Chapter 40 - TAKE-OUT

"Alam ko naman na I am more handsome ang pinagtataka ko lang bakit ka titig na titig sa kanya?" Tanong ni Martin tagalagang ayaw niya kong tigilan kahit pinuri ko na siya.

"Di ko siya tinitingnan!" Paliwanag ko habang kinukuha yung cellphone ko sa bag.

"Dahil ba sa mas malaki yung katawan niya sa akin pero sa tingin ko mas malaki yung akin!" Itinaas pa niya yung braso niya at ipinakita yung musscle niya doon.

"Hay naku… nag-umpisa nanaman siyang pagiging narcissist!" Sabi ko sa isip ko, at sa halip na sagutin siya mas pinili ko nalang harapin yung phone ko buti nalang dumating na yung order namin.

Lalo akong napa-owe nung makita ko yung mga nilalapag na pagkain ng waiter kasi napaka ganda nilang tinggnan kaya agad kong binuksan yung camera ng phone ko at pinag-pipicturan yung bawat pagkain, natigilan lang ako ng magsalita si Martin.

"Mas masarap yang kainin kaysa picturan!" Sabi niya sa akin habang hinihiwa ng bite size yung steak.

Napaka eleganteng niyang tingnan na parang akala ko di karne yung hinihiwa niya ng walang kahirap-hirap. Iba talaga pag alam mong totoong anak mayaman nakikita mo sa gawi at kilos niya. Bigla tuloy akong nahiya sa inasal ko kaya agad kong ibinalik yung phone ko at kinuha ko narin yung kutsara at tinidor na naka patong sa lamesa pero bago lumapat yung tinidor ko sa karne agad itong kinuha ni Martin.

Pinagpalit niya yung plato ko palato niya bale napunta sakin yung hiniwa niyang kanina. Naka tingin lang ako sa muka niya kasi nga nagulat ako sa ginawa niya sa halip na magpaliwanag sa action niya ay inutusan niya ko.

"Himigop ka muna ng sabaw!" sabay lapit sa akin nung Nido soup. Kahit gustong-gusto kong unahin yung stake wala akong magawa kundi sundin siya kasi nga baka yun talaga yung proper etiquette sa pagkain.

"Sarap!" Di ko maiwasang masabi.

Iba talaga ang mamahaling pagkain halatang di tinipid sa ingredients at sigurado kang sariwa lahat ng sangkap. Kaya ninamnam ko talaga ang lasa hanggang sa kahuli hulihang patak kaya talagang focus na focus ako sa pagkain at wala na kong paki sa paligid, kahit pa sa katabi ko.

Isusunod ko na sana yung steak na kanina ko pa pinaglalawayan ng iabot sakin ni Martin yung kopita na may lamang wine.

"Inom ka muna nito bago ka kumain niyan, para mawala yung lasa nung soup sa bibig mo. Para malasahan mo ng maayos yung karne."

Tinaggap ko naman iyon ng walang pag-alinlangan. SA una sinimsim ko lang iyon pero nung sa tingin ko na masarap siya na parang fruit juice lang agad ko itong tinungga.

"Tsk…tsk…!" Palatak ni Martin na labis kong pinagtakahan baka kasi may nagawa akong mali.

"Bakit?" Inosente kong tanong habang titig na titig ako sa muka niya.

"Dapat dahan-dahan lang sa pag-inom ng wine para malasahan mo siyang mabuti. Di yan tubig na iinomin mo ng diretso. Isa pa baka nakakalimutan mo alak yan baka mamaya lasing ka na." Paalala niya sa akin.

"Sarap kasi eh, Saka wag kang mag-alala hindi ako malalasing dahil lang dito noh!" Pagyayabang ko.

"Okey, Sige na kumain ka na!" Pag-urge niya sa akin kaya wala akong kiming muling dinampot yung kurbyentos at nilasap yung steak.

"Hmmm!" Di ko mapigilang mapa-ungol sa sarap nito kaya habang nginunguya ko ito di ko mapigilan mapangit kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa maubos namin yung naka hain sa lamesa pero kung tutuusin ako lang ata ang naka ubos paano parang dalagang Filipina si Martin sa pagkain hanggang sa pagtusok ng tinidor at pagnguya parang aabutin ng ilang minuto.

"Nabusog ka?" Tanong niya sa akin habang umiinom kami ng wine. Di gaya kanina sinisimsim ko lang ito kasi nga yun ang sabi niya.

"Yes!" Masaya kong sabi.

"Mabuti naman kung ganun kasi mamaya ako naman yung busugin mo!" Mahina niyang sabi.

"Anong sabi mo?" Tanong ko para kasing di maganda sa pandinig yung narinig ko kaya gusto ko sanang ulitin niya.

"Anong sinabi ko?" Balik niyang tanong sa akin habang naka ngiti.

"Kung di ka nabusog, pwedi naman ata tayo magtake-out!" Offer ko.

"Etake-out na nga kita!" Sabay tawa. Di ko ma gets kung saan yung joke niya dun kaya nanatili lang akong naka tingin sa kanya pero di siya tumigil sa pagtawa.

"Kamote!" Usal ko sabay tunga sa laman ng baso ko.

Dahil nga medyo naiihi na ko, naisip ko sana pumunta sa banyo pero laking gulat ko kasi nung pagtayo ko bigla umikot yung paningin ko na para akong matutumba buti nalang maagap si Martin at agad niya ko nahawakan.

"Mukang mabubusog nga talaga ako mamaya!" Seductive na bulong ni Martin sa tenga ko.

"Anong sabi mo?" Anggil ko kahit nahihilo ako aware parin ako sa narinig ko.

"Wala… hahaha!" sabay tawa ng nakaka loko.

"Sipain kita mamaya kapag may ginawa kang kalokohan!" Pagbabanta ko kay Martin kasi yung kamay niya is naka pulupot na sa baywang ko.

"Pano mo naman yung gagawin eh di mo nga kayang tumayo ng diretso?" Pangaasar sa akin.

"Kaya ko noh!" Sabay bitiw sa kanya. Pero muntik nanaman akong matumba kaya muli niya kong niyakap at ako naman ay tuluyan ng sumbsob sa dibdib niya.

"Yabang!" mahinang sambit niya sa tenga ko sabay halik sa pisngi ko.

"Shit!" Pinilit kong iiling yung ulo ko para sana mawala yung hilo ko pero parang lalong lumala.

"Tara na!" Yaya niya sakin.

"Wait lang!" Tanggi ko kasi iniisip ko kapag dinala niya ko sa kwarto ng ganito wala na talaga akong kawala.

"Balik na tayo sa kwarto!"

"Lakad-lakad muna tayo!" Offer ko para sana kahit papano mabawasan yung kalasinggan ko buti nalang pumayag.

"Sige!" Sabay ayos sa akin para maka tayo ako.

"Kaya mo?"

"Oo, kaya ko!" Kaya pinilit kong makatayo ng tuwid, dahil nga medyo gumegewang pa yung lakad ko nung humakbang ako muli akong hinawakan ni Martin sa baywang para alalayan at hinayaan ko nalang siya para kahit papano di ako sumubsob.

"Siya nga pala kailan tayo mag meeting tungkol sa project?" Tanong ko, masyado kasi tahimik kaya naisip kong magsimula ng usapan.

"Tapos na kami mag meeting kanina." Matipid niyang sagot. Naglalakad na kami sa may baybayin dahil nga medyo gabi na, malamig na yung simoy ng hangin buti nalang magkadikit kami ni Martin kaya medyo bearable pa yung lamig.

"Bakit di mo ko sinama?" Tanong ko na parang maiiyak kasi nga yun ang purpose kaya ako sumama dito sa Pagudpod, tapos di naman pala ako makakasama.

"Pano kita maisasama eh tulog ka?"

"Bakit di mo ginising?"

"Diyos ko, pinasok na nga kita di ka pa nagising, kung ni-rape nga kita malamang di ka parin gising!"

"OA mo!" Reklamo ko pero sa totoo lang di ko talaga naramdamang naka pasok na siya sa kwarto ko.

"Eh ano napag-usapan niyo?" Pag-iiba ko ng topic, mahirap na mapunta nanaman kami sa kabusugan niya.