Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 38 - Be my girlfriend now!

Chapter 38 - Be my girlfriend now!

"Girlfriend na kita ha!" Bulong niya sa tenga ko.

"Anong Girlfriend ka diyan?" sabi ko sa kanya habang naka tingin ako sa dagat. Naka pulupot parin yung kamay niya sa baywang ko. Bale ang nangyari is nasa pagitan ako ng dalawang binti habang naka upo kami at yung dalawang kamay niya is naka pulupot sa baywang ko. Paminsan-minsan hinahalikan niya ko sa pisngi, sa buhok habang pinagmamasadan ako.

"Ayaw!" Sabay kagat sa tenga ko.

"Martin!" Angil ko habang nakakunot yung noo ko. Kahit saan ko kasing tinggnan agrabyado ako sa sitwasyon naming dalawa.

"Bitaw na at may taong parating!" Utos ko nung may marinig akong mga taong papalapit sa pwesto namin. Ayaw kong isipin nila na nagshort time kami sa pwestong iyon.

"BE MY GIRLFRIEND NOW!" Matigas niyang sabi habang yakap yakap parin ako.

"Bitaw na sabi at nakakahiya!" pero sa halip na bitawan niya ko ay inihiga pa niya ako at pinatungan.

"Matin!" Sabi ko between my gritted teeth pero di talaga siya tuminag at hinalikan pa ko sa leeg.

"Fine!" Sigaw ko, kaya ang bilis niyang umupo. Sakto namang pagdaan na nga ng mga tao kaya tumayo na ko at agad ko ng dinampot yung t-shirt ko na may lamang shells.

"Oh my Gosh, Ano bang klaseng tao ito?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad.

Mabilis namang nakahabol sa akin si Martin at hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin sa buhay niya dahil nga drain na drain na ko. Nakarating kami sa cottage na magkahawak kamay pero pagpasok agad kong hinila yung kamay ko para makawala sa kanya pero ayaw niya itong bitawan para kaming naglalaro ng Tag of war ng walang katapusan.

"Pupunta akong comfort room, wag mong sabihin gusto mong sumama?" Naiinis kong sabi para kasing di niya ma-gets

"Pwedi ba?" pabiro niyang sagot habang nakatawa.

"Somosobra ka na talaga!" Sabay hampas ng kaliwang kamay ko sa braso niya.

"Ouch!" Reklamo niya. Di ko alam kung talagang nasaktan siya o nag-iinarte pero wala na kong time na intindihin siya at dali-dali na kong nagpuntang banyo.

Sinigurado kong lock yung pinto bago ako umupo sa toilet bowl, mahirap na baka talaga pasukin nya ko kasi di ko na talaga mabasa yung mga sinasabi niya kung seryoso ba o nagbibiro.

Naligo narin ako at nagpalit na ng damit sa loob ng banyo. Paglabas ko nakita ko si Martin naka dungaw sa may bintana at may kausap sa telepono. Habang ginagawa niya yun asa muka niya yung pagiging seryoso na akala mo di mo mabiro, di mo maanig yung pagiging nauthy niya kagaya kanina. Di ko tuloy malaman kung may split personality ba siya.

Di ko na siya tiningnan ng matagal baka mamaya kung ano nanaman sabihin niya at pagod na ko dun. Minabuti ko nalang magpahid ng sunblock sa katawan kasi nga mainit parin sa labas. Gustuhin ko parin sanang maligo sa dagat kaya lang nawalan na ko ng gana dahil nga sa nangyari kanina.

Nung matapos siyang makipag-usap sa telephone agad siyang pumasok sa banyo bitbit yung bag niya pero di niya nakalimutang kindatan ako nung magtama yung paningin naming dalawa. Napapa-iling nalang ako.

Nung matapos ako sa ginagawa ko, naisip kong ligpitin na yung mga gamit namin at sakto namang tapos na ko ng lumabas si Martin sa banyo. Naisip ko munang umupo sa beranda habang nag-aayos si Martin ng gamit niya. PInagmamasdan ko yung dagat pero wala dun yung isip ko, mas iniisip ko kasi yung sitwasyong pinasukan ko.

"Malay mo naman laro lang ito sa kanya, magsasawa din!" Sabi ko sa isip ko.

"Hays! Sana nga!" Pangungumbinse ko.

"Lalim ng buntong hininga mo ah!" Sabay yakap ni Martin sa likuran ko at halik sa pisngi ko. Di ako sumagot at hinayaan ko lang siya kaya muli siyang nagsalita.

"Tara na! Balik na tayo sa hotel para makapag pahinga ka na! Alam ko pagod ka na!"

"Pagod ako kakaisip sa kalokokahn mo!" Sagot ko sa kanya sa isip pero umango ako bilang pagsang-ayon.

Binitawan niya ko para makabalik kami sa loob at kunin yung mga gamit namin.Sinilip ko muna yung loob ng banyo para ma check baka may naiwan kaming gamit doon, ng okey na yung lahat doon ko lang napansin na nawawala na yung bag ko na nakapatong sa kama. Hawak na pala ito ni Martin na naghihintay sakin sa pintuan.

Nung akma kong bubuhatin yung picnic basket agad niya kong nilapitan at hinawakan sa balikat.

"Iwan mo na yan, Si Kuya na ang bahala diyan!" Sabay gaya sakin palabas.

Bago pa kami makaratng sa bangka, nakita ko na yung lalaking may dala ng iba pa naming gamit.

Binayaran ito ni Martin pagkatapos niyang maikarga lahat ng gamit namin.

Naka-upo na ko sa dating pwesto ko ng magtanong si Martin.

"Ayaw mo ng mamasyal?"

"Pagod na ko! Balik na tayo sa hotel." Sagot ko naman sa kanya kaya pinaandar na niya yung makina ng banga at tuluyan na kaming umalis.

Naging tahimik ang biyahe namin pabalik sa hotel. Five thirty na ng dumaong yung bangka namin sa pangpang. Andun na si Mang Kanor naghihintay sa amin. Agad siyang lumapit nung tuluyang huminto yung bangka. Tinulungan niya kaming maibaba yung mga gamit namin.

Pagbaba namin sa bangka agad akong lumakad papalayo di ko hinintay si Martin pero nakaka ilang hakbang palang ako ng maramdaman kong may umakbay sakin.

Si Martin iyon na nakahabol na sakin, Agad ko siyang tiningnan kasi nga nagulat ako pero tanging halik lang ang naging tugon niya sa pagkakatingin ko sa kanya. Agad niyang kinuha yung dala kong bag na parang walang nangyari.

Di ko maiwasang lumingon sa likuran kasi iniisip ko si Mang Kanor kasi nga nakakahiya kung sakaling nakita niya yung ginawa ni Martin sa akin. Pero paglingon ko sakto din nasa likuran namin siya at naka ngiti. Kaya muli akong yumuko at bumuntung hininga.

"Wala na ba talagang kahihiyan yung lalaki na ito! Kung makahalik akala mo manok na makakita ng palay agad na tumutuka." Sabi ko sa sarili ko.

"Bakit?" Tanong niya sa akin pero di ko siya sinago sa halip binilisan ko lang yung lakad ko.

"Bakit nagmamadali ka?" Muli niyang tanong sakin.

"Natatae ako!" Seryosong sagot ko at lalo kong binilisan paglalakad. Nasabi ko yun para maturn-off siya sakin.