Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 34 - Chapter 34

Chapter 34 - Chapter 34

34

NAGUGULUHAN man ay sinunod ko ang kanyang utos. Pagkasarado ko ng pinto ay napaisip pa ako saglit kung anong gagawin niya at kailangan pa talagang palabasin ako.

Nang walang matinong rason na naisip ay napagdesisyunan kong sa baba na lang maghintay. Akmang ihahakbang ko na ang paa ko nang mapahinto ako sa pagtawag sa akin ni Sir Rod mula sa kanyang kwarto. Hindi ko pala naisarado nang maayos ang pinto.

"Krisel..." pagtatawag niya ulit sa aking pangalan. Sasagot na sana ako kung hindi lang siya nagsalita ulit. "Oh shit... Krisel..."

Kinabahan ako sa biglaan niyang pagmumura. Napaisip pa ako kung anong nagawa kong mali. Saka... kakaiba ang boses niya, parang... may mahirap na pinagdadaanan?

Dahil sa kuryusidad ay humakbang ako pabalik sa kanyang silid. Maingat kong nilakihan ang siwang ng pinto para makita nang maayos ang ginagawa ni Sir Rod sa loob.

Nakahiga siya sa kanyang kama, tumataas-baba ang kanyang kamay sa bandang hita. Ahh kaya pala... nag-e-exercise si Sir!

"Ahh fuck! So fucking good... Krisel!"

Ano raw?

"Kri—"

"Sir, bakit po? Kanina niyo pa po ako tinatawag ah. Magpapatulong po ba kayo sa pag-e-exercise?" untag ko nang hindi na mapigilan. Sa sandaling umalingawngaw ang boses ko sa loob ng kwarto ay mabilis na napabalikwas ng bangon si Sir Rod saka dali-daling inayos ang kanyang short na suot.

"Damn, Krisel! What are you doing here? Diba sabi ko lumabas ka muna?"

"E tinawag niyo po ako ulit e. Minura niyo pa nga ako e," kunwaring pagtatampo ko. Saglit na natahimik si Sir, marahil ay nag-iisip ng tamang salitang bibigkasin.

"Forget it," buntong-hininga niya. "Let's go downstairs, parang uminit dito sa kwarto."

Eh? Uminit ba? Ang lakas nga ng aircon, e. Halang din pala ang bituka ni Sir Rod. Tuloy hanggang tanghalian ay wala kaming ginawa kundi tumambay sa kanilang malawak na sala. Seryoso siyang nanood ng basketball sa malaki nilang TV, samantalang halos amagin ako sa tabi niya.

Sa sobrang pagkabagot ay halos nangatngat ko na lahat ng kuko ko sa daliri ng aking mga kamay. Balak ko nga rin sanang subukan 'yung sa paa ko kaso 'di ko kaya. Ang sakit sa leeg, 'di ko maabot.

"What are you doing?" tanong ni Sir Rod nang makita akong pilit na inilalapit ang aking ulo sa aking paa.

"Ah... nag-e-exercise lang po. Hehe."

Dumaan pa ang mga oras ay talagang hindi na bumalik pa si Sir Rod sa kanyang kwarto. Pagkatapos ng tanghalian ay pumwesto ulit siya sa sala para manood ng basketball.

Ang boring ng araw na 'to!

"Krisel..." Iniangat ko ang nakatungo kong ulo nang tawagin ako ni 'Nay Lourdes, "halika't samahan mo muna akong mag-grocery. May sakit si Manang Linda, walang mag-go-grocery ng mga kakailanganin sa mga susunod na araw."

Tumayo ako saka tiningnan si Sir Rod na ngayo'y nakatingin na rin sa akin. Hindi na ako magpapaalam sa kanya tutal narinig na rin naman niya si 'Nay Lourdes.

Tahimik akong lumapit kay 'Nay Lourdes. "Wait up, I'll drive you to the market," biglang wika ni Sir Rod, dahilan para lingunin ko ito.

Nahuhuli kaming dalawa ni Sir Rod sa paglalakad habang si 'Nay Lourdes ay abala sa paglalagay ng kung ano-ano sa tulak-tulak niyang cart. Tahimik lamang kaming nakabuntot dito.

Dahil doon ay pansin na pansin ko ang madalas na pagsulyap ng mga babae kay Sir Rod sa tuwing napapadaan kami. 'Di ko tuloy napigilang mabwiset. Sarap manusok ng mata! Kitang-kita namang kasama ako oh, ako, ako na girlfriend, tapos kung makatitig akala mo may nagrarampang nakahubad sa harap nila. Bwiset!

"May gusto kang bilhin?" biglang tanong ni Sir Rod sa akin. Umiling ako, nakasimangot pa rin.

"What's wrong?"

Bumuntong-hininga ako. "Sa susunod po kasi na lalabas ka ng mansiyon, 'wag ka nang pumorma."

"What? Look, hindi nga ako nag-ayos oh." Lalo akong nainis nang may multo ng ngiting sumilay sa kanyang labi. Kaurat! Bakit kasi saksakan pa rin siya ng gwapo kahit sa simpleng damit? Hindi na makatarungan!

Binilisan ko ang paglalakad kaya medyo nauna ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa kanya ako naiinis gayong hindi niya naman kasalanang magkaroon ng sagad sa butong kagwapuhan. Dapat kina Señor at Señora Tuangco ako maghinagpis dahil sila ang dahilan kung bakit nabubuhay ang makasalanang mukha ng lalaking iyan.

Walang ano-ano'y inungusan ako ni si Sir Rod sa paglalakad kaya siya na ngayon ang nauuna. Dumire-diretso siya hanggang sa maabutan niya si 'Nay Lourdes at may kung anong sinabi rito. Hindi ko iyon narinig dahil sa kaunting distansiya at ingay sa paligid. Nagulat na lang ako nang walang pasintabi ako nitong hinila palabas ng Super Market nang mahawakan ako.

"T-teka... Aray! Saan tayo pupunta?" Pilit akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya.

"Sshh... stop it, Krisel. Pinagtitinginan tayo." Anong kami? Siya. Siya ang pinagtitinginan kanina pa. Bahagya akong umirap bago tumahimik at nagpahila.

Bakit ang arte-arte mo ngayon, Kriselda? Hindi ka ba masayang ubod ng gwapo ang nobyo mo? Untag ng kosensiya ko.

Masaya? Siyempre masaya ako... 'di ko lang mapigilang manliit sa aking sarili. Ano ba naman kasi ako sa sandamakmak na babaeng nagkakandarapa sa kanya, diba? Oo, ako ang nobya niya pero kung tutuusin, pwedeng-pwede niya akong ipagpalit sa babaeng mas maganda, mas makinis, 'yung mayaman, 'yung may pinag-aralan, 'yung kaedad niya. Nakapila na sila, pipili na lang siya. Nanliliit ako sa katotohanang hindi ako magiging kawalan sa oras na binitawan ko siya kasi marami pa namang nakaabang para saluhin siya.

"What are you thinking?" Nabalik lamang ako sa sariling huwisyo nang magtanong si Sir Rod. 'Di ko namalayang nakahinto na pala kami sa tapat ng isang pagupitan.

"H-ha? Ahh... w-wala. Ano palang ginagawa natin dito? Magpapagupit ka?" pag-iiba ko.

"Yep."

"Hindi pa naman mahaba buhok mo ah." Hinawakan ko pa ang buhok niyang maikli pa para pagupitan ulit.

"You don't want me to look good, right? I think ang panget ko kapag nagpakalbo ako," nakangiting saad niya bago pumasok sa pagupitang nasa harap namin.

Naiwan ako sa labas, hindi makagalaw, laglag ang panga habang sinusundan siya ng tingin.

Seryoso ba siya?