Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 35 - Chapter 35

Chapter 35 - Chapter 35

35

SIGURO ko kung hindi lang gwapo at malakas ang karisma nitong si Sir Rod ay nabulyawan na kami ng mga bading dito sa pagupitan.

Kanina pa kasi kami nagtatalo sa balak niyang pagpapakalbo. Pilit ko siyang kinukumbinsi na 'wag nang ituloy ang binabalak. Hindi naman sa ayaw kong pumanget siya, as if naman papanget siya kapag nagpakalbo siya, e kahit ano pang gawin niya sa kanyang hitsura, talagang gwapo siya.

Ang akin lang, hindi niya naman kailangang gawin ito para lang mapanatag ang loob ko. Ako 'yung may problema, ako 'yung na-e-insecure, ako 'yung nanliliit kaya dapat ako 'yung mag-adjust, hindi siya.

"Fine. Just give me a trim," aniya sa beking kanina pa nakaabang sa kanya, pangiti-ngiti lang pero halatang naiinip na.

Napagkasunduan naming magpapabawas lang siya ng kaunti dahil nakakahiya naman kung hindi siya tutuloy. Ngayon pa't naabala na namin ang mga barbero roon.

Naupo ako sa maliit na sofa'ng naroon sa gilid para hintayin si Sir Rod.

"Ang pogi ng kuya mo, 'neng. Anong pangalan niya?" usyoso kaagad ng isang bading na nakipag-agawan kanina kay Sir Rod para gupitan.

Mapakla akong tumawa na ikinakunot ng noo ng beki. "Naku po, kung alam mo lang po na ang lakas at ang baho ng utot niyan. Bihira lang din po sa isang linggo maligo 'yan kaya grabe ang putok. Ang baho! Nakaka-turn off po, diba?"

Hindi maipinta ang mukha ng bading na barbero nang marinig ang mga mababantot na paninira ko kay Sir Rod. Halos matawa ako sa hindi makapaniwala nitong ekspresyon.

"Ay sayang naman. Ang gwapo sana kaso pabaya pala sa katawan. Pero in fairness sa kuya mo ha, mukha pa ring mabango."

Kung ano-ano pang paninira ang inembento ko tungkol kay Sir Rod para tigil-tigilan na ng bading ang nobyo ko. Lakas kasi ng kapit ng baklang 'to, 'di ma-turn-off-turn-off kay Sir.

"Saan po pala ang banyo rito? Naiihi ako," pagtatanong ko roon sa kachikahan kong bading.

"Nasa labas, ineng. Kumaliwa ka tapos kumanan, tapos kaliwa ka ulit, tapos may makikita kang pasilyo, hindi pa iyon 'yung daan papuntang banyo. Kakanan ka kasi ulit tapos may pasilyo ka ulit na makikita, bagtasin mo 'yun tapos charaaan! Congratulations! You've reached your destination!"

Napangiwi ako sa ibinigay nitong direksyon. Sa labo ng sagot niya at laki ng mall ay halos magkandaligaw-ligaw tuloy ako sa paghahanap ng banyo. Mabuti na lang at may mabuting loob na tumulong sa akin.

"Follow this way, sa dulo nito ang banyo."

"Salamat po." Tiningala ko ang matangkad na lalaking tumulong sa akin para ngitian, ngunit imbes na ngiti ay gulat ang rumehistro sa aking mukha nang masilayan ko ang mukha nito.

"You're the girl in the parking lot, right? 'Yung kasama ni Roderick?" Bahagya akong yumuko para hindi niya makita ang mukha ko pero huli na. Pambihira naman kasi, sa dinami-rami ng tao sa lugar na ito, siya na naman ang nakadaupang-palad ko sa ikalawang pagkakataon.

"Hey, don't be scared. I don't bite." Dinig ko ang mahina niyang pagtawa. "I'm Frederico, call me Fred or Frederick para 'di masyadong old school." Tumawa ulit siya. Napaisip din tuloy ako kung anong nakakatawa roon sa sinabi niya. "I'm Roderick's colleague friend."

Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko para makita ang nakangiti niyang mukha. Naglahad siya ng kamay, "you are?"

"K-Krisel po..." Nahihiya kong tinanggap ang kanyang malambot na kamay saka kiming ngumiti.

"There. You look better when you smile." Nagtagal na naman ang tingin niya sa mukha ko kaya sumilab na naman ang ilang sa aking katawan. "You have a beautiful pair of brown eyes," puri niya pagkakuwan.

Humugot ako ng lakas ng loob para magpaalam na dahil bukod sa naiilang ako ay puputok na ang pantog ko. Ang kaso ay wala pa mang salitang lumalabas sa aking bibig ay natigilan na ako sa mga salitang binitiwan niya.

"You look just like her..."

Lutang ako pagkabalik ko ng pagupitan. Ang nakakaloka ay ilang minuto akong nawala ay hindi pa rin tapos ang paggupit kay Sir Rod. Akala mo naman kayhaba-haba ng buhok na gugupitin.

Ang isa pang nakakaloka ay iyong huling sinabi ni Sir Fred. Sinong 'her' ang tinutukoy niya? 'Langya! 'Di naman kami close pero pinapasakit niya ang ulo ko!

"Tapos na, Sir!" sa wakas ay hayag nung beking naggupit kay Sir Rod, may halong landi pa ang tono ng boses. Kinakausap siya nito kaya nakatalikod siya sa akin. Ang tanging kita ko lamang rito sa aking kinatatayuan ay ang manghang mukha nung beki habang kinakausap siya.

Nung humarap na sa akin si Sir Rod ay saka ko lamang naintindihan ang pagkamangha nung bading kay Sir. Taragis kasi! May igagwapo pa pala ang nuknukan na sa gwapong si Roderick Tuangco?

"Hey, Krisel, are you listening?"

"Po? Ah... ano po ulit iyon?"

"I said let's go, baka hinihintay na tayo ni Yaya Lourdes." Tumingin siya sa relos na suot niya. "I didn't know na ang tagal pala ng service nila rito."

Sus! Sinulit-sulit kako nung bading ang sandaling ginugupitan niya si Sir Rod kaya halos abutin sila ng kalahating oras. Para-paraan, para-paraan, ika nga ni Nadine Lustre.