Chapter 46 - I LOVE YOU!

"Tingnan mo ko! Sa guapo kong ito, kahit sinong babae willing na willing mai-kama ko. Kindat ko palang baka maghubad na sila. Tapos sasabihan mo ko na rapist! Wow ah! Grabe ka Michelle!" Sabay tayo sa kama at buntunghininga na parang nasaktan talaga sa sinabi ko.

Bigla naman akong nakunsensya. Totoo naman yung sinabi ni Martin kahit sinong babaeng yayain niya papuntang kwarto ay di magdadalawang isip na maghubad kagad dahil talaga nga namang guapo siya at di ko yun maitatangi.

"Sorry!" Mahina kong sabi sa kanya para matapos na.

"Sorry lang?" Pabebe naman niyang sagot sa akin habang kunyari pang nagtatampo.

"Eh ano pa bang gusto mo?" Pagalit ko ng sagot, pano ba naman nilunok ko na nga pride ko nag sorry na nga ako nag iinarte pa siya. Kung tutuusin di naman big deal yung sinabi ko sa kanya. Umaarte naman talaga siyang rapist.

"Syempre gusto ko kiss uli!" Sabay lundag niya uli sa kama at sakto naman sa akin siya bumagsak. Muling nagkatapat yung muka naming dalawa. Nanlalaki yung mata ko sa pagkakatitig ko sa muka niya samantalang siya naman ay naka ngiti.

"Kiss na bilis para patawarin na kita." Sabay nguso ng labi niya sa akin.

"Pwedi ba Martin umarte ka ngang kagalang galang. Lumayo ka nga sa akin." Sabay tulak ko sa dibdib niya. Pero di parin siya lumayo sa akin at nanatili sa ganung position.

"Pag di mo ko kiniss di kita patatawarin. Pag di kita pinatawad iiwan kita dito mamaya. Mag isa kang babalik ng Manila at tiyak ko sayo mahihirapan ka pag-ganun!" Mahabang salaysay niya na para bang wala na kong choice.

"Okey lang! Meron naman akong pamasahe pauwi! Kaya kahit iwan mo ko." Pagyayabang ko naman kasi nga ayaw ko siyang pagbigyan sa gusto niya.

"Sige iiwan na kita. Ikaw na magbayad ng pag stay natin dito saka lahat ng expenses natin". Sabay alis ni Martin sa pagkakadagan sa akin. Naka upo na siya sa kama habang naka cross sa dibdib naman niya yung dalawa niyang kamay.

"Bakit ako magbabayad!" Sabay upo ko rin at pinangdidilatan ko siya ng mata.

"Ikaw kaya nagsama sa akin dito saka di naman ako omorder ng mga pagkain natin, Ikaw naman kaya bakit ako ang magbabayad. Like mo hati tayo. Magkano ba total bill natin dito?" Tuluyan na kong bumaba sa kama at inaayos ko na yung damit kong umangat dahil sa pagkakadagan ni Martin.

"Twenty thousand." Simpleng sagot niya sa akin.

"Twenty thousand? Sigurado ka? Sobrang mahal naman! Napasigaw kong sagot sa kanya at tanging tango lang ang isinagot niya sa akin. "Grabe ha, Parang imposible naman yan".

"Wait!" Di ako makapaniwala sa bill naming kaya agad akong lumapit sa may telephone sa gilid ng kama at agad akong tumawag sa receptionist. Makalipas ng ilang ring agad naman sinagot yung tawag ko.

"Hello, This is Michelle from Family Room. I would like to ask kung magkano yung outstanding balance namin sa room kasama yung mga kinain namin?

"Wait lang po Ma'am, I would check the outstanding bill". Hinold ako nung kausap ko sa phone mukang kinukuha niya yung record kaya matiyaga akong naghintay. Samantalang si Martin naman nagsimula ng ayusing yung mga gamit niya. Inilalagay na niya sa bag niya yung mga documents and laptop niya. Nakita ko ring inaayos na niya yung iba nyang mga damit. Naputol yung pag tingin ko sa kanya ng muling magsalita yung kausap ko sa kabilang linya.

"Ma'am as of today yung total bill po is twenty-five thousand six hundred fifty four pesos. Magcheck out na po ba ngayon?

"Bakit ang mahal naman yata?: Maang tanong ko sa kausap ko.

"Yung rate po kasi nung room niyo Ma'am is Three thousand per day po. Dahil ang stay na po kayo ng Three days meron na po kayong nine thousand pesos na bill for the remaining bills po para po yun sa kinain niyo. Yung inorder niyo pong pagkain na nagkakahalaga ng." Di ko na pintapos yung sinabi nung Receptionist kasi kahit ano naman maging ending wala parin akong pambayad. Kaya agand akong nagsabi na okey na.

"Check-out na po kayo?" Magalang naman niyang tanong uli.

"Ah… wait lang po. Tawag na lang po ako uli. Thank you!" Di ko na pinatapos yung sinasabi ng receptionist agad ko ng binaba yung telephone. Pano ba naman ang laman lang ng ATM ko is five thousand tapos ang cash ko is only five hundred nalang ata. Saan naman ako kukuha ng ten thousand para maki share kay Martin sa bill. Bigla akong napahawak sa noo parang biglang sumakit yung ulo ko. Kaya bahagya kong itong minasahe ng marinig ko ang boses ni Martin.

"Ito na yung share ko, Fifteen thousand yan!" Sabay abot sa akin ng pera niya na buong tag iisang libo. "Mas malaki na yung share ko sayo di ka na lugi niyan." Pahabol pa niyang sabi. Pero siyempre di ko tinanggap yung pera niya kasi wala nga akong idadagdag dun.

"Ano ka ba dapat five thousand lang sa akin. Ikaw naman pumili ng kuwarto na ito saka kunti lang kinain ko noh. Ay wait four thousand lang pala dapat sa akin." Pero muli akong nagcompute sa utak ko mukang kukulangin parin ang one thousand peso para makabalik ako sa Manila atleast two five yung pera ko. Kaya muli kong binawi yung bargain ko.

"Mali pala three thousand lang pala dapat sa akin! Tama Three Thousand!" Sabay taas pa ng tatlo kong daliri ko sakanya.

"Akin na account number mo fund transfer ko nalang, Wala kasi akong cash eh. Ay wait kunin ko muna cellphone ko." Sabay lakad papalayo sa kanya pano kasi nakita kong nakakunot na nuo niya mukang di niya tanggap yung proposal ko. Kaya habang may pagkakataon pang tumakas dapat tumakas na kaya dahan dahan akong humahakabang papuntang pintuan samantalang dahan dahan din akong sinusundan ni Martin. Magkaharap kaming dalawa habang ako patalikod na humahakbang siya naman umaabante parehas kaming sa mata nakatingin.

"Martin!" Mahinahon kong tawag sakanya kahit yung dibdib ko kumakabog na.

"Michelle!" Ganting tawag niya rin sa akin.

"I LOVE YOU!"

Sigaw ko sabay karipas ng takbo palabas ng higaan niya.