Chereads / The Healing Angel / Chapter 36 - ANG PAMAHIIN

Chapter 36 - ANG PAMAHIIN

"Good morning everyone!" masayang bati ni Faye sa mga bata.

"Good morning teacher!"

"Weh? Sigurado ba kayo na gagawin niyong good ang morning ni teacher? Ayoko ng pasaway habang na sa National Museum tayo. Makinig lang kayo sa amin ni Teacher Ji malinaw ba yon?"

"Opo!"

"Hindi katulad ng pagmamahal niya sayo MALABO!" sambit ni Teacher Ji nang nakaharap kay Faye. "Ayieeee charot!" napuno ng ingay ang gym dahil kinilig ang lahat.

"Ano Maam, si Sir Matt malabo? Alam kong malabo yung mata niya pero yung pagtingin niya?"

"Ano?" tanong ni Faye.

"Ayun TUMINGIN na sa iba!" at nasundan pa ng malalakas na tawanan dahil may girlfriend na nga si Matt matapos mareject ni Faye.

"Sabi ko naman sainyo wag kayong magpapaniwala sa mabubulaklak na salita ng mga lalaki." ani ni Faye.

"Oo nga mga walang isang salita, mga walang bay*g !" biro ni Teacher Ji.

"Kung magmamahal kayo piliin niyo yung lalaking marunong maghintay. Boys naman, pambihira wag niyo namang gawing lotto ang mga babae, masyado kayong maraming tinatayaan. Ayan tuloy maraming tinamaan pero marami ring nasaktan." banat pa ni Teacher Faye.

"Yung totoo po Maam nasaktan na ba kayo?"

"Hmmm. Alam niyo mas maganda siguro kung maghanda na kayo dahil aalis na tayo papuntang National Museum!" sigaw ni Faye at agaran namang nagtakbuhan papuntang school bus ang mga bata.

"Hoy Faye! grabe naman mga hugot mo." bulong ni Ji.

"Shhh. Eh kung pangit na lang kaya yung mahalin ko? Hirap sa mga gwapo mga manloloko!"

"Tama na yan, tama na yan, kalimutan mo na muna yung lalaki na yon malay mo mas makahanap ka ng mas papi sa National Museum!" parehas silang hindi nakatingin sa dinadaanan nang biglang muntik ng masapul si Faye nang rumaragasang sports car. Mabuti na lamang ay huminto ito.

"Hoy Kuya! sa susunod ayusin mo drive mo makakapatay ka!" sigaw ni Ji sa driver na biglang umalis. Sa itaas ng building naman ay nakahawak sa kanyang dibdib si Ton. Gamit ang kanyang laptop ay binabantayan niya si Faye. Mabuti na lamang at high-tech ang sasakyan kaya nahack niya ito dahil kung normal ito ay baka namatay na si Faye.

"Woah. Muntik na!" sabay hagod sa noo na may pawis.

Sa ibaba naman ay lakas-loob na ininda ni Faye ang nangyari. Parang wala lang ito nang umakyat siya sa may bus para bilangin ang mga bata.

"Kumpleto na tayo lahat, ready na ba kayo?"

"Ready na po Teacher!"

"Tara na Kuya!" at umandar na nga ang sasakyan patungo sa National Museum. Habang na sa biyahe sila ay napansin ng isang estudyante ang anim na uwak na lumilipad.

"Uy, uwak oh!" turo niya rito habang nanlalaki ang mga mata.

"Hala may mamamatay!" sigaw ng isang estudyante habang nakatakip naman ang kanyang bibig.

"Nababaliw ka na boy!" batok sakanya ng kanyang tropa.

"Hindi. Totoo nga yon! Ang kwento sa akin ng lolo ko, kapag daw may anim na uwak na lumilipad ibig sabihin may mamamatay raw!" kwento niya kaya naman natakot ang bawat isa.

"Hep! Hep! Hep! Yung pamahiin naman na yan wala yang batayan, nagkataon lang siguro." paliwanag ni Faye. Malungkot na kinausap ni Ji si Faye.

"Faye, hindi ka ba natatakot? baka nga totoo yung sinasabi ng bata? Biruin mo ilang beses ka ng muntik-muntikan na mamatay!" kita sa mukha ang pag-aalala ni Teacher Ji kaya naman niyakap siya nang mahigpit ni Faye.

"Ano ka ba! Wala lang to!" bumalik ulit sa pagkakatayo si Faye dahil mukhang inaantok na ang mga estudyante.

"So nandito tayo ngayon sa may Binondo Manila, ito ang oldest Chinatown sa buong mundo." paliwanag ni Faye. Biglang naglingunan sa kani-kanilang bintana ang mga bata.

"Hoy siomai o ang laki!"

"Ayon pa siopao!"

"Bakit ganon ang kulay ng pares nila?"

"Mukhang masarap yung isa na yon oh!"

"Affordable lang ang mga price nila diyan tapos mabubusog ka na. Kahit nga yata 100 pesos solve ka na!" nakangiting sabi ni Teacher Faye.

"Ang galing diba? Hindi lang yan. Majority ng mga bahay sa Manila talagang sirang-sira dahil sa world war 2."

"Wow!"

"Nandito na yata tayo sa may, ayan ayan nakikita niyo yan?"

"Manila City Hall po yan eh. Anong meron diyan?" tanong ng isang estudyante.

"Alam niyo ba na kapag tumingin kayo sa taas ng manila city hall ay para itong kabaong!"

"Nye! Nakakatakot naman po! Kanina pa nagpaparamdam yung kababalaghan dito. Ramdam niyo guys?" sambit ng isa nilang kaklase na matatakutin.

"Nako! Tama na yan wag niyo nang takutin ang isa't-isa dahil nandito na tayo sa National Museum."

Nagsimulang mag-tour ang mga bata.

"Wag niyong hahawakan ang mga painting ah." paalala ng nagbabantay.

"Ito ba yung Spoliarium?" tanong ng isang mag-aaral.

"Oo yan nga, ipininta yan ni Juan Luna." paliwanag ni Faye. "Ang laki no?"

"Opo, paano niya kaya pininta yung ganitong kalaking painting ? hmmm."

Sa hindi kalayuan ay may lalaking naka cap ang kanina pa sumusunod kila Faye. Sinusundan naman ni Ton ang sumusunod.

"Hello Raphael?" habang na sa linya.

"Anong balita sayo diyan Ton?"

"May umaaligid na lalaki rito, kanina pa niya sinusundan sila Faye."

"Ano?! Teka lang, hintayin mo ako diyan~"

"Rap, Rap, makinig ka sakin, hindi nako bata, akong bahala dito, promise!"

"Pero~"

"Eto na nga ba sinasabi ko~" biglang nawalan ng nagsasalita sa linya ni Ton dahil ang isang malaking jar ay pabagsak na sa ulo ni Faye. Masyadong malayo si Ton kay Faye at isa na lang ang natitirang paraan, kundi basagin ang jar.

Inilabas niya ang kanyang baril at sinipat ang jar. One, two, three...

Puk! hindi rinig ang baril dahil naka silencer si Ton.

Kumalat sa sahig ang mga bubog ng jar. Maswerte ang mga estudyante dahil malayo sila sa pangyayari, si Faye naman ay natamaan ng ilang bubog dahilan para magdugo ang labi nito.

Napaluhod si Faye sa nangyari at nagsimulang tumulo nang mabagal ang kanyang luha. Hindi niya alam ang nangyayari.

Samantala, hindi na rin naabutan ni Ton ang lalaki dahil mabilis itong nakalabas sa museum. Itinaas niya ang telepono at kinausap si Raphael.

"Rap, kasi~"

"Kasi ano?!"

"Kailangan na nating bantayan na talaga si Teacher."