Chapter 25 - Move-On

Hinatid ako ng Papa niya sa bahay namin at ikinuwento yung ginawa namin sa magulang ko. Kaya abot langit ang sermon sakin ng Mama at Papa ko. Ang masaklap pa nun grounded ako ng isang buwan at bawas ang allowance. Simula nun di na kami uminom nung high school. Pero sympre nung nag college di na naming naiwasan yung alak lalo pa nga't laging may party sa school plus yung mga birthday party ng mga kaklase ko. Kaya ayun nasanay na ko sa alak. Lalo pa nga at sa boarding house lang kami tumutuloy.

Pero huminto ako sa pag-inom nung naging boyfriend ko Christopher. Ayaw kasi niyang nakikipag karerahan akong makipag inuman sa kanya, pangit daw yun sa babae kaya dapat itigil. Kaya simula ng pag bawalan niya ko di na ko tumikim ng alak.

Kaya nung nag break kami muli akong uminom at nagpapakalasing parang naging team song ko nga yung kantang "BEER" ng Itchy worm nung panahong nagpapakalunod ako sa alak habang umiiyak. Sabi nga sa kanta...

"Ibuhos na ang beer

Sa aking lalamunan

Upang malunod na ang puso kong nahihirapan

Bawat patak anong sarap

Ano ba talagang mas gusto ko

Ang beer na to o ang pag-ibig mo"

Pero syempre dun ako sa beer, masakit pero kailangang mag move-on. Naputol yung pag iisip ko ng bigla akong tanungin ni Sir Bernard kung gusto ko pa daw ng alak.

"Okey na ko Sir!" Magalang kong tangi sa offer niya. Masakit kasi yung tingin sa akin ni Sir Martin na parang sinasabi niya, "Sige subukan mo lang uminom pa sasapukin talaga kita". Sabagay nagpunta ako dito para magtrabaho di para maglasing. Isa pa nasa iisang kuwarto lang kami mahirap na baka nga malasing ako at sukahan ko siya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko kung ano kaya itsura ni Sir Martin kapag sinukahan ko yung puting puti niyang damit, bigla akong napangiti nung ini-imagine ko yung muka niya habang nanlilisik ang mata at umuusok ang ilong tapos di niya alam gagawin sakin kung ihuhulog niya ba ako sa bintana o pagugulungin sa hagdan.

"Wait...parang mapapatay ako nun ah!" Sabay iling sa ulo ko. Eh.. pano kung di yun ang gawin niya sa akin... pano kung bigla niyang akong halikan tapos... tapos mauwi kami sa kama... tapos... tapo...s

"Waahhh!" Sabay tapik sa ulo, putik lasing na ata ako. Kung ano-ano ng pumapasok sa utak ko pinagpapantasyahan ko na si Sir Martin Bigla akong napatingin sa kanya. Na kanina parin pala niya ako tinitingnan kaya agad kaming nagkatinginan.

"Are you okey"? pag-aalala niyang tanong

"I'm fine!" Sagot ko naman. Naramdaman kong nag-init nung muka ko, siguro dala narin ng kalasingan kaya agad akong namula sa tingin ni Sir Martin.

"Mukang lasing ka na Ma'am" pabirong wika ni Sir Bernard.

"Di pa Sir, talagang mistisa lang tayo kaya namumula." Ganting biro ko.

"Kung ganun omorder ka pa ng alak, wag kang mag-alala sa gastos akong bahala!" Pagyayabang ni Sir Bernard pero kung tutuusin di naman siya magbabayad kasi si Sir Edison ang sasagot ng bill namin.

"Okey na talaga ako Sir, Salamat!" Isa pa meron pa tayong trabaho bukas kaya mahirap ng magpaka-lasing ng sobra baka masisante tayo ng wala sa oras, sagot ko para tumigil na siya sa pamimilit.

"Kung Okey ka na, eh wala na kong magagawa... manuod ka nalang muna ng nagsasayaw o kaya kumain ka na muna ng mga prutas oh!" Sabay abot sa akin ng plato.

"Salamat Sir!" Sabay abot sa plato.

"Naku wag mo na kong tawaging Sir wala naman tayo sa trabaho. Tawagin mo nalang akong Bernard!" Sabay ngisi.

Mukang madami ng nainom Si Sir Bernard kaya lasing na kaya nagiging makulit ang problema ako yung trip niya. Kaya agad akong nag excuse para pumunta muna sa CR para iwasan siya. Wala kasi ako sa mood makipagkulitan sa kanya saka nakikita ko si Sir Martin na mukang naasar narin sa kanya.

Agad akong umalis para magpunta sa CR. Pagkatapos ko dun di na ako bumalik sa table namin. Naglakad ako sa tabing dagat papalayo sa bar na pinag iinuman namin. Hinubad ko yung sandals ko para maramdaman ko yung buhangin sa talampakan ko. Napaka relaxing ng pakiramdam.Tanging naririnig ko nalang yung hampas ng alon sa dalampasigan.

Nung mapagod ako sa kalalakad, naupo ako sa buhanginan. Habang nakatanaw parin sa dagat.

"Lalim ng iniisip mo!" Sabi ni Sir Martin na umupo sa tabi ko.

"Hindi.. mababaw lang!" Pabirong sagot ko habang nakangiti pero yung mata ko sa dagat parin nakatanaw.

"Kanina pa kita sinusundan, di mo man lang ako napapansin. Pano kung masamang tao ako eh di napahamak ka na, Ngi di ka man lang tumutingin tingin sa paligid mo basta ka lang lakad ng lakad, ang masama naka inom ka pa, at talagang sa madilim mo pa piniling umupo!" Panenermon niya sa akin.

"Ngayon ko lang nalaman concern ka pala sa akin!" Sabay dampot ng maliit na bato sa tabi ko, inihagis ko yun papunta sa dagat.

"Di ako concern sayo... ayaw ko lang mapahamak ka sa poder ko. Ako ang nagdala sayo dito kaya dapat masecure ko yung safety mo. Tumayo ka na diyan balik na tayo sa hotel!" Sabay tayo at pagpag ng short niya na nadumihan ng buhangin.

Wala akong nagawa kungdi tumayo narin at sumunod sa kanya sa paglalakad. May point naman siya kaya di na ko nakipagtalo isa pa medyo maraming lamok. Kaya agad akong sumunod sa paglalakad niya. Naglakad ako sa bandang basang buhangin kaya bumabakat yung foot print. Nakakatuwa yung alon kaya di ko mapigilang makipaglaro kapag umaatras yung alon umaabante ako at kapag umaabante siya umaatras naman ako. Tuwang tuwa ako sa paglalaro ko ng bigla akong matumba. Napapikit ako...ng bigla kong maramdaman na may sumalo sa akin. Pero tuluyan parin kaming bumagsak.

"Thud...!"

"Oww...!" narinig kong usal ni Sir Martin.

"Splash...Splash...Splash!" Hampas ng alon sa aming dalawa. Kaya ako nagmulat ng mata. Nasa ibabaw ako ni Sir Martin yakap yakap niya ako. Ako naman nasa dibdib niya yung dalawa kong kamay at nakakapit akong mabuti sa damit niya. Iniangat ko yung muka ko para tingnan kung okey lang siya. Pero naka kunot ang noo niya at naka salubong ang kilay habang nakapikit. Muka talagang nasaktan siya.