The engine roar to life as she enjoy each foreign views. Nakalimutan niya na nga ang prisensiya ni Malik dahil manghang-mangha siya sa ganda ng lugar. Kumpara kasi sa dinaanan nila ni Shawn patungong Century, ang binagtas ni Malik ay ang shortcut na may mas magandang view.
Mangha niyang ibinaba ang window shield para mas makita ang seaside. Nakangiti niyang inilabas ang kamay habang nakapikit at inaamoy ang sariwang hangin.
"Do you want me to stop on the side?"
Nagulat siya kay Malik. Seryoso niya itong binalingan ng tingin. Nahihiya siyang tumango.
Nakangiti nitong iginilid ang sasakyan at agad huminto. Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jyra at agad bumaba. Kagat labi niyang ipinikit ang mata habang nakatingala. Kahit naaksidente sila noon sa Palawan at kamuntik nang mamatay dahil sa lunod, hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa karagatan. The sound of waves smashing on the shore. Birds screeching. The wind blows.
Marahan niyang idinilat ang mata bago suminghap. She was happy and satisfied when she gazed to Malik. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. For a moment, she noticed that even if he smiles his eyes remain untamed and loyal to anger. Iyon ang dahilan kung bakit naisip niyang mahirap pasayahin ito. No one can please him.
Walang imikan silang nakarating sa bungad ng site.
Malik brought the three big paper bags while she handle the light one. Paglagpas nila sa harang agad napagtanto ni Jyra ang kawalang bagay ng suot niya sa lugar. Lalo siyang ginapangan ng hiya nang maglingunan lahat ng tauhan sa gawi nila. Some of them stop from what they were doing just to look at her.
Malayo pa ang eksaktong site dahil napakalawak ng lugar. Maalikabok at tirik ang araw kaya nagpapawis ang noo niya kahit pa pinapayungan siya ng pinagtagping yero.
A group of engineer on their complete safety uniforms approached Malik. Some of them are glancing at her before looking back to Malik. They seem to respect him highly as they all ears to whatever he said.
She can't stop herself from observing Malik. His flawless moves while tapping the shoulder of the other man. How his lips close and open to say something. How perfectly fit his attire to his lean and hard body.
Humalukipkip siya ng mapansin na hindi rin bagay ang suot nito sa lugar.
"Winona?"
Nilingon niya si Shawn na naka-whole safety uniform. Kumpara sa iba, ang suot niya ay kakaiba. On his back were three more guys ranging same on his age. All their eyes were on her.
"We bring the juice," she awkwardly said. Hindi kasi siya makaalis sa puwesto dahil sa hita niya. Ngayon ay lalo siyang nangliliit sa sobrang kahihiyan. Para siyang aspili na nahulog sa grupo ng mga karayom.
"Bakit ka narito?" tanong nitong mahihimigan nang iritasyon. He even covered her from his workmate.
"Siya ba 'yung tinutukoy mo?" One of his lads asked.
Hindi ito sinagot ni Shawn. He is looking for someone. "Malik!" he spotted.
Mula sa isang grupo, nahawi ang mga ito noong sabay-sabay na lumingon sa gawi ni Shawn.
Malik looked at her before he continued to whatever his speech on the group. And when he's done, he tapped the man's shoulder and leave. Lumapit ito kay Shawn.
"Hindi na dapat kayo pumunta rito," Shawn opposed before pointing the table where the orange juice was.
"No big deal, man." Malik nodded his head. Nahuli nitong nagkakamot siya ng binti.
"We appreciate the juice, Lex." The same man who asked Shawn about her.
Nanatili siyang nakatingin kay Malik dahil sa tinawag ditong pangalan. Hindi niya alam na may nickname pala si Malik. Paulit-ulit niyang binabanggit iyon sa isip at wala sa sariling lumingon kay Shawn. Bahaw siyang ngumiti dahil nahuli nitong nakatingin siya kay Malik.
"Gusto ko lang makita ang North Gate. Hindi na kami magtatagal, Shawn." Paliwanag niya nang makita ang pag-igting ng panga nito habang nakatingin sa kamay niya. Agad niya iyong itinago."Lalakad na kami, Shawn."
Tumango si Shawn.
She can visibly read what's on his mind when she tear her eyes off him. Binilisan niya ang lakad kahit walang ideya kung nakasunod ba si Malik o hindi. Pero nang marinig niya ang pagtunog ng lock ng sasakyan ay napahinto siya para sumulyap sa likuran.
Malik was following her.
Agad siyang sumakay sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt. She's calming her wild beating heart. She's fucked up today. First, Malik was right. Two, Shawn saw her wound and he seem not pleased with her presence there. Third, anong mukha ang ihaharap niya sa mga nakakita sa kanya roon? Anong iniisip nila sa kanya ngayon?
Humarap siya sa bintana habang nakapikit.
Pumasok si Malik sa sasakyan ng hanggang sa makaalis sila roon ng hindi siya iniimik. Kutob niyang may ideya ito kung bakit siya hindi makatingin.
She bit her lower lip. "Drop me to the nearest taxi stand or mall," bulong niya. Ilang saglit siyang tumahimik para hintayin ang sagot ni Malik pero gaya niya ay tahimik din ito. Dahan-dahan siyang lumingon dito. "I didn't listen to you. I'm sorry."
"Anong gagawin mo sa Mall?" tanong nito ng hindi siya nililingon.
"May bibilhin lang ako," palusot niya kahit pa ang totoo ay para lang matakasan ito. She lose the gut to act brave in front of him. Sirang-sira na siya, at walang mukhang ihaharap dito. She's thinking now that Malik was just controlling his temper because of her stupidity.
Muling katahimikan ang namagitan sa kanila nang may matanaw siya sa unahang bahagi na Mall. Bigla siyang na-excite, that kicks her shame experience a while back. Doon niya sa Mall ilalabas ang kahihiyang nilunok kanina. She brightly ready her fingers to open the door until Malik proceeded the car.
Agresibo niyang nilingon ito. "Puwede naman akong bumaba roon!"
Malik flawlessly maneuver the car on the loop. His stance on handling the steering wheel was very manly. Parang lumiit ang manibela dahil sa laki ng mga braso at kamay nito. "I will not leave you there. Sinabi ko kay Shawn na ihahatid kita kaya kahit saan ka magpunta ngayon ay kasama mo ako." Paliwanag nito sa pagitan nang pagiging abala sa paghahanap ng available space.
Hinayaan niya nalang. Ayaw niya ng dagdagan ang kahihiyan dito.
Malik luckily found a space near in the elevator, hindi na sila mahihirapan mamaya para sa pinamili. She'd decided to buy some grocery, tutal nagpresinta ito na sasamahan siya.
"Let's eat first," Malik touched her right arm.
Bolts of electricity crept on her body because of that. Tumigil siya sa paglalakad para bumaling dito. Malik looks shocked too but he's capable of handling those kinds of situation. His dangerous eyes immediately hide it and now acting innocent of what he did.
"Nagugutom na nga rin ako. Kumain muna tayo," she agreed.
While waiting for the food they remain silent. How awkward for Jyra because Malik was sitting across her. She felt kind of intimidated every time she seized him glancing at her. Pinagdiskitahan niya tuloy ang cellphone, titingin sa gallery or browsing news about the fashion trends. Ganoon naman siya noon, pero ngayon ay naiiba. She wanted him to speak to her.
Dinampot niya ang cocktail na kakalapag lang ng waiter. Sumimsim siya roon ng hindi inaalis ang tingin kay Malik. She'd notice the weariness in his eyes. Gusto niyang tanungin ang mga nangyari rito. Ang tungkol kay Alice, kung okay na ba ito? Their mansion, did he already paid their debt? How did he come here for Vika instead of marrying Cielo? Kamusta na siya?
Tumingin ito sa kanya kaya napatuwid siya sa pagkakaupo.
"Do you have work today?" she opened a topic. Masisiraan yata siya sa ulo kapag nanatili silang tahimik. And thanks be to god that the food arrives.
"I do," he answered politely. He took the napkin to put it on his lap. Nang matapos ay muli itong tumingin sa kanya. "Don't worry, I own my time. Anyway, you were at Dubai. What's up?"
Sinibulan siya ng kaba sa tanong nito. Tension showered her when Malik gave his full attention to her.
Gagawa ba siya ng kuwento? What if he already knew? He said he knew her, baka pinaimbestigahan siya nito?
"Kilala mo ako, hindi ba? Tatanungin kita... anong sa palagay mo ang ginawa ko sa Dubai?" she asked back. Tumaas na ang kilay niya. She's eager to continue their hang conversation. And she's desperate to know what he is thinking right now.
Kumabog ang dibdib niya nang itungkod ni Malik ang parehas na siko sa mesa matapos ay pinagsalikop ang mga daliri. "Yeah, you're right" – He cocked his head— "Gusto kong malaman kung ano ang humahadlang sa'yo para sabihin ang totoo mong pangalan... kung bakit mo ginagawa itong lahat? Who will benefit? What is your benefit?"
Her heart thumped rapidly as if it will break her ribcage. Hindi umabot sa ganitong ideya ang puwedeng isipin nito pero iyon ang eksaktong narinig niya. He is suspicious and that scares her. What if he came in here to ruin her? Para gantihan siya sa pag-iwan dito?
She opens her mouth to say something but everything inside of her head crumbled on her feet. She looked down at her hand. It was shaking.
He is intimidating me. Matigas niyang ikinuyom ang kamao at agad tumingin kay Malik. "Then, drop the beans Malik?" She even titled her head pulling all her bravery that scattered everywhere. "Do it. Let me know what the connection of those benefit to you is?" she remarks.
A ghost of smile hides on his lips when he nodded his head. Napainom ito ng tubig bago muling tumingin sa kanya. "Let's talk about that some other time. Huwag nating paghintayin ang pagkain."
Muling katahimikan ang namagitan sa kanila hanggang sa pag-uwi. When she climb on her bed, iilang ideya ang naglalaro sa isipan niya.
Kung ayaw mong magkuwento, e 'di aalamin ko.
Kinabukasan pagkaalis ni Shawn ay agad din siyang lumarga. Sa daan ay hindi niya na mapigilang kabahan at ma-excite. Going to Maliks house means she will see Alice. Nang makita ang pakay na mansion, agad niyang pinatigil ang taxi. Nagbayad siya sa driver at agad bumaba.
Umihip ang pangtanghaling hangin ngunit hindi ganoon kasakit sa balat. Ang naglalakihang mga puno na siyang nagtatago sa matayog na bakod ang nagsilbing bubungan niya. Mula sa puwesto ay alam niyang abandunado ang lugar. She's not expecting it like this. Halatang taon nang walang tumitira rito dahil sa mga napabayaang damong ligaw at kinakalawang na gate. It was lock. And there's a signage saying 'No Trespassing'.
She's about to touch it until an old man appears on her right side.
Nahihiya niya itong nginitian. "Magandang tanghali ho. Itatanong ko lang po sana kung ano pong nangyari sa nakatira rito?"
"Anim na taon ang nakakaraan nang mamatay ang may-ari niyan."
Namilog ang mata niya sa gulat. "Sino hong may-ari?" Agad siyang lumingon sa sirang bintana at muling humarap sa matanda. "Ano hong pangalan?"
"Si Alice Hetch ang tinutukoy ko. Anim na taon na ring abandunado ang mansion na ito. Pero kamakailan lang bali-balitang bumisita ang anak ni Alice rito."
"Talaga, ho? Hindi ba't iba na ang may-ari nito?"
"Hindi ako tiyak, Iha. Pero kung bumalik ang anak ni Alice rito, sa palagay ko'y siya na. Kilalang-kilala siya bilang sikat na inhinyero, at may malagong business. Kaya niyang bawiin ito sa dating may-ari." Lumapit ito sa gate upang haplusin. "Matagal na ang mansion na ito rito at kilalang pamilyang Hetch ang tumira... naabutan ko pa nga ang lolo ni Alice." Nakangiti ang matandang lumingon sa kanya. "Kaanu-ano ka ba iha ng pamilyang Hetch? Parang ngayon lang kita nakita rito."
Winagayway niya ang kamay habang umiiling. "A, napadaan lang po. Naghahanap kasi ako ng lote sa gawi rito. At napansin kong abandunado kaya plano ko pong bilihin, kaso sabi niyo ho ay bumalik na ang anak kaya maghahanap nalang po ako sa ibang gawi." Muli siyang ngumiti rito at nagbigay galang bago tumawid sa kabilang gilid.
Nagulat pa siya nang makitang nakatitig pa rin sa kanya ang matanda.
Hindi ko manlang natanong ang pangalan niya. Pinara niya ang paparating na tricycle. Bago sumakay, nagbigay galang ulit siya sa matanda. Tumango naman ito sa kanya at sumigaw ng ingat.
Hindi pa siya nakakalayo nang mamataan niya ang sasakyan ni Malik. She immediately cover herself using her pouch bag. Nang makalagpas ang sasakyan nito'y agad siyang sumilip sa likuran. Ang lakas ng kabog ng puso niya. Mabuti na lamang at nakasakay agad siya kung hindi, ano nalang ang mangyayari sa kanya?
Dinampot niya ang paboritong mug habang tulala. Kanina pa siya sa Patio buhat nang pagdating galing sa Casa De Rios. Naglalaro kasi sa isip niya ang dahilan ni Malik kung bakit ito bumalik sa Mansion.
Did he bought it again because of pride? O natuloy ang kasal at niloloko niya lang si Winona? Tahimik niyang inisang lagok ang lumamig ng kape. Sumingkit ang mata niya nang maalala ang napanood na comeback ni Winona. That's live. Malik will not take the risk if he's married, besides Cielo will surely hunt down my friend if they're married.
Ipinikit niya ang mga mata habang iniisip ang mga sinabi ng matanda. Maybe he is right. Siguro'y galing pa sa mga ninuno ni Malik ang mansion kaya tiyak na babawiin niya iyon. Pero, paanong hindi natuloy ang kasal kung engaged na sila? What happen back then? Lumingon siya sa nag-aagaw kahel at dilim na kalangitan. Maliwanag pa sa ilaw ng bahay nila ang alaala ng kahapon. Kung paano siya insultuhin ni Cielo noon. She's desperate to throw her out. Ano bang kalaban-laban niya rito? She's young and very innocent during those times. She's weak and vulnerable, to the point she thought to kill herself because of lacking of power and knowledge. Hindi manlang nito naisip na isa lamang siyang paslit.
"She's heartless," she murmurs while minding what she might do if Malik falls to any other woman. Winona! Gumuhit ang kaba sa dibdib habang iniisip ang pagkakataong magharap si Winona at Cielo.
Agad siyang napatayo at lumingon sa loob ng bahay. She heard Shawn's looking for her. Pero hindi iyon ang inaalala niya. She's thinking about Winona.
Where are you, Winona? You're not safe. Oh my god, what I have done