KAAKIT-AKIT ang makukulay na bulaklak sa gawi kung saan naisipang tumambay ni Jyra. Bitbit ang mug na may umuusok pang kape, ipinatong niya iyon sa batong upuan na may disenyong kamay. Masigla niyang nilapitan ang isang pink na bulaklak na kasing laki ng palad niya.
It is true that after the rain a lovely sunshine will brighten up your day.
Nakangiti niyang inamoy iyon habang nakapikit.
Hindi niya tuloy napansin ang binatang kung makapag-inat ay parang pupunitin ang katawan. Nakatingala ito sa kalangitan at ipinagmamalaki ang hantad niyang upper body. Halatang kakagising lang nito dahil sa magulong buhok.
Nang manawa'y umikot si Jyra upang bumalik sa lamesa. Ang kaso'y nabigla siya sa nakitang nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Gaya niya ay nakatingin din ito, ang ipinagkaiba lamang ay kunot ang noo ng lalaki samantalang siya'y relax lang.
Nauna na siyang umiwas at patay malisyang dinampot ang mug at umupo. Bukod kasi sa mukhang pinaglihi sa kunsumisyon ang itsura ng lalaki ay topless pa ito. "Masyado yatang maluwag sila Dad sa mga hardinero. Walang proper uniform." Bulong ni Jyra bago sumimsim sa kanyang kape.
"Anong ginagawa mo rito, Witch Weirdo?"
Napaso ang dila ni Jyra dahil sa gulat nang biglang sumulpot ito sa harap niya. Padarang niyang pinatong sa lamesa ang mug at tinitigan ang binata nang masama. Kumibot ang kilay niya nang maalala kung saan ito nakita. Siya 'yung kapitbahay kong nakatira sa pink doorstep. "Wala ka bang mata? Nagkakape." Nauumay niyang dinampot ang mug at iniwan ito.
"Hoy! Babae kinakausap kita."
Dire-diretso lang si Jyra hanggang sa lumusot siya sa harapang bahagi ng modernong manor ng mga Friis. Tumambad sa kanya ang pool na hindi niya na-appreciate kagabi. Ngayon ay parang hinihila siya nito para lumangoy kahit pa hindi naman siya sanay.
Umupo siya sa gilid katabi ang loyal niyang mug. Nilubog niya ang mga paa kaya agad siyang kinilabutan nang makaupo nang matiwasay.
"Aba't... nagsasaya ka?"
Agresibo niyang nilingon ang topless na lalaki. Naririndi na siya sa kakaputak nito. "Babae ka ba? Ang ingay mo, ang aga-aga, e."
Hindi alam ng lalaki kung tatawa o maasar sa sinabi niya. Nag-squatting position ito para lumebel sa kanya. "What? Hey, Witch Weirdo, nakakapagtaka lang kasi. Hindi ka naman tiga-rito pero feel at home ka?" Anito, nanghahamak kung makatingin sa kanya.
Inirapan niya ito.
Hindi big deal kung nagkaroon sila nang banggaan ng lalaking ito noon sa Nightingale. Hindi naman nito alam ang buong pangalan niya. Basta ang tanging alam lamang ng lalaki ay kapitbahay sila. Bagay na tanging alam din niya.
"Bakit hindi?" Taas noo niyang nilingon uli ito sabay ngiwi.
"O, Shawn. Mabuti't mabilis mong nakapalagayan ng loob ang kapatid mo!"
Magkasabay nilang nilingon ang kanilang Ina na patay malisyang humihigop ng kape. "Anong oras ka umuwi?" tanong nito direkta ang paningin sa lalaki.
Tumayo ito at saglit na minasahe ang namanhid na binti. "Madaling araw, Ma." Lumapit ito sa gilid at gumaya sa kanya. "May lakad kayo ni Papa hindi ba?"
Sumulyap siya rito dahil sa ideyang maiiwan siyang kasama ito. At kapatid pala niya ang mahilig sa pink.
"Oo, anak." Bumaling ang Ginang sa kanya. "Winona, maiwan muna kita sa kapatid mo at may lakad kami ng Papa mo."
Nag-aalangan siyang tumango habang nakangiti.
"Shawn, entertain your sister at baka ma-bored siya rito. Sige na at lalakad na kami."
Sabay silang tumayo at lumapit sa kanilang amang naka-formal attire gaya ng kanilang ina. Parehas silang niyakap at hinagkan ng mag-asawa bago umalis.
Nakailang paikot ng mata si Jyra sa pagiging over react ni Shawn sa pagkaway sa papalayong sasakyan ng magulang.
"O, ano?" Tanong nito sa kanya nang maabutan siyang nakahalukipkip lang at tamad na tamad.
Hindi niya ito kinibo at nagpauna na sa pagpasok sa loob.
"Hey? Kapatid ba talaga kita?"
Huminto siya para lingunin ito. Dahil bukas ang gate ng bahay nila, may iilang mga nagdaraan ang nakita niyang huminto para makiusyoso. Marahil ay nakatira ang mga ito sa kaparehas na village. Ang totoo hindi niya alam kung sa kanya o kay Shawn nakatingin.
Kay tuod nakatingin 'yan. Topless kasi. Walang gana siyang tumango. "Accept it kid. Kapatid mo ako."
Iiwan niya na sana ito kaso biglang nalang humagalpak sa tawa. Kunot noo niyang pinanood ito. Napansin niya ang dibdib nitong namumula sa kakatawa.
"Really, huh. Sige. Sabi mo, e," anito nang makabawi sa pagtawa.
Naiiling niyang iniwan ito at wala sa sariling sinilip ang cellphone noong tumunog. When she saw the name registered, sinulyapan niya si Shawn na kinakausap 'yung dalawang babae. Halatang hindi friendly talk ang nangyayari dahil 'yung isa ay hinihimas na ang braso ng kapatid. Napansin siguro ng mga ito na nakatingin siya kaya sabay-sabay itong lumingon sa kanya.
Agad siyang umalis doon at umakyat sa kuwarto para sagutin ang tawag ni Winona.
"Win?"
"Let's meet later around three in the afternoon at Century."
Agad namilog ang mata niya nang makilala ang boses. "P-pause?" she called out to confirm but the other line didn't respond. She hurriedly checked her phone and found out it was already ended. She lazily stared at the flower pot.
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Why did I forget about my manager?
Umupo siya sa gilid matapos ay tinanaw ang kapatid na ngayon ay sinasara ang gate. Nang maiayos nito ang padlock at pagharap sa gawi niya, agad itong huminto at nang-aasar na humalukipkip.
Doon niya nilipat sa mga railings ang atensyon. Inaalala ang dahilan niya kung bakit siya pumayag sa kasunduan nila ni Winona.
When Winona said she found her family, inggit ang totoong naramdaman niya hindi ang dahilang pagmamahal. At ngayong napasakanya na ito, kunsensiya naman ang bumabagabag sa kanya.
Niyakap niya ang mga tuhod matapos ay isinubsob doon ang mukha.
I have to face this all. Whatever the consequences, I have to endure it. Ito ang kapalit sa pagiging ganid ko. At kung aatras naman ako, wala na akong babalikan dahil inangkin na ng buo ni Winona si Vika.
Pagpatak nang alas dos y media ay nakuntento si Jyra sa black chain detail jumpsuit.
"At saan naman ang lakad natin?"
Pababa siya ng hagdan nang marinig ang boses ng kapatid. Naabutan niya itong umiinom ng Gatorade at pawis na pawis.
"Diyan lang," wala sa sarili niyang sagot.
Kinuha nito ang towel na nakapatong sa sofa nang hindi siya nilulubayan nang tingin habang pinupunasan ang kili-kili at braso. "Gaano kalapit ang sinasabi mong diyan lang? Tsaka... mag-uber ka?"
Saglit siyang natigilan nang mapagtantong wala nga pala siyang sasakyan at ang driving license niya ay naka-register sa pangalang Jyra. Mapait siyang ngumiwi at saglit na pumikit.
Uber is basically the best option, pero ang lugar na ito ay bago para sa kanya. Baka kung saan siya iikot-ikot ng driver. Iritable niyang kinagat ang kanyang ibabang labi at walang choice na humarap sa kapatid na nakangisi sa kanya.
"Bakit wala sa option ang sasakyan mo?" she hilariously asked.
Pinirmi ni Shawn ang towel sa balikat at tinitigan siya ng buong angas. "Give me one minute little sister."
Kumunot ang noo niya sa tinawag sa kanya nito, until she realized she's fuck up for calling him a kid. Is he older than me?
Gaya nga ng sinabi nito, saglit lang at nakapagpalit na ito ng asul na t-shirt at khaki shorts. Sumisipol pa ito noong lagpasan siya para kuhanin ang auto niya sa parking.
Naghintay na siya sa gate at pinanood ang katulong na magbukas ng gate. Dumadagundong na tunog ng makina ang nagpalingon kay Jyra. Damn! Sinong makakapagsabing naka Dodge Challenger Latest ang tuod na 'to? Buti at hindi pink.
Huminto ang sasakyan sa tapat niya. Dahan-dahang bumababa ang glass window na iniluwa ang hambog at nakangising mukha ng kapatid. "Sakay na lil' sis."
Hindi na nagreklamo si Jyra. Hindi na masama. Somehow, Shawn reminded her about Frank. Frank was obsessed with cars, specifically about Audi or Porsche. Kung siya naman ay kuntento na sa SUV at BMW ng ina.
On their way to Century, she's expecting him to bully her but boy she doesn't know that Shawn got the balls of silence. Pabor sana ang peaceful trip ang kaso lang ay mula nang malaman ng binata kung saan siya pupunta ay naging tahimik na ito.
May ano ba sa Century? Tahimik siyang nag-research sa google kung anong history ng Century.
Century is one of the trending restaurant choices of men as the perfect place for the proposal. Basa niya sa unang link na lumabas. She silently smirked and glanced at Shawn. Is this the same information he has on his idiot mind? She rolled her eyes and choose to talk to him. "Just drop me. No need to wait for me."
"Sino bang kakatagpuin mo?" tanong nitong hindi manlang siya sinulyapan.
"Best friend ko." Inayos niya ang suot na wayfarer bago sumulyap kay Shawn. "Saan ka after mo akong ibaba?"
"Uwi na. I have many things to do. Nga pala, sumama ka sa akin mamayang gabi. Ipapakilala kita sa mga kababata natin."
Sounds boring. Hindi ko naman sila mga kilala. "Is that some kind of reunion or what?" tanong niya minamata ang taxi stand sa 'di kalayuan.
Nilingon siya ni Shawn. "Of course. They want to see you."
Natutop niya ang bibig dahil sa isinagot ng kapatid. Hindi niya naisip 'yon. Bumakas din sa mukha ni Shawn ang lalong pagkairita. Ang makapal nitong kilay ay tumaas na nagpapabatid ng pagkalito, at ang panga ay nadepina mula sa pagkakaseryoso habang nagmamaneho. At some point, iyon ang ipinagkaparehas nila ni Winona - kapag nagseryoso ay mapag-aakalaang galit.
Pagkababa niya'y umalis din agad si Shawn. Agad na rin siyang lumakad papasok.
Century was huge than usual restaurant she's imagining. Hindi nga nakakapagtakang ito ang sikat para sa mga gusto nang patali. The place might be modern and unique but it appeals romantically perfect for a couple.
One of the staff assisted her to the VIP room. When she saw the name on the door, naisip niya agad na sinadya ni Pause na doon talaga. May naka-caption kasing V sa ituktok ng kuwarto. The moment she shot the door; nervousness wrapped out her chest.
"P-Pause," she called out anxiously. Lumapit siya rito para sana yumakap, kaso nayanig siya sa biglaang pagsampal sa kanya nito. Kusang kumawala ang mga luha sa kanyang mata sa sakit at pagkabigla. Nanginginig niya itong tiningnan. "Pause?" she almost whispered.
"Hindi mo na ginalang si Carla, pati ako na buhay pa... parang pinatay mo na."
Awang ang bibig ay umiling-iling siya.
His angry eyes were big and bigger because of the eyeliner, it enhanced more the ruthless appearance of his stare. But behind those, he looks tired and exhausted. Tired because of her foolishness.
Hindi na siya umimik at nagitla sa diyaryong hinagis nito sa paanan niya.
She broke into a cold sweat upon scanning the headline. Winona! Dinampot niya iyon agad at sinumulang basahin. Napukaw ng atensyon niya ang imahe ng lalaking nagpakilala bilang boyfriend ni Vika.
"Anong masasabi mo?" tanong nitong hindi niya inimik.
Marahas niyang nilamukos iyon nang hindi kumukurap. She has lots of question too but she chooses to zipper her mouth about him.
"Marami kang ipapaliwanag. Simulan mo na dahil sasamahan ko pa si Winona sa first shoot niya."
"I'm sorry!" tanging nasabi niya. Lakas-loob na kinatagpo ang mapanuring tingin nito.
She can't process anything, everything. Worse, bukod sa pisngi ay sumasakit na ang ulo niya.
"Sorry? Jyra, anong katangahan ang lahat ng ito?"
May dinampot itong sliding paper na hinampas sa braso niya. Nasaktan siya pero pinili niyang tanggapin ang lahat ng iyon.
"Anong kasunduan ang ginawa niyo ni Winona? Jyra, naman! Hindi ka namin pinalaking boba. Hindi mo ba alam, ha? Sa huli, ikaw ang talo sa larong ito!"
"It's not a game, Pause," she exclaimed.
For a moment, she was eaten by her pride. She regretted it now. And as she met his bloodshot eyes there she saw how he was very disappointed with her. It hurts her seeing him like that, how he was very disgust with her action, that she'd done something terrible that the world will curse her for pursuing it.
Pikit mata niyang nilunok ang kahihiyan. "Hindi lang ako ang nagsakripisyo. Hindi lang ako ang nasaktan. We both agreed with this and no matter what happened... we will not hurt each other. I respect her decision and I love her." She explained trying to earn his sympathy.
"Really, Jyra? Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo? Do you think, I'm telling this all because I don't care about you? Sino ba ako, ha?"
Muling dumaloy ang luha sa pisngi niya at agad humawak sa kamay nito. "Come on! I know you love me. I love you too. I love my brother. I love, Mommy Carla. But please, allow us to do this." She shakes his arm. "Please, support us!"
"Are you happy?"
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso nito. Ang totoo ay nakukunsensiya siya, lalong-lalo sa mga magulang ni Winona. Sobrang bait nila at maunawain para lamang maloko ng isang gaya niya. Para sa pangsariling kaligayahan. Is she really happy? She's not really sure.
"They loved me!" she whispered. They loved me because I am, Winona.
"Fine. Hahayaan ko ang gusto mong mangyari. Where's Frank?" Agad itong tumalikod sa kanya para maupo. Tinapik ang upuan sa harapan kaya agad siyang tumalima para maupo roon.
Nanghihina niyang ipinatong ang parehas na kamay sa mesa, bago tumingin kay Pause. "I sent him to Paris. He will be working there as CEO," she simply replied. Her eyes were roaming on the interior. The walls were covered by modernized maroon spiral, it suits the table and two chairs. They even prepared petals on the side of the plate, akala siguro'y romantikong lunch. Gusto niyang pangilabutan na si Pause ang nag-invite sa kanya rito. Of all places ang may history pa na trending para sa mga gusto patali.
"And he agreed?" Pause interrupted her.
Matamlay siyang tumango. Nakanguso na halos ang labi. Naalala niya kasi ang kundisyon ni Frank tungkol sa condo niya sa Nightingale Palace. She will let him used her sacred cabin for his one month pleasure, then in return, he'll buckle down on Paris.
"Growing old, ha?"
Pilit na ngiti ang isinagot niya rito. "You'll see for yourself. For sure you will surprise. Anyway, thank you, Pause. And I'm really sorry for disappointing you."
She watched him filling those two goblets of red wine.
"Biglaan ang lahat. You're on your lap of luxury while Frank is easy going on his never-ending school life. I'm out of the town because of my bastard brother. My God. I can't leave him for goodness sake. Gustong-gusto ko umuwi para kay Carla, but..." he stopped and fixed his eye on her waist. "You've dealt with Dubai branch, right? Stressed ka dapat, pero bakit parang tumaba ka? Did you forget your balance diet?"
"Yeah! Marami akong binago sa sarili ko. I should say, I'm Winona."
"Malaki rin ang ipinagbago ni Winona. Sobrang laki. Kung hindi siguro niya ipinakita ang mukha ay maniniwala akong ikaw pa rin siya. Sa isang banda, hindi pa rin magagaya ng peke ang orihinal. Maiba tayo, kailan mo kami ipapakilala ni Frank sa bago mong pamilya?" Bumaling ito sa kanya para iabot ang inumin.
"Thanks," Jyra said as he holds the goblet. She's glad that Pause still concerned with her after what happened. It's a relief at least. "Not now. Tingin ko kasi ay nahuli ako ng kapatid ni Winona." She played the glass while recalling her tagline - Witch Weirdo.
"What? How? Alam niyang ikaw si Vika? Wait, does he know that Winona is his sister?"
Sunud-sunod na iling ang isinagot ni Jyra. "We're neighbors on Nightingale Palace. He doesn't exactly know me."
"I got you! Pero gaya mo, nangungulila rin si Winona sa pamilya niya... at siya na rin ang kilalang si Vika. Isipin mo ang hinaharap. Hindi imposible and posible, at kapag nangyari ang kinakatakutan natin. Paano ka nalang?"
Jyra, blinked her eye many times. I heard him, but why I can't understand him?
"Siya nga pala. Sino ba 'yung lalaking nagpakita sa come back... mo dapat?"
Agad itinaas ni Jyra ang kanang kamay. "Don't. Mention. Him. Ang dami ko nang problema, hindi ko na siya kayang isingit pa."
Naningkit ang mata ni Pause. Curiosity pulled him to just nod his head. Maybe he will ask her next time. There's a perfect time for that. "Friis ang family name ni Winona, right?"
Pinangalahatian niya ang wine sa goblet bago tumango.
"Wait? Brother niya 'yung hunky na Architect? Si-" Huminto ito para isipin ang pangalan, habang siya naman ay parang nandidiri.
Hunky? Seriously? Si Tuod?
"Shawn Friis?" Pause bit his lower hip and fished out his mobile to check on something.
Napansin ni Jyra na walang pagkain sa lamesa. Nagtaka tuloy siya kung kumain na ba ito? "Hindi ka kakain? I want macaron."
"Ito siya hindi ba?" Tanong nitong halos ipagduldulan sa mukha niya ang larawan ni Shawn. Malinaw pa sa itim na eyeliner na nakaguhit sa paligid ng mata ni Pause, nakilala niya agad ang binata. Kahit naka-complete uniform ito at kausap ang isa sa mga marahil sa engineer at nakatagilid, tiyak siyang si Shawn iyon. "Alam mo bang isa siya sa admirer ni Vika? He gave you necklace na galing mismo sa boutique niyong ELegance," dugtong pa nito.
Umuwang ang bibig niya sa gulat. Ano kayang magiging reaction ni Shawn kapag nalaman na siya si Vika? Hindi, ano kayang iisipin nito kung kapatid pala niya si Vika?
She smirked with all her hilarious thoughts. "Hinatid niya ako rito," she said matter of fact.
"Talaga? Buti hindi nagtaka na sa ganitong lugar ka nagpunta? Buti hinayaan ka?" Nagsalin ito ng wine idinamay pati ang kanya.
"Ang totoo bigla siyang tumahimik. Teka, hindi ka nag-order ng macarons."
Tumagal pa ang kanilang pag-uusap doon hanggang sa maalala ni Jyra ang lakad mamayang gabi.
"Aalis na ako. May lakad kami ni Shawn." She hurriedly stood up.
"Our paths will cross, Albatross." He said while waving his hands.
"For sure, Buffalo." She assured him with a sweet smile.
Hindi na siya nagpahatid kay Pause dahil naghiwalay na sila. Sakay ng taxi nakauwi siya mag-isa. Naabutan niya si Shawn sa labas ng gate nila. Sumulyap siya saglit sa cellphone para silipin ang oras. Pinangilabutan siya nang makitang umabot pala sa isang oras ang biyahe niya pauwi.
"Aalis na ba agad tayo?" bungad niya rito.
"Eight pa. Nasa loob sila mama, magpakita ka muna at hinahanap ka."
Bago siya tumulak papasok ay naabutan niya itong may hinagis na yosi sa gilid. Naiiling niyang hinayaang bukas ang gate at dumiretso sa kuwarto ng magulang. Saglit na kuwentuhan hanggang sa mag-dinner. Napakasaya ng mag-asawang Friis habang binubusog siya ng mga putahe nila. Hindi rin maiwasan ni Jyra ang magtaka sa kinikilos ni Shawn, lalo sa pagiging mapagmata nito. Pakiwari tuloy niya'y ayaw niya nang sumama rito.
Umabot ng kalahating oras ang biyahe nila. Hindi niya maiwasang mag-alala habang minamasdan ang panglabas na itsura ng lugar. Sumulyap siya saglit kay Shawn na nagtatanggal ng seatbelt, bago tumingin muli sa kabuuan ng building. Actually, taliwas ito sa inaasahan ko. Maganda at mukhang mamahalin kaso wala talaga akong tiwala sa lalaking 'to. May kakaiba akong kutob.
"Oy, Witch?"
Nagitla siya nang isara ng kapatid ang pinto. Nginiwian niya ito bago sumunod. Pilit siyang dumudungaw sa itaas habang nakasunod sa likuran ni Shawn.
Kinakabahan talaga ako rito.
Tahimik silang sumakay sa elevator. May pinindot si Shawn na P, at ang inaasahan niya ang meaning noon ay parking, kaso noong gumalaw paitaas ay agad siyang nagtaka. Nagdududa niyang sinulyapan si Shawn na seryoso.
"Saan ba tayo pupunta?"
"PJ's Lounge," sagot nito saktong tunog ng elevator. Dahan-dahang bumukas iyon kaya unti-unti ring kumapit sa ilong ni Jyra ang scent ng bar. Madilim bungad pero nang pumasok sila'y namangha siya sa neon walls na siyang nagsilbi nilang liwanag. Bawat linya mapataas o baba ay may ilaw na neon green. Hindi masakit sa mata ang mga iyon, bagkus ay nakakasabik sa alak at sa musikang kasalukuyang umi-ere.
"Shawnty... o? Bagong chic?"
Isang lalaki ang bumati sa kapatid niya. Nakipag-fist bump ito rito, at hindi pa tapos sa kausap ay nakikipagtanguan na sa iba pang kilala.
She felt awkward when the man kept on staring at her. Gusto siyang batiin kaso ang kapatid niyang hinila na siya para lagpasan iyon. Bawat grupong madaanan ay may kilala ito, mapababa o lalaki ay apir at beso ang nangyayari.
"At heto na nga ang ating paboritong chic boy."
She watched the four tall guys do their boys rituals with Shawl. Pinili nalang niyang obserbahan ang interior ng bar. It's classy but small. Siguro ay kaya lang nitong mag-okupa ng singkuwentang katao. Mapipilitan kang lumingon sa bar side dahil ang mismong cabinet ng mga alak ay umiilaw.
"PJ, nasaan na 'yung guest mo? Kanina pa 'yon naghihintay kay Shawn."
"Shawn, hindi mo ba kami ipapakilala sa chic na kasama mo?"
Dahil sa narinig ay napalingon si Jyra sa kapatid. Bigla siyang nahiya nang makitang lahat sila ay nakatingin sa kanya. Tatlo sa mga ito ay nakangisi habang ang kapatid at isang medyo singkit na lalaki ay seryoso at hindi manlang nasayaran ng saya ang mga mata.
"Umiinom ka ba?" bulong sa kanya ni Shawn.
"Wine, please." Utos niya, nakapako ang mata sa bartender.
"Shawn, pakilala mo na kami." Kantiyaw ng isang may katabaan ang katawan. Nakipag-appear ito sa isa pang matangkad noong umiling si Shawn.
"Guys, this is my sister, Winona."
Natigalgal ang apat na lalaki. Sabay-sabay pa itong tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi makapaniwala o namamangha, alin sa dalawa ang marahil na nararamdaman ng apat na kalalakihan.
"Puntangina, 'wag mo kaming ginagago Shawn. Sobrang ganda niyan para maging kadugo mo," biro noong may katabaan.
"Fred, tantanan mo ako. Baka gusto mong umuwing may blackeye. Mamili ka, hindi ako mahirap kausap."
"Dicks easy." Lumapit ang isang lalaki at naglahad ng kamay sa kanya. Nahihiya niyang pinaunlakan iyon lalo noong halikan nito ang knuckles niya. "Pasensiya ka na sa pagigng abnormal nitong si Fred. We are please to meet you, Winona. Ako nga pala si Colin Fuentebella." Magalang nitong binitawan ang kamay niya, bumaling sa katabing nakangiti kanina pa. "Paulite Cristobal. Call me Pao. Natatandaan mo pa ba kami?"
Nag-aalangan siyang sumagot kung oo o hindi dahil sa totoo lang hindi niya naman talaga kilala ang mga ito. Hindi naman kasi siya si Winona. Lalong lumapad ang ngisi nito noong hindi siya sumagot, lumutang tuloy ang karisma nito lalo noong kumindat.
"Syempre, hindi niya na tayo matatandaan. Wala pa siyang muwang noong nagkasama-sama tayo."
Sabay-sabay silang bumaling doon sa singkit na ipinaglihi kay Shawn.
Lumapit dito si Shawn para tapikin sa balikat. "Huwag niyong takutin ang kapatid ko. Sa dating puwesto?"
Naghagalpakan ang mga ito habang nauuna.
Naguguluhan niya namang sinundan ng tingin 'yung singkit na seryoso. Ano kaya ni Winona 'yon?
"Okay ka lang?"
Nagulat siya sa biglang pagtakip ni Shawn sa vision niya.
"Sila ba 'yung kababata natin?" Usisa niya pilit hinahanap 'yung singkit.
"Oo. Iyong singkit na bumati sa'yo, iyon ang kaedad mo. Si Carl Menez 'yon."
"Iinom ka?" Naitanong niya ng matagpuan ang hinahanap. Nahuli niyang nakatingin ito kaya agad siyang bumaling sa bar.
"Light lang. Delikadong umuwi buti sana kung ako lang mag-isa."
Tumango siya nang hindi tinitingnan si Shawn. Nakapagpasya na siya, hindi wine ang iinumin niya. "I want scotch."
"Winona. Shawn, tara na rito!"
Sabay silang lumingon kay Colin. Nakangisi ito habang bumubulong sa babaeng lumapit. Medyo madilim sa puwesto ng mga ito. At kumpara sa ibang sofa, iyon ang may pinakamalaking space.
Papalapit na sila nang mapansin niya ang imahe ng isang magandang dalaga. Hawak ang braso nito ng isang lalaking nauuna. She trace the shoulder of the man going up to see his face. When she recognized him, she stopped from walking.
Naupo ang partner sa upuan kung saan naka-upo ang mga kaibigan ni Shawn.
Napansin ni Shawn ang paghinto niya kaya lumingon ito sa kanya. "Bakit?" Kunot ang noo nitong sinundan ang tinitingnan niya. Nang wala itong makitang kakaiba ay lumapit na ito para hilahin siya.
Sa isang iglap biglang nanlamig ang tiyan niya. Ayaw niya ng lumapit ang kaso'y masyadong malakas si Shawn para mahatak siya. Lumingon siya sa hallway kung saan sila dumaan ni Shawn. Gusto niya ng umuwi at 'wag magpakita kay Winona at Malik.
This is not the perfect time. Nahiya rin siya sa suot, malayong-malayo sa suot ni Winona ngayon. Nagmukha siyang tumadora ng alak sa suot.
"I want you to meet my favorite friend." Bulong ni Shawn, bakas ang pananabik na maipakilala siya sa kung sino man.