Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 34 - Kiss your self

Chapter 34 - Kiss your self

Tiningnan ko lang siya ng masakit at di na ko nagsalita. Nanatili lang akong naka titig sa muka niya. Dahil nga wala akong kibo akala ko alam niya na na talaga galit na ko pero laking gulat ko ng bigla niya kong halikan.

"Kaiinis ka!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sa braso niya.

"Akala ko yun ang gusto mo kasi titig na titig ka sakin."

"Bwisit ka talaga!" Comment ko habang patuloy sa paghampas sa kanya.

"Akala ko kasi humihingi ka ng Kiss paano gumagalaw-galaw pa yung labi mo na parang ganito!" Sabay pakita sakin ng pag-pout ng labi niya.

"Eh!" Di ko akalain na yun yung interpretation niya sa paggalaw ng labi ko. Wala akong nagawa kundi kumalma kasi nga kahit papano siya parin yung nagmamaneho ng bangka namin at maliban dun dalawa lang kami at kung sakalaing may balak siyang masama or ihulog ako sa dagat o kaya iwan sa isla wala akong magagawa kaya pinipilit kong kumalma.

"Inhale and Exhale!" Sabi ko sa sarili ko.

"Sa susunod kasi wag kang gumanon sa harap ng lalaki kasi yun ang impression nun samin."

Bigla akong natulala nung marinig kong sinabi niya na parang nagbigay pa ko ng motibo kaya niya ako hinalikan.

"If you don't mind willing naman akong mag compensate sayo kung gusto mong halikan din ako pwedi naman!" Sabay nguso ng labi niya.

"Kiss your self!" Sabay tulak sa muka niya.

Marahas kong itinaas yung kanang braso niya para makalabas ako. Dirediretso ako sa kinakaupuan ko kanina. Nilagyan ko ng earphone yung tenga ko para di ko marinig yung pagtawa-tawa ni Martin.

Makalipas ng ilang minuto naramdaman kong huminto na yung Bangka naming kaya agad akong lumingon sa harapan. Doon bumungad sa akin yung isang napaka gandang baybayin na may mapuputing buhangin at mga bundok. Napaka relaxing ng paligid kaya di ko maiwasang mapangiti.

Inihagis na ni Martin yung angkla sa dagat at may lalaking lumapit sa kanya para alalayan siya sa pagtatali ng bangka namin. Isa-isang binuhat ni Martin yung lagayan ng pagkain namin para iabot sa lalaki na pinasan para madala sa pangpang.

"Tara na!" Yaya sa akin ni Martin.

Kahit inis parin ako sa kanya wala akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanya. Kagaya ng ginawa niya kanina binuhat niya uli ako para makababa.

"Hmp!" Sabi ko sakanya sa halip na magpasalamat ako. Paano naiinis parin talaga ako feeling ko talaga naisihan niya ko kanina.

Maya-maya naglalakad na kami sa baybayin kausap si Martin yung lalaki. Pinag-uusapan nila yung cottage na gagamitin namin at yung mga amnesty ng lugar. Nakikinig lang ako at di sumasagot, nanatili lang ako naka sunod sa kanila.

Makalipas ng ilang minuto nakarating kami sa napiling cottage ni Martin. Malapit iyon sa dagat pero malayo sa mga iba pang cottages sa paligid. Medyo mataas siya kaya kailangan pa ng hagdan para makapasok may sariling CR at may kama sa loob ng cottage pang sosyal nasabi ng isip ko. Para siyang maliit na bahay na may maliit na kusina at maliit na sala. Kumpleto na sa loob wala ka nga hahanapin perfect sa isang bakasyun.

Agad kong inilapag yung bag ko sa may upuang kawayan sabay lapit sa may binatana. Tanaw na tanaw ko yung malaking bato na tinatawag nilang Timangtang rock.

"Timmangtang Rock is said to be part of Bantay Abot Caves or Mountain with a Hole. There is no such history about this rock, but they are believed to be lovers. The Timmangtang Rock is the male rock and the Bantay Abot Cave is the female, and later on, they turned to be Lovers Rocks." Ayon yan sa google na nabasa ko kanina kaya balak ko siyang puntahan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Martin na kalalabas lang galing banyo.

"Punta ako dun sa may bato na may butas!" Sagot ko naman sa kanya.

"Di mo pa nilalagyan ng sun block yung binti ko". Pang-aasar niya sa akin.

"Huh… lagyan mo mag-isa mo!" Sabay hakbang palabas nung cottage naming dalawa.

"Kain muna tayo, bago tayo pumunta dun!" Pahabol ni Martin sa akin.

Doon ko lang narealise na tanghali na pala, pero di pa naman kasi ako nakakaramdam ng gutom kaya lang wala akong choice kundi samahan siya. Courtesy kasi sinama niya ko dito.

Lumapit ako sa lamesa at binuksan yung picnic basket. Isa siyang malaking sealed bag kung saan naglalaman ng pagkain namin for lunch. Ang kagandahan lang nito is hanggang ngayon mainit parin yung food na naroon kahit kung tutuusin kaninang umaga pa ito naluto.

Habang inaayos ko yung pagkain si Martin naman nag aayos nung mga pinggan, kutsara at inumin namin. Nung ma set-up na lahat, agad kaming umupo ng magkatapat. Iniabot ko kay Martin yung kanin na agad naman niyang tinanggap pero sa halip na pinggan niya yung lagyan niya yung pinggan ko yung inuna niya. Kaya nagulat ako at agad ko siyang tiningnan.

"Anong gusto mong ulam?" Tanong niya sa akin nung makita niyang naka tingin ako sa kanya.

"Okey na ko, ako nalang kukuha. Kumain ka na!" Sabay abot ko sa beef broccoli. Pero inalalayan niya parin yun pag abot ko sa ulam at inunahan niya ko sa pagkuha ng serving spoon kaya siya parin ang naglagay sa pinggan ko.

"Let me serve you!" naka ngiti niyang sabi.

"Hays!" Bunting hininga ko feeling ko kasi bumabawi lang siya sa kalokohang ginawa niya kanina.

Hinayaan ko nalang kaysa naman sumasakit yung ngala-ngala ko sa pagtangi sa kanya at di naman siya nakikinig.

Kaya inumpisahan ko ng kumain at di ko na pinansin yung ginagawa niya. Tahimik lang kaming dalawa sa pagkain. Minsan lalagyan niya ng ko ulam, rerefill niya yung tubig ko. Ngayon inilapit niya yung grapes sa akin bilang panghimagas.

Nung tapos na kaming kumain, agad kong niligpit yung kinainan naming pinggan at mga baso inilagay ko sa lababo para hugasan. Samantalang siya nakita ko na muli niyang ibinalik yung mga tirang pagkain sa picnick basket.

Nang matapos akong maghugas ng mga pinggan. Nakita ko si Martin na nag sunblock ng mga binti niya yun yung parteng di ko nilagyan kanina.

"Buti naman!" Sabi ko sa isip ko, kasi kahit anong pilit niya di ko yun lalagyan. Gaya ng ibang lalaki mabuhok din yung mga binti niya pero di naman ganun ka kapal normal lang.

Tinigil ko na yung pagtingin sa kanya at muli akong umupo sa may upuang kawayan para magpahinga muna dahil nga kakain lang. Pansamantala kong ipinikit yung mata ko para sana di ko siya makita.