Chapter 43 - Childish

Agad siyang magsabi na maliligo muna siya kaya agad siyang pumasok sa kuwarto niya para kumuha ng gamit. Nung lumabas siya para pumunta sa CR agad akong nagpaalam na lalabas muna na agad naman siyang sumang ayon.

Nung makababa ako agad akong nagtanong sa receptionist kung may bus pang bumabiyahe pa Laoag City pero parehas sila ng isinagot ni Martin. Pero di parin ako kumbinsido baka mamaya kasabwat ito ni Martin at sumisipsip sa bago niyang Boss. Kaya agad akong naglakad palabas ng hotel para magtanong sa mga local residence sa area.

Nakakalima na kong taong tinanungan pero parehas sila ng sagot na tuwing alas sais lang ng umaga ang alis ng bus pa Laoag at alas dose naman ang pabalik sa pagudpod. Kaya wala akong nagawa kundi bumalik nalang sa kuwarto namin. Pagpasok ko ang bumugad sakin ang salita ni Martin ay...

"DO YOU BELIEVE ME NOW?"

"Uwi na tayo!" Sinagot ko sa kanya pagkaupo ko sa sofa.

"Bakit ayaw mo na ko makasama?" Sagot naman niya sa akin habang di parin inaalis yung mata niya sa computer niya.

"Kailangan ko ng umuwi, may schedule ako sa Monday sa Laguna."

"Sa lunes pa naman yun ah. Sabado palang meron ka pang one day bago mag Lunes. Sa Sunday na tayo uwi."

"Ano ka ba gusto ko ng umuwi eh!" Pagmakmaktol ko.

"Bakit meron ka sigurong na mimiss sa Manila." Seryoso niyang sabi sa akin habang tiningnan ako sa mata.

"Ewan ko sayo!" Sabay tayo. Wala naman kasi patutunguhan yung pag-uusap namin sabi ko nga di naman ako talaga manalo sa kanya. Minabuti ko nalang bumalik sa higaan ko at humilata baka sakaling magkamuta.

Matagal akong umiikot-ikot sa kama pero di ako nakatulog sabagay tanghali na ko nagising ano pa nga ba yung itutulog ko. Kaya muli akong bumangon at nagsuot ng sandals. Mabuti pang sulitin ang pag-stay dito kaysa naman mag mukmok. Mabuti pa bumili nalang ako ng pasalubong para sa pamilya ko at ka officemate. Kaya agad akong lumabas nung makuha ko yung bag ko na naglalaman ng wallet at cellphone.

Paglabas ko sa sala wala dun si Martin. Dahil nga badtrip parin ako sa kanya di na ko nag-abala pang hanapin siya. Pero saktong paglabas ko ng kwarto naming nagkasalubong kami.

"Saan ka punta? Tanong niya sa akin.

"Magliliwaliw!" Iretable kong sagot habang inirapan ko pa siya.

"Lunch muna tayo! Bumili ako ng pagkain." Hinila niya ako pabalik ng kuwarto. Sumunod nalang din ako medyo gutom narin kasi ako. Balak ko sana sa labas nalang kumain pero bumili na pala siya.

Agad niyang inilapag yung pagkain sa lamesa at kumuha siya ng baso at pinggan. Agad ko namang inilabas yung pagkain na binili niya. Agad kaming nagsimulang kumaing dalawa.

"Saan ka punta?" Muli niyang tanong sa akin habang kumakain kami.

"Bili ako ng mga pweding pasalubong!"

"Samahan na kita!"

"Bahala ka!" Matipid kong sagot kasi alam ko naman kahit sabihin ko sa kanyang wag na siyang sumama alam ko sasama parin siya sa akin.

Makalipas ng ilang minuto sabay na kaming lumabas ng kwarto. Agad niyang hinawakan yung palad ko habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Pwedi naman maglakad ng di naka holding hands." Sabi ko sa kanya.

Pero di niya ko pinansin. Patuloy parin siya sa paglalakad.

Nakarating kami sa souvenir shop malapit sa hotel namin dun ako namili ng mga key chains ng may Pagudpod na nakasulat. Ganun din ang mga magnet para sa ref na may ibat-ibang design at color. Nakita kong namimili si Martin ng mga t-shirt hinayaan ko lang siya kasi ako man ay nagging busy rin. Pero di ako masyadong lumayo sa pwesto niya. Na if ever hanapin niya ako agad niya ko makikita.

Makalipas ng ilang minuto lumapit siya sa akin suot-suot ang isang kulay black na t-shirt na may nakasulat na Husband.

"Bagay ba sa akin?"

"Bagay!" Sagot ko naman nung tiningnan ko siya. Muli akong bumalik sa pagpili ng mga key chain.

"Suot mo din ito." Sabay abot sa akin yung isa ring black na t-shirt na may nakasulat na wife.

Agad ko siyang tiningnan kung talagang seryoso siya sa pinapasuot niya sa akin.

"Sige na!" Sabay tulak sa akin sa changing room nung shop.

"Saglit yung napili kong key chain at ref magnet." Pagpupumiglas ko.

"Ako na bahala, Sige na!"

"Hays!" Butunghininga ko pero agad rin akong pumasok sa dressing room. Agad akong nagpalit ng damit. Sakto lang sakin yung size nung damit at dahil nga maputi ako lalo akong namuti sa kulay ng damit.

Agad akong lumabas sa dressing room. Nakita ko na nakatayo si Martin sa may cashier mukang binayaran na niya yung mga pinamili ko.

"Bagay sayo my wife!" Sabi niya sa aking nung makalapit ako sa kanya.

"Ewan ko sayo!" Sabay irap ko sakanya. Isip bata nasabi ko nalang sa utak ko.

"Akin na!" Sabay kuha sa mga pinamili ko sa kamay niya. Inilagay ko din doon yung hinubad kong damit at yung hinubad din niya. Agad kaming lumabas ng shop. Nakakailang hakbang palang kami ng marining ko may nagsalita sa likuran ko.

"Were on a honeymoon!"

Agad kong tiningnan si Martin pero ngiti lang yung itiugon niya sa nagtatanong kong mata. Mabilis akong kumawala sa pagkaka-akbay niya at agad kong tiningnan yung likod niya na may nakasulat na " We're Honey," "Shit!" yun nalang nasabi ko pano kanina nung nagpapalit ako napansin ko na yun sa likuran ng t-shirt ko na may nakasulat na "On moon," pero di ko akalaing pag nagdikit kaming dalawa ang lalabas ay "We're on honeymoon!".

Bigla akong napahawak sa noo ko na biglang sumakit. Ewan ko ba bakit parang nagiging isip bata itong kasama ko. Ano nalang iisipin ng ibang tao na talagang nagha-honeymoon kami.

"Sakit ulo mo?" Maang-maangan niyang tanong sa akin.

"Oo, sumasakit ulo ko sayo!"

" CHILDISH!"

Di ko na naiwasang sigawan siya. Agad akong lumakad papalayo sa kanya. Agad naman siyang humabol at muling umakbay. Agad akong naman akong umiwas pero mabilis naman din siyang humabol para tuloy kaming nagpapatinterong dalawa sa kalsada.

Nung mapagod ako at dahil pinagtitinginan narin kami ng tao sa kalsada hinayaan ko nalang siya pero pumuwesto ako sa kaliwang bahagi niya para yung nakasulat sa likod naming dalawa ay "On we're moon honey" kahit papano di masagwa diba?

Naglakad kami sa kahabaan ng kalsada ng magkaakbay minsan humihinto pag may nakita kaming pumupukaw ng aming curiosity.