Chereads / The Healing Angel / Chapter 28 - PATALSIKIN ANG BAGUHAN

Chapter 28 - PATALSIKIN ANG BAGUHAN

Tut Tut Tut

Malakas ang tunog na ito sa ward 7 ng emergency room. At isa lang ang ibig sabihin ng tunog na ito, may nag-aagaw buhay. Naghihingalo ang matandang babae na pasyente ni Raphael.

"Anong nangyari dito? Sinong doctor ang humawak sakanya?" sagot ni Doc Darwin na siyang naka receive ng emergency call sa mga nurse.

"Si Doc Raphael po." mahinang sabi ni Nurse Joan.

"Ano? Yung bagong doctor hinayaan niyong mag-handle agad? Eh nasaan na ba yung baguhan na yan?" pagngingitngit ng doctor.

"Andito ako." papalapit na si Raphael sa kanyang pasyente. "Excuse me lang po, I'll take responsibility kapag may nangyari sa patient ko." paliwanag ni Doc Raphael na ikinalaki ng mata ng isang doctor.

"What are you talking about? Ke-bago-bago mo ganyan ka ng umasta?"

"I'm just doing my job here Doc, nothing personal. At kung maaari, pwede na kayong umalis at may bubuhayin pa kaming pasyente." sagot ni Raphael habang chinecheck ang vitals ng pasyente. Ang galit na doctor naman ay inis na inis na ikinwento ang pangbabastos daw sakanya ng bagong doctor. Pinarating na rin niya ito sa taas at ikinalat ang balitang incompetent ang bagong doctor.

Dahan-dahang nilapat ni Raphael ang kanyang kamay sa pasyente. Susubukan niya ulit kung gagana ang kanyang kapangyarihan. Hindi nga siya nagkakamali dahil gumagana pa ito.

"May lason ang katawan ng pasyente, sino ang huling nag-inject dito? Hindi naman kasama sakanya yon?" tanong ni Raphael sa mga nurse na hindi maka-imik.

"Doc, alam ko na yan!" bulong ni Kuya Maki na may nang-sabotahe ng pasyente nila. Kaya naman mabilis niyang tinawag si Ton para icheck ang cctv.

Out of nowhere ay biglang huminto ang panginginig ng pasyente.

"Teka lang--" pagtataka ni Nurse Sam.

"Panong nangyari? Eh nagcheck lang naman si doc ng vitals at nag-adjust lang ng swero. Hm?"

"Baliw! baka nasobrahan lang sa dextrose yan kaya nagkaganyan, ang importante okay na yung pasyente." paliwanag ng isang nurse.

"Oo nga. At napakagaling kasi nitong si Doc Raphael!!" singit ni Nurse Joan nang may biglang pumuntang receptionist sa harap ni Doc Raphael.

"Hmm?"

"Doc, may emergency meeting po ang lahat ng staff today 5pm sa may 5th floor!" sambit ng receptionist sabay lakad pabalik sa lobby.

Habang nagsisibalikan ang mga nurse sa kanilang station ay kinausap muna ni Raphael ang team niya.

"Yung job niyong dalawa, maliwanag ba?"

"Maliwanag pa sa sabaw ng pusit! mag-iingat ka Rap!" akbay sakanya ni kuya Maki.

"Laban!" ani naman ni Ton habang nakahawak sa may kamao.

Sa loob ng conference room ay binubuo ng 50 na doctor na may iba't-ibang specialista. Sa pinakataas nito ay ang kanilang Chairman, Chief at Director.

"We will start our meeting na." one of the doctor doing the job bilang speaker.

"Okay go ahead." ani ng Chairman.

"We have complaints po regarding kay Raphael."

"Ano yon in particular?" pagtataka naman ng Director.

"May tumawag po kasi sa hotline natin na hindi qualified si Raphael na maging part ng hospital naten. Nagwo-worry ang mga patient. Wala siyang degree sa kahit anong medical course at higit sa lahat wala siyang license."

"Then? "

"Another complaint ay may muntikan na pong mamatay na patient sa ward 7 at baka pa tayo makasuhan ng malpractice kunng hindi dahil kay Doc Darwin baka patay na yung patient."

"Hmmm. So what do you want us to do?" tanong ng chairman.

"We're going to vote po kung dapat bang mag-stay si Raphael o patalsikin na." paliwanag ng speaker.

"I see." ani ng Chief.

"Hindi ba dapat hindi na tayo nagbobotohan pa? We all know na hindi ka pwedeng maging doctor kung wala kang license kesyo talented ka o ano, ang batas ay batas." mungkahi ng isang doctor mula sa department of neurology.

"I agree, gusto niyo bang masira ang image ng ospital dahil lang sa sikat na doctor qwak-qwak na yan?" opinyon ni Doc Darwin habang direktang nakatingin kay Raphael. "Wala pa yang napoprove, ano yung mga ingay lang sa social media? This is not a playground na pwede kang basta na lang maglaro kung gusto mo. Maging social media influencer ka na lang if you want."

"I think masisira lang naman ang image naten kung papalpak si Raphael, besides magiging advantage pa nga sa atin dahil sikat siya edi mas sisikat ang hospital natin. Am I right?" sabi ni Doc Krystal habang nakatitig kila Doc Darwin.

"Kumalat na nga kasi yung issue kanina sa ward 7!" pagpupumilit ni Doc Darwin.

"Kakalat lang naman siya kapag may nagkalat unless one of you is the culprit." paliwanag ni Krystal.

"Pinagbibintangan mo ba kami?" tanong ng head ng department of neurlogy.

"I didn't say your name or your department, so please wag mag-over react kung hindi naman kayo. Bakit hindi si Raphael mismo ang tanungin niyo regarding this issue, come on freedom of speech." nakangiting pahayag ng doktora.

"Oo nga!" sigaw ng lahat ng doctor na may kanya-kanyang opinion.

"Raphael, its your turn para magpaliwanag." ani ng Chairman.

"First of all, this hospital knew from the start na wala akong license to operate but they chose to keep me here because of my talent and its not my problem diba Chairman?" tumango lang ang Chairman.

"Go ahead."

"Second, if someone here ay may problema working with me, you can talk to me. Yung nangyari kanina, someone injected drugs sa patient ko without my knowledge!"

"Panong mangyayari yon? Bakit kami maiinggit?" tanong ni Doc Darwin. "Show us dali? May video ka ba?" pinuntahan ni Raphael ang tao sa cctv room, they checked all the files pero walang nag-inject na kahit ano.

"See? Nagsisinungaling siya." sabat ng kasamahan ni Doc Darwin.

"If you will notice, nawawala ang video files sa mga oras na ito (1:26 pm) ngayon niya sakin sabihin na walang nag-delete nito?" tanong ni Raphael.

"Hindi yan magiging relevant iho kung wala kang video na patunay, mahirap maniwala sa wala." paliwanag ng Chief.

"I'll show you..." may nag-play sa may malaking screen ng conference room, kuha rito ang lalaking naka cap na nag-iinject ng kung ano sa patient sa ward 7.

"Imposible. San mo naman nakuha yung files na yan?" tanong ng head ng neurology.

"Bakit ko sasabihin?"

Nagpulong muna ang tatlong nasa taas at napagdesisyunan na magbobotahan na lang para maging patas.

Nagsimula ang botohan at nagbilang na sila ng boto.

"stay, 15"

"leave, 26"

"stay, 20"

"leave , 29"

"stay, 28"

"leave ,29"

"stay , 29!"

"leave... 29!"

"Its a tie?" gulat na tanong ng isang doctor.

"No, may last na paper pa."

"Ano na?!"

"Stay, 30!"