Chereads / Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 10 - Heartache

Chapter 10 - Heartache

Ilang oras ang lumipas, biglang gising si Jyra dahil sa tunog ng Jet ski. Gaya niya ay nagising din si Malik. Sa 'di kalayuan ay natatanaw nila iyon patungo sa kanilang gawi. Nagkatinginan sila ni Malik. "Sila na siguro iyon," Aniya, agad ikinaway ang kamay. "We are here! Guys! Shawn?"

Buong sigla siyang tumayo sa tulong ni Malik. Alintana ang lamig, muli siyang kumaway habang nakangiti.

"Winona?"

Hindi niya tuloy matukoy kung sino sa mga naghintuang Jet ski ang kapatid, basta nabatid niya ang boses nito'y agad siyang lumingon kay Malik. "They found us."

Nahuli niya itong nakatingin sa kanya saka tumango. He looked back on the shore.

They were five people; three rescuers, Shawn and Winona.

She watched Shawn run fast. Nang makalapit ito'y nag-aalala itong minasdan ang mga braso niya. Hinihingal ito at alalang-alala sa kanya. "Were you hurt?" He asked still checking her, bumaba ang paningin nito sa paa niya. "Fuck! What happenned?" Imbes na sa kanya ito tumingin ay sa likuran.

Nang mapagtanto kung sino iyon ay agad siyang humarang sa vision ni Shawn. "It was an accident. I can walk, Shawn."

Gumalaw ang panga nito bago tumango. Batid niyang marami itong gustong sabihin o itanong pero pinili nito ang manahimik habang isinusuot sa kanya ang dalang bathrobe. "Let's go."

Binuhat siya nito na hindi niya ikinagulat. Bigla siyang nanghina at mas gusto na munang magpahinga. Gaya ng ginawa niya kay Malik, ipinalupot niya ang braso sa leeg ni Shawn. She even glanced to Malik.

Sinusuotan ito ni Winona ng bathrobe at may ilang pag-uusap na hindi na niya marinig. Napatigin siya sa harapan noong bumaling sa kanya si Malik. Gusto niyang magpasalamat dito. He save her ass three times. Since then he is her savior. At hanggang hindi niya pa rin nagagawang magpasalamat dito.

Pagkarating nila'y sinalubong agad sila ng grupo ni Shawn at ilang staff ng hotel, Swizz at Vogue. May tatlong sasakyan din ng pulis ang naroon, kaya't biglang lingon siya sa tatlong rescuer na kasama nila. Nakumpirma niyang mga pulis iyon noong kausapin si Malik.

"Okay ka lang Winona?" si Fred na alalang-alala.

Imbes na sumagot ay nilagpasan ito ni Shawn. Binuhat kasi siya nitong muli. Colin, Pao and Carl are just silently following them. Mukhang walang pakialam si Shawn sa mga Pulis at ilang matang nagmamasid o nakikiusyoso. Dire-diretso lang kasi ito patungo sa hotel.

"Don't follow us. Susunod ako sa inyo." He announced before pressing the close button.

Tipid na ngiti ang ibinigay niya kila Colin na tahimik na pinanood ang pagsara ng pinto. Tahimik silang dalawa hanggang sa ihiga siya nito sa kama. Shawn immediately took the emergency kit.

"Ako na ang gagawa niyan," agad niya. Inilayo pa niya ang paa bilang pagprotesta.

Agresibong hinilot ni Shawn ang bridge ng kanyang ilong. "Hindi ko sinabi kila Mama ang nangyari... kahit pa malapit ko nang mapatay ang sarili ko kapag hindi kita nahanap ngayon." He heave a deep sighed. "I'm fucked up of letting you ride that fucking banana boat. Damn. Hindi ko alam na hindi ka pala sanay lumangoy."

Nasapo ni Jyra ang dibdib sa biglang buhos ng emosyon ng kapatid. Natakot siya sa tono ng pananalita nito, lalo noong binalya nito ng ilang beses ang sarili nitong dibdib. She knew it hurts, malakas kasi at dinig na dinig niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "I'm sorry. It was my fault."

"No. You are not. We've lost you once. Natakot akong maulit iyon. Kaya noong tumaob ang banana boat... hinanap agad kita. I swam deep just to find you, but you're nowhere to find. Umahon ako nagbabakasakaling baka okay ka... pero si Vika lang ang naabutan ko." Hinilamos nito ang mukha gamit ng mga kamay. When he darted his gaze on her, nanginig si Jyra dahil nakitang nagbabadyang luha sa gilid ng mata ni Shawn.

"Si Malik ang nagligtas sa akin. I pulled the string on his vest. Kung wala siya-" Hindi niya itinuloy ang sasabihin, sumisimple ng kamot sa siko. Kahit hinahatak na ng kama ang katawan niya'y kailangan niya munang maligo. She's stinky. "I want to take a bath."

Napansin siya ni Shawn na inaabot ang likod para kamutin. Naiiling itong ngumiti. "But, I'm glad Malik's with you. Alam kong hindi ka niya papabayaan. Bukod sa akin, siya ang isa sa mga puwede mong pagkatiwalaan." Ipinatong nito ang kit sa kama niya. "I'll send your dinner here."

Tumango siya. "Thanks, Shawn. See you tomorrow."

Pagkalabas ng kapatid ay agad siyang dumiretso sa bathtub para magbabad. Nakatulugan niyang ganoon siya, hanggang sa magising siya dahil sa tunog ng click ng pinto. Alarma siyang napaahon at isinuot ang bathrobe. Dahan-dahan pa siya sa paglapit sa pinto, maging sa pagbukas noon. Imposible naman kasing si Shawn iyon. He have spare card key but it's impossible for him to come back. Kung delivery naman ay dapat doorbell ang maririnig niya hindi pagsara ng pinto.

Naabutan niya sa sofa si Winona. Nagulat ito noong bigla siyang sumulpot. Sapo nito ang dibdib at namimilog ang mata. "Papatayin mo ako sa gulat, Jyra."

Nananabik niyang tinakbo ang distansiya para mayakap ito. "I'm so scared a while back, Win. I thought. I thought, I going to die."

Tinapik-tapik nito ang likuran niya. "Hindi mangyayari 'yon. Hush."

Humiwalay siya upang hawakan sa parehas na braso ang kaibigan. "Thank you. Anyway, you looked like really me," puna niya.

Ngumiti ito. Humiwalay para ayusin ang pagkain niya. "I asked Shawn about your keycard." Pinaghiwalay nito ang chopstick bago siya nilingon. "Gusto kitang makausap."

Kumuha siya ng tuwalya para tuyuin ang ilang basa sa katawan niya. Habang ginagawa iyon ay pinapanood niya si Winona. At some point, she's still not completely graceful. She's still the old Winona, except with the curves and enhances style of dresses. Makeup makes her looks strong and fiercer even more.

Umupo siya para simulan ng kumain. She's pleased with the food. Tamang-tama iyon dahil paborito niya. "You really know me," bulong niya.

Hindi siya hinarap ni Winona. Nanatili itong nakatayo at nakatalikod sa kanya. Minamasdan nito ang buong kuwarto niya. "Takot na takot kanina si Shawn. Sobra. Alam mo 'yung kapag tinapik mo siya, e, puputok siya sa sobrang tension."

Napahinto siya sa pagnguya. Naalala kasi niya ang sinabi ni Shawn kanina.

Umupo si Winona sa kama niya. Banayad na hinahaplos ang bedsheet. "He really believes you as Winona."

"The same thing to you. People believe you as the new Vika." She doesn't know why she's acting like this. Bigla nalang iyon lumabas sa bibig niya. Or maybe Winona's word initiate her to say those. She's sounded bitter.

"Akala mo lang 'yon, Jyra." Tumayo si Winona para dumiretso sa tabi ng bintana. "Lenona. For sure kilala mo siya. Palagi niya akong binubully." Marahas itong lumingon sa kanya. "May hindi ba kayo pagkakaunawaan noon?" Her forehead creased.

"No we're not. Actually, takot sa akin 'yon. Bakit ka niya binubully?" Muli siyang nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi sila naniniwalang may secret relationship ako. Naninibago sila at palagi niyang napapansin ang lakad ko."

"Totoo nga bang may relasyon kayo noong Malik?" She's focus on her food, hindi na niya naisip kung bakit iyon nasabi kaya nang mapansin niya ang pananahimik ni Winona ay nilingon niya itong nakatingin sa kanya - seryoso at mukhang galit.

Ano nga ulit ang sinabi ko? Tumingin siya sa pagkain pagkatapos ay kay Winona. Naalala niya na, tungkol iyon kay Malik.

"He confessed the same day. Sabi niya gusto niya ako at ganoon din ako sa kanya, kaya sinagot ko agad," anito ng hindi kumukurap.

Sa isang iglap, bigla niyang hindi nakilala si Winona. She's trying to read her but Winona was too serious while glaring at her. She's unreadable and expressionless. Is she saying the truth or not? She can't decide.

At dahil sinabi nitong gusto siya ni Malik noong ipakita niya ang mukha, ibig sabihin gusto talaga siya nito at hindi ang mismong si Vika.

Dahan-dahan siyang huminga, hindi inaalis ang tingin kay Winona. "He kissed you. It means he really like you, Winona." Parang may pumitik sa dibdib niyang masakit. Mas masakit pa sa natamong sugat o sa kamuntikan niyang pagkalunod. This one is different. Parang matagal ng nasa katawan niya na ngayon ay unti-unting bumabaon at napakasakit.

"He did. We even slept in one bed."

Nanginig siya mula sa pagkakahawak sa chopstick. She tried to stop it by picking up the last meat, but she can't. Hindi niya madampot ang natitirang shark spin dahil sa panginginig. Saglit siyang huminto para kumalma. Tumango siya. Sumulyap kay Winona.

Nananatili itong expressionless para bang gayang-gaya na talaga si Vika. "Gusto ko si Malik, Jyra. Iyon bang kaya kong bitawan ang lahat 'wag lang siya. I can give up everything now. Huwag lang si Malik."

Hindi nagtagal si Winona dahil tumawag si Mr. Chen dito.

Pasado ala una na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya tulala sa kawalan. Ang mga binitiwang salita ni Winona kanina ay parang musikang paulit-ulit na umi-echo sa tainga niya. Lalo nang sabihin nitong natulog na sila sa iisang kama.

Dismayado siyang ngumisi bago pumikit at sumandal sa headboard. Imagining Malik on top of Winona. They are kissing passionately. Gasping. Dancing. Both naked. Agresibo siyang dumilat at tinampal-tampal ang magkabilang pisngi. "Did they really do it?" she asked of herself, eyes were almost teary. She massaged the bridge of her nose. Naalala niya ang nakaraan. They've shared one bed too. "But that's frigging different. I'm sixteen when he slept with me... and. And, there is a boundary between us. A pillow, fuck!" Sinabunutan niya ang buhok at pinaghahampas ang magkabilang gilid sa sobrang inis. "He even bothers himself to ask my real name?" she groaned loudly.

Napansin niya sa flat screen ang kanyang reflection. She looks miserable and ugly. Dati ay hindi niya napapansin iyon, hindi naman kasi siya nakaramdam ng insecurity kahit noon pa man. She earn everyone's attention. Everyone was always pleased to whatever she wore. With or without make up her beauty lifts even in the midst of the crowd.

"Did you really forget me? Huh, Malik?" Pumikit siya ng mariin at pinilit ang sariling makatulog.

Tinanghali ng gising si Jyra. Masakit na sa balat ang sinag ng araw kaya bago lumabas ay naglagay na siya ng sunscreen. She even gave a message to Shawn. Dumiretso siya sa kubong kinainan nila kahapon. Naabutan niya roon si Shawn na mag-isa.

"Where are they?" She asked eyeing the people who are currently eating.

"Intimate kasi ang theme nila Vika, syempre papahuli ba 'yung mga unggoy."

Ngumisi siya nang mahimigan dito ang inggit o kung ano man. Patay malisya niyang kinuha ang menu book upang pumili ng kakainin. Kung maaga sana siya gumising ay tiyak mapapanood ng kapatid si Vika. Gumalaw ang kilay niya sa naisip. Si Winona kasi ang totoong kapatid ng binata tapos gusto nito si Vika na ngayon ay si Winona.

Padabog niyang ipinatong sa lamesa ang menu kaya napasulyap sa kanilang gawi ang ilan. Maging si Shawn ay nagtaka sa kinikilos niya.

"Problema mo? Masakit pa rin ba ang paa mo?"

"Gusto ko ng mainit na sabaw."

Saglit lang sila roon. Binilisan niya ang kain dahil halatang mainit ang ulo ni Shawn. May ideya siya kung bakit pero nasasagwaan siya kapag naiisip niyang magkadugo si Winona at Shawn. At si Winona ang gusto ay si Malik.

"Saglit. Huwag na tayong manood, mas gusto kong mag-fishing," suhestiyon ni Shawn.

Ganoon nga ang ginawa nila. Sumakay muna sila sa maliit na bangka at hinatid sa maliit na Yacht. Shawn pid the rent for how many hours they want. She doesn't bother to ask, she's too excited to try the fishing.

Manghang-mangha si Jyra sa tanawin. Ang asul na karagatang nakalimutan niya ng isinumpa niya kahapon. Ang bawat islang tunay na nagbibigay marka sa ganda ng lugar. Ang misteryo, disenyo at ibat-ibang laki ay nakakahanga.

Magandang ang klima ng mga oras na iyon, bagaman tanghaling tapat ay hindi ganoong kasakit ang sinag ng araw. Nililipad ng malakas na hangin ang suot niyang boho gypsy dress gaya ng buhok niya. She don't mind. The air was refreshing. The place was truly a paradise.

"Tumawag si Mama. Nangangamusta."

Nilingon niya si Shawn. He is his black wayfarer, sky blue v-neck t-shirt and black summer shorts. Simple, pero agaw pansinin ng kababaihan. Naalala niya nang makita kung saang table ang pinili ni Shawn para maghintay sa kanya. Sentro lang naman at lahat ng mga kababaihan ay panay ang lingon sa kanya.

"What did you say?"

"We're having fun." He simply replied lips were protruded.

Tumango siya. Kahit papaano, nakahinga siya ng maluwag. Lying and keeping the truth is not being bad. Kung siya man ang nasa kalagayan ni Shawn, for sure she will do the same. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. She's safe now. And that is more important.

Huminto ang Yacht kaya't naghanda na silang mamingwit. Jyra enjoyed it very much. They stayed there for two hours and she's glad of catching two fish, while Shawn made the bucket full.

Nagtatawanan silang dalawa ni Shawn ng maaninag niya sa 'di kalayuan ang pamilyar na lalaki. A tall, massive and dangerous man standing on the edge of the shore with his menacing aura. His presence was unavoidable. Kahit umiwas siya ng tingin ay para hinihila ng lalaki ang kanyang atensyon.

The wind blew harshly, nilipad ang buhok niya ng wagas kaya bumaling siya paharap kay Shawn. Tinulungan siya nito sa pagbaba sa maliit na Bangka. They even share the half of the fish on the owner of the Yacht. Unti-unti na silang nakakalapit. Malik was not alone anymore, he is with Shawn's friend and one unfamiliar face.

"Winona." Si Fred kumakaway sa kanya.

She didn't show happiness on her face. She's stocked with Malik's intense stare. Umiwas lang siya noong huminto ang Bangka. Nagsilapitan naman sila Colin sa kanya. Sabay-sabay ang mga itong naglahad ng kamay para sa pagbaba niya.

Aabutin niya sana ang isa sa mga ito nang mahawi at makuha ang kamay ni Shawn.

"Ay nanghahawi P're, ang hirap tuloy lapitan ni Winona. Hindi ako makadiskarte." Parinig ni Fred kay Shawn kahit pa nakaakbay ito kay Pao na nakangisi lang.

"Excuse me boys." Isang bakla ang biglang sumingit sa pagitan ni Colin at Carl. Lumagpas ito sa kanila at dumiretso sa kanya.

She's 5'9 inch tall. Walang duda kung bakit tinitingala siya ng bakla. "My name is Lily. Ikaw, anong pangalan mo?"

Tumagos ang paningin niya rito patungo sa likurang imahe. Malik in his dark, dangerous and angry eyes met her. She looked back to Lily. "Winona. Winona Friis po," she humbly replied.

Biglang kinilig ang bakla sabay abot sa kamay niya. "Ay malambot. Yayamanin. Anyhow, napansin ka kasi ni Mr. Chen kanina. He even captured you while riding that small boat. And guess what, he's curious about you. You're so beautiful, Winona."

Bigla siyang na-conscious sa mga lalaking nakapalibot sa kanya. She glanced at Colin, Pao, Carl, and Fred. All their expressions are just like with Lily; surprised or she doesn't really have an idea.

Kinilig si Lily nang biglang lumapit si Shawn. "Teka, si Shawn Friis ito. Kapatid mo ang isa sa mga sikat na architect sa Asia? Gosh!"

Ngumisi si Shawn sa reaction nito. He looks proud and arrogant.

"Yeah, he is my brother. And what do you mean by Mr. Chen, again? Wait... are you... from Swizz or Vogue?" pagbabalik niya sa topic, bigla kasing parang aatakihin sa kilig si Lily noong akbayan siya ni Colin.

"Vogue, girl." Tinusok nito sa tagiliran si Colin ng hindi siya nililingon. "Ikaw, ha. Ang harot mo. Anyway, Winona -"

Naagaw ng atensyon niya si Malik noong tumalikod ito para sagutin ang tawag sa kanyang cellphone. Hindi niya na narinig ng maayos ang pinapaliwanag ni Lily dahil narinig niyang binanggit ni Malik ang pangalan ni Vika. Marahil si Winona ang tumawag dito.

She heave a deep sigh. "Thanks, Lily."

Halatang may gusto pang sabihin si Lily pero tinalikuran niya na agad. "Shawn, I'm thirsty. Let's drink while cookin the fish." Muli siyang lumingon kay Malik. Nahigit niya ang hininga ng makitang sumusunod ito sa kanila.

Bakit ka narito? Doon ka na sa Vika mo.