Chereads / Live or Die (Tagalog) / Chapter 1 - Simula

Live or Die (Tagalog)

🇵🇭AzzaleiJordan
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 23.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

Simula

Yinakap ko ang sarili dahil sa malamig na hanging dumadampi sa'king balat. Suminghot ako at huminto sa hamba ng pintuan ng aming bahay.

Bahay namin, dati ay maliwanag at napupuno ng tawanan ang bahay na ito pero ngayon… wala ng buhay at napakatahimik.

Nanikip ang aking dibdib dahil sa umalong kalungkutan. Nahihirapan akong huminga dahil parang pinipiga ang aking puso. Hot tears warmed my eyes. Agad akong tumingala upang mapigilan iyon.

Kinalma ko ang sarili at nagwagi naman ako.

Marahan ko itong binuksan at ang bumungad sa akin ay ang madilim na paligid. Masakit ang aking katawan dahil sa pagod at puyat, halos matumba na ang aking katawan dahil sa buong araw na pagtatrabaho.

"Z-Zion?" I called softly. Walang sumagot kaya nagsimula na akong kabahan. Nasaan siya? Bakit nakapatay ang mga ilaw?

Kahit masakit ang katawan at nangangatog ang mga binti, mabilis akong umakyat ng bahay.

Tumungo ako sa kwarto at agad na binuksan ang pintuan do'n. Madilim ang paligid, pero nakabukas ang bintana kaya nakikita ko siya sa pamamagitan ng liwanag ng buwan.

I sighed in relief when I saw Zion, sitting at the floor while clenching his fists. Pinalibot ko ang mata sa buong silid. Magulo ang mga gamit. Anong nangyari dito? I heaved a sigh.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na agad namang natigil.

"I'm worthless." Bigong bulong ni Zion sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao. Bumagsak ang aking balikat.

No, you're not.

"Zion, I'm home." Malumay kong saad sa kanya. Nakita kong tumingala ito, hindi alam kung saan titingin. Pinagpatuloy ko ang aking paglakad.

Naninikip ang dibdib ko habang tinatanaw siya sa aming maliit na kwarto. Yumuko ito ulit at magulo ang buhok. Nagbadya ang mga luha ko sa nasaksihan. Mabilis akong lumapit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit.

Anong nangyari sa Zion ko? Parang tinutusok ng punyal ang puso ko. Hindi ko na mapigilan, lumuha ako sa kanyang balikat. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Bakit siya pa?! Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, bakit siya pa?!

Naramdaman kong yumakap siya pabalik sa akin. Yinakap niya ako ng mahigpit at pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. Nararamdaman ko ring nababasa ang balikat ko.

Umiiyak siya?

Kinagat ko ng mariin ang labi at bumitaw ng yakap. I cupped his cheeks. Tears streaming down on his face. Mas bumigat ang puso at para itong pinipiga.

He's messed and I am the one who's hurting the most!

Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. Sa tagal na naming pagsasama, ngayon lang!

Suminghap ako at tinitigan ang mukha niya. Malulungkot ang mga mata at walang buhay. Hinang-hina at magulo ang mga buhok. Hindi ito si Zion ko. Hindi siya ganito.

Bigla na namang bumuhos ang mga luha ko. Nasasaktan ako. Parang may mga punyal na sumasaksak sa puso ko habang tinititigan siya. Naninikip at hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pag-iyak. Humahapdi na din ang aking mga mata.

"What happened to my Zion?" nanlulumo kong tanong. Yinakap ko siya muli at umiyak sa balikat niya. Hindi sumagot si Zion pero niyakap lang ako. Ramdam ko ang nanginginig niyang katawan.

Hinarap niya ako. He wiped my tears away and kissed my eyes. Pumikit ako ng mariin. Ano bang kasalanan ko? Ba't ito nangyayari sa kanya? Sa amin?

"Don't cry, please." Pain is evident on his husky voice. Pilit kong pinipigilan na umiyak pero wala itong epekto. I bit my lower lip hard.

"Look at you. My Zion is now b-blind.