Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 4 - Losing Everyone

Chapter 4 - Losing Everyone

MABIGAT ang mga talukap niya noong piliting bumangon. Malabo ang buong paligid, pero ang panlalaking pamilyar na amoy ang unang bumalot sa kanyang sistema.

She glanced on her right side because of sun rays poking on her cheek. There was a huge window covered with gray curtain, it was not properly closed that's why sun rays keep on intruding the not so dark room.

"It's me, Malik. I brought your food."

Tumagal ng isang taon bago siya nagtiwala rito. Bawat patak ng dilim at liwanag ay may baong pagdurusa sa kanya. Palagi siyang binabangungot, kung minsan naman ay sinusumpong ng kanyang trauma.  Kaya naman noong nakatulugan ni Malik na bantayan siya isang gabing nagkasakit ang matandang babae na bantay niya, iyon ang naging simula na paghintulot niyang matulog itong kasama siya. Strange, her bad dream each night didn't bothered her if he was with him.

Tanging si Malik lamang ang puwedeng pumasok sa kuwarto nito. Kahit pa ito naman talaga ang may-ari niyon. Iyon ang kanilang usapan para sa kanyang kaligtasan.

She immediately jumped on the bed and run towards him.

Nagulat ang binata sa ginawa niya. Agaran nitong ipinatong sa kama ang tray na dala at sinalubong siya ng yakap. "Mom said you didn't eat last night. Why?"

Nakanguso ang kanyang labi nang hiniwalay ang sarili upang harapin ito.

Malik's eyes are deep and scary. If she didn't know him, she'll probably tell that he was angry. The way his brows are knotted and lips protruded, she wished she had the ability to read someone's mind.

"Saan ka nagpunta? Bakit wala ka rito kagabi?" Her lips quivered when she noticed the figure of a woman on the open door.

"I won't hurt you." Anito nang magtama ang kanilang mga paningin. Gusto nitong pumasok at humingi ng kapatawaran.

When the woman stepped her foot on the chess board designed floor, Jyra immediately runs on the side – freezing with fear.

"Mom will take this slow." Malik motioned something on the woman to stay in her position before he faced her, "Hermosa, she won't hurt you. She's my mother. We won't hurt you. You are safe even with her." Malik said, tip toeing their distance.

Tumango ang ginang, naaawa sa kanyang patuloy ang panginginig sa gilid at hindi makatingin.

"No one can hurt you here. I promise you." Malik assured her, sinusubukan siyang abutin gamit ng kanang kamay.

Dahan-dahan siyang kumalma at muling yumakap kay Malik. She even checked the food on the bed.

"I cooked those for you. I'm sorry if I scared you. Nabitawan ko ang tray dahil sa gulat ko sa'yo. Akala ko ay tulog ka at gusto ko sanang ilapag sa side table."

Kinagat niya ang kanyang ibabang nang maalala ang unang araw na makita niya ito.

"My mother likes you. Don't be scared of her. She is harmless."

Marahan niyang itinaas baba ang ulo, nahihiyang sumulyap sa ginang. She can compare her from those daisies on their yard – blooming and beautiful. How could she think that she's bad? Madilim ng mga oras na iyon kaya inakala niyang masamang tao ito at gusto siyang saktan. Agad itong umalis noon at pabalibag na sinara ang pinto. Naisip niyang gusto siya nitong patayin, kaya naman ang unang rumehistro sa isip niya ay iligtas ang sarili. Pero ngayong klarado niya itong nakikita, gumaan ang pakiramdam niya.

Ngumiti ang ginang. Dinampot ang tray at mahinhing lumapit sa anak para ibigay.

"I will bring you some beautiful clothes," she warmly said before facing her son. "Sweetie, make sure the Doctor's timing so we can check on her again."

Malik nodded her head nonchalantly. Muling ngumiti sa kanya ang ginang bago sila iniwang dalawa.

"Takot ka pa rin ba?" Tanong sa kanya ng binata habang hinihipan ang mainit na soup.

Nanatili ang kanyang paningin sa nagsarang pinto. Sobrang namangha siya sa ina ni Malik. Ang mapupulang labi nito ay nakakaakit. Ang bestidang puti na bumagay sa kahinhinan at mabuting puso nito ay nakakagaan ng loob. Ang maamong mukha na hindi nakuha ni Malik, ngunit tiyak siyang ang perpektong hulma ng ilong at manipis na labi ay nakuha nito sa ina. Pakiwari niya isa itong reyna sa ganda ng pagkakabagsak ng maalong buhok na umabot sa baywang.

"Ang ganda niya." Tanging nasabi niya, inilipat ang tingin sa manipis na labi ni Malik na kumukurbang bilog sa tuwing umiihip sa kutsara.

Kumibot ang kilay niya nang mapansin ang paglabas ng biloy sa kaliwang pisngi nito.

"Just like you."

Minasdan niya ang nagniningning nitong mga mata na kapwa nakatingin sa kanya. Something inside of her heated. Those foreign feelings flying on her stomach. And she can't deny that she like that feeling last.

Nang matapos siyang kumain, dinaluhan siya ng Doctor. Buong oras ay nakapikit siya at nakahawak sa kamay ni Malik. Nag-usap kasi sila nito na magtiwala rito at pumikit. Kung sa tingin niya ay masakit at hindi niya na kaya, sabihin niya lang ang pangalan ni Malik ngunit mananatili siyang nakapikit.

Idinilat niya lamang ang mata noong lumabas si Malik kasama ang Doctor. She's expecting him to stay on her side. Naiwang nakauwang ang pinto kaya sinilip niya ito. Natigilan siya ng makitang babae pala ang Doctor. Maganda ito at halatang maalaga sa katawan dahil sa kinulot na buhok at maputing kutis. May kulay din ang labi nito gaya ng sa ina ni Malik. Kaya pala kanina pa naglalakbay sa pang-amoy niya ang lavender. It is the doctor's scent then.

Malik caught her peeping, she immediately run to her bed and covered herself by the comforter. Kuyom ang mga kamao, ipinikit niya ang mata habang pilit binubura sa isip ang mga ngiti ni Malik habang kausap ang babae. Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya habang pinapakiramdaman ang tahimik na paligid.

Nanigas siya sa pagkakahiga nang marinig ang pagsara ng pinto. Hindi man niya nakikita pero nakatitiyak siyang si Malik ang papalapit sa kanya. Hinawakan niyang maigi ang bawat dulo ng comforter upang hindi siya makita nito.

Kaso isang hawian lamang ng binata ay natanggal ang tumatakip sa kanya.

"May masakit ba sa'yo?" ang nag-aalala nitong tanong. Agad lumapit para silipin siya.

Naninikip ang dibdib niyang tinalikuran ito. All of a sudden she doesn't want to see him. Those smiles are for everyone she thought it is only for her. But knowing Malik's rough expression, he is not easy to please. Maybe he likes her.

Natulala siya noong iharap siya ni Malik, nag-aalalang tiningnan ang braso niya. "What happen? May masakit ba sa'yo?"

Halos malukot ang mukha niya sa inaakto ni Malik. Kanina lang ay nakikipagngitian ito sa babae, ngayon naman ay akala mo may nagawa siyang mali. Padarang niyang hinila ang kamay, inirapan ito.

"What's that? Are you mad at me?"

Pinili niyang tumingin sa kaliwang bahagi habang busangot ang mukha. How could he gave his smile to anybody else?

Tumingin siya rito noong magsimulang umuga ang higaan dahil sa kakatawa. "Anong nakakatuwa?" gigil niyang tanong. Humahaba na ang nguso niya sa sobrang irita.

"You are mad at me because of what? Wala akong maalala na ginawang masama sa'yo."

"Nakita kita. Nakikipagngitian ka sa babae na tumingin sa akin. Bakit? Gusto mo siya?" she snorted. Umirap pa siya sa kawalan bago pinagkrus ang mga braso.

Tumigil sa pagtawa si Malik at seryosong lumapit sa kanya. Imbes na sumagot ito'y hinipo lamang ang noo niya. When he was satisfied, he playfully said, "What if I like her? What is it with you?"

Natutop niya ang bibig. May kung ano sa loob niya ang umalab sa sobrang galit. Gusto niyang suntukin si Malik pero hindi niya iyon ginawa. She, therefore, conclude that Malik is a type of guy who would prefer for a lady with red lips.

Piniga niya ang mga paa at matalim na tinitigan ang matipunong katawan ni Malik. Hindi nga naman kasi maipagkakailang hindi magustuhan ng doktora ito. Kahit takpan ng fitted white t-shirt ay bumabakat pa rin doon ang mga nagngangalit nitong abs. Ang matikas nitong dibdib at malabakal na braso ay hulma na bagaman mukhang hindi naman ito mahilig mag-gym. He is young for the doctor but not too young to consider as hunky and so manly to adore.

Her cheeks burned red as her eyes bloodshot with anger. She was sixteen. Young lady but, hell, she will be a woman someday.

Sinakop ng palad ni Malik ang pisngi niya ng parehas na kamay. Nangunot ang noo nang maramdaman ang panginginig niya. "I'm just kidding. I don't like her." Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi nito nang mapansin na seryoso ang panginginig niya. "Why you are shaking?"

"Gusto mo siya? Gusto mo ang babaeng may mapupulang labi?" Tumulo ang luha sa kanyang pisngi habang nangangatal ang mga labi.

"R-red, what? I don't like her. I will never like her." Natataranta ito sa pagpunas ng kanyang walang patid sa pagdaloy na mga luha.

"Sinungaling. Nakangiti ka pa nga habang kausap siya. Natutuwa kang kausap siya kaya ka ngumiti dahil gusto mo siya!"

Sasagutin sana siya ni Malik kung hindi lang dumating ang katulong at tinawag ito. Bakas ang pagdadalawang isip pero mukhang importante ang itinawag dito. Sa huli ay naiwan siya sa kuwartong iyon ng mag-isa. At sa hindi malamang dahilan lumubog nalang ang araw ay hindi pa rin nagbabalik.

Makalipas ng ilang araw, gumising ulit siyang hindi katabi si Malik. Hindi gaya ng ilang nagdaang araw, maganda ang gising niya bagaman masama ang loob niya sa binata.

Nagbukas ang pinto at iniluwa ang ginang. "I brought you my promise." Excited nitong iniladlad ang berdeng bulaklaking dress.

Umuwang ang labi niya sa sobrang mangha. The dress is very beautiful. Nahihiya niya iyong kinuha. At noong mahawakan ay lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti. Ang lambot noon tipong kapag sinuot ay parang binalutan siya ng damit na yari sa cotton.

"Hurry up. Wear it."

Agresibo niyang itinango ang ulo. Hindi niya masabi ang tunay na nararamdaman dahil sa sobrang saya at excitement na maisuot ang damit.

"Maligo ka at suotin mo iyan. Hihintayin ka—"

Hindi na niya naintindihan ang ilan pang sinabi nito dahil agad siyang dumiretso sa paliguan at mabilisang naligo. Gusto niyang makita siya ni Malik na suot iyon.

Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi niya nang maisuot ang dress. Mula sa whole body mirror ay sinilip niya ang sarili. Tinuyo rin niya ng tuwalya ang buhok, na kahit mabasa-basa pa ay hinayaan niyang nakabuladlad.

Nang makalabas ng pinto, kinain ng mahabang pasilyo ang paningin niya. Dumiretso siya at nilagpasan ang isa pang pinto. She assumed it Malik's mother room. She don't know, ayaw niya nang tingnan dahil ang gusto niya lang mahanap ay ang binata.

Isang grandiyosong hagdan ang humati sa mahabang pasilyo. Sa kaliwa ay ang hagdan at sa kanyang kanan naman ay portrait. She can't distinguish where is Malik there, kakaiba kasi ang pananamit at tila sinauna ang mga iyon. Pero kinalaunan ay naisip niyang baka pamilya ng lola o ancestor ni Malik.

Biglang lingon siya sa ibaba nang makarinig ng halakhak ng lalaki.

The Grandeur staircase compliments the big and elegant chandelier. Bigla niyang naisip na nakatira sa palasyo si Malik at tamang reyna ang ina nito.

"Nasa palasyo ba ako?" tanong niya sa sarili, sinasawa ang sarili sa gandang angking ng Chandelier. Kumapit siya sa gilid, dahan-dahan sa pagbaba nang hindi inaalis ang paningin doon.

It took her minutes to reach the ground floor. Hinanap agad niya ang tinig na naririnig at naabutan si Malik na may kausap na lalaki.

Malik is wearing his usual white fitted shirt that hugs his broad shoulder and hides the shy but dangerous abs, terno with his faded stripe jeans. Nakatalikod ito sa kanya at marahil ay naka-cross ang mga braso. Halata kasi ang pagkakahulma ng namumutok na braso.

Kumpara sa katawan ni Malik, ang kausap nito ay may light na pangangatawan. Maputla ang kutis, singkit ang mga mata at mukhang masayahin.

Natigilan siya nang magtama ang paningin nila nito. Marahil nagtaka si Malik sa kung anong tinitingnan ng kausap sa likurang bahagi niya. Bigla itong lumingon.

Napako siya sa kinatatayuan sa sobrang gulat. Nahigit din niya ang hininga noong tuluyang ito humarap habang madilim ang paninitig.

Nahihiya niyang tiningnan ang mga paa at wala sa sariling nakagat ang ibabang labi.

"And who is that beautiful flower?"

"We're done, Uno. Now leave."

Sa sobrang hiya niya ay hindi na siya ulit makatingin kay Malik. Kahit ang tumatawang kausap nito ay hindi niya magawang tingnan, hanggang sa magulat siya sa kamay na humawak sa braso niya.

"What are you doing here?" Malik asked his brows are furrowed. He looks grimly mad.

She opened her mouth to say something but she can't utter any words because of Malik's intimidating gaze. Mukha itong gutom na Lion na anumang oras ay handang atakihin ang kanyang pagkain. Nanuyo ang lalamunan niya at nagsisising bumaba pa.

Tumili siya nang isang scoop ay nabuhat siya nito. Walang imik na inakyat ang hagdan.

"Damn, Malik. Mag-uusap pa tayo!"

Nalingunan niya ang lalaki. Naiiling ito at kinindatan siya.

"Ayaw mo bang lumabas ako ng kuwarto?" Tanong niya nang ibaba siya ni Malik sa kama.

Kanina pa ito tahimik kaya hindi niya maiwasang kabahan. Inakala niyang matutuwa ito kapag nakita siya habang suot ang magandang dress. Inakala niya pupurihin siya nito at magugustuhan, iyon pala'y ikakagalit lamang nito. Hot tears rolled down on her cheek. Mula ngayon hindi na siya bababa nang hindi sinasabi nito.

His thumb stroked her chin. Iginaya nitong tumingin siya rito. "You're so beautiful that I don't want others to see you."

HILAW na ngiti ang lumandas sa labi niya nang matapos ibahagi ang nakaraan. "Hindi niya ako gusto kaya nga hanggang ngayon single ako." Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya bago binalingan ang kausap na driver. Huminto ang sasakyan kaya agad siyang sumilip sa labas.

"Ma'am, ang dami niyo pong admirer. Wala bang pumapasa sa panglasa ninyo?"

She played her teeth while thinking the old days. "He is my last. I think it will be hard for me to be in love again. Unless-"

"Unless he comes back?"

Sinilip niya sa rearview mirror ang kausap. Tinitigan doon ng masama. "Darcy, he is married now for sure. And, if not... it is impossible for him to exert an effort to find me." Noong umalis nga ako, hindi niya ako hinanap. Ngayon pa kayang taon ang lumipas. The thought of expecting him to look for her is like waiting for the moon to bright in the morning. She plastered a hilarious smirked on her face.

Word of the day, IMPOSSIBLE.

Walang gana niyang binuksan ang pinto. "I will give you a call once we're done." And without waiting for her driver's response she immediately shot the door closed.

Dahil glass wall ang Jams Bucket, madali niyang nakita kung nasaan ang kapatid. Naka-aviator si Frank, just his usual jersey jacket and skinny stripe black jeans. Sa tapat nito ang Attorney na kakatagpuin nila.

"I pray the love of God enfolds you during this difficult times," bungad sa kanya ng Attorney.

Not showing any happiness on her face, she politely nodded her head. "Thanks for your concern, Attorney." Tumabi siya sa kapatid at tahimik na ninamnam ang munting musika ng lugar.

Wala ng iba pang sinayang na oras ang lalaki at dagling inilatag sa harap nila ang dokumentong dahilan ng pagkikita. "That is your mother's will."

It is not the right time, pero hindi niya mapigilang mag-init ang gilid ng mata niya. Buong tapang niyang sinilip ang kapatid. It's hard for her to acknowledge his feelings. Bukod sa natatakpan ang mata ng kapatid, mukhang laging galit ito. She glanced back on the table. Halatang pinaghandaan dahil tag-isa talaga sila ni Frank ng hard copy.

Hinila niya ang para sa kanya at tahimik na binasa.

Formal ang una at pangalawang paragprah, at noong makarating siya sa panghuli ay agad siyang naluha. Carla stated that she wanted them to held the funeral privately. Burn her body and throw the dust on the lake where her husband is.

"You're so unfair!" she screams, tears no stopped from flowing on her cheek.

Frank choose to silently sob while looking at his shaking hand.

"I know it's hard. Hindi rin ako pumayag dahil alam kong hindi niyo gusto iyon, pero nakangiti siya noong isulat iyan. Sabi niya, makakasama niya na ang asawa niya anumang oras. All my life I've witness Rusty and Carla's relationship, and I should say they loved each other and she doesn't want to be apart from him. So, even if you really don't like the idea, please let's make her happy for the last."

Mariing ipinikit ni Jyra ang mga mata. Parang pinipiga ang dibdib niya sa sobrang sakit noon. I'm sorry. You've focused on me, hindi ko manlang naisip ang nararamdaman mo. "We will do it."

Biglang lingon sa kanya si Frank, ngunit hindi nagtanong.

KINABUKASAN, sinagawa nila ang libing. Iilan lamang ang dumalo gaya ng gusto nito. Marangyang tao si Carla Aldrich, kabaligtaran naman sa pamilya. Sa side ng asawa nito'y nasa ibang bansa, habang ito naman ay nag-iisa lamang na anak.

Yakap ni Jyra ang jar na pinaglagyan ng abo ng ina. Tahimik siya lumuluha habang tulala sa kawalan. Alintana ang lakas ng hangin, kahit magulo pa ang buhok.

"Ate? Gusto mo bang ako na ang gumawa niyan?"

Hindi niya binalingan ang kapatid. Umiling siya habang nakapikit. Muli niyang inalala sa pangdinig ang malambing na boses ng ina. Ang nakakaginhawang ngiti nito at bawat haplos nito sa tuwing siya'y napanghihinaan. She's the best mother. "I will do it myself." Nanghihina niyang binalingan ang kapatid.

Frank is boiled with emotion as well, tunay ngang sa panglabas lang ito matapang pero pagdating sa pamilya'y lumalabas ang kahinaan. He is crying too.

Muling nag-init ang gilid ng mata niya. Ang tahimik niyang pag-iyak ay nadagdagan nang panginginig ng kanyang balikat. Nagdadalawang man ay binuksan niya ang takip at itinapat ang jar sa lake. "Mom, I will miss you. I will never forget you. I love you so much." Her voice faltered. Naging mabigat ang bawat hikbi niya lalo noong itaob niya ang jar.

Ang marahang pagbagsak ng abo at mabilis na pagkawala sa ere dahil sa lakas ng hangin ay ang pagkawala niya ng ulirat.

Frank immediately hold her while the jar slipped on her hand and fall on the lake together with the rest of the ashes. She can hear Frank's voice, inaalog siya nito upang gisingin. Kaso hindi niya kinaya ang sakit na nadarama.

Losing her mother is losing her life. 

"Jyra, hold on. You have to be strong." Ang mga sigaw ni Winona na siyang tumanim sa kanyang isipan.

Give me a reason, Win. I need a reason to live.