIK
Namulat si Faye sa halik na iyon! Bakit? Anong meron? Buhay pa naman siya diba? Halata naman na nahulog na siya kay Raphael, eh si Raphael kaya? sa isip-isip niya habang NAGTUTULUG-TULUGAN!