"Seryoso ka Sir?" Tanong ko sa kanya baka sakaling binibiro niya lang ako.
"Yes, I'm serious!" Sagot niya sa akin at bahagya pa kong nilingon para kindatan.
"Ewan ko sayo!" Pairap kong sagot sa kanya kasi sa tingin ko wala talaga akong mapapala sa pakiki pag-usap sa kanya kaya nanatili na lang ako naka upo at di gumalaw.
Di ko na siya pinansin kahit pa naririnig ko pa yung pag tsk-tsk niya. Naiinis na talaga ako di ko alam kung pano ako napasok sa ganitong sitwasyun at di ko alam kung paano ako lalabas.
"Tatlong kiss na utang mo sa akin. Dahil mabait ako di na kita sisingilin sa tatlo basta lagyan mo ko ng sun block. Masakit na yung balat ko di ka ba naawa sa akin?" Pangungunsensya pa niya, kaya muli ko siyang tiningnan.
"So dapat pala magpasalamat pa ko, dahil paglalagay lang ng sun block request mo. Ganun ba yun?" Taas kong kilay na tanong.
"Oo, pero kung mas gusto mo yung kiss ko wala namang problema". Nakangiti niyang sagot.
"Somosobra ka na talaga! Para kang manyak na hayuk na hayuk sa halik." Bulyaw ko at talagang napatayo pa ko dahil sa inis.
"Bakit ka nagagalit? Diba sumang ayon ka nung sinabi ko sayo na pag tinawag mo kong S..I..R hahalikan kita! Pano ako naging sobra huh?" Seryosong sabi niya sa akin habang nakataas pa yung kanang kilay. Napaka indimidating talaga ng taong ito sabi ko sa isip ko.
"Hays!" Butong hininga nalang ang naisinagot ko.
Dahil nga walang choice agad akong naglakad papunta sa kanya at padabog kong hinablot yung sun block sa kamay niya at puwesto ako sa likod niya.
Agad akong naglagay ng kaunting sun block sa palad ko at bara-bara ko itong inihaplos sa batok niya para maramdaman niya na naasar talaga ako. Samantalang siya para di man lang niya ramdam yung inis ko at tuwang-tuwa pa sa ginagawa ko na parang kinikilig.
Nung matapos kong pahiran yung buo niyang leeg na expose sa araw akma na sana akong aalis ng muli siyang nagsalita.
"Yung likod ko pa!" Bahagya pa niyang itinaas yung damit niya para mapahiran ko. Dahil nga andun na ginawa ko narin pero mas lalo kong diniinan yung pagpapahid ng sun block sa buong likod niya na na may dalang tulak at kurot.
"Ah...Ah...Ahhh…!" Ungol niya.
"Shit!" Di ko mapigilang mapamura dahil sa inaasal niya.
"Haha...haha...!" Malutong na tawa niya.
"Tapos na!" Sabay tulak sa kanya para masubsob siya sa manibela.
"Yung braso ko pa, di mo pa nilalagyan."
Kaya padabog akong lumipat sa gilid niya para mapahiran din ang mga iyon. Sakto naman na papahiran ko na sana yung kanang braso niya ng biglang umalon ng malakas kaya medyo na out of balance ako at sumubsob sa kanya at agad naman niya kong niyakap.
Bumalik kami sa dating position namin kanina. Ang masaklap lang is naka harap na ko sa kanya. Muli nanamang kumabog yung dibdib ko na parang drum.
"Ehem!" Sabi ni Martin nung di ako kumukurap sa pagkaka titig sa kanya. Kaya nagbaba ako ng tingin para maitago yung pamumula ng pisngi ko.
"Padaan!" Sabi ko sabay hawi ng braso niya pero di niya ko pinadaan.
"Lagyan mo na yung braso ko habang andyan ka, para di ma matumba once na umalon!"
"Dun na ko sa labas." Pagpupumilit ko.
Nung di siya tuminag agad ko siyang tiningnan ng masakit pero walang effect yun sa kanya. Kaya agad akong yumuko para makawala uli sa pagkaka trap niya pero di niya ko pinalusot dahil nung akmang yuyuko para makalabas ay bahagya siyang umabante para ma-isiniksik ako sa manibela at dahil din di ako maka yuko.
"Anong ginagawa mo?" Angil ko sakanya.
"Binibigyan na nga kita ng magandang position para magawa mo ng maayos yng pagpapahid sakin ng sun block, ayaw mo pa?"
"Alam mo tigil-tigilan mo ko sa kagaganyan mo sakin ha! Sumosobra ka na! Kunyari ka pang concern ka sakin pero sa totoo lang gusto mo lang mag take advantage sakin." Sigaw ko sa kanya habang nanlilisik yung mata ko.
Dahil sa sinabi ko ay nagbaba siya ng tingin para salunbungin ang galit ko, bahagya pa niyang nilapit yung muka niya sa akin kaya bahagya akong umatras pero dahil nga limited lng yung space namin di ako maka layo sa kanya ng husto.
Nung halos kalahating dangkal nalang ang layo ng muka namin wala akong nagawa kundi mapa pikit. Akala ko hahalikan niya ko pero di yun nangyari sa halip ay nagsalit siya.
"I'm just showing concern!".
"Concern mo muka mo!" Sigaw ko naman sabay tulak sa muka niya na sobrang lapit sakin. Akala ko maiintindihan niya na di ako comfortable sa distance naming dalawa pero mukag manhid yata itong taong ito kasi muli niya uling nilapit ang muka niya sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Sabay harang ng kanang palad ko n may hawak ng sunblock sa pagitan ng muka naming dalawa samantalang yung kaliwa ko ay naka tukod sa dibdib niya.
"Hahalikan na lang kita, parang ayaw mo naman kasi akong lagyan ng sunblock eh!"
"Anak ka talaga ng tokwa! Pinahiran ka na nga eh!" Sigaw ko sabay tulak uli sa kanya.
"Pahid na!" Utos niya sa akin kaya wala akong nagawa kindi maglagay uli ng sunblock sa palad at pahiran yung kanang braso niya pababa sa mga daliri niya.
Tuwang-tuwa naman siya dahil sa ginagawa ko at di mawala yung ngiti sa labi niya at para mapawi yun pinahiran ko yung kanang pisngi niya ng sunblock.
"Pinahiran ka na kaya manahimik ka na!"
"Inaano ka ba?"
"Inaano kanina kapa ngingiti-ngiti diyan na parang nang-aasar!"
"Di balanse lagyan mo din yung kabilang pisngi ko!" Muling utos niya sa akin.
"Bwisit!" Sabay irap.
Di ko siya sinunod sa halip yung kabilang braso niya yung nilagyan ko. Napalambot ng kamay ni Martin feeling ko nga mas malambot pa sa kamay ko. Sabagay ano nga naman ang ipagtataka ko anak mayaman eh. Malamang di ito pinag huhugas ng pinggan or humawak man lang ng walis sa bahay nila kaya paano magkakakalyo.
"Tapos na!" Deklara ko.
"May nakakalimutan ka pa!"
"Wag mong sabihin pati yung mga binte mo palalagyan mo rin?"
"Pwedi rin!" sabay ngiti na nakakaloko.