Chereads / Live or Die (Tagalog) / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

Kabanata 4

"Carl, Tony. Nandito na kami ng girlfriend ko." Naka-ngiting sambit ni Brandon sa mga uto-uto niyang kaibigan. Nag-apir pa ang mga ito. Nandito kami ngayon sa kabilang baranggay.

Ngumiti ako sa kanila.

"Ganda ng girlfriend mo brad. 'Yan ba si Alzea? Iyong bagong lipat sa kabilang baranggay?" tanong ng kaibigan ni Brandon. Payat ito at moreno, may mukha rin pero hindi kagwapuhan.

Inakbayan naman ako ni Brandon.

"Oo, Carl. Ba't mo nga pala kilala ang girlfriend ko?" ani Brandon kay Carl. Ngumisi si Carl at Tony sa kanya. Parang may balak.

"Usap-usapan kasi na nililigawan ni Mason 'yang girlfriend mo. Hindi mo ba alam?" naka-ngisi si Carl habang sinasabi iyon.

"Patay ka rin kay Mason kapag nalaman niya 'to. Siguradong bubug-bugin ka na naman no'n." natawa si Tony at mukha namang nainis si Brandon sa kanya.

Marahas na binawi ni Brandon ang braso niya sa balikat ko at kinwelyuhan si Tony. Napalapit naman si Carl sa kaibigan.

Matatalim ang pinukol na tingin ni Brandon kay Tony. Halata namang natakot si Tony at namutla.

"Hindi na 'yon mauulit, isusumbong ko sila kay Daddy kapag may ginawa siyang masama sa akin at sigurado akong madadamay si Zion at ang Tiyo Joel nila." Naiinis pero mayabang na sambit ni Brandon kay Tony. Nanlaki naman ang mata ko, madadamay sila Zion?

Padabog na binitawan ni Brandon si Tony at mabilis naman silang umalis ni Carl pero naiwan si Brandon.

Bored akong lumingon sa kanya.

"Paano ba 'yan? Matatapos ko ba 'tong isang linggo?" tanong ko kay Brandon.

"Hayaan mo sila, mga inggit lang ang mga 'yon." He said, completely ignoring my question. I sighed.

"Brandon?" tawag ko. Lumingon naman ito sa akin at mabait na ang ekspresyon.

"Bakit, hon?" napa-irap naman ako sa hangin. Kadiri, hindi bagay sa kanya.

"Wala na sila, 'di na kailangan magpanggap." Sabi ko. "Itutuloy pa ba natin 'to?" tanong ko ulit.

"Oo," aniya. Tumango ako at nagsimulang maglakad papunta sa karinderya nila.

Gutom na ako.

"Para saan ba kasi 'tong pagpapanggap?" naiinis kong tanong. Inakbayan niya naman ako pero mabilis ko iyong inalis.

"Nakakahiya pero… aaminin ko na rin. May kapatid kasi akong babae. Mas matanda siya sa'kin. Kinekwento niya minsan sa akin yung mga nababasa niya sa ebook. Hindi ako sigurado sa pangalan." Sabi niya at napakamot sa ulo. Mabilis naman akong tumango para matuloy ang kwento niya.

"Tapos, may kinwento siya sa'kin. May gwapo daw na lalaki tapos maganda na babae. Eh yung babae, mahirap tapos kailangan niya pang ipa-ospital nanay niya kaya kailangan niya ng trabaho, sakto namang kilala nung babae yung gwapong lalaki, mayaman ang lalaki kaya napagpasyahan niyang dito nalang magtrabaho."

"Tuloy lang," ani ko. Medyo magulo siya magkwento pero ayos na rin.

"Hindi naman pumayag yung lalaki kaya nagmakaawa si babae hanggang sa pumayag na si lalaki. Sorry kung medyo magulo ha? Hindi kasi talaga ako story teller." Sunud-sunod akong tumango sa kanya.

"Okay lang, tuloy mo na." sabi ko, medyo naiinis kasi paputol-putol ang kwento niya.

"Pero, iba ang trabaho na inoffer ni lalaki, alam mo ba kung anong trabaho?" tanong sa akin ni Brandon. Unti nalang talaga, sasakalin ko na 'to!

"Ituloy mo na! Dami mong satsat." I hissed him. Mukha namang nagulat si Brandon pero tinuloy ang kinikwento.

"S-Sabi ni lalaki kay babae, 'Magpanggap kang girlfriend kita sa loob ng limang buwan' tapos 'yon. Mabilis na pumayag yung babae kasi madali lang daw. Pero sa loob ng lima na buwan, nainlove si babae kay lalaki. The End." Aniya at ngumiti na parang tanga.

Napatanga ako sa kanya.

"So, ano nga ang rason kung bakit tayo nagpapanggap?" I asked him impatiently.

"Umaasa lang naman ako na maiinlove ka sa'kin sa loob ng isang linggo." Aniya.

Malakas naman akong natawa sa sinabi niya. Halos hindi ako makahinga dahil sa kakatawa.

Baliw ba siya? Putcha!

Naalala ko rin, may gusto sa akin si Brandon sabi ni Mason. Kaya pala!

"Anong nakakatawa?" bakas ang pagkairita sa boses ni Brandon kaya tumahimik na ako at sumeryoso kahit mahirap pigilan ang tawa ko.

Hirap!

"Imposible kasi 'yang nais mo." Sabi ko at mabilis siyang hinila papunta sa karinderya nila.

Naghanap ako ng uupuan at hinila si Brandon doon. Ngumisi ako ng palihim.

"Date ba 'to?" he hopefully asked. I rolled my eyes on him.

"Hindi, ilibre mo ko. Ginutom mo ko eh."

.....

"Don't need permission

Made my decision to test my limits

'Cause it's my business

God as my witness

Start what I finished

Don't need to hold up

Taking control of this kind of moment

I'm lock and loaded

Completely focused my mind is open"

"All the you got, skin to skin, oh my God

Don't ya stop, boy"

"Somethim 'bout you makes me feel like a dangerous woman"

"Somethin 'bout, somethin 'bout, somethin 'bout you makes me wanna do things that I shouldn't..."

"Ganda ng boses mo ha! Parang magpagka-hawig kay Ariana Grande?" natigil naman ako sa pagkanta nang magsalita si Brandon sa'king tabi.

Panira talaga!

"Kilala mo pala 'yon?" tanong ko at tumingin sa kanya. Para kasing walang alam si Brandon sa mundo, puro video games lang inaatupag. Base sa mukha niya.

Nandito kami sa tabi ng dagat, hapon na at mahangin kaya masarap tumambay dito. Sa tingin ko ay mahal ko na ang Sunscape.

"Oo, idol 'yon ng ate ko eh."

"Ahh. Sino 'yang ate mo? Mukhang magkaka-sundo kami." Ani ko. Kanina pa kasi siya kwento ng kwento tungkol sa ate niya.

"Brandon! Tawag ka ni Mommy!" may narinig aking matinis na boses sa kalayuan. Mabilis naman kaming lumingon ni Brandon doon at may nakita akong babaeng mas matanda sa 'kin ng isa o dalawang taon. Magkasing tangkad lang kami at medyo maganda. Magkamukha din sila ni Brandon.

Ngumisi sa akin si Brandon. "'Yan ang ate ko, si Ate Bella." Aniya at tumayo 'tsaka sinalubong ang ate niya.

Mabilis akong sumunod kay Brandon. Agad na napabaling sa akin ang ate niya.

Ngumiti ako.

"Hi," bati ko. Ngumiti naman ito pabalik.

"Hello," mabilis niyang sabi at nananaliksik ang mga matang bumaling kay Brandon. Ha?

"Ito ba 'yong babae mo?! Ha?!" galit na galit na tanong ni Bella sa nakakabatang kapatid. Kumunot naman ang noo ko at napa-atras.

Ba't parang nagseselos 'yong ate niya? Hindi ko maintindihan.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ni Brandon sa ate niya. Mabilis na pinaghahampas ni Bella si Brandon habang may luha ang mga mata.

What the hell is going on?!

"'Di ba magkapatid kayo?" tanong ko at natigilan naman ang babae. Mabilis na humiwalay si Bella kay Brandon at pinunasan ang luha.

Natawa ito. "Sorry, I'm just practicing." Sabi niya att nagkibit-balikat. Kumunot naman ang noo ni Brandon at pinagpagan ang sarili.

"For what?" inis na tanong ni Brandon.

"I'm performing next month," mukha namang naintindihan 'yon ni Brandon kaya tumango nalang siya.

Ang galing umarte. Paturo nga ako.

Ngumiti ulit sa akin ang ate niya at nagpaalam.

"Sumunod ka, Brandon." Utos nito. Nang makalayo na ang ate niya ay nagsalita ako.

"She's weird," komento ko habang tinatanaw ang papalaying bulto ni Bella.

"Yeah, I know."

.....

Habang nagbabasa ng libro sa kwarto, narinig kong may kumakatok sa pintuan kaya mabilis ko itong binuksan, nadatnan ko si Mama doon.

"'Nak, nandoon sa baba sina Mason at Zion." Bigla naman akong kinabahan nang marinig ang pangalan ni Zion. Ba't sila nandito?

"Kumusta na po?" narinig ko ang malalim na boses ni Zion sa baba kaya mas lalo akong kinabahan. Tumiin ang aking bagang, magulo ang buhok ko! Siguradong sobrang pangit ko ngayon.

I looked calm outside but I'm actually panicking inside.

"Okay, Ma." Mahinahon kong sinabi.

Hinintay ko na munang bumaba si Mama bago isinarado ang pinto. Pumunta ako sa salamin at inayos ang mukha, naglagay pa ako ng kaonting cologne para mabango. Nang ayos na, mabilis akong bumaba.

"Mason!" excited kong tawag sa kanya at nakipag-fist bomb sa kanya. Kumuha ako ng upuan at umupo doon. Si Papa naman ay katabi si Mama habang nakikipag-usap kay Zion.

Narinig ni Zion ang boses ko kaya mabilis siyang lumingon sa akin pero hindi ko siya tinignan. Ayoko.

"Musta?" nakangisi kong tanong kay Mason.

"Okay lang. Nakita ko kayo kanina ni Brandon ah. Ba't kayo magkasama?" naka-ngising tanong ni Mason.

"Wala 'yon. May deal kasi kami tapos tumambay lang kami d'yan sa tabing dagat." Tumango siya at sumulyap kay Zion. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Zion kaya lumingon ako sa kanya.

Our gaze met and I felt my heart skip a bit. There we go again, his breathtaking gray eyes makes my body shake.

"Ahh…" bumaling ulit ako kay Mason at pinakalma ang sarili. "Bakit wala ka kanina sa tabing dagat?" tanong ko at inignora si Zion. Doon na kasi kami palaging nagkikita, doon na rin kami madalas tumambay kapag hindi na mainit.

"May trabaho pa kami eh." Sabi niya at nagkibit-balikat. Tumaas naman ang kilay ko.

Baka naman p'wedeng sumali sa kanila. Lumapit ako ng kaunti kay Mason, nasa kanya na ang buo kong atensyon.

"Anong trabaho 'yan? Baka p'wede din ako." Ani ko. Ngumiti naman si Mason at ginulo ang buhok ko.

"Hardinero kaming tatlo ni Tiyo Joel, hindi ka pa p'wede at sa tingin ko ay hindi mo kaya ang ganoong trabaho, ang liit mo kaya." Humaba naman ang nguso ko. Ano ba 'yan, akala ko p'wede ako.

I sighed.

"Ano bang meron? Napadalaw kayo?" iniba ko ang usapan.

"Birthday kasi ni Panther bukas, pupunta 'yon dito mamayang hating gabi. Dito siya magce-celebrate kasama pamilya niya. May oovernight tayo bukas sa isang resort." Nanlaki naman ang mata ko at bahagyang nakaramdam ng excitement.

"Sige, magpapaalam ako kina Ma-"

"Kasama rin sila, sabi ni Panther." Tumango-tango naman ako.

Bumaling ako kina Mama. Gano'n din ang sinabi ni Zion at pumayag naman sila Mama. Ilang sandali lang ay lumabas kami ni Mason dahil ililibre niya daw ako ng Mik-Mik.

Nang makarating kami sa tindahan, mabilis kaming bumili at tumambay sa labas ng bahay.

Nadatnan naman namin doon si Zion. Seryoso ito at parang walang pakialam sa mundo. Totoo nga ang sinabi ni Mason.

Napatingin ito sa amin.

"Sa'n kayo galing?" rinig na rinig ko ang baritono at malamig niyang boses.

"D'yan kina Nanay Rosa, bumili lang kami ng Mik-Mik." Ani Mason at kumuha ng dalawang upuan at binigay sa akin ang isa. Mabilis naman akong umupo doon.

Bago pa maka-upo si Mason, tumunog na ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa at tumingin sa amin.

"Excuse muna," aniya at lumayo.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali pero pinatili kong mahinahon ang mukha. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko sa bulsa nang maalala na nasa taas pala iyon. I sighed.

"Ba't kayo magkasama ni Brandon?" halos mapatalon ako nang tanongin niya iyon. Bakit ba siya nanggugulat?

Hindi ako lumingon sa kanya para hindi niya makita ang nanginginig kong labi.

"H-Ha?" putcha naman! Ba't ako nautal?

"Ang sabi ko; bakit kayo magkasama ni Brandon?" ulit niya pa. Mas lalo namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Halos marinig ko na ito.

"K-Kasi may deal kami."

"Anong deal?"

I sighed. Nagsisimula na aking mainis. Sino ba siya para tanungin 'yon? Close ba kami?

"Kailangan ko pa bang sabihin sa'yo?" naiinis kong tanong. May kasalanan pa siya sa akin, baka nakalimutan na niya.

"Just tell me what is it." Naiinip na sabi niya. Wow, ha!

"Bibigyan niya ako ng tatlong libo pero magpapanggap ako na girlfriend niya sa loob ng isang linggo."

"Pumayag ka naman?"

"Oo, madali lang naman 'yon."

"Huwag kang lalapit sa magkapatid na 'yon. Mga baliw sila." He warned. Sina Brandon at Bella, baliw? Impossible.

"Paano mo nasabi?" sabi ko at umirap sa kanya.

"Seryoso ako, Alzea." Kumabog ang dibdib ko nang bigkasin niya ang pangalan ko. I closed my eyes.

"Paano mo nga nasabi na baliw sila?" inis kong sambit.

"It's a long story. Sumunod ka nalang."

"P-Pero, paano yung tatlong libo ko?" tanong ko.

"Ako na bahala,"