Kabanata 2
"Mas matanda si Zion ng tatlong taon sa'yo, dapat mag-kuya ka sa kanya." Sabi ni Mama sa akin habang nagtutupi kami ng mga damit.
Nasa kwarto kami ngayon, natuyo na kasi ang mga nilabhan naming mga damit kaya tinutupi na namin ngayon at ilalagay na mamaya sa cabinet.
Napalabi ako. "Ayoko, Ma. Magkaibigan kami, 'di na kailangan mag-kuya." Nakasimangot kong sambit. Bigla naman akong kinurot ni Mama sa tagiliran, napadaing naman ako sa ginawa niya.
Ang sakit niya kayang mangurot!
Nilakihan niya ako ng mata. "Respeto nga, Zea. Mag-Kuya ka." She said in annoyance. I sighed. Susundin ko nalang, baka magalit.
Isang buwan na kaming nandito sa isla ng Sunscape. Nasasanay na din ako dito. Masasabi ko ngang mababait ang tao dito pero hindi talaga maiiwasan ang mga tsismosa.
Noong isang linggo kasi, habang pauwi ako sa bahay namin galing sa tambayan namin nina Zion, Panther at Mason, may naririnig akong nagtsi-tsismisan malapit sa bahay namin at ako pa ang pinaguusapan!
Kesyo daw malandi ako kasi lapit ako ng lapit kina Zion. Nakakainis! Ang sasarap nilang kotongan pero hindi ko nalang sila pinansin. Kilala ko ang dalawang 'yon. Ang isa ay si Aling Josa pero napakalayo ng mukha niya sa pangalan. Ang isa naman ay si Aling Lea.
Ramdam ko rin na may galit si Aling Lea sa akin. Kesyo daw inaagaw ko si Zion mula sa anak niyang si Althea. Bakit? Meron bang namamagitan kina Althea at Zion? Wala! Paano ko naman inaagaw?
Sarap talaga kotongan, promise!
Sa loob ng isang buwan ko dito, si Mason ang palagi kong kasama, awkward kasi kapag si Zion o si Panther, masyado silang seryoso at tahimik. Si Mason kasi ay masaya kasama at masarap kausap.
Minsan naman ay sumasama ako sa kanilang tatlo, little sister pa nga ang turing nila sa akin. Naiinis din ako kay Zion dahil sumasakay siya sa trip nila Mason. Ayoko nga kasing tinuturi niya akong little sister.
Balik tayo.
Sa kabila ng mga inggit na tsismosa, masaya pa rin ako dahil dito na kami tumitira. May tatlong gwapo akong kilala. Sa amin kasi ay walang mga gwapo, wala manlang akong inspiration para pumasok. Boring pa!
Bumuga ako ng hangin. Parang isang taon na ako dito ha. Ngumiti ako nang maalalang sa susunod na buwan na ako papasok sa skwelahan. Naeexcite ako, first time ko kaya dito. New experience.
Ilang years nalang, matatapos na ako. Grade nine na ako sa susunod na buwan, ibig sabihin ay… nawala naman ang ngiti ko ng maalalang eight-seven years pa akong mag-aaral. Hayst, sige nalang.
Ieenjoy ko nalang.
.....
Nang matapos kami ni Mama, bumaba na kaming dalawa at nakita namin si Papa na bagong uwi, dala ang bunso namin, ang paborito niyang manok.
Gusto umikot ng mga mata ko pero pinigilan ko, baka kasi kurutin na naman ako ni Mama.
"Sabong na naman." Umiiling na sinabi ni Mama. Ngumiti naman ng malambing si Papa at lumapit kay Mama.
"Ito naman, ngayon lang kaya." Malambing ang boses ni Papa. Hindi ko alam kung anong sumasapi sa kaniya kapag tapos na ang sabong, bumabait bigla eh. Strikto kasi si Papa at masungit minsan pero nagiiba kapag panalo sa sabong.
Hmm, panalo 'to, sigurado. Makahingi nga ng pera. Lihim akong napangiti.
Lumapit ako kay Papa pero ang mata ay naka'y Mama.
"Oo nga naman, Ma. Ngayon lang 'to, baka nga panalo si Papa eh. May pandagdag na sa pambili ko ng mga gamit." Pagsang-ayon ko kay Papa. Nakita ko namang sumimangot si Mama sa aming dalawa kaya natawa ako.
Ang cute lang kasi kahit matanda na siya.
"Kayo talagang mag-ama! Alam ko na kung saan nag-mana iyang si Alzea." Naiinis na sambit ni Mama kaya sumeryoso na kaming dalawa ni Papa. Baka kasi kurutin kaming dalawa.
Mabilis na naglakad si Mama papunta sa kusina, baka magluluto ng tanghalian. Susunod na sana si Papa nang pigilan ko siya.
"Pa, may one-hundred ka ba d'yan?" tanong ko. Ngumisi naman ito.
"Sabi ko na nga ba eh." Iling-iling na sambit niya habang naglalahad ng dalawang singkwenta sa kamay ko. Sanay na siya sa akin.
"Thank you," pahabol ko nang sumunod na si Papa kay Mama.
Mabilis akong umakyat sa sariling kwarto at kumuha ng towel dahil maliligo na ako. Bumaba na ako at tumungo sa CR at naligo.
Pagkatapos kong maligo, umakyat ulit ako sa taas at nagbihis ng damit. Pinili ko ang itim na short shorts at isang dilaw na off shoulder.
Tumapat ako sa salamin at sinimulang suklayin ang buhok ko na hanggang bewang. Pagkatapos ay kumuha ako ng lipgloss at nilagyan ang medyo mapula kong labi. Nilagyan ko rin ng kaunting pulbos ang mukha at okay na!
Sinipat ko uli ang sarili sa salamin.
Medyo makapal ang aking mga kilay at nakaporma na. Ang mata ko ay itim at ang mga pilikmata ay makakapal, mahahaba at kurba kaya hindi na kailangang lagyan ng mascara. Bumaba naman ang tingin ko sa aking ilong. Matangos ito, namana ko kay Papa, one fourth german kasi siya.
Ang labi ay tama lang, hindi masyadong makapal, hindi rin masyadong manipis. Ang kutis ko ay maputi at makinis, namana ko ulit kay Papa, si Mama kasi ay morena.
Nang matapos, lumabas na ako sa sariling kwarto at bumaba na. Kinuha ko ang aking cellphone na naka-charge. Sakto naman na tinawag na ako ni Mama para kumain mg tanghalian.
Mabilis akong pumunta sa kusina.
"Oh? Saan ka na naman pupunta?" tanong ni Papa. Ngumiti ako sa kanya para pumayag.
"Ililibot daw kasi ako nila Mason dito sa isla." Masaya kong usal. Excited na 'ko. Dito pa lang kasi sa baranggay namin ay maganda na.
"Sige, basta umuwi ka bago mag alas sais. Naiintindihan?" strikto na ang boses ni Papa.
"Opo," sabi ko at kumuha na ng kain at ulam.
.....
"Mason, halika. Picturan mo 'ko." Sabi ko kay Mason na nakaupo sa damuhan. Malakas ang hangin at nakatayo ako dito na parang model.
Feel ko kasi.
Nandito kami sa magandang tanawin ng Sunscape Island. May dalawang maliit na burol dito sa Sunscape, dito ay unti lang ang tao, sa kabila naman ay maraming tao kaya ito ang pinili namin.
Kanina pa kami libot ng libot dito sa Sunscape pero masyadong malaki kaya aabot kami ng tatlong araw para libutin ang buong isla.
"Sige, tayo ka d'yan." Ani Mason. Hawak nito ang cellphone ko. Nagpose naman ako na parang model. Nang makadalawang kuha si Mason ay mabilis ko itong tinignan.
"Ganda ng kuha mo, Mason. P'wede ka na mag-photographer." Totoo naman eh. Ngumiti lang ito sa akin.
Ay, wow! Humble si kuya.
"It's his dream." Malamig na usal ni Panther sa kalayuan. Napabaling ako sa kanya, nakaupo ito sa damuhan habang may hawak na sigarilyo.
Kaya pala.
"Alam mo kung saan niya gusto kumuha ng litrato?" si Zion. Lumingon ako sa kanya. Seryoso ito at naka-kunot ang noo.
Ang gwapo pa rin, bes!
Lumingon si Mason sa kanya.
"Saan?" tanong ko kay Zion habang titig na titig sa kanya.
Tama na 'yang tingin, Zea!
"Sa mga model na babae." Sabi niya. Napa-iling-iling nalang ako at tumingin kay Mason na naka-ngiti, na para bang nahulaan talaga ni Zion ang gusto niya.
Mga lalaki talaga… tsk.
"Ikaw, ano naman ang sa'yo, Zion?" tanong ni Mason kay Zion.
"Engineer." Tipid na sagot ni Zion. Tumango-tango naman kaming dalawa ni Mason. Taas. Hirap kaya no'n.
Ang hot na engineer naman ni Zion. Iniimagine ko ngayon.
"Ba't ngayon ko lang 'yan nalaman, eh pinsan naman kita?" usal ni Mason. Mag-pinsan pala sila? Ngayon ko lang nalaman.
"Nagtanong ka ba?" si Zion. Napalabi naman si Mason.
"Ano naman ang sa'yo, Alzea?" narinig ko ang boses ni Panther. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Hmm, ang gusto ko? Gusto ko maging Doctor, noon pa man." Sabi ko habang ini-imagine ang sarili ko na Doctor. Mabilis akong bumaling sa kanila nang may maalala.
"Teka, nag-aaral pa ba kayong tatlo?" tanong ko sa kanila. Kuryoso lang ako.
"Yeah, I was just having a vacation here." Si Panther, habang nakatingin sa malayo.
"Oo naman, hindi p'wedeng hindi." Si Mason. Nakita ko namang tumango lang si Zion. Pansin ko, kanina pa siya tahimik.
Ano namang iniisip nito?
.....
Makalipas ang oras, malapit nang dumilim kaya umuwi na kami.
"Mason, mauna kanang umuwi, siguradong lasing na naman 'yong si Tiyo Joel. Magluto ka na ng ulam." Utos ni Zion kay Mason na mabilis namang sumunod.
Si Panther ay umuwi na, malapit lang kasi sa bundok ang bahay niya. Inutusan naman ni Zion si Mason na umuwi na kaya kaming dalawa nalang ni Zion.
"Ihahatid na kita," I can hear his deep voice in the back. Tumango lang ako sa kanya. Hindi na ako tatanggi. Para sa'n pa? Matigas kaya ulo ni Zion.
Naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraang buwan, hinalikan ako ni Zion dahil dare daw nila Mason at Panther iyon.
Sayang… akala ko totoo.
Habang naglalakad, nagsalita siya.
"Alzea," naging malamig ang boses nito. Parang gusto namang lumabas ng puso ko sa dibdib. Iba kasi sa pakiramdam kapag siya na ang tumatawag sa aking pangalan. Parang… hindi ko maexplain.
"Hmmm?"
"Ayoko n'yang suot mo," matigas na ang boses niya. Ha? Lumingon naman ako sa kanya.
Nahigit ko ang aking hininga nang makita sobrang lapit namin sa isa't-isa. Malamig ang kanyang tingin at parang wala sa mood.
"B-Bakit?" tanong ko habang kinakabahan at hindi makatingin sa mga mata niya. Pakialam niya ba?Pakiramdam ko kasi ay kakain niya ako ng wala sa oras.
"'Yang short na suot mo, masyadong maikli. Lalaki kaming kasama mo, hindi mo ba nakikita?" bakas ang inis sa boses niya kaya mas lalo akong kinabahan. Ano daw?
Tinuro niya naman ang off shoulder na suot ko. "At 'yang damit mo na 'yan? Kulang sa tela, hindi pa magandang tignan." Sabi niya. Umangat naman ako ng tingin sa kanya at seryoso ang mukha niya, walang bahid na biro.
Yumuko ulit ako nang mangilid ang mga luha sa mata. Agad ko iyong pinigilan. Ang sakit kasi ng mga sinasabi niya. Parang mga punyal na diretso sa puso ko.
Huminga ako ng malalim pero nanatiling naka-yuko.
"Okay… sorry." Sabi ko at tumalikod na sa kanya.