Chapter 24 - STAY

"STAY!" Matigas niyang sabi.

Laking gulat ko sa naging reaksyon ni Sir Martin. Kaya matagal akong nakatingin sa kanya. Gusto kong mabasa sa muka niya kung anong iniisip niya. Pero wala akong ibang makita kundi firmness. Kaya agad akong nagbaba ng tingin. Kinuha ko nalang yung bag ko na ibinaba kanina ni Mang kanor sa gilid ng pinto at agad akong pumasok sa kuwarto sa kaliwa. Sinadya kong ibagsak yung pinto para malaman niyang galit ako.

"Hays!" buntunghininga ko sabay dapa sa kama.

"Daig pa niya yung tatay ko!" Bulong ko.

Makalipas ng ilang minuto, muli akong tumayo at nagtanggal ng sapatos. Inayos ko yung laman ng bag ko dun sa cabinet para di magusot yung mga damit ko. Pagkatapos agad akong nagpalit ng short at medyo maluwag na damit.

Muli akong humilata sa kama habang nagpapalipas ng oras pero di ko inaasahang nakatulog ako. Nagising nalang ako ng may kumakatok sa pintuan.

"Knock... knock...Knock..!"

Agad akong bumangon, at binuksan ko yung pinto ngi di nag abalang tingnan ang sarili ko sa salamin. Sa kabila ng pinto nakatayo si Sir Martin. Naka short lang siya ng maong at naka t-shirt uli ng puti halatang bagong ligo. Kahit napaka casual lang ng suot niya ang lakas parin ng dating niya at napaka bango. Halos kalahating dipa lang ang pagitan naming dalawa kaya amoy na amoy ko siya.

"Bakit Sir"? Pupungas pungas kong tanong habang kinakapa ko yung gilid ng mga mata ko baka mamaya may muta pa ako.

"Mukang inaantok ka pa ah!" Pahayag niya habang pinagmamasdan ako.

"Hmmmm!" Ungol ko medyo di na ko iretable sakanya. Ganun naman kasi ako di nagtatagal ang galit basta makatulog lang okey na ko.

"Dinner na tayo!" Hintayin kita sa sala sabay talikod sa akin.

Pag alis niya sinipat ko yung relo ko seven o' clock na pala medyo mahaba rin pala yung tulog ko. Pumasok ako sa kuwarto ko at kinuha ko yung sabon, tuwalya at tooth brush ko. Ito lang ang pangit sa family room na ito nasa labas ang CR share kami ni Sir Martin. Naghilamos lang ako at nag tooth brush. Nag-aaply lang ako ng powder sa muka at naglagay ng lip gloss sinuklay ko yung buhok ko. Nang masigurado kong okey na yung muka ko agad na kong lumabas. Nakita kong nakaupo parin si Sir Martin sa sofa. Kaya nagmadali akng bumalik sa kuwarto ko para kunin yung cellphone at walet ko.Di na ko nagpalit ng damit kasi kahit papano maayos parin naman damit ko saka baka mainip na yung naghihintay sa akin. Nakakahiyang paghintayin si Boss.

"Tara Sir!" Yaya ko. Agad naman siyang tumayo ng makita niya ko.

Sabay kaming lumabas ng kuwarto. Siya na yung nag lock at nagtabi ng susi. Agad kaming pumunta sa restaurant ng hotel sa ground floor. Pag dating namin dun, andun na si Mang Kanor naghihintay sa amin.

"Inorder ko na yung gusto mo Sir!" Sabi ni Mang Kanor. Agad akong tumabi kay Mang Kanor. Samantalang umupo naman si Sir Martin sa tapat ko.

Maya-maya dumating na yung order namin.

"Meron ka pa bang ibang gusto kainin, sabihin mo lang para ma-order natin!" Malambing na tanong sa akin ni Martin.

"Okey na po ako Sir, di naman po ako maselan sa pagkain. Kahit ano pong ipakain niyo sa akin basta wag lang okra okey na po tayo!" Mahaba kong sagot.

"Bakit ayaw mo ng okra?"

"Madulas po kasi Sir eh, di ako kumportableng kainin siya."

"We're the same. Ayaw ko rin nun! Meron pala tayong common." Sabi niya habang nakatitig sa akin.

Ngiti lang yung tinugon ko sa kanya at sinimulan ko ng kumain. Di ko na siya uli tiningnan.

Halos patapos na kami mag dinner ng lumapit sa amin si Sir Bernard.

"Kain po Sir!" pagyaya ko.

"Salamat Ma'am, Pero tapos na po ako. Invite ko po sana kayo sa bar diyan sa sea side. May show po doon ngayon kaya maganda mag relax. Wag po kayong mag-alala sa expense sagot po ni Sir Edison lahat kaya sana pumayag kayo Sir Martin!" Wika ni sir Bernard.

"Sige, no problem." Sagot ni Sir Martin.

Makalipas ng ilang minuto nasa sea side na kami. Nakaupo kaming apat sa isang bilog na lamesa. Puno ng iba't ibang alak yung table namin. Pano kasi si Sir Martin Rum ang gusto, samantalang ako light na beer. Si Sir Bernard at Mang Kanor parehas namang matapang na beer. Samantalang ang pulutan naman may peanuts, fruits at barbe-q.

Naka upo ako sa pagitan ni Sir Martin at Mang Kanor. Tahimik akong nanunuod ng sumasayaw ng fire dancing sa harapan habang umiinom ng beer parehas kami ni Mang Kanor. Pano di kami makarelate sa pinag-uusapan ni Sir Martin at Sir Bernard. Pinag-uusapan nila yung tungkol sa hotel.Yung mga plano, paano patataasin ang sales, improvement ng facilities, security at marami pang iba.

Nawiwili ako sa pag-inom. Nang maubos yung iniinom ko agad akong dumampot ng bote sa bucket. Pero meron ding dumapot ng bote na hawak ko, na walang iba kundi si Sir Martin at agad naman siyang nagsalita.

"Mukang madami ka ng nainom!"

"Huh?" Sabi ko naman at agad kong tiningnan yung mga empty bottles ko sa harapan. Last bottle na pala yung hawak ko.

"Don't worry Sir di naman po ako lasing, isa pa lights lang ito!" Agad ko namang paliwanag.

"Ayaw ko lang na susuka ka at walang maglilinis sayo!" Muli niyang sabi.

"Hahahahah..., malabo yung mangyari Sir!" Sabay tapik sa kamay nya na nakahawak parin sa bote. Pero di parin niya binitiwan, masusi niya akong tiningnan na parang sinisiguro niyang di pa ko lasing kaya muli akong nagsalita.

"Di ako malalasing sa anim na bote kaya ko ngang umubos ng isang kahon so...don't worry!" Pagyayabang ko.

"Ako na magbubukas!" Sabay hila sa bote papunta sa kanya, kaya binitiwan ko. Pagka bukas niya agad naman niyang binalik sakin kaya muli akong uminom. Nag-request pa siya ng fruits sa Waiter dahil naubos ko na yung nasa table namin.

Naalala ko pa nung una akong uminom, sa sobrang curious namin magkakaklase nung high school kung anong lasa ng alak kaya sinubukan namin. Uminom kami ng isang rum sa bahay ng aming kaklase na barkada din namin. Perahas kasing nagtatrabaho yung mother at father ni Analyn kaya dun kami sa bahay nila. Bale apat kaming uminom ako, si Anna si Nina at si Analyn at dahil first time nga nakaka ilang tagay palang kami agad na kaming nalasing. Puro suka yung kuwarto ni Analyn at nakahandusay kami nung naabutan kami ng Mama niya agad kaming pinagalitan.