Chereads / The Healing Angel / Chapter 29 - HUWAG MO NA AKONG HARANAHIN

Chapter 29 - HUWAG MO NA AKONG HARANAHIN

Nababalot ng kalungkutan ang bahay-ampunan ngayon dahil tatlo sa limang bata ay nakahanap na ng magulang na aampon sakanila. Ang natira na lang ay si Thea at Macmac na ngayon ay walang gana sa pagkain.

"Kawawa naman mga baby ko, ok lang yan dadalawin naman daw nila kayo!" pamimilit ni Sister Fe habang inaalok ang pagkain na hindi ginagalaw ng dalawang bata. Bilang kuya ay inaalok din ni Macmac si Thea ng pagkain para raw hindi ito magutom.

Nang biglang dumating si Teacher Faye at Teacher Ji na may dalang coloring books at art materials. Ang kaninang nagmumukmok sa gilid na si Thea ay biglang sinalubong ng yakap ang kanyang ate.

"Nako naman po, miss na miss ako ng bebe?" habang niyayakap ng mahigpit at hinahalikan sa pisngi ang bata. "Miss mo ang ate?" at tumango lang ang bata.

"Ate kanina pa po hindi kumakain si Thea." malungkot na sabi ni Macmac at alam din naman ni Faye na dahil wala na nga ang mga kalaro niya kaya ito malungkot.

"Magkukulay-kulay tayo ngayon nila kuya Macmac at Teacher Faye kaya dapat kakain ka muna okay ba yon bebe?" pilit ni Teacher Ji sa bata na agad naman kinain ang kanyang pagkain.

"Galing ah!" bati ni Faye.

Ilang sandali lang din ay dumating na si Raphael pero hindi niya kasama ang dalawa dahil mahimbing pa itong natutulog dulot ng puyat at pagod sa ospital.

"Oh Raphael, Doc pala! na saan na yung dalawang makulit?" tanong ni Sister Fe.

"Na sa bahay po mahimbing na natutulog, kawawa naman mga pagod na pagod." nakangiti nitong sabi hanggang sa pumunta siya sa direksyon nila Faye na nagcocolor ng books.

"Hi kamusta kayo?!" bati niya sa lahat, nag greet back ang lahat maliban kay Faye na hindi umiimik.

"Baby, pagkatapos mong coloran to next naman yung apple ha?"

"Sige po teacher!" nakangiting sabi ng bata.

"Tutal nandito si Doc, bakit hindi ho kayo makisali sa amin mag-drawing!" yaya ni Teacher Ji. "Kami naman ni Macmac magtatanim muna ng halaman sa labas hehe."

"Sandali--" naka-kagat-labi na si Teacher Faye.

"Diyan na lang kayo ni Doc kay Thea!" sabay kindat nito kasama si Macmac at Sister Fe.

"Teacher! Teacher! Drawing mo po ako ng elephang!"

"Gusto mo ng elephant? Si Kuya oh magaling yan mag-drawing! Bigay mo yung pencil mo dali!" nakanguso si Faye kay Doc sabay nag-suplada.

"A-ako? Teka lang hindi ako marunong---" pero huli na ang lahat dahil na sa kamay na niya ang lapis at papel at nag-eexpect ang bata. Gumuhit si Raphael at ipinakita sa kanila.

"Ay, titser sabi ko po elephant bakit snake po ang ni-draw ni Kuya?" tanong nito kay Faye na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.

"Sabi ko sayo di ako marunong! bakit mo ko tinatawanan?" tanong nito.

"Hindi kaya, ha , ha, " sabay pigil at magsasalita uli." Ngayon ko lang nalaman na hindi pala lahat ng angel marunong mag-drawing." sambit ni Faye na nakatono ng suplada. Napakamot na lang ng ulo si Raphael, bakit nga naman ganon, sa lahat ng talent na meron ang isang angel na katulad niya, wala yung art don.

"Shhhh." pagpapathimik niya sa dalaga. "May bata--"

"May angel po na nagda-draw teacher?" tanong ulit ng bata.

"Wala, hindi marunong ang mga angel mag-drawing Thea, pero alam mo ba?" nakatingin siya kay Raphael nang napaka-lagkit at biglang iiwas. Siya lang ba kinikilig? Ang unfair naman kung ganon sa isip-isip niya.

"Hindi ko pa alam Teacher." sagot ni Thea na nagtataka.

"Ang mga angel, magaling yan sila kumanta!"

"Talaga po ? Sige nga po!"

"Eh kaso natutulog pa ang angel ngayon, at ang sabi nila, si Kuya raw muna ang kakanta. Okay ba sayo yon? Sa totoo nga niyan eh kakanta talaga Si Kuya para satin. Diba???" nakataas ang kilay nito kay Raphael habang ginigitgit niya ng kanyang braso para pumayag.

"Ako kakanta?" pabulong na tanong nito habang nanlalaki ang mata.

"Oo, bahala ka iiyak to!" turo ni Faye kay Thea na naghihintay sa pagkanta ng kanyang favorite kuya.

Umupo si Raphael sa tabi ng piano at nagsimulang kumanta at tumugtog. Napakaganda ng boses nito, malamig at nakaka-antok. Isa ito sa mga talent ng anghel na katulad niya. Kaya nitong magpatulog ng mga bata gaya ni Thea na nakadantay na kay Faye dahil inantok na. Si Faye naman ay nagulat. She didn't know na magaling pala kumanta at tumugtog si Raphael, napag-tripan niya lang kasi na pakantahin.

"Tulog na ang bata, tama na yan, huwag mo na akong haranahin..." ani ni Faye habang nakayuko at hinahagod ang buhok niya.

"Haranahin?" pagtataka ni Raphael.

"Wala nga palang ganyan sainyo. Nevermind tsk." "Ganyan ba sa langit, yan ang talent mo?" tanong ni Faye.

"Nakagagamot kasi ang musika namin sa mga tao, ang isang katangian ng anghel na katulad ko tumugtog para magpagaling ng karamdaman. Lahat may iba't-ibang ginagawa sa langit." paliwanag ni Raphael na bigla namang nakaramdam ng gutom. "Oops"

Binitbit nila ang bata sa kwarto nito at inilapag sa higaan.

"Kain tayo tara?" yaya ni Raphael sa dalaga.

"Niyayaya mo na ba ko ng date? Eh may doktora ka na tsk." mataray na tanong nito.

"Date? Hindi mo alam yon jusko! Ayoko na! Ang hirap naman kausap nitong anghel na to."

"Ano ngang date? Ah si doktora? Niyaya lang ako kumain sa labas."

"Ayun nga, date ang tawag don! ewan ko sayo--"

"Tara , date na nga tayo, sabihin mo sakin ginagawa ng tao kapag may date."

"Ayoko. Pilitin mo muna ko." pag-iinarte ni Faye.