Chapter 21 - No Big Deal

Biglang namula yung pisngi ko nang malaman ko kung ano talaga yung tinitingnan niya. Agad kong tinakpan ng palad ko yung dibdib ko.

"Bwisit na 'to, bastos!" Nasabi ko pero sa isip lang kasi kahit papano iniisip ko yung position niya kaya tinakpan ko nalang ng palad ko yung bahaging naka labas.

Pero parang baliwala sakanya yung reaksyon ko dahil nag umpisa na siyang kumain at tila ba enjoy siya sa paghigop ng sabaw.

Agad kong inayos yung t-shirt ko, siguro nung yumuko para pagsilbihan siya na deform yung damit ko kaya lumabas yung bra kong suot.

"Bwisit talaga baka isipin nanaman ng kumag na 'to na inaakit ko siya! Kaasar talaga!" Bubulong-bulong kong sabi.

Pag kasama ko siya lagi nalang ako na embarrass, bakit pa kasi ako sumama sana nalang talaga tumangi na ko eh. Sa Jollibee nalang talaga ako dapat kumain eh, pagrereklamo parin ng utak ko.

"Kumain ka na, mamaya lalamig na yung sabaw!" Malumanay niyang sabi pero muli ko siyang tiningnan ng masakit. Pero nag-umpisa narin akong kumain kasi wala naman mangyayari kahit mag maktol ako, bra lang naman nakita niya "NO BIG DEAL"!

Makalipas ng ilang minuto natapos rin kaming kumain, as usual di parin kami nag-uusap. Agad siyang nag settle ng bill naming dalawa. Habang ginawa niya yun nakatingin ako sa langit. Napakaganda talaga ng langit, napaka payapa nakakapagpakalma ng sarili.

"Let's go!" Pagyayaya niya sakin. Nauna siyang lumabas at gaya ng dati nasa hulihan parin niya ko nakasunod. Agad kaming sumakay ng sasakyan niya at umalis.

"Sir, Okey lang ba ibaba mo ko sa plaza?" Tanong ko, pero di siya sumagot kaya muli akong nagsalita

"Gusto ko lang sana magpababa ng kinain masyado kasi akong nabusog!" Which is yun naman talaga ang totoo. Ang sarap kasi nung kinain namin kanina kaya di ko napansin naka rami na pala ako.

"Okey!" Matipid niyang sagot.

"Thanks!"

Di ko na siya pinansin pagkatapos nun ang importante sumang ayon siya.

Gusto ko lang talaga mag muni-muni sa plaza. Makalipas ng ilang minuto huminto siya sa gilig ng plaza. Agad kong tinanggal yung seat belt ko at lumabas sa sasakyan. Pero laking gulat ko ng makita ko rin siyang bumaba sa sasakyan.

"Beep…!" Tunog ng sasakyan na nag indicate na naka lock na siya. Agad ko siyang tiningnan at nakatingin din siya sakin. Para kaming nagpapaligsahan kung sino ang unang bibigay para maunang magsalita.

"Saan ka pupunta Sir?" Di ko kinaya makipag titigan sa kanya ng matagal kaya ako na unang nagtanong.

"Di ba sabi mo gusto mong maglakad lakad kaya maglalakad lakad tayo!" Agad niyang sagot at nag-umpisa ng humakbang.

"Okey lang ako Sir, Alam ko naman pagod ka! Mauna ka na po sa hotel. Kaya ko naman sarili ko. Magpapatunaw lang ako ng kinain!" Pagpupumilit kong iwan niya na ko at kulang nalang itulak ko siya pabalik ng sasakyan pero di niya ko sinagot.

Malayo na kami sa kotse niya ng magsalita siya.

"Okey lag din, gusto ko rin maglakad!"

Michelle K.O. nanaman, kaya ito nakasunod nanaman ako sa likuran niya.

"Anak ng putakte talaga naman! Hayssssss!" Reklamo ko sa isip.

"Aray!" Sabay hawak ko sa ilong ko.

"Sakit!" Reklamo ko. Bahagya pang naluha yung mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Bakit di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo?" Iretable niyang tanong.

"Bakit ka kasi biglang huminto?" Naasar ko ring tanong. Pinagmamasdan ko kasi yung paligid ng bigla siyang huminto kaya nasubsub ako sa likod niya at di ko akalaing parang pader ito.

"Wala tatanong ko lang sana kung talaga bang masarap yung balot? Meron kasing nagtitinda dun!" Sabay turo sa isang street vendor sa gilid ng plaza na sumisigaw ng balot. Medyo nagbaba rin siya ng timbre ng boses ng makita niyang nasaktan talaga ako.

"Bakit di ka pa ba nakakain nun?" Medyo iretable ko paring sabi habang pinupunasan ko yung luha ko.

"Di pa, tara try natin!" Sabay hila sa braso ko.

Napatingin ako sa pagkahawak niya sa braso ko, na para kala mo isa akong batang gina guide niya para di mawala sa paligid. Nung huminto kami sa vendor di parin niya binitiwan yung braso ko kaya napilitan na kong hatakin. Di kasi ako kumportable sa paghawak niya. Lalo pa nga't parang naamoy ko parin yung pabango niya dumikit ata sa ilong ko nung mabanga ko yung likod niya.

"Ate balot nga po dalawa yung maliit yung sisiw!" Request ko sa tindera.

Ako na yung omorder, mukang di niya alam eh. Agad kong inabot yung balot na binigay ng tindera. Kumuha narin ako ng kunting asin at suka.

"Tara dun tayo sa upuan!" Pagyaya ko kay Sir Martin, na agad namang sumunod sakin.

Iniabot ko yung isang balot sakanya na agad naman niyang kinuha. Tapos nilatag ko yung asin saka suka sa pagitan naming dalawa.

"Ganito kumain nitong balot!" Paliwanga ko. Agad kong pinukpok yung balot sa gilid ng upuan saka dahan dahang binalatan saka nilagyan ng kunting asin at suka sabay higop.

"Slurp… sarap!"

Nakita ko na ginaya naman niya yung ginawa ko, kaya hinayaan ko nalang siya. Kaya nag focus nalang ako sa pagkain ng mapansin ko yung sisiw sa balot ko akma ko sanang itatapon ng bigla siyang nagsalita.

"Ayaw mo ng sisiw?" Tanong niya sakin na parang nagtataka kung bakit ayaw ko.

"Oo, di ako kumakain nito!" Kiming sagot ko.

"Akin nalang!" Sabay lahad ng palad.

Di ko alam ang gagawin ko. Alang naming itaktak ko yung sisiw sa palad niya eh kadiri na yung kainin pag ganun. Wala naman kaming kutsara para sandukin ko yung sisw sa balot ko para ibigay sakanya. Kaya naguluhan ako kung pano ko maibibigay yung sisiw na hinihingin nya.

Habang nag-iisip ako, kinuha niya na yung balot na hawak ko. Na ikinagulat ko, nakatingin ako sa kaya habang hinigop niya yung sisiw na parang sarap na sarap.

"I'ts delicious!" Sabi niya sabay balik sakin nung balot ko at lumakad pabalik sa tindera ng balot.

"Nasarapan nga!" Tanging nasabi ko na lang kasi nga nabitin sa isa.

Samantalang ako, di ko alam gagawin sa balot ko kung itutuloy ko pa ba ang pagkain o itatapon ko na.

"Hays… sayang naman kung itatapon saka ito na yung masarap na part nung balot yung dilaw. Wala naman sigurong sakit yun!" Binawasan ko yung shell ng balot para matanggal kahit papano yung dinampian ng labi niya.

Habang inuubos ko yung balot ko muli siyang bumalik na may dala uling dalawang balot. Itinabi niya sakin yun isa at sinimulan naman niyang kainin yung kanya. Ngayon di ko alam kung kakain pa ko uli. Baka kasi mamaya ganun uli gawin niya. Kakaasar na ah! Kaya kahit gusto ko pang kumain pinigil ko na.

"Ayaw ko na Sir!" Tanggi ko.

"Busog na po ako!" Sabay balik nung balot sa gilid niya.

"Okey!" Matipid niyang sagot.