May mag pinag-usapan pa kami regarding room security and possible problem pero lahat naman yun ay nasagot ko kaya sa kabuuan okey naman lahat at wala ng naging problem
"Okey bukas na natin pag usapan yung sa security sa ibang facilities. Hapon narin naman." Sabi ni Sir Martin.
"Sige po!" Sabay-sabay naming sagot bilang pag-sangayon naming tatlo.
"Punta muna ako sa security room may aayusin lang po ako doon!" Sabi ni Sir Albert na agad naman umalis matapos niyang makitang tumango si Martin.
"Ako mauna na kong umuwi at dumating na yung pamangkin kong seaman yung sinasabi ko sayo Michelle na ipapakilala ko sayo." Sabay kindat sa akin ni Sir Ronaldo.
"Ah sige po Sir Ronaldo, ingat po kayo!" Magiliw kong sagot habang natatawa kasi talagang sineryoso niya yung sinabi niya sa akin.
"Boss una na po ako!" Baling niya kay Martin at tanging tango lang din uli ang itinugon.
Nung maka alis si Sir Ronaldo agad ko naring dinampot yung bag ko para bumalik sa kuwarto. Nang mapansin ko yung calling card ni Sir Martin sa nasa ibabaw ng scanner, kaya dinampot ko iyon at iniabot sakanya.
"Sir yung calling card mo pala!"
"Keep it!" Tanging sagot niya sa akin at tuluyan din oakong iniwan.
"Huh?" Pagtataka ko at muli kong tiningnan yung calling card.
"Ano naman gagawin ko dito?" Tanong ko sa isip ko.
"Siyempre kahit papano di kami magka-level. I mean wala akong reason para kailanganin ko siyang kontakin o puntahan siya office niya. Kasi kung magkakaproblema man sa system namin kami na ni Sir Albert at Sir Ronaldo ang mag uusap. Tungkol naman sa next project sila na ni Boss Helen ang dapat mag usap at di naman ako kasali dun. Pero dahil nga ibinigay na niya wala na kong nagawa kundi ilagay sa bulsa ko. Malay mo naman kailanganin ko siya in the future. Wish ko lang di mangyari sabi ko sa isip ko.
Agad akong umakyat papuntang second floor at napansin ko nasa may dulo ng hagdan si Sir Marin at nakatayo. Nakasandal siya sa grills nung hagdan habang hawak-hawak yung phone niya na para bang nagtetext.
"Hinihintay niya ba ako?" Muli kong tanong sa sarili ko.
Pero agad ko yung inalis sa isip ko ayaw ko kasing mag assume at baka mamaya mapahiya ako. Nung dalawang baitang na lang ang layo ko sa kanya bigla siyang nagtaas ng tingin at nagsalita.
"Sumabay ka ng kumain sakin mamaya, daanan kita ng six sa kuwarto mo." Dirediretso niyang sabi pagkatapos agad siyang lumakad papalayo sa akin.
Nanatili akong nakatayo sa hagdan dahil sa pagkakabigla. Di man lang ako nakapag-react basta na lang niya ako nilayasan para bang bawal akong tumangi.
Napa-iling na lang ako kasi di ko yun inaasahan.
"Ano kayang problema niya?" Natanong ko uli sa aking sarili habang naglalakad ako paakyat. Di ko mapigilang mapakamot sa ulo ko kasi kahit anong isip ko di ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
Pagdating ko sa kwarto agad akong humilata sa kama ko, sumasakit ulo ko. Pagkalipas ng ilang minutong pagkakahiga agad akong pumasok sa CR para mag refreash. Nagpalit ako ng pantalon at nagsuot ng plain white shirt na V-neck na di naman body fit sa akin.
Nang masigurado kong okey na yung itsura ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko at hinanap ko yung calling card ni Sir Martin na binigay niya sakin kanina di ko akalain na magagamit ko yun kagad. Naisip ko kasing i-text siya para tangihan yung offer niya.
"Hi Sir this is Michelle, Sorry Sir mukang di po ako makakasabay sayo mag dinner may pupuntahan pa po ako!" Ilang beses ko binasa yung text ko bago sinend. Sinigurado kong di nakaka offend yung content na para bang ayaw ko siyang makasama.
"Hays!" Buntong hininga ko na para bang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan pero bago pa ko tuluyang magsaya narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kahit nagtataka ako kung sino yun agad akong lumapit at binuksan iyon.
"Uy Sir, bakit po?" Painosenteng tanong ko nung maka-recover ako sa pagkakabigla.
"Buti nalang bihis ka na, Tara! Alis na tayo?" Yaya niya sa akin sabay talikod na para bang need ko ng sumunod sa kanya.
"Ay... wait Sir! Nag text ako sayo ah!" Pahabol kong sabi sa kanya. Habang nanatili akong naka tayo sa pintuan ng kwarto ko.
"Nagtext ka?" Takang tanong niya.
"Opo!" Malumanay kong sagot.
"Sorry low bat kasi yung phone ko kaya iniwan ko sa kwarto kaya di ko nabasa text mo, Ano ba yun?" Sabi niya sa akin habang naka taas ang kilay na para bang nagsasabi na ayusin mo yung sagot mo.
"Ah ganun po ba!" Tanging nasabi ko, bigla kasi akong natakot.
"Hays!" Buntong hininga ko, tagal kong inisip kung pano ko sakanya sasabihin na ayaw kong sumama sakanya pero eto siya ngayon nasa harap ko at niyaya niya ko umalis na. Pero teka maaga pa ah! Alas singko palang nung huling tingin ko sa relo, kaya muli kong sinipat yung oras sa relo ko baka mali yung oras sa phone ko pero tama Five o' clock plang ng hapon.
"Ang aga mo naman ata Sir? Diba sabi mo Six o' clock mo ko dadaanan!" Naiisip ko nalang sabihin kasi nga naghihintay siya ng sasabihin ko pa.
"Ah Five palang ba?" Parang gulat din niyang tanong sa akin. Agad niya ring tiningnan yung relo niya.
"Six na kasi sa relo ko!" Sabay harap sa akin nung braso niya para makita ko yung oras dun sa relo niya.
"Mukang advace ata relo mo Sir!"
"Muka nga! Pero bihis ka naman na diba kaya tara na, alis na tayo. Wala narin naman akong gagawin!" Pagyaya niya sakin.
Tuluyang ng lumayo yung topic namin tungkol sa text ko sa kanya. Wala rin naman mangyayari kasi nga andito na siya at mas nakakahiya ng tumangi.
"Wait Sir kunin ko lang yung sling bag ko!" Muli akong pumasok sa kuwarto at kinuha ko yung bag ko at cellphone.
Muli kong sinuot ko yung rubber shoes kong puti para pweding ilaban sa lakaran. Na mukang di matutuloy balak ko kasi sanang maglakad lakad sa park. Muka kasing maganda dun mag stroll pampalipas oras.
"Hay!" Muli kong buntunghininga bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nang ma-ilock ko na yung pintuan agad akong sumunod kay Martin na naglalakad na sa unahan ko habang nasa mga bulsa ng pantalon niya yung mga kamay niya.
Iiling-iling nalang ako kasi nga di ako nakatakas.