Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 32 - Take It Easy

Chapter 32 - Take It Easy

Pagdating naming sa may bangka nauna na siyang sumampa halos walang kahirap hirap niya itong ginawa. Sabay baba sa hagdan para ako naman ang maka akyat. Di niya rin ako kinalimutang alalayan para kahit gumalaw yung bangka ay di ako malaglag.

Inilahad niya yung kamay niya sa akin na mabilis ko namang inabot, kaya nagdikit yung dalawang palad naming dalawa para sakin wala iyong malisya at kinalimutan ko na yung ginawa niya sakin kanina. It is just a simple gesture for a gentle man na kagaya niya.

Sa totoo lang ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko para akong nakukuryente tuwing magdidikit yung mga balat naming dalawa pero ayaw ko yung bigyang pansin. Muli akong umupo kung saan ako naka upo kanina samantalang siya sa may manibela naman dumiretso. Nung makita niyang okey na yung upo ko saka niya pinaandar yung motor ng bangka at tuluyan na kaming umalis.

"Sa may Timmangtang Rock tayo pupunta, doon nalang din tayo mag lunch." Narining kong sabi niya habang pinaandar yung Bangka.

Di na ko sumagot kasi naman nakikisakay nga lang ako magrereklamo pa ba? pero tumango parin ako bilang pang-acknowledge na narinig ko siya.

Dahil medyo mataas na yung araw kaya ramdam na nga balat ko yung init at medyo mahapdi na kaya naisip kong kunin yung sun block ko at maglagay. Habang nagpapahid ako sa mga binti ko narinig kong nagsalita si Sir Martin.

"Lagyan mo naman yung likod ko!" Paki-usap niya.

Bigla ako nagtaas ng tingin at tiningnan siya dahil nga naka talikod di ko makita yung reaction ng muka niya. Napansin ko lang din yung pamumula ng mga braso niya at batok niya which is expose sa araw.

Wala akong ngawa kundi tumayo para ibigay sa kanya yung sunblock baka kasi yun ang ibig niyang sabihin. Buti na lang di na malakas yung alon sa gitna ng dagat kaya mabilis akong naka lapit sa kanya pero laking gulat ko nung isang dipa nalang ako sakanya biglang gumalaw yung bangka kaya walang kagatol-gatol na sumubsob ako sa likod niya.

"Woah... take it easy!"

"Anong take it easy?" Takang tanong ko. "Oh, yung sunblock magpahid ka mag-isa mo!" Pero di niya ito inabot sa halip aty nilingon niya lang ako na parang nagtataka bakit inaabot ko yun sa kanya.

"Di ko pweding bitawan yung manibela, lagyan mo na ko", Pagmamadali niya sakin pero mahinahon niyang ito sinabi sakin habang naka ngiti.

Agad ko siyang tiningnan habang pinag-aaralan ko yung sitwasyon. Medyo naging maalon na nga yung parte ng dagat kung saan kami naroroon ngayo at di talaga pweding basta-bastang bitawan yung manibela ng bangka.

"Ako nalang mag drive!" lakas ng loob kong sagot nung mapansin king chill lang siya sa pagmamaneho at wala naman masyadong ginagalaw feeling ko parang kotse lang yung pagmamaniho at may idea naman ako kung pano yun gawin.

"Sure ka?" muling tanong niya.

"Oo mukang madali lang naman yan, kayang kaya ko na yan!" Sabay gitgit sa kanya para umalis na siya sa manibela.

"Okey!" Tinanggal niya muna yung isang kamay sabay kuha sa sun block sa akin sabay bitaw sa manibela dahil nga medyo gumalaw ng bahagya yung Bangka kaya agad kong hinawakang ng dalawang kamay ito para di tuluyang tumabingi yung sasakyan namin.

"Bilisan mo mag lotion ha!" Pahabol kong sabi habang naka tingin ako sa unahan.

Ngunit di pa siya nakakalayo sa akin ng biglang umangat ng bahagya yung Bangka dahil sa alon.

"Ay!" Tili ko dahil dun nabitawan ko yung manibela. Akala ko tutumba na ko pero bigla akong napasaldal sa matigas na dibdib kaya di iyon natuloy.

"Thank God!" Nasabi ko habang napahawak pa ko sa dibdib ko.

Kung di kasi naging maagap si Martin malamang tumihaya talaga ako ang masaklap pa baka tumaob yung bangka namin kasi nga wala ng komokontrol.

Naka pwesto siya sa likuran ko at hawak hawak niya uli yung manibela para maging steady ang takbo namin. Ang masaklap masyado kaming magkadikit at napaka intimate ng position naming dalawa para kaming si Rose at Jack sa titanic.

"Ehem!" Sabi ko para sana dumistansiya siya sa akin ng kaunti.

"Wait lang! Wag ka munang magulo at malakas pa yung alon." Sawayn niya sa akin.

"Ano namang connection niyon sa pagkakadikit ng katawan namin?" Takang tanong ko.

"Marunong ka bang mag drive ng Bangka?" Tanong niya sa akin sa halip na sagutin yung tanong ko.

"Hindi, hehehe kala ko kasi madali lang nung tinitingnan kasi kita parang maning-mani lang di pala ganun." Nahihiya kong sagod sabay abante ng kunti para magkaroon kami ng kahit kunting distansiya.

Pero di niya hinayaang lumayo ang distansya naming dalawa at muli siyang umabante para tuloy niya kong yakap yakap ang pinagkaiba lang yung kamay niya nasa manibela.

"Let me teach you how!" Offer niya sa akin.

Ang masaklap lang binulong niya ito sa kanang tenga ko na punong puno ng sedaction kaya nagsipagtayuan yung buhok ko sa batok na parang may kuryenteng gumapang sa buo kong katawan.

"Next time na lang Sir!" Mabilis kong sagot.

"Ayaw mong turuan kita?" Tanong niya.

"Wag na Sir wala naman kaming bangka kaya di ko kailangan matututo!" Mabilis kong tangi at nagpumiglas para makawala ako sa position naming iyon. Feeling ko kasi talagang napaka dangerous niya at kailangan lumayo ako. Buti nalang di niya pinakumplekado at hinayaan na ko maka alis. Mabilis akong bumalik sa dati kong pwesto at binaling uli ang tingin sa paligid, ngi ayaw ko siyang tingnan.

"Lagyan mo na ko ng sun block!" Sabi niya uli.

Kaya wala akong nagawa kundi tingan siya. Doon ko narealize na di pa nga pala siya nakakapaglagay at talagang pulang-pula na yung balat niya.

"Lagyan mo nalang mamaya pag hinto natin." Tangi ko. Ayaw ko na kasi talagang lumapit sa kanya lalo pa at hahaplusin ko pa yung katawan niya parang di ko kaya.

"Kiss mo nalang ako pag ayaw mo ko lagyan ng sun block!" Seryoso niyang sagot.

"Huh?" Tanging nasabi ko. Paano nauwi sa kiss yung paglalagay ng sunblock di ko ma-intindihan.

Inisip ko yung pinagusapan naming dalawa at doon ko narealise na tinawag ko nga pala siyang Sir kanina dahil sa pagkakabigla pero di ko akalain sa sitwasyung iyon nagawa pa niya iyong mapansin.

Di ko mapigilang mapahawak sa noo ko parang sumakit.

"Tagal mo naman mag-isip!" Reklamo niya.

Lalo akong naasar paano ramdam na ramdam ko sa way niyang magsalita na natutuwa siya sa sitwasyon.