Kabanata 3
"Pansin ko lang, hindi mo na pinapansin si Zion nitong mga nakaraang araw. Ano bang meron?" tanong ni Mason habang kumakain kami ng Mik-Mik dito sa tabi ng dagat, naka-upo sa buhangin.
Tatlong araw nang nakalipas 'yon nangyari, hindi ko pa rin pinapansin si Zion.
Nasaktan kasi ako sa sinabi niya. Crush ko pa naman, oo, crush ko na. Gusto ko ngang i-uncrush eh, kaso lang hindi ko alam kung pa-paano. Ayoko namang magtanong kay Mason, baka asarin lang ako.
Kaming dalawa lang ni Mason, wala na si Panther, bumalik na sa Manila kasi doon siya nag-aaral. Si Zion naman ay kasama ang Tiyo Joel ayon kay Mason.
Ang Tiyo Joel pala nila ang nagpalaki sa kanilang dalawa kaya may utang na loob sila dito.
"Nagtampo lang naman ako sa kanya." Sabi ko habang malayo ang tingin. Humigop ulit ako ng Mik-Mik at naubo naman ako dahil dumeresto iyon sa lalamunan ako.
Ano ba 'yan, panira!
Tinapik-tapik naman ni Mason ang likod ko habang natatawa.
"Hinay-hinay kasi." Natatawa niyang sambit kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pero bakit ka nga nagtampo?" tanong ulit ni Mason. Mahilig talaga magtanong si Mason, nakakainis na minsan.
Humarap ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti. Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita sa kanya yung litrato ko sa bundok.
"Be honest, pangit ba suot ko?" tanong ko. Tumingin si Mason sa picture at umiling habang nakakunot ang mga makakapal niyang kilay.
"Hindi naman, bagay nga sa'yo eh." Sagot nito sa tanong ko. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo kaya naniwala ako.
Marahas akong suminghap at tinago ang cellphone sa short na suot ko.
"Sabi kasi ni Zion, pangit daw t'saka kulang sa tela yung suot ko." Nakasimangot kong usal. Tumango-tango naman si Mason habang natatawa.
"Hindi naman kulang sa tela. Ang OA niya," si Mason habang natatawa. Oo nga naman.
Kalaunan ay naghari ang katahimikan.
"Strange," biglang usal ni Mason sa hangin. "Wala kasing pinapakialaman si Zion. Si Zion kasi yung tipong tingin palang niya sa'yo may 'I-don't-give-a-fuck' na siyang ekspresyon." Wala sa sariling usal niya at lumingon sa akin.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mason. Ano naman ang dahilan niya? Ayaw niya ba sa akin kaya iniinis niya ako? Ewan!
"Siguro ay little sister ang turing niya sa'yo ta's protective lang siya." Ani Mason. Little sister? Napasimangot naman ako doon. Ayokong ituring niya akong little sister.
"Ang OA niya," nakasimangot kong reklamo at umirap.
Tinignan ni Mason ang reaksyon ko at napa-ngisi siya.
"Ba't ka nakasimangot?" amusement is evident on his face. Mas humaba pa ang nguso ko sa inasta niya.
Bumaba ang tingin ko sa buhangin at nilaro 'yon gamit ang aking kamay. Hindi ko alam ang sasabihin! Ano nga ba?
"Crush mo 'no?" natatawang usal niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at mabilis siyang inilingan.
Kalma, brad!
Kinalma ko ang sarili at sinabing; "Hindi ah, ano kasi…" I trailed off. "Ayokong tinuturi akong bata. Kaya ko naman ang sarili ko." Palusot ko. Kinakabahan ako dahil baka malaman niya at sabihin kay Zion. Nakakahiya 'yon.
Tumango si Mason pero mukhang hindi siya naniniwala. Maniwala ka, please!
"Ayaw maniwala nito," sabi ko at umiling-iling kay Mason para maniwala na. Natawa naman ito.
"Oo na, naniniwala na."pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumingin siya sa langit.
"Malapit na maggabi, hatid na kita sa inyo." Aniya. Tumayo na ako sa pinagpagan ang suot kong short. Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad.
"Alzea, alam mo bang may gusto sa'yo si Brandon?" sabi ni Mason habang naglalakad kami pauwi sa amin.
"Ngayon ko lang nalaman." Ani ko. Kilala ko si Brandon, malapit lang ang sa kanila sa amin. Magka-edad lang kami. Gwapo si Brandon pero mas gwapo si Zion—ay! Galit pa pala ako sa kanya.
"Nakikita ko kayo minsan na mag-kasama ha. Lagot ka talaga sa'kin pag nalaman kong may boyfriend ka na." banta nito. I pouted.
"Wala akong gusto sa kanya at saka pinagbawalan na rin ako ni Mama." Depensa ko.
"Good."
"Eh ikaw? Kailan ka kaya magkakaro'n ng girlfriend?" naka ngisi kong tanong kay Mason. Natawa naman ito at inakbayan ako.
"Ewan… wala akong magustuhan na babae dito eh. Siguro kapag naging photographer na ako, baka model maging girlfriend ko." Aniya.
"Model? Mukhang imposible 'yon." Asar ko sa kanya at natawa. Mabilis niya namang kinurot ang ilong ko.
Sakit!
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan at nakarating na kami sa bahay.
"Mason, sakto nakaluto na ako ng hapunan. Halika, dito ka na kumain sa amin." Anyaya ni Mama na nasa labas ng bahay, mukhang hinihintay ako, o baka naman si Mason?
Tsk, hindi manlang ako pinansin.
Sabay na kaming pumasok sa bahay. Si Mama naman ay panay kwento kay Mason at ito namang si Mason ay nakangiti rin na parang tanga.
Nadatnan namin si Papa na nasa kusina, nakaupo na sa hapag.
"Oh? Alzea, dinala mo pala manliligaw mo." Salubong sa amin ni Papa. Natawa naman kaming dalawa ni Mason, sanay na kami dahil marami na ding nagsasabi n'yan sa'min.
"Hindi ko 'yan manliligaw, Pa. Kuya ko 'yan." Usal ko. Nagfist-bomb naman kami ni Mason. Dalawang taon lang ang tanda ni Mason sa akin.
"Kuya? Eh bakit si Zion hindi mo maturing na Kuya?" natawa naman ng malakas si Mason sa sinabi ni Mama.
"Sabi na nga ba eh. May gusto ka kay Zion 'no? Umamin ka." Si Papa. Bigla naman akong kinabahan dahil ang ingay namin sa bahay, baka may makarinig sa labas.
Pero! Hindi ako magpapadala sa kanila.
"Hindi nga," mahinahon kong sagot. Iba ang 'gusto' sa 'crush', sa tingin ko. Wala pa kasi akong karanasan sa gan'yan kaya wala talaga akong alam.
"Weh?" si Mason. Sinuntok ko ang matigas na braso niya sa inis.
"Hindi nga kasi." Inis kong sabi at umupo na sa upuan. Nagtawanan pa silang tatlo sa akin bago sila umupo.
Hayst.
.....
"Alzea Divon, gising na!" pinatay ni Mama ang electric fan sa kwarto kaya hindi na ako makatulog. Mabilis akong bumangon at umupo sa kama habang mapungay ang mga mata. Mabigat pa ang tulikap ng aking mga mata.
Nasa hamba ng pintuan si Mama habang may hawak na tsinelas, ang pinaka-malakas niyang sandata. Huwag po!
"Bakit?" malumay na sabi ko. Ang aga-aga!
"Aba! Alas otso na ng umaga! Tanghali na, bumangon kana d'yan." Napakamot naman ako ng ulo at inis na bumangon. Baka batuhin ako ng tsinelas, mahirap na.
"Tanghali na daw, eh alas otso pa," I murmured in annoyance.
Bumaba na ako at tumungo sa CR para maghilamos. Hanggang ngayon ay naka-pyjama pa din ako. Nagtoothbrush na ako at naghilamos, pagkatapos ay lumabas na ako ng CR at kinuha sa lamesa ang suklay para suklayin ang buhok ko.
Habang nagsusuklay, lumabas ako ng bahay at nakita kong nagka-kape si Papa sa labas. Humarap siya sa akin.
"Ba't nakasimangot baby ko?" sabi ni Papa kaya ngumiti ako kaagad. Gusto niya kasing ngumi-ngiti ako para maging magandaw daw ang araw niya.
"Ang ganda dito, Pa 'no?" sabi ko habang nililibot ang mata sa paligid.
Ang mga puno ay sumasayaw dahil sa lakas na hangin. Maingay na rin sa labas at maraming mga batang naglalaro. Malinis ang paligid at malamig ang simoy ng hangin.
I let out a breath. Narinig ko naman ang mga yabag ni Mama sa likod at naglahad siya ng gatas sa akin.
"Salamat," pasalamat ko kay Mama na ngayo'y tumabi kay Papa.
Iinom na sana ako ng gatas nang may maalala.
"Pa? Nakapag-check up ka na ba ngayong buwan?" tanong ko kay Papa.
"Hindi pa 'nak, siguro ay sa susunod nalang na buwan." Bigla naman akong nag-alala sa kalusugan ni Papa. Hindi p'wede, kailangan ay buwan-buwan.
"Bakit?" tanong ko at humigop ng gatas sa baso.
"Mag-aaral ka na sa susunod na linggo, malapit na. Kailangan may pera tayo para sa mga gamit mo." Usal ni Mama. Tumiim ang bagang ko.
May sakit si Papa sa baga. Hindi p'wedeng hindi siya makapag-check up. Kailangan ay buwan-buwan. Magtrabaho kaya ako? Part time lang, pambili lang ng mga gamit ko. Kaya ko naman, may experience na 'ko dati.
Lumingon ako sa kanilang dalawa.
"Pa, magpa-check up ka nalang. Ako na bahala sa mga gamit ko." Ani ko at kumindat sa kanilang dalawa. Kumunot ang noo ni Papa.
"Saan ka naman kukuha ng pambili mo ng mga gamit?" tanong ni Papa.
"Kina Brandon, may karinderya sila sa kabilang baranggay, magtatrabaho ako bilang waitress. Ayos ba?"
.....
"Brandon!" tawag ko kay Brandon na naglalakad patungo sa tindahan. Bumaling naman ito sa akin at kumaway. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya.
Pumayag na sina Papa at Mama pagkatapos kong kulitin. Hindi pa nga ito sumang-ayon no'ng una, buti nalang magaling akong mangumbinse.
Ngumiti ako sa kanya. "Brandon, 'di ba may karinderya kayo sa kabilang baranggay? P'wede bang mag-apply ako bilang waitress sa inyo?" I asked politely. Napakamot naman ito ng batok.
"Hindi p'wede eh. Kailangan daw eighteen pataas." Sabi niya.
Ang choosy! Akala mo naman malaking kompanya iyon. Gusto tuloy umikot ng mata ko kaso pinigilan ko kaagad. Kailangan maging mabait ako.
"Sige na, Brandon. Isang linggo lang naman akong magtatrabaho do'n eh." Pagpilit ko sa kanya at pina-awa ang mukha. Maawa ka, please!
"Sorry, Alzea. Hindi talaga p'wede eh. 'Yon ang bilin ni Mommy." Malungkot niyang sabi.
Ngumisi naman ito ulit na para bang may magandang naisip, at wait, may kasama pang pitik!
"Ganito nalang. Huwag kana magtrabaho, sa akin nalang." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Ano namang trabaho iyan?
"Ganito lang ang gagawin mo; magpapanggap kang girlfriend ko sa loob ng isang linggo tapos may tatlong libo ka na." nakahinga naman ako ng maluwag. Iyon lang naman pala eh.
Hindi naman mahirap iyon, magaling naman akong magsinungaling.
"Ano? Deal?" naglahad ng kamay si Brandon at tinanggap ko naman iyon. Isang linggo lang pero may tatlong libo ka na, saan ka pa?
"Deal,"