Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 49 - Focus... Focus

Chapter 49 - Focus... Focus

Kumuha ako ng damit, naisip kong maligo habang wala pa siya para maalis yung amoy niya na kumapit sa akin. Para mawala narin yung init ng katawan ko at ng mahimasmasan. Di ko alam kung pano yun nang yari na nahulog ako sa patibong ni Martin. Akalain mo ba naman na nakuha na yung french kiss na hinihingi niya tapos nailigpit ko rin yung mga briefs niya. Napapa-iling nalamang ako habang naglalakad papuntang banyo kasi naisahan niya ako.

Pinili kong pataying yung heater ng shower para mahimasmasan ako. Habang hinahayaan kong mabasa ako ng malamig na tubig di ko maiwang mapatingin sa salamin doon ko nakita yung labi na bukod sa namamaga ay pulang pula pa. Muli akong napapikit at itinapat ang muka ko sa shower. Bigla ko nanaman kasi naisip yung halik ni Martin kanina at feeling ko nag-iinit nanaman yung buo kong katawan. "Dapat kang kumalma Michelle wala ito sa plano mo alam mo iyon. Hindi makakabuti yung ganitong feelings marami ka pang dapat gawin." Sabi ko sa sarili ko.

"FOCUS… FOCUS…!"

Sigaw ko sabay sampal ng bahagya sa dalawa kong pisngi para mawala siya sa isip ko. Di ko mapigilan mapapiki at bumuntunghinga dahil kinakain ng imahe ni Martin yung buo kong isipan.

"Sabagay uuwi naman na kami mamaya ilang oras nalang. Kapag nasa Manila na kami marahil di na kami magkita kaya wag kang paaapekto."

"Knock… knock… Matagal ka pa?" Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko yung katok ni Martin at tanong niya.

"Bakit?" Sagot ko naman.

"Nakahanda na yung pagkain, Kain tayo!" Muli niyang sagot sa akin.

"Mauna ka na… Medyo matagal pa ko!"

"Bilisan mo na… Hintayin na kita!"

"Okey!" Tangin nasabi ko kasi nasa boses ni Martin yung firmness na willing to wait siya sa akin kaya wala na kong nagawa kundi bilisan ang paliligo para di tuluyang lumamig yung pagkain.

Paglabas ko ng CR nakita ko si martin na nakaupo na sa dining table pero di pa siya nag-uumpisang kumain. Kinakalikot niya yung cellphone na parang may tinatype siya marahil may tinetext pero agad siyang tumingin sa direksyon ko nung marinig niyang lumabas ako.

"Ligpitin ko lang ito!" Sabay taas sa hinubad ko na dala-dala ko. Sinagot naman niya ako ng tango at muli siyang bumalik sa pag type sa cellphone niya. Mabilis akong bumalik sa higaan ko at inayos yung mga gamit ko.

Dahil nga basa pa yung buhok binalot ko muna ito ng tuwalya. Nang masiguro kong okey na yung itsura ko agad akong lumabas para kumain na. Naka suot ako ng puting pantalon at itim na hanging blouse para ready na ko mamayang umalis.

Mabilis niyang nilagyan ng kanin yung pinggan ko nung makalapit ako sa lamesa. Nilagyan niya narin ng soup at karne kaya nung umupo ako inabot ko kaagad yung kutsara at tinidor mamaya subuan pa niya ako pero di ko nakalimutang magpasalamat sa kanya at tinugon niya ako ng napakatamis na welcome at may kasama pang kindat. Napailing nalang ako sa tinuran niya akala naman niya madadala niya ako sa ganun.

Naging tahimik yung pagkain naming hanggang matapos kasi halos di ko na siya tiningnan at kinausap. Baka mamaya ano nanaman ang gawin niyang kalokohan kaya minabuti ko nalang deadmahin siya. Ako na nagpresentang magligpit ng kinainan naming dalawa at di naman na siya pa umapela. Pumasok siya tinutulugan niya pero agad naman siyang lumabas dala-dala niya yung hair blower.

"Gamitin mo ito para matuyo yung buhok mo!" Sabay patong ng blower dun sa center table.

"Sige... Salamat!" Maikli kong sagot habang nagpatuloy sa pagliligpit.

"Ligo muna ako!" Muli niyang sabi. Bago ako makasagot nakapasok na siya sa CR kaya nilunok ko nalang yung "okey" na dapat kong sasabihin. Siguro napansin niya na iniiwasan ko siya. Feeling ko kasi talaga yung utak ko puro sapot di ako makapag-isip ng mabuti.

Pagkatapos kong magligpit agad akong bumalik sa higaan ko para doon magblower. Nang matapos na ko agad na kong humilata sa kama. Medyo mahaba pa yung oras na hihintayin ko alas otso palang ng gabi kaya naisip ko munang maidlip para kahit papano tumigil sa pag-iimagine yung isip ko.

Di pa tuluyang nakakatulog ng maramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko di na ko nagmulat ng mata kasi alam ko naman na walang ibang papasok sa kuwarto ko kundi si Martin. Nagumpisa nanaman tumakbo ng mga "wild thought" ang isip ko at ng "what if" kaya nagtulug-tulugan nalang ako at di ko siya pinansin.

Maya-maya narinig kong umandar yung blower at dahil dun pinili kong tumagilid ng higa nakatalikod sa kanya baka kasi mabasa niya sa muka ko yung iniisi ko. Pero di ko mapigilang mag murmur ng "Bakit di nalang kaya siya dun sa kuwarto niya mag tuyo ng buhok niya."

"May sinasabi ka?" Tanong niya sa akin. Pero pinili kong wag siyang sagutin para kunyari nag sleep talk ako. Napalakas yata yung pagbulong ko dahil narinig niya. Makalipas pa ng ilang minuto naramdaman kong tumayo siya sa kama.

"Hays... Salamat aalis na siya!"

Pero makalipas ang ilang sigundo di ko narinig yung foot step niya na naglakad palabas ng kuwarto ko kaya agad akong pumaling ng higa paharap sa pwesto niya para makita ko kung ano nangyari pero laking gulat ko ng makita ko siyang nakatayo lang doon at nakatingin sa akin. Kaya di ko maiwasang magtanong ng "Bakit?"

Pero sa halip na sagutin ako humiga siya sa tabi ko paharap sa akin. Agad niya kong niyakap nag dalawa niyang braso pasubsub sa dibdib niya samantalang ang kanan niyang binti ay itinanday niya sa akin. Parang tinake niya yung tanong ko as go signal para tumabi sa akin.

"Mainit!" Pagrereklamo ko habang nag wiwigle wiggle ako sa pagkakayakap niya.

"Martin!" Muli kong reklamo ng di ako makawala.

"Ilang oras nalang tayo magkakasama, Wag ka namang ganyan!" Malungkot niyang sagot sa akin.

"Wag kasing masyadong mahigpit yung pagkakayakap mo, di ako makahinga!" Sagot ko. Sa totoo lang di lang talaga ako kumportable sa position namin dahil sa sobrang lapit namin sa isat-isa naaamoy ko yung lemon and musky scent niya at dahil dun di ko mapigilang makaramdam ng init sa aking katawan at alam ko ganun din siya kasi may nararamdaman akong hardiness sa pagitan ng binti niya at masamang senyales yun para sa akin. Kaya gusto ko kahit papano magkaroon kami ng kunting distansya lalo pa nga't muntikan narin kami kanina at kung sakaling maulit yun di ko alam kung kakayanin ko pang makaligtas.