33
ANG handjob, blowjob at muffing ay ginagawa sa mga lalaki, samantalang ang fingering ay ginagawa sa mga babae. Iyon lamang ang ibinigay na impormasyon ni Felix sa akin. Iyon din ang baon-baon ko habang paakyat sa kwarto ni Sir Rod.
Nasa hardin kami nina Ma'am Mira kasama ang kanyang mga kaibigan nang dumating si Sir Roderick. Hindi ako nito namataan, dire-diretso lamang itong naglakad papasok ng mansiyon. Kaya naman kaagad akong nagpaalam kina Ma'am Mira para sundan ito sa kanyang silid.
"Sir— Uh... R-Rod?" Pagkatapos ng tatlong katok ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Naabutan ko itong nagtatanggal ng damit na suot. Nakatalikod siya sa akin ngunit alam kong alam niyang naroroon ako.
"Explain."
"H-ha?"
Kunot ang noo niya nang humarap siya sa gawi ko. Inaabot niya sa akin ang kanyang cellphone kaya gulong-gulo ko naman itong kinuha mula sa kanya. Anong gagawin ko sa cellphone niya? Magpapa-picture ba siya?
"Now, explain," aniya ulit. Humalukipkip siya sa aking harapan habang nakabalandara ang pangmodelo niyang katawan. Kaysarap sanang pagmasdan kung hindi lang salubong ang makakapal niyang kilay.
"A-anong ipapaliwanag ko?" naguguluhang tanong ko. Parang timang kasi itong si Sir Rod, hindi pa nga kami nagle-lesson, nagpapa-recite na.
Dinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga bago itinuro ang hawak kong cellphone. Ako naman itong wala pa ring kaide-ideya sa ipinapagawa niya ay tinapunan ng tingin ang bagay na hawak ko.
Doon ay nakita ko ang litrato namin ni Felix kanina na kinunan ni Faye. "I'm so drowned in your eyes," mahinang basa ko sa ibaba ng litrato na may pangalan ni Felix.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Sir Rod pagkatapos kong suriin ang litrato. Nakataas ang kilay nito sa akin, tila naghihintay ng paliwanag.
"Kung ano man ang iniisip mo, mali ka nang iniisip," agad na apila ko. Tumikwas lalo ang kilay niya nang dahil doon. Nabahala naman ako dahil ang taray-taray niya. Para siyang istriktong guro na nakahuli ng nangongodigong estudyante.
"Ano ba dapat ang isipin ko? Tell me, Krisel."
"Si Faye ang kumuha ng litrato na 'yan. Nag-uusap lang naman kami ni Felix ng mga oras na 'yan, e. Saka 'wag mo sana kaming pag-isipan ng kung ano ni Felix kasi hindi naman ako ang gusto nun kundi si Ma'am Mira."
"Is that what he told you?" Bahagyang umigting ang kanyang panga, "talagang ginamit niya ang kapatid ko?"
"Hindi, hindi sa ganoon. Torpe lang talaga si Felix kaya hindi niya maamin-amin kay Ma'am Mira ang nararamdaman niya."
Umiling-iling si Sir Rod na animo'y bigo sa narinig mula sa akin. "You don't know anything. Hindi ko alam kung ikakapanatag ko ba 'yun o ikakabahala."
Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako para tumungo sa banyo. Naiwan akong balisa roon, hindi alam kung paano ipapaintindi kay Sir Roderick na walang namamagitan sa amin ni Felix.
Naupo ako sa paanan ng kama para hintayin siyang lumabas ng banyo. Habang naghihintay ay biglang sumagi sa isip ko ang mga nabasa ko kaninang madaling araw, pati ang mga bagay na itinanong ko kay Felix kanina. Ang handjob, blowjob at muffing, ayon kay Felix iyang tatlo ang ginagawa sa mga lalaki. Lalaki si Sir Rod kaya—
Nahinto ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang nakatapis na si Sir Roderick. Tinapunan niya ako ng tingin bago dumiretso sa kanyang closet.
"U-uhh..." Humugot ako ng lakas ng loob bago ako tumayo at lumapit sa kanya. Nang makalapit ay ikinulong ko siya sa yakap mula sa likod. "Sorry na... please, bati na tayo. S-sorry sa mga nagawa kong hindi mo nagustuhan. Promise babawi ako ngayon... g-gagawin ko lahat ng gusto mo." Wala na akong pakialam kong desperada akong pakinggan, dahil totoo namang desperada na ako magkaayos lang kaming dalawa.
"K-kung gusto mo ng... h-handjob, gagawin ko," dagdag ko pa, baka sakaling magustuhan niya ang alok ko tutal nasa librong pinag-aaralan namin iyon. Ngunit hindi umiimik si Sir Rod, nakatayo lang siya roon, nanigas at hindi gumagalaw.
Isinubsob ko ang mukha ko sa malapad at mamasa-masa niya pang likod habang hinihigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. "A-ayaw mo ba nun? E b-blowjob?" tanong ko ulit ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya, bagkus dinig ko ang malalalim niyang paghangos.
Napabuntong-hininga na rin ako dahil hindi ko makuha kung anong gusto niya. "E m-muffing po?" mahina na ang boses ko dahil iyon na ang huli kong bala. Kinalas ko ang mga braso ko mula sa pagkakapulupot sa kanya saka desperadang nagwika, "S-sabihin mo lang po kung anong gusto mo."
Humarap sa akin si Sir Rod at kita sa mukha niya ang pagpipigil. Kung saan siya nagpipigil? Iyon ang hindi ko alam. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang umusbong na bukol sa ilalim ng tuwalyang nakapulupot sa kanyang baiwang.
Anong nangyayari kay Sir Rod?
"Krisel, leave me alone for awhile, please. I need some time alone..." nanghihinang pakiusap niya.