"Michelle!" Mahinay niyang tawag sa pangalan ko.
"Hmmm!" Matipid kong sagot. Dahil nga malapit ako sa dibdib niya naririnig ko yung kabog ng puso niya.
"Thump…thump!" Kaya muli akong nagsalita baka kasi isipin nanaman niya na go signal uli yung pag "hmmm" ko mabuti ng malinaw.
"Martin… alam mong di natin pweding gawin yun!" Pautal-utal kong sabi kasi di ko alam kung tama ba yung word na ginamit ko.
"Alin ang di natin pweding gawin?" Maang-maangan niyang tanong sa akin pero nasa boses niya yung playfulness.
"Ang magsuntukan!" Iretable kong sagot sabay ng malakas na tulak sa kanya. Alam ko naman na naiintindihan niya yung gusto kong sabihin. Pero kahit papano nawala yung init sa paligit ng marinig ko yung tawa niya kahit napa sexy nun pakinggan.
"Haha…haha…!" Tawa niya sabay muling yakap sa akin. Inilagay niya sa ilalim ng ulo ko yung kaliwa niyang braso habang ang kanan nakayap sa baywang ko. Nakatagilid siya sa akin samantalang ako naman nakatihaya ng higa.
"Four hous nalang uuwi tayo sa Manila." Bulong niya sa akin.
"Oo nga eh…!" Masigla kong sagot
"Maiiwasan na rin kita" Pero nasa isip ko lng yung huli kong sinabi, Kahit papano ayaw kong malaman niya yung iniisip ko. Pero nagulat ako sa sagot niya sa akin.
"LET'S GET TO KNOW EACH OTHER!"
"Panong let's to know each other?" Naguguluhan kong tanong para kasi sa akin parang double meaning siya or talagang madumi lang iniisip ko.
Hinalikan ako ni Martin sa pisngi na nagpaputol ng iniisip ko kaya agad ko siyang tiningnan ng nagtatanong kong mga mata.
"Let's play a game"! Masaya niyang sagot sa akin habang nakangiti.
"Anong game ang gagawin natin to know each other?" Seryoso kong tanong na may halong pagtataka, di talaga ako makasabay sa iniisip ni Martin parang feeling ko ang dami niyang alam at talagang napatunayan ko yun nung marinig ko ang gusto niyang gawin namin.
"TRUTH OR DARE"
Yan ang gusto niyang laruin naming dalawa ang feeling ko talaga puro lang kagaguhan ang mangyayari sa laro na iyon. Kaya agad akong nag-isip di ko alam kung advantage ba yun sa akin o ako ang malalamang niya and there is a lot of scenario para maging disadvantage sa akin.
Sabagay hanggat puro truth ang isasagot ko malamang di niya ko ma tsatsansingan at kung truth naman malamang tatanong lang naman niya sa akin kung saan ako nakatira, ilan naging ex ko saan ako nag-aral malamang yun lang iyon kaya sumang ayon ako.
Nang marinig niya akong pumayad agad siyang lumabas para kumuha ng bote. Pagbalik niya may dala siyang bote ng wine na walang laman di o alam kung saan siya kumuha nun kasi sa pagkaka alala ko di naman kami uminom ng wine sa kwarto naming dalawa.
Mukang pinagplanuhan talaga ni Martin itong laro naming ah. Feeling ko talaga may pinapalano siyang masama basta kahit anong mangyari di ako pwedi ng dare. Dahil nga sumang ayon na ko makipaglaro sa kanya bumaba na ko sa kama at umupo sa harapan niya. Buti nalang merong carpet kaya kahit papano di madumihan yung puti kong pantalon. Parehas kaming naka indian sit siya yung may hawak ng bote.
Agad siya nag set ng rules para sa gagawin namin games.
"First rule, kung anong napili mo di na pweding palitan sa oras na marinig mo yung tanong or yung utos."
"Okey!" Pagsang ayun ko.
"Second rule, Kahit ano pweding itanong or iutos maliban nalang kung maalangan ang buhay like tumalon ka sa building, pakamatay ka or pumatay ka, magnakaw ka mga ganun bawal yun".
"Okey!" Muli kong pagsang ayun.
"Third rule, Atlernate tayo sa pagpapaikot ng bote para di mo sabihing dinadaya kita!"
"Okey no problem!" Naisip ko pagkakataon ko na pala itong utusan siyang lubayan ako o kaya utusan ko siyang bigyan ako ng pera kasi di naman yung death related command. Okey din pala may tsansa maging pabor sa akin ang sitwasyon. Dahil sa na isip ko bigla akong na exite sa laro namin.
"Okey start na tayo ha!" Pagdedeklara ni Martin sabay spin nung bote. Agad umikot ang bote at dahan dahan siyang huminto papunta sa direksyon ko.
"Sayo!" Malakas niyang sabi halatang natutuwa siya na sa akin huminto ang bote.
"Truth or dare?" Tanong niya sakin habang pinatayo yung bote sa gitna naming dalawa.
Agad akong nag-isip tinitimbang ko yung sitwasyun habang nakatingin ako sa muka niya nakita kong kumikinang ang mga mata niya sa anticipation.
"Thump…Thump…! Kabog ng dibdib ko mukang no good talaga ito muli kong nasabi sa isip.
"Ano na? Tagal naman…!" Pagrereklamo niya, talagang minamadali niya kong magdidsyun.
"Okey, truth!" Mahina kong sagot pero sympre yun lang naman talaga pipiliin ko. Muka namang professional itong si Martin saka anak mayaman, may mataas na pinag-aralan at sometimes gentleman. Malamang di ito magtatanong ng mga under the belt.
"Virgin ka pa?" Exited niyang tanong sa akin.
"Toink!" May sinasabi kaba Michelle na "PROFESSIONAL, na "MAYAMAN,na may "HIGHER EDUCATION" at "GENTLEMAN" napayuko nalang ako at napahawak sa noo ko. Feeling ko talaga may pumutok ng ugat sa batok ko. Sarap talagang upakan yung lalaking ito. Di ko alam bakit ito nagging ganito samantalang nung una kaming magkita at magkakilala feeling ko napaka reserve niyang tao pero habang tumatagal nagiging bulgar na siya parang mas malala na siya sa tambay sa kanto.
Sabin a nga ba, masama talaga feeling ko dito eh. Di nga ako nagkamali sa kutob ko. Bakit nga ba di ko naisip na pwedi siyang magtanong ng mga ganung bagay. Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko siyang magsalita. Kaya agad ko siyang tiningnan sa mata baka kako palitan niya yung tanong niya pero muli akong nabiglan sa sinabi niya.
"Okey lang naman sa akin kahit di ka na Virgin. Di naman dun nasusukat ang pagmamahal ng isang lalaki para sa isang babae. Tanggap parin kita saka di mo naman kasalanan yun kung naibigay mo na yun sa lalaking akala mo siya na ang para sayo." Mahaba niyang salaysay
Di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o maiiyak. Kaya muli akong pumikit at butong hininga. Gusto ko na talaga siyang bugbugin. "Help me Lord!" Silent prayer ko.
"Hays!" Parang lalong nagging kumplikado kasi kung sasabihin ko sa kanyang Virgin ako baka pilitin niya akong kunin yun pag sinabi ko naman na di na baka naman isipin niya loose woman na ko kaya pwedi ng ulit-ulitin.