KUNOT noo niyang nilingon ang lalaking lumapit.
This man. Siya iyong tumawag kay Malik sa Airport.
Automatic na lumingid sa mga sofa sa gilid ang kanyang mga mata. Compare to the ground floor where people are wild and drunk, sa second floor ay medyo kalmado o masasabi elite ang prisensiya ng mga tao roon.
For an uncertain feeling, she felt uneasy when she spotted the group of men sitting on a long sofa. Instinct tells her that they might be the man's comrade. All they're eyes were at them. She's not sure. Or maybe with this man.
Paglingon niya rito'y agad niyang naramdaman ang kamay nito sa kanyang baywang. She stiffenned, and unconsciously stepped forward causing her to bump his steel chest. His perfume annihilate her drunken head. Masyadong matapang iyon dahil sa pinaghalong amoy ng alak at marahil ay pabango nito.
"Lost?" tanong nito, nang-aakit ang mata na sinamahan ng lambing ang boses.
Muli siyang lumingon sa long sofa. Ang totoo'y may hinahanap siya, kaso nagpalit ang mapaglarong light effects at biglang naging dim sa gawi ng mga ito. She can't see their faces now. Idagdag pang pare-parehas ang built ng katawan gaya nitong lalaking nag-approach sa kanya.
She'd almost jumped when the man touched her bare shoulder. "Looking for someone?"
Naiilang siyang umiling at tinulak ito para makawala. She actually wanted to leave him but some part of her mind was saying he is here, probably Malik is here as well.
Ngumiti ang lalaki. Marahil ay nabasa ang galaw niyang pang-first timer. Muli itong lumapit at inaakit siya. Bigla niya tuloy naalala ang dalawang body guard niya. Kung kasama niya ang mga iyon tiyak hindi makakalapit ito sa kanya.
"Zedrick."
Kinilabutan siya sa boses na narinig. It's been years but his voice never fades in her heart. His strong voice that suits his intimidating presence that screams power and great terror. How could she forget those?
Kinakabahan man ay nanatili siya sa puwesto at pinanood ang pag-abot nito ng cellphone kay Zedrick.
Napahawak siya sa batok noong sumulyap si Malik sa kanya. Right there and then, napagtanto niyang mas lalong bumagsik ang prisensiya nito. The intensity on his eyes was showing no pity.
Natatakot niyang ibinalik ang paningin kay Zedrick. May kung ano sa screen ng cellphone ang nagpawala ng mapaglarong ngisi sa labi nito. At walang anu-anoy iniwan siya roon.
Gulat man ay agad siyang napahawak sa braso ni Malik nang magtangka itong umalis. Instantly her heart beats crazily as if it will crushed her ribcage. Kaya niya na bang sabihin?
"I'm—" Natutop niya ang bibig noong tumingin sa kanya ito.
Those pair of ruthless grey eyes digging a hole on her pale body. Sa isang iglap bigla siyang nangliit at nahiya. Nakita nito marahil ang ginawa sa kanya ni Zedrick. Isa na siya sa mga gaya ng mga babaeng mababa ang lipad sa paningin nito ngayon.
"I'm... looking for a loo," she bravely said.
Nahigit niya ang hininga noong tumingin ito sa suot niya bago huminto sa kanyang mga nangungusap na mga mata.
"It is on your left side. Just straight through."
And that's it, he left her without further ado.
Tumingin siya sa kaliwang bahagi. Doon ay nakita niya ang female signage. Kitang-kita iyon dahil sa ilaw nitong pink neon. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang kahihiyan. Of all situation, bakit sa ganitong pagkakataon pa sila nagkita? Hindi na siya pumunta sa wash room, agad nalang siyang bumaba at nagpaalam sa mga kasama na mauuna ng umuwi. She doesn't know how she made it to her unit. Basta natagpuan niya nalang ang sariling umiiyak sa ilalim ng bukas na shower. Nakasandal sa pader at tulala sa kawalan.
It hurts me that I can't forget him while he already did.
A week passed.
"What are we doing here?" tanong niya habang minamasdan ang matayog at engrandeng entrada ng Mall of Emirates.
"I understand your reason why you're doing this. Pero alam ko at nakikita kong nahihirapan ka. Don't push yourself. Magagalit sa akin si Carla kapag pinabayaan kita. Mag-shopping ka. Tour around. Maraming tourist spot dito, Iha."
Tama ang Ginang. Sa mga nagdaang araw, hindi niya sinayang ang bawat pitik ng oras para hindi pag-aralan ang mga prinisentang papeles sa kanya. Sobrang nahirapan siyang i-adopt ang system pero kinalaunay nakuha niya agad. Thanks to Mark and Nessie, she acknowledged even the small detail of the process. Kahit hindi niya naman iyon responsibilidad, she said it to herself that for her to understand everything about the company is to know the smallest duty up to the highest.
Hawak ang usb na naglalaman ng financial accounts ng kompanya, sinulyapan niya ang Ginang. "Tita, maraming salamat. But, I insist to come tomorrow for work."
Nag-aalalang tumango ang Ginang sa kanya. "You're working so hard, Iha."
"This is all for mother, Tita."
Mapang-unawang tumango ang Ginang. At bago bumaba ay humalik muna siya sa pisngi nito. Napagdesisyonan niyang bumisita sa isa sa mga boutique nila roon.
Sa bukana palang ay hindi niya mapigilang mamangha sa paligid. Kabilaan ang mga signature shop na hindi makikita sa mall ng Pinas. She stop on the center and adore the floating lights. It was magnificently paralleled as if it was not created by humans because of its perfections.
Wala sa sarili niyang inilabas mula sa kanyang sling bag ang camera na pang-blog at kinuhaan iyon ng picture. "Magugustuhan ito tiyak ni Winona." She murmured filling her unsatisfied taste for the perfect shot.
Naaaliw pa siya sa mga nakuhang shot nang maagaw ng atensyon niya ang boutique na hinahanap. She didn't expect it as wider than Dubai Mall. "You're so beautiful," she mumbled eyes were roaming the place.
The whole store was furnished with its manly motif black and white. Even the staff are well neatly uniformed with the same color. On top of its double door were engraved the golden named Elegance. Ang kinang noon ay parang isang mahika upang hikayatin ang bawat mamimili para pumasok doon.
May iilang customer at lahat ay pawang mga locals at western. The local one is paying on the counter while the two-man in their business attire are still searching.
She immediately slid on her bag the camera and walked silently.
A corporate attire man opened the door for her. Kahit ito ang unang pagkakataon niyang magawi roon ay nakilala siya nito.
"Welcome to Elegance, Ma'am—"
She immediately motioned to him to quiet. Ayaw niyang maabala ang mga namimili. She pretend to be a normal customer. Tumingin-tingin siya sa mga nakahilerang Cartier hanggang sa mapansin niya ang nasa gitnang bahagi.
A ring? Agad siyang lumapit para mas makita, ngunit hindi pa siya nakakalapit ng sagad ay napahinto na siya. Kaparehas kasi noon ang sing-sing na ibinigay ni Malik, tanging ipinagkaiba lamang ay wala itong diamond. It was only purely made of gold and very similar with the design. It is shining brilliantly as if it is rare to find.
Agad siyang lumapit kasabay nang isang Jewelry Assistant.
"I'm sorry, Ma'am, but this one is not for sale."
Nagtataka niyang tiningnan ang babae. Dahil doon ay tuluyan siyang nakilala nito. "I'm sorry, Ma'am Jyra. Hindi ko po alam na kayo 'yan."
"Shhhh. It's fine. Tell me, bakit hindi siya binibenta? Who put this here?"
"Si Ma'am Carla po, Ma'am."
Saglit siyang natigilan at wala sa sariling tumango. Why would mother made this ring and displayed here? Tulala niyang minasdan ang tag sa gilid ng sing-sing. There's a caption saying 'Little Dove.' Awang ang bibig, hindi niya napigilang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. What does it mean?
"Name your price for that ring then I will pay it double."
Nanigas siya sa kinatatayuan dahil sa pamilyar na boses. It is possible, right? Of all place, they will meet here again with an uncertain circumstances.
"S-sir. T-this is not—" Hindi natapos ng babae ang sasabihin dahil tumingin ito sa kanya. Halatang humihingi ng saklolo.
"Fine. Then, I'll triple the price."
She's struggling, dahil alam niyang hindi naman talaga iyon binibenta. Pero hindi naman kasi ibang tao ang may gustong bumili noon. It is him, the real owner of those design. Dahan-dahan siyang tumingin dito.
Malik's eyes were fixed on the ring as if digging a second hole in it. He even didn't bother to look at them.
She glanced at the woman and nodded her head. Umalis na rin agad siya at tumawag kay Nessie.
"Can you please check each branch who reach their quota? Give them their incentives and about the non-salable stuff, can you please give me the details. Whole details. Thank you."
Pumasok siya sa elevator at tumingin sa Elegance. Nanigas siya nang makita si Malik na nakatingin sa kanya. He is not moving as if he is really watching her. Oh no, no. You're not looking at me. She scratched her eyes and tried to look back, but Malik is there.
Awang ang kanyang bibig hanggang magsara ang pinto. Nanginginig at nangingilabot ang buong katawan niya sa sobrang intesidad na pinukol sa kanya ni Malik. Paano niya ba nagagawa sa kanya ang ganitong epekto? Kinamot niya ang batok at tahimik na lumakad patungo sa taxi stand.
Impossible. Hindi niya ako kilala...
She didn't stay long on Dubai. Within a month bagaman buwis buhay ay na-resolba nila ang problema. She sacrificed one branch to forcefully close because of low income. Nagkaroon sila ng try and error, bagaman hindi pumayag noong una ang elders ay kinalaunan sumang-ayon din naman.
She flew to Hongkong to fixed the same issue. Naisip niyang i-apply ang parehas na strategy na ginamit sa Dubai, though she will study again the flow for further and competitive progress. Mas nahirapan siya sa Hongkong at kinailangan ng isa't kalahating buwan ang pananatili niya roon.
"Jyra, ano nga ulit ang ginawa mo sa Dubai at Hongkong?" tanong niya sa sarili habang sinisipat ang kabuoan ng night Owl City. Natatawa niyang hinilamos ang mukha gamit ng dalawang kamay. "Damn. Did you swim on the pool of fire?" She groaned and burst out of laughter, reminiscing her aweful state during those ruthless experience. She raised the glass of wine and laughed at her craziness. "Hindi ko alam na may benefit pala ang pagiging balahurang tao."
Iiling-iling niyang nginisihan ang sarili. Hindi niya maipagkakaila ang experience niya sa halos apat na buwan. It changed her mindset and perspective. It makes her more matured but in a lively way. She smiles a lot now. The people of Hongkong teaches her how to work under tension with a smile on their face. Unbelievable but damn, she can prove it to herself.
Inilang lagok niya ang hawak na wine at bago ilapag ay lumingon siya sa loob. Her phone is ringing. She walked lazily to where she put her phone. There she saw on the screen her best friend's name. Agaran niya iyong kinuha at sinagot, "Win... I mean V."
"Jyra, nasaan ka?"
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi ng maalala ang automatic email para kay Winona at sa kakatagpuing mag-asawang Friis. "V, it is Winona don't forget that. Kanina lang ako dumating. And hey, you should be busy right now. I'll see you when I see you. Bye!" She immediately turned off her phone and threw it on her bed.
Nagmadali siyang maligo. Dalawang oras nalang at makikilala niya ang kikilalaning magulang. Bagaman kinakabahan, mas nananaig ang excitement na makilala ang mga ito. She satisfied herself with
As she stepped out of her room, huminga siya nang pagkalalim-lalim. Taban ang dibdib, iniisip niyang wala na itong atrasan. Kapag nakilala na siya ng magulang ni Winona, iyon na ang simula ng bagong buhay niya.
She took a deep breath again and then started to walk. Wearing her expensive smile and positive aura, she walked through the grand stair of the Nightingale Palace.
Naaninag niya na ang isang ginang at ginoo sa dulo at pribadong lamesa. Huminto muna siya upang humugot muli ng lakas ng loob habang nakapikit. Ang bilis ng pintig ng puso niya. Go, Jyra! Sa pagdilat niya ng kanyang mga mata'y natagpuan niya ang lumuluhang ina at ang nananabik na ama.
Inilang hakbang niya ang distansiya nila upang ang mga ito'y mayakap.
"We miss you!" Mr. Friis said, his eyes are teary.
"Narito na talaga ang ating Winona. Our princess, honey!" ang hindi makapaniwalang wika ni Ginang Friis.
Gumuhit sa loob niya ang pait dahil sa pangalang narinig. Pero para saan ang pait, kung iyon naman ang kanyang isinugal. Ang kanyang pagkatao. Mabilis niyang binura sa isipan ang selos at buong galak na niyakap ang ngayon ay ama at ina.
"Na miss ko po kayo!" she warmly said.
"Kay tagal kong hinintay ang muling mayakap ka, anak ko!" ani Ginang Friis sa mahinang boses. Hinigpitan nito ang yakap sa kanya kaya lalo niyang sinawa ang sarili upang damhin ang init na hatid ng haplos nito.
"Napagod ka marahil sa iyong biyahe, anak. Halina't kumain," anyaya ng kanyang ama.
Hinawakan siya ng ina sa braso matapos ay inanyayahan sa lamesang inokupa. Ramdam niya sa pagkakahawak nito ang pagpapahiwatig na ayaw na muling mahiwalay sa kanya. She misses those from Carla.
Ipinaghila naman siya ng kanyang ama ng upuan at doon siya naupo.
"Bukas pa uuwi ang kuya mo. He's excited to meet you, but he cannot make it today because of his work."
"No problem, mo-" she paused and felt awkward, struggling of how she will address her.
Ngumiti ang Ginang nang mapansin iyon. Bumaling ito sa asawang lalaki upang haplusin ang braso nito.
Tango naman ang isinagot nito sa asawang babae na para bang alam na ang ibig niyang sabihin.
"Noong bata ka ang tawag mo sa akin ay mimi at kay daddy mo naman ay didi. Bata ka pa noon. Kung ano ang gusto mong itawag sa amin ngayon ay malaya ka anak," mahabang paliwanag ng Ginang.
Tinitigan niya ang pigura ng dalawa na kapwa may edad na ngunit mababakasan ng kagandahang lalaki at babae noong kanilang kabataan. Kapwa kasi matangos ang ilong, hooded eyes na halatang hindi pure Filipino at mamula-mulang kulay.
"Mommy and daddy nalang po!" aniyang halos sa mahinang tono.
Uminit ang pakiramdam niya nang sabay na ngumiti ang mag-asawa.
Ito na nga ang tinatawag niyang buong pamilya. Nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso niya nang tuksuhin pa siya ni Mr. Friis. "Strange, this is exactly how I felt the first time you called me, didi."
Hindi nakaligtas sa kanya ang ginawa ni Mrs. Friis sa likuran ng asawa. Bagay na madalas gawin sa kanya ng yumaong ina kapag siya'y sumasailalim sa pagsubok at labis na kalungkutan.
Tumingin ito sa kanya matapos ay inabot ang kanyang kamay. "Winona, ipagpatawad mo sana ang nangyari noon. Ginawa lang namin iyon para ilayo ka sa—"
Naguguluhan niyang inilipat ang paningin sa ama noong pigilan nito ang asawa.
"Nakaraan na po iyon. Kalimutan na po natin. Ang mahalaga, magkakasama na po tayong muli," she butted in.
They are happy, I should feel it too. But, why conscience kept on bothering me? Should I tell them the truth?
Gumuhit sa madilim na kalangitan ang malakas na kulog dahilan para sabay-sabay na mapalingon sila Jyra sa labas. Katatapos lang nila kumain at bahagyang nagkuwentuhan tungkol sa ginawa niya sa Dubai. She didn't tell them about the Aldrich or Elegance, instead she shared a lie story which is she's a sales lady in a boutique of jewelries.
"Anak, babalik ka pa ba roon?" Si Mrs. Friis.
Nakangiti siyang umiling. "When I found you guys. I doubt I will let myself to be away again."
Napapunas ng mata ang Ginang matapos ay tumingin sa asawa. "Honey, bakit hindi nalang ang anak natin ang gawin mong modelo. Kaysa ipilit natin ang request ng anak mong lalaki na si... sino nga ulit iyon? Veron? V? Vika? Oo, tama. Vika. Mas gusto ko na ang anak nating si Winona. Gusto kong sa lahat ng mayroon tayo ay makilala siya."
Nahihiya siyang ngumiti. "Mommy, tiyak pong mas maganda si Vika. Bakit hindi po siya ang kuhain natin? Sikat po siya, tiyak mas malaking hatak iyon."
"Tama ang Mommy mo, Iha. Ngayong natagpuan ka na namin. Para sa amin isa ng malaking quota ang natamo namin."
Nangingilid ang mga luha at kagat ang kanyang ibabang labi ay ngumiti siya. Paano niya na ngayon aaminin ang katotohanan? They are too kind to hurt with her lies.
"Thanks, Dad. Sure, payag po ako sa kahit anong gusto niyo. Anyway, I've already prepared my things. Shall we go home?"
Nagpumilit ang mag-asawang sumama sa kuwarto niya roon. Gusto raw nilang tumulong sa kanya.
"Wala ka na bang naiwan?"
Dahil sa tanong ni Mrs. Friis, napasulyap siya sa balkunahe. Doon ay natagpuan niya ang larawan nila ni Winona. She hurriedly slided it on her sling bag. "Wala na po. Tara na?"
They are all silent as they walked into the hallway. Sa hindi kalayuan, a big screen caught their attention. Nagkataon pang naka-tune in ang Nightingale Palace sa show kung saan ay come back ni Vika.
A lot of lovely ladies walked on the runway, individually showing their unique beauties.
Hindi na napigilan ni Jyra ang huminto at panoorin iyon. She's waiting for Winona's turn.
Until the lights sparkles and the runway become a retro style. Soothing the place, a famous singer entered the stage singing a rinky-dink song. Iyon ang lalong umudyok upang makaramdam ang kahit sinong manonood sa kakaibang excitement para sa paglabas ni Vika.
One by one, the top five under Vika's parade walked the runway wearing the lingerie VIP design.
Kilala niya kung sinu-sino ang mga iyon. Kaya nga hindi niya na napigilang pangilabutan, lalo noong muling magbago ang ilaw. Iyon na ang senyales na lalabas na si Vika. Dala ng pananabik ay umabante siya upang mas makita ng malinaw sa screen ang kaibigan.
Napahinto tuloy ang mag-asawang nauuna.
"Winona?" tawag ni Mrs. Friis sa anak na nahuli niyang tulala sa pinapanood. Nag-aalala itong bumitaw sa kamay ng asawa at agad lumapit kay Jyra. Sa bawat hakbang niya'y hindi niya maiwasang magtaka sa kakaibang ningning at saya sa expression ng anak. Saglit niyang sinulyapan ang pinapanood nito at doon ay nakita niya ang sikat na modelong si Vika.
"Hindi ba't siya si Vika?"
Nilingon ni Jyra ang ina. Pero masyado siyang humanga kay Winona kaya hindi siya agad nakapagsalita. Muli siyang lumingon sa TV at buong pagtatakang pinanood ang paghinto ni Vika sa gitnang bahagi ng runway. Parang isang senyales iyon upang mawala ang musika at mapahinto ang kumakantang singer. Tila lahat ay nakaabang at naghihintay sa gagawin nito.
Nahigit niya ang hininga noong biglang tanggalin ni Vika ang mask. Naitakip din niya ang kanang kamay sa pagkabigla.
Winona, bakit?
Namimilog ang mga mata niyang minasdan ang muling paglakad nito, kaalinsunod ay ang pag-akyat ng isang lalaki sa stage.
"Anak, bakit?"
Hinawakan siya ng ina sa braso. Pahiwatig na inaaya na siyang umuwi. Pero paano niya gagawin iyon kung nakuha na ng lalaki ang buong atensyon niya.
Malik?
"I'm Vika's... boyfriend," Malik announced.
Parang binalya ang dibdib niya nang maraming beses noong halikan ni Malik ang kaibigan niyang hindi manlang nabahiran ng gulat.
Tuluyan siyang hinila ng ina pero nananatiling nakapako ang paningin niya sa TV. Winona, do you know him? Shaking, she looked to Malik. You have a relationship with her?
Ninais ni Jyra ang manahimik buong biyahe, bagay na ipinag-aalala ni Mrs. Friis. Noong makarating sila sa Friis Manor, masiglang ipinagmalaki ng Ginang sa anak ang kanyang kuwarto.
"Nagustuhan mo ba, Winona?"
Wala sa sariling nilapitan ni Jyra ang larawan sa side table.
"Ikaw, iyan noong sanggol ka pa," paliwanag ng Ginang. Lumapit ito sa isang cabinet upang kuhain ang ilan pang larawan ni Winona. "Ito lang ang mayroon ako na larawan mo anak."
Dahil sa lungkot ng boses ng Ginang, napalingon si Jyra rito. Ibinalik niya ang hawak na larawan at agad na lumapit sa ina. Hinila niya ito papaupo at niyakap habang sinisilip ang mga imahe sa larawan. "I love you, mom!" she whispered.
Ibinaba iyon ng Ginang matapos ay hinarap siya. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Walang araw na pinapanalangin ko sa maykapal na matagpuan ka na nawa namin. Anak, napakasaya ko at narito ka na ngayon." Hinalikan siya ng ina sa pisngi. "My precious, baby!"
"Mama!" Hikbi niya at agad niyakap ang ina.
"Sa tingin ko, mas gusto ko ang tawag mo na iyan. Anak!"
Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa ina. Samantalang ang ina naman ay hinahagod ang kanyang likod, upang aluin.
"Paano naman kaya ako?"
Napahiwalay si Jyra sa ina. Hinahanap ang amang nagtatampo na natagpuan niya na nakasandal sa frame ng pinto. "Papa, mahal na mahal ko po kayong dalawa ni mama."
Binalingan niya nang tingin ang inang nakangiti lamang.
"Kahit anong itawag mo sa amin, anak. Basta ikaw ang tatawag sa amin ay hindi kami mag-aatubiling lumapit sa iyo."
Dumaloy ang malusog na luha sa kanyang pisngi. It is not solely the reason about being with them. It was the tears of sacrificing everything from the past and hold on tight the present. This is extremely wrong, pero paano niya pa itatama ang lahat kung ang mga nangyayari ay nagdidiktang hayaan siyang umayon sa agos ng kamalian?
Muli ay naalala niya si Malik at ang ginawang paghalik may Vika. Kapalit ng pagmamahal nila, pati ikaw ay kakalimutan ko na.