Dug. Dug. Dug. Tunog ito ng puso ni Ton.
"Masyado ka yatang kinakabahan Ton? May problema ba?" tanong ni Raphael sabay suntok ni Maki sa puso nito bilang tanda ng paglaban.
"Wala naman. Hindi lang ako sanay." ang ibig niyang sabihin ay ang mga pasyente sa emergency room. Maraming naghihingalo at umiiyak. Napupuno rin ang paligid ng mga dasal ng kani-kanilang pamilya.
"Diyos ko! Maawa na kayo!"
"Masyado pa pong bata si kuya Lord..."
At mayroon din namang nagwawala at sinisisi ang na sa taas.
"P*tangina mo! Bakit mo siya kinuha sakin!" na sasabayan ng malakas na hagulgol na para bang nababaliw.
Hindi na bago ang ganitong uri ng senaryo kay Raphael, pero ngayong tao na siya ay nakararamdam na siya ng takot at kaba. Hindi maitatangging tinatablan na siya ng awa sa mga tao. "Ito pala yun" sa isip-isip niya dahil ang memorya lang naman niya ang bumalik at panaka-naka naman ang kapangyarihan niya bilang anghel.
Hinipan niya ang kanyang palad at bumulong
"Gabayan niyo po ako..."
Maya-maya pa ay biglang dumagsa ang pila sa may emergency room. Kung tutuusin ay training pa lang sana ang tatlo kaya lang, kulang ang tao ngayon ng PH kaya naman mapapasabak talaga sila.
Isa, dalawa, tatlo... siyam , ganito karami ang ginamot nila Raphael sa may emergency room. Pinapanood lang sila ng ibang doctor, kung paano sila kumilos at gumalaw ay masyadong mabilis. Ang nakapagtataka nga lang ay simpleng operation lang ang ginagawa nila kahit na komplikado ang case ng pasyente.
Sa labas ng pintuan ng emergency room ay bumungad sakanila ang isang binatang tinamaan ng isang mahabang tubo sa katawan. Hindi ito nagsasalita, wala ring nararamdaman na sakit. Nakatingin lang ito sa mga tao sa paligid habang pinagtitinginan siya.
"Tsk." sambit nito sa mga taong nakatingin. "Hindi talaga nauubos ang chismoso at chismosa." sa isip-isip nito.
Nagulat ang lahat ng doctor, ni isa sa kanila ay walang balak na tanggapin ang pasyente.
"Doc, ayoko yan..."
"Ikaw na lang Doc Hannah--"
"Wait, hindi ko kaya yan."
Ilang sandali pa ay biglang lumakad sa direksyon ng pasyente si Raphael, nakangiti ito sakanya, ganun din ang pasyente binalik niya ang ngiti ng doctor.
"Masiyahin ka talaga?" sabay turo ni Raphael sa may parteng tinamaan ng tubo.
'Eto? Wala akong nararamdaman na sakit." at ngumiti ulit. "Teka lang magka-edad lang ba tayo?" manghang-mangha ang pasyente.
"Mamaya ko na sasabihin, kailangan munang tanggalin yang nakalagay sa katawan mo." tugon ni Raphael.
"Okay Doc, tiwala ako sainyo kesa sakanila." binaling ng pasyente ang tingin sa mga doctor na nakatingin.
"Tara na!" mabilis na tinulak nila Kuya Maki at Ton ang pasyente papunta sa operation room.
"Paki-check ang pulso ng pasyente."
Sinubukang gamitin ni Raphael ang kanyang kapangyarihan, hinawak niya ang kamay niya sa gawing may sugat para malaman kung may mga natamaan ba na internal organs bagamat wala siyang makita.
Ilang sandali pa ay tinawag niya ang kanyang team.
"Guys, mga isang oras na lang ang natitira sa atin, kapag hindi natin natanggal ang bakal sa katawan niya, alam niyo na. Hindi na natin kailangan ng anaesthesiology dahil hindi naman siya nakararamdam ng sakit."
"Ton, pakicheck ang history ng patient. At ikaw kuya Maki, kausapin mo muna ang pasyente at pakalmahin may kakausapin lang ako." sumunod lang ang dalawa nang walang ano-ano. Never silang nagduda sa kakayanan ng binata na ito.
Mabilis na tinungo ni Raphael ang departamento ng mga physician. Kailangan niya ng maalam sa larangan na ito dahil hindi basta-basta ang impaled object case kahit malala ito o mild lang.
"Magandang araw po sa inyo." bati niya sabay yuko.
"What's your agenda here ?" tanong ng isang masungit na lalaki. Pero hindi niya ito pinansin, bagkus, nagtungo siya sa direksyon ng Head Physician. Nakatingin lang sakanya ang head habang naghihintay sa sasabihin ng baguhan.
"As you can see, may emergency kami ngayon." alam naman ng lahat ang pasyente na yon kanina. Lahat sila ay takot na ihandle ang case na ito maliban kay Raphael.
"Then?" tanong ng head habang pinupusod ang buhok. Matangkad ito, kulay pula ang buhok, makinis at mukhang modelo.
"Gusto ko sanang manghiram ng isang physician para magcheck sa pasyente." request ni Raphael kaya naman biglang umatras ang buntot ng ilang doctor at lumabas sa kwarto. May ilang nagtulug-tulugan at nagbusy-busyhan.
"Walang gustong mag-volunteer?" tanong ng physician pero walang sumagot "Mga doctor ba talaga kayo? Cold feet?" pero wala pa rin.
"Narinig mo naman siguro. WALA." sagot ng head sabay balik sa ginagawa.
"Okay. Thanks sa effort ." wala ng oras para makipagtalo pa sa mga pabebe na ito sa isip-isip ni Raphael dumiretso siya palabas ng pinto at isinara ito. Dali-dali siyang bumalik sa operation room. Habang tumatakbo ay may biglang sumigaw.
"Pst! Hoy!" nung una ay hindi ito pinansin ni Raphael "Kailangan mo ng Physician diba?" pero noong pangalawa na ay humarap na ito.
"Yes, we need someone na maalam." sagot niya.
"What if mag-fail tayo sa operation? Would you take the blame?" paninigurado nito.
Ngumiti lang si Raphael bilang oo at dumiretso na sa operation room. Sinundan siya ng Head Physician dito.
"Ready na po?" at tumango lang ang magandang dalaga.
"Guys, focus muna tayo." alam ni Raphael na hindi makapag-focus ang dalawa dahil maganda ba naman ang na sa harapan nila.
"First of all, we need to know yung bleeding." banggit ng Physician. "Hindi dapat siya maubusan ng maraming dugo, we need more blood!"
Isang oras ang makalipas ay natapos na rin sila sa operasyon. Ang malungkot na balita ay hindi nabuhay ang pasyente. Wala ng pag-asa kaya naman lumabas na lang bigla ang physician.
"Alam mo na gagawin mo, kesa masira ang pangalan ko, mauna na kayong umalis." sambit nito kila Raphael.
Kumalat na naman ang chismis na incompetent at mayabang si Raphael.
"Ang bago-bago pa lang kala mo kung sino!" banggit ng isang nurse na chumichika.
Dismayado ang lahat lalo na si Raphael. Pero sa huling pagkakataon ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Hinawakan niya ang pasyente gamit ang kamay niya.
.
.
.
Ilang sandali pa ay dumilat ito na parang walang nangyari. Nagulat si Kuya Maki at Ton, ngayon lang nangyari ang bagay na ito sakanila. Na ang patay ay biglang nabuhay.
"Bumalik na ang kapangyarihan ko!" sa isip-isip ni Raphael dahil umilaw na ulit ang kanyang kamay.
"Oh pano ba yan, ayos ka na?" tanong ni Raphael sa pasyente.
"Oo naman, nagtiwala kasi ako sayo kesa sa mga gunggong na doctor jan!" sabay tawa nito.
Lumabas na ang team para kumain. Nauna na ang dalawa dahil si Raphael ay maninigarilyo muna sa rooftop. Mali ang manigarilyo, pero hinahanap-hanap ito ng katawan niya, siguro'y dahil tao na siya ngayon.
Sa likod niya ay may kumalabit sa kanya.
"Panong nangyari?" tanong ng head physician.
"Wala, swerte lang siguro." sagot ni Raphael habang sinisindihan niya ang sigarilyo ng dalaga.
"Ha ha. Walang swerte-swerte sa ospital..." sabay hithit at buga ng usok. "Do you have time tomorrow?" yaya nito.
"Para saan?" tanong ni Raphael.
"Hmm. Sabay lang tayo mag-lunch sa labas. What do you think?"
"Sure. Kung maraming patient eh--"
"Don't worry, Sunday bukas. By the way I'm Krystal." iniabot nito ang kanyang kamay sa binata.
"Ako si---"
"Raphael."
"Ah oo pano mong nalaman?"
"Lahat ng tao kilala ka, sikat ka kaya sa internet. Siya, I'm going!" sabay kindat nito at alis.