Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 31 - Chapter 31

Chapter 31 - Chapter 31

31

"KANINA ka pa walang imik. May problema ba?"

Binigyan ko ng tipid na ngiti si Sir Rod nang magtanong ito habang nagmamaneho. Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa aking hita saka nilapirot iyon.

"You know you can always tell me your thoughts."

"Alam ko... Ayos lang talaga ako Sir—"

"Ayan ka na naman sa Sir na 'yan," simangot niya at talagang binawi niya ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. Tila nakaramdam tuloy ako na parang may kulang.

"Sorry, 'di ako sanay na..." Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi niya ako pinapansin at pihadong hindi ako nito papansin hangga't hindi ko sinusunod ang gusto niya.

Isa pang malalim na hininga, hinawakan ko ang kanyang braso. "Sorry na, pansinin mo na ako... R-Rod..." Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa hiya. Samantala, unti-unti namang gumuhit ang ngisi sa kanyang labi kasabay ng pagbalik niya ng kanyang kamay sa akin.

"Sounds better, baby," aniyang may pagkagat pa ng labi. Halos kombulsyunin tuloy ako sa ginawa niyang iyon. Halos mag-party yata ang mga lamang-loob ko sa sobrang kilig. Ang gwapo pala talaga ng nobyo ko!

Isa kang pinagpalang babae, Kriselda! Mabuhay ka! Hiyaw ng malandi kong utak.

"Anything you want?" usisa niya nang maiwan ang tingin ko sa nadaanan naming mall. Agad akong umiling bilang tugon.

"Wala, wala naman," wika ko. "Ay! Ano pala..." Napakamot ako ng ulo nang may maalala.

"Yes? What is it?"

"Pwedeng..." Takte! Nakakahiya palang humingi sa kanya ng ganoon. Baka isipin niyang...

"Pwedeng ano, Krisel?" Nilingon niya ako kaya lalo akong hindi mapalagay. Naku naman, Kriselda! Tutal inumpisahan mo na 'yan, tapusin mo! Katulad ng laging pinapaalala ni 'Nay Lourdes, 'Anumang sinimulan, tapusin, dahil kung hindi, walang matatapos.'

Pilit akong ngumiti. Sige Kriselda, kaya mo 'yan, pagpapalakas ko sa loob ko bago muling lumabi. "Ahh... Pwedeng... ano... pahimas ng dibdib mo?"

Bigla siyang nagpreno. Muntikan na akong mauntog sa harapang salamin ng sasakyan sa lakas ng pagkakapreno niya. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Kung titingnan ko ba ang sarili ko kung nasugatan o babalingan ang gulat na gulat na mukha ni Sir Rod.

"Anong nangyari?" tanong ko dahil sobrang gulantang ang mukha ni Sir Roderick. Muntikan na ba kaming mabangga? Makabangga? May makakabanggaan? Bakit ang lakas ng pagkakapreno niya?

"Do you know what you are talking about?"

"Ha?"

"Krisel, alam mo ba ang ibig sabihin ng sinabi mo? Pwedeng pahimas ng dibdib ko? Oo naman! Pero kanino mo natutunan 'yan? Wala akong naaalala na tinuruan kitang mag-alok ng himas sa isang lalaki. Who taught you that?"

Lumunok ako dahil parang galit siya. May mali ba sa sinabi ko? Diba normal lang naman iyon sa magkasintahan? Ganoon nga ang ginagawa nina Andeng at Jerome, e.

"N-nakita ko lang kina Andeng at Jerome," mahina ang boses ko.

"Who the heck is Jerome?"

"N-nobyo ni Andeng."

Dinig ko ang mahinang mura niya bago pumungay ang nakaliliyo niyang mga mata. "If you really are that curious at gusto mong maranasan iyang paghimas-himas na 'yan, just tell me, okay? You can fondle me anywhere you want. 'Wag na 'wag ka lang mang-alok ng ganyan sa ibang lalaki, do you get it?'

Tumango-tango ako na animo'y tuta na handang sumunod sa kanyang amo.

"Stay here, okay? I'll be quick." Nasa malaking paradahan kami ngayon ng kompanya ng mga Tuangco dahil may nakaligtaan si Sir Rod na kung anong bagay sa kanyang opisina. Kukunin niya lang daw muna ito bago kami dumiretso sa aming date.

Pagkalabas niya ng kotse ay inabala ko ang sarili sa pagmasid sa malawak na paradahan. Hindi ako nakuntento sa mga nakikita ko mula sa loob ng sasakyan kaya binuksan ko ang pinto para lumabas.

Noong nasa labas na ako ay hindi ko napigilang mamangha sa mga magagarang sasakyan na nakaparada sa kalawakan ng garahe. Indikasyon lamang ito na pulos mayayamang tao lamang ang naririto sa lugar na ito. Pakiramdam ko tuloy isa akong yagit na naliligaw doon. To think na paradahan pa lang ito, paano na kaya kung nasa loob na mismo ako ng kompanya?

"Excuse me." Halos mapatalon ako sa gulat nang may boses na namayani sa likod ko. Kaagad akong tumabi para bigyang-daan ang lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon. Mukhang kotse niya iyong nahaharangan ko.

"S-sorry, sorry ho, Sir!" paumanhin ko. Matangkad at nakasuot ng pang-opisinang damit ang lalaki. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang hitsura nito dahil natatakot akong salubungin ang kanyang mga mata. Pansin ko kasing nagtagal ang tingin nito sa aking mukha. Lagot! Baka pagkamalan ako nitong magnanakaw.

"A-alis na ho ako, Sir." Tatalikod na sana ako nang pigilan ako nito.

"Wait. I think—"

"What's going on here, Frederico?" Sabay kaming napalingon ng lalaki sa kadarating lang na si Sir Rod. Kaagad akong tumakbo palapit kay Sir Roderick para tumago sa likod nito.

Sinilip ko 'yung lalaki at doon ko lang buong nakita ang hitsura nito. Gwapo ito lalo na't nakangisi itong nakatingin sa amin ni Sir Rod. Mukha ring kasing-edad lamang ito ni Sir Roderick. "You know the girl, Roderick?" nakangising tanong nito.

"She's with me. Bakit, anong ginawa niya?"

"Wala naman." Inundayan muli ako nito ng tingin at ilang segundo ring tumagal ang mga mata nito sa akin, tila may inaalala. "Una na ako, Roderick." Bago ito tuluyang pumasok sa kanyang sasakyan ay nagpahabol pa ito ng sulyap sa akin.

Nakita iyon ni Sir Roderick kaya kaagad na ako nitong hinila papasok ng kotse. "I said stay here. What were you doing outside the car?" tila iritadong untag ni Sir Rod.

"T-tiningnan ko lang ang lugar," dahilan ko. Hindi na muling nagsalita pa si Sir Rod pero halatang badtrip ito. Magtatanong pa naman sana ako tungkol doon sa lalaki.

Saka na nga lang.