Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 27 - I Can't Sleep

Chapter 27 - I Can't Sleep

"I can't sleep!"

Nagulat ako sa sinabi niya, anong pake ko kung di siya makatulog. Ano kantahan ko siya ng luluby o kwentuhan ng story book para makatulog? Nagtataka talaga ako sa sinabi niya di ko talaga ma connect kung anong papel ko dun sa di niya pagtulog.

Nakahawak parin yung kanan kong kamay sa pintuan samantalagang yung kaliwa ko naman nakahawak sa blower habang naka cross sa dibdib ko para maiwasan matangal ang tuwalya sa pagkakatakip.

"Anong gusto mong gawin ko Sir?" Tanong ko para matapos na yung curiosity ko sa koneksyon ko sa di siya makatulog.

"Gusto mo ba ako?" Seryosong tanong niya. Habang nakatingin direkta sa mata ko.

"Huh?" Putik lalo akong naguluhan sa sunod na tanong niya. Muli kaming nagpakiramdaman dahil nga di nana'man ako naka tiis ako muli ang nagsalita.

"Mukang naparami ata inom mo Sir! Sabay bitaw sa pinto at tumayo ako ng diretcho pinag cross ko yung dalawa kong kamay sa dibdib at tinitigan ko siya. Nasa boses ko ang amusement ko sa kanya.

Kasi naman sa ilang araw naming magkasama di naman ako nagbigay ng motibo sa kanya. Halos di ko nga siya tingnan kung pwedi nga lang lumayo ako sa kanya at maintain ko yung one meter distance. Pero siya yung itong lapit ng lapit sa akin at yaya ng yaya pero ang ending iniisip parin niya na may gusto ako sa kanya. Asan ang justice? Di ba pwedi siya ang may gusto sa akin.

Gusto kong isigaw sa muka niya na "AKO TALAGA ANG MAY GUSTO?"

"AKO...AKO... TALAGA?" Kakapang init ng ulo kaya agad ako napa iling.

"Hays" Buntunghininga ko muna.

"Sir, muli ko pong uulitin sayo di po kita gusto!" Matigas kong sabi.

"PROMISE!" Sabay taas pa ng kanang kamay ko at nanumpa sa kanya.

"Wala po talaga akong nararamdam para sayo, kung ano man yung nagawa ko para maisip mo na may gusto ako sayo... Sorry pero di po iyon intentional at wala ring ibig sabihin. Kaya sana Sir wag mo na kong pag-isipan ng ganyan." May halong pagmamakaawa at iretasyun yung boses ko.

Nakita kong medyo naging tense yung katawan niya at lumalim ang kunot ng noo. Mukang pinipigil niya yung emosyun niya sa harapan ko kasi nakita ko rin na kinuyom niya yung dalawa niyan palad at naglalabasan ang ugat sa sobrang pagkakapiga. Di ko alam kung galit siya o nininerbyos siya.

"Hay's!" Buntong hininga niya. Sabay relax ng katawan at humakbang siya papalapit sa akin. Nasa loob na siya halos ng kuwarto ko. Naamoy ko na yung natural nyang amoy na musk halos nagtatayuan yung balahibo ko sa batok pero di parin ako umatras para malaman niya na wala siyang effect sakin. At dahil nga sa height difference naming dalawa 5'6 ako samantalang siya ay nasa 6"2 bahagya siyang yumuko para magtama ang mata namin. Ako naman bahagyang tumingala para salubungin ang mata niya. Bigla niyang nilapit yung muka niya sa muka ko. Di ako pumikit para kung sakaling halikan niya ko makakaiwas ako or masasapak ko siya. Pero bigla siyang nagsalita.

"Kung ganun mahihirapan pala akong suyuin ka!" Amoy na amoy ko yung mabango niyang hininga halatang kaka tooth brush niya lang

"Shit!" Bigla akong napa atras, di ko kaya wahahhaha guapo naman kasi talaga siya teh, makalaglag panty pero di ko siya gusto malinaw yun sa akin.

Lalong nagulo yung isip ko mas magulo na sa buhok ko. Di ko alam kung pano ako magrereact kaya di ako sumagot. Nagbaba ako ng tingin sabay butong hininga para pakawalan yung bigat sa dibdib ko.

"Sir... please, wala akong panahon para diyan!" Garalgal kong sabi.

"Di ko naman sinasabi na sagutin mo ko ngayon. Pero hayaan mong ligawan kita!" Seryoso niyang sagot habang naka tayo ng diretcho.

"Sorry Sir, pero ayaw ko!"

"Good Night!" Sabay sara ng pinto. Bahala siya kung naipit siya or tinamaan yung ilong niya basta sinara ko yung pinto. Ayaw ko na siyang makausap gulong gulo na yung utak ko sakanya. Para siya anay na siksik ng siksit sa utak ko.

Agad kong sinaksak yung blower at tuniyo yung buhok ko. Gusto ko ng matulog para matapos na ito. Malapit na kong magkaroon ng emotional break down dahil sa kanya. Para siyang roller coaster ang bilis magbago ng damdamin. Parang nung una kaming magkita galit siya sa akin gusto na kong palayasin makalipas lang ng ilang araw gusto na kong liligawan ano bukas papakasal na ko.

Waaaaah.... bwiset sabay hagis ng blower sa kama sabay dapa narin. Di ko na to kaya uuwi na ko. Nawala na yung epekto ng alak sa akin parag naging alerto yung utak ko kung ano-ano ang naiisip.

"Hays....!" Sabay tihaya sa kama, Nakatingin ako sa puting kisame.

"Ano bang dapat kong gawin?" Muli kong tanong.

Napaka kumplekado di ko siya pweding tarayan kasi client namin siya at di lang basta client He's the owner. Alang namang sagutin ko siya di ko naman siya type saka di ko maimagine na magka boyfriend ng big time masakit yun sa bangs. So anong dapat kong gawin? Sa dami ng tumatakbo sa isip ko sa dapat at di dapat hanggang sa makatulog ako.

Maaga akong nagising kasi gusto kong makita yung sun rise kaya nag alarm ako ng five ng umaga. Balak ko rin kasi mag jogging kaya nagpalit ako ng short at sando pinatungan ko nalang ng jacket para di ako lamigin. Pagkatapos kong mag rubber shoes agad kong nilagay yung phone ko at wallet sa bulsa ng jacket ko saka lumabas.

Paglabas ko ng kuwarto ko napansin ko di pa gising si Sir Martin kaya nag iwan ako ng note na ipinatong ko sa ibabaw ng center table para mapansin niya kaagad pagka gising niya. Agad akong naglakad papuntang sea side. Wala pa masyadong tao sa paligid kaya sobra pang tahimik ng paligid. Tanging hangin lang at hampas ng alon yung maririnig mo. Naglagay ako ng head phone sa tenga at nagpatugtog ng music para magising yung kalamnan ko at nag-umpisang mag jogging.

Nung magsimula ng lumabas ang araw huminto na ko sa pagtakbo. Pinagmamasdan kong mabuti yung pagsikat ng araw habang naka upo sa may batuhan. Napaka sarap talagang mamuhay sa ganitong klaseng lugar.

"Pag ako talaga yumaman bibili ako ng bahay malapit sa dagat!" Nang tuluyan ng lumiwanag, naisip ko ng mag swimming. Hinubad ko yung sapatos ko at jacket at ipinatong sa batuhan at nagsimula na ko lumangoy. Ito yung pinaka gusto kong hobby ang mag swimming simula ng bata ako.