Kabanata 1
Marahan akong naglalakad papunta sa tabi ng dagat. Hindi ko alam na ganito pala ito kaganda. Ang mapuputi at mapipinong buhangin ay dumidiin sa aking mga paa. Malakas ang alon ng tubig. Ang itim at mahaba kong buhok ay sumasayaw dahil sa lakas ng hangin gayundin ang aking suot na bistida.
Mabuti nalang ay may sapaw akong short shorts para hindi makita ang underwear na suot ko.
Nang makalapit ako sa tubig, nilubog ko ang aking mga paa sa maalat pero malinaw na tubig. Malamig at basa ang paligid at hindi ako sanay. Bumuga ako ng hangin. Kailangan ko ng masanay dito. Dito na ako titira.
Bagong lipat kami mula sa s'yudad kaya medyo nababaguhan ako. Magaan pala sa pakiramdam itong sariwang hangin, nakaka-relax. Magpapahangin na muna ako dito, tutal ay nagaayos pa ng mga gamit sina Mama at Papa.
Okay, gusto kong tumulong pero sabi ni Mama huwag na raw kasi mas lalo lang daw tatagal. Hayst, hindi ko gets.
Nakadungaw lang ako sa maganda at malinis na dagat nang may magsalita sa aking likod.
"Bagong salta ka?" tanong ng boses. Mabilis akong lumingon sa nagtanong at nakita ko ang gwapong lalaki na nakangisi sa aking likod habang nakadungaw sa mga hita ko.
Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na iba ang tingin niya sa hita ko, malagkit…
Tumikhim ako at hinarap siya.
"Bakit d'yan ka naka-tingin?" naiilang kong tanong pero mukhang hindi iyon narinig ng binata dahil nakatitig pa din ito sa mga hita ko, mukhang pinagnanasaan.
Umapaw naman ang iritasyon ko. Nakakainis talaga ang mga lalaking manyak! Wala silang respeto sa'ting mga babae!
Umangat naman ito ng tingin sa akin at ngayon ko lang napagdasahan ng tingin ang kanyang gwapong mukha.
Tumiim ang aking bagang at kinalma ang sarili. Kalma lang!
Nakita ko namang nawala ang ngisi nito at sumeryoso. Maybe he realized that I'm too young to fuck with. I smirked.
Ang buhok niya ay medyo mahaba, yung parang napapanood mo sa anime movies, at kulay tsokolate. Makakapal ang kilay at mahahaba ang mga pilikmata. Ang matangos na ilong niya ay nagsasabi na hindi siya purong Pilipino. Meron siyang manipis at mapulang labi, paborito ko na yata 'yon. Ang panga niya ay perpekto, yung tipong pang-modelo ang datingan. Bumaba ang mata ko sa katawan niya.
He's masculine even though he looks young. He had a lean shoulders and his biceps are in the right place. His skin are golden tanned and he's tall, maybe 5'11?
Bumalik ako sa kulay abo niyang mga mata at ngayon ko lang napansin na nagkatitigan na pala kami. His intense stares makes my knees weak, I don't know why.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako na kinikilig. May mga nagra-rambulan sa t'yan ko. Ramdam ko ang paginit ng aking pisngi.
Mabilis ang pagtibok ng puso ko at hindi ako mapakali sa kinatatayuan.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nang kumalma na ako, binalik ko ang aking tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Napansin ko namang natigilan ito. Hindi ko rin mabasa ang kanyang ekspresyon.
Misteryoso.
Sasagutin ko ba tanong niya o hindi? Obvious naman kasi na bago lang ako dito, pero sige na nga. I sighed. "Oo, bagong salta ako dito." Sagot ko nalang. Napakurap-kurap naman ito at parang nabalik sa reyalidad. Napa-ngisi naman ako sa inasta niya.
Seryoso siyang naglahad ng kamay sa akin. "Zion," pakilala niya. Ba't naging mabait ito?
Tinanggap ko naman ang kamay niya. Hindi naman masamang makipag-kaibigan dito, 'di ba?
I smiled at him, and at the second time, I saw him stiffened a bit. "I'm Alzea, by the way, how old are you?" tanong ko at inayos ang buhok dahil nagugulo sa lakas ng hangin.
"Eighteen, ikaw?" sagot niya. Mas matanda pala siya ng tatlong taon. Ibig sabihin ba no'n, tatratuhin ko siyang Kuya? Parang ayoko. Ha?
Nagsimula na akong maglakad sa seashore para maibsan ang pagkailang. Naramdaman ko namang sumunod Zion sa akin
"Fifteen pa ako," I can sense the disappoinment on my voice. Why? I don't know either.
"You sounds so disappointed. Why is that?" narinig ko ang malalim na boses ni Zion sa likod. Hindi ko alam na marunong din pala 'tong mag-english.
Ang sexy, bes!
"Ha? Hindi ah, baka guni-guni mo lang 'yon." Palusot ko. Narinig ko naman ang pagtawa nito sa likuran.
"Siguro nga, kaninang umaga pa akong walang kain. Baka nababaliw na ako." He barked a laugh.
'Lah? Baliw nga siguro, pero nakakaawa naman.
Hapon na, ibig sabihin ay ilang oras na siyang walang kain. Kawawa naman. S'yempre, mabait naman ako 'no!
Mabilis ko siyang nilingon. Tumaas ang kilay nito na parang nagtatanong.
"Hindi ka pa kumakain? Sakto! Bagong lipat kami, may handa sa bahay." Masaya kong sinabi at hinuli ang kamay niya papunta sa bahay namin.
Alam kong feeling close ako pero bahala na.
Nilingon ko ulit siya at nakita kong titig na titig ito sa akin. Nawala ang ngiti ko nang lumakas ang pagtambol ng aking puso.
Ano bang nangyayari sa akin? Crush ko na ba si Zion?
"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong ko para maibsan ang kabang nararamdaman.
"Hindi, nakakahiya lang kasi." Aniya at napakamot sa batok.
Natawa ako sa inasta niya, ang cute kasi.
"Sus! Hiya-hiya pa! Halika na." ngumiti ako ulit at mabilis siyang hinila sa lugar.
.....
"Oh? Pakainin mo na 'yang mga kaibigan mo, Zea." Sabi ni Mama sa'kin, si Papa naman ay tapos nang kumain at nakaupo sa maliit naming sofa.
"Sige Ma," lumabas na ako ng bahay at tinawag sina Zion at ang mga kaibigan niya sa labas. Nakilala ko sila kanina. Mababait naman sila at masarap kasama, ang ga-g'wapo! Sa'n ka pa?
"Zion, Panther, Mason. Tara na, kakain na daw sabi ni Mama." Tawag ko sa kanila. Nalusaw naman ang tawanan nila at napalingon sa'kin.
Ang swerte ko. Pakiramdam ko prinsesa nila ako.
"Tara na pre," ani Panther, pansin ko lang, siya ang pinaka-misteryoso at tahimik sa kanilang tatlo.
"First time mahiya ni Zion ah." Sabi ni Mason at natawa.
"Tumigil ka nga. Pinapahiya mo ko eh." Pabulyaw na bulong ni Zion kay Mason na naka-ngisi.
Tss. Bulong-bulong pa, narinig ko naman.
"Ay sus!" dagdag pa ni Mason pero natigil nang akbayan siya ni Panther. May kakaiba talaga kay Panther, hindi ko matukoy kung ano.
Nang makapasok kami sa bahay, mabilis silang pinaghandaan ng pagkain ni Mama. Si Papa naman ay tumatawa habang kausap sila. Mukhang close na sila.
Bilis ah.
Kumuha na din ako ng pagkain at umupo sa sofa.
"Tito, ba't naman kayo lumipat dito?" narinig kong nagtanong si Mason.
"Yung kumpare ko kasing nasa Manila, nirekomenda 'tong malaking isla. May sakit kasi ako sa baga dahil sa kakasigarilyo, kailangan ko ng sariwang hangin." Paliwanag ni Papa. Nakita ko naman silang sumulyap kay Panther.
"Oh, baka ikaw na ang susunod?" natatawang tanong ni Mason may Panther. Ngumiwi lang si Panther at wala ng sinabi. Naninigarilyo siguro 'tong si Panther.
Napansin ko namang pasulyap-sulyap si Zion sa akin kaya hindi ako tumitingin sa kanya. Baka mahuli niya ako.
Mabilis kong tinapos ang kinakain dahil naiilang talaga ako sa mga tingin ni Zion.
He's like a huge energy that I can't take.
Wow! Napa-english ako do'n, ah. Kaso lang, hindi ko alam kung tama ba grammar ko.
Pumunta ako sa kusina at nadatnan kong naghuhugas ng pinggan si Mama. Tumabi ako sa kanya. Dahil isa akong mabait na bata, tinulungan ko siya.
"Ma, ako na." ani ko. Humarap naman siya sa'kin, seryoso ang mga mata. Bigla naman akong kinabahan, baka kasi magrap na naman siya.
"Bilis mong kumilos 'nak, ha. Pansin kong pasulyap-sulyap si Zion sa'yo." Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis naman akong umiling.
Kalma, Alzea! Mapapansin ka talaga n'yan.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam, Ma. Kumakain kasi ako, hindi ko nakita." Mahinahon kong paliwanag.
"Siguraduhin mo lang, Zea. Kinse años ka pa." banta ni Mama. Natawa naman ako sa kanya. OA lang. 'Di joke lang.
"Opo," sabi ko at umiling-iling.
Lumabas na si Mama ng kusina at ako na ang nagpatuloy na mag-hugas. Ilang sandali lang, may narinig akong mabibigat na yabag papunta dito.
Si Papa siguro.
"Alzea," narinig ko ang baritonong boses ni Zion sa likod. Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Ba't siya nandito?
Dahan-dahan akong lumingon. "Bakit?" kinakabahang sambit ko.
"Sorry," iyon lang sinabi niya.
Mabilis namang lumapit si Zion sa'kin at inilapat ang malambot niyang labi sa akin. Ramdam na ramdam ko ang labi niya, bahagya niya pangsinip-sip ang sa akin. Halos manlambot ang tuhod ko sa ginawa niya.
Mabilis na bumitaw si Zion at lumakad papalabas ng kusina na parang walang nangyari.
What the hell just happened?