Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 23 - CHAPTER 22: HIS KISSABLE LIPS

Chapter 23 - CHAPTER 22: HIS KISSABLE LIPS

ADELA's POV

Mag-aalas kuwatro ng hapon nang marating namin ang isla. Super bongga ng aming sinakyan para makatawid ng dagat papunta dito. Isang 3 storey na yate ang sumundo sa amin from terminal. And know what? May sariling pier ito. Bongga diba?

5 kilometers ata ang layo ng isla from the main land. Kaya naenjoy ko ang breeze ng dagat. Salty pero refreshing. Mabuti nalang at maganda ang sikat ng araw at mumunti lamang ang mga ulap. Maya maya ay maabutan pa namin ang sunset dito na ayun sa research ko ay talaga naman binabantayan ng mga turista dahil sa angking ganda ng tanawin.

Malayo palang ay naloka ako sa natatanaw ng aking mga mata.Napakaganda! Malaking isla ito na kung saan sa tuktok nito ay makikita ang isang malaking mansion. I don't know kung ito na mismo ang hotel pero ito lamang ang structure na makikita from the distance. Since matataas din ang mga punong nakapaligid kaya, yung tuktok lng ng hotel ang makikita. If not mistaken, italian inspired ang architectural design nito.

Pagdaong ng yate kung saan kami nakasakay, nakita ko pa ang dalawang yate na matagal nang nakadaong dito. So talagang mga mayayaman lang ang makaka-afford nito?

After namin dumaong ay may sumundo agad sa aming tatlong van. May tatak itong Isla Luisa Hotel and Resort.

At habang sakay ng van, nilinga linga ko ang paningin sa labas. Paakyat kasi ang van kung kaya matatanaw ang asul na dagat at ang halos kumikislap kislap na white sand.

Napanganga ako sa paghanga. Juskolord! Ang sarap tumira dito.

Sa bandang batuhan sa gilid ng maliit na mabatong cliff ay makikita ang anim na pawang bahay kubo. Villas ata ang mga ito..nasa ibabaw ito ng tubig na halos hanggang bewang lang.

Na-shook ako sa magandang tanawin. Mala-Maldives ang dating ng isla na ito.

Pagdating sa hotel ay lalo kaming namangha. Ang laki laki pala nito. Parang palasyo na sa laki. 4 storey building na may 3 malaking pool. Ang isa dito ay infinity pool. Sa laki ng struktura ay kaya ata nito magpatira ng isang libong katao.

Muli akong napasulyap sa infinity pool. Wala pa man ay parang hinihila na ako ng aking mga paa na maligo sa malakristal na tubig.

Sinalubong kami ng Manager ng Hotel. Si sir ang kumausap dito.

Narinig ko din na wala sila masyadong guests ngayon kasi naglimit sila ng turista para macater o ma-accommodate kami. Tarush!

Busy ako sa pagpicture ng lugar nang marinig ko sina Trina at Isabel.

"Girl, halika dito. Magpicture muna tayong tatlo!" Excited na sabi ni Trina na super lapad ng pagkakangiti. Nakayakap naman dito si Isabel habang bawat segundo'y naririnig kong nagcacapture ang camera nito.

Lumapit ako sa dalawa. Pinagitnaan nila ako. Maya maya ay inilabas ni Trina sa bag nito ang monopod since hirap na hirap itong kuhanan kaming tatlo.

"Say chiz!" Sabay na sabi ng dalawa habang ngiting ngiti ma nakatingin sa camera.

Ngumiti lang ako saglit at agad naman itong binawi. Nacoconcious kasi ako dahil nakita kong nakatingin si sir sa akin. Sinulyapan ko sya. Napangiti ito nang makita akong nakatingin sa kanya.

Bigla itong kumindat sabay talikod. Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang makita yun.

Shocks! Bakit ba kindat ng kindat si sir? Nakakaloka!

"Girl? Okay kalang? Bigla kang namumula dyan?" Tanong ni Isabel na takang taka dahil sa pagblush ko.

"Wala lang. Tara na nga. Pumasok na sila oh. Tayo nalang nandito sa labas." Pagyaya ko sa dalawa at agad na binitbit ang bag.

*******************************

"Hay salamat! Makakapagpahinga nadin mula sa mahabang byahe!" Wika ko sabay higa sa kama. Mag isa lang ako sa kwarto. Actually, dapat dala dalawa sa isang kwarto ...eh since labing isang rooms na may 2 beds ang nakareserve sa amin.

Wala ako choice kundi magsolo since ang dalawang haliparot ay di naman mapaghiwalay. At dahil mag isa lang ako...pinili ko na lang ang isang room na may single bed.

Huminga ako ng malalim. Dinama ko ang kapreskuhan ng isla. Ang sarap!

Tumayo ako at binuksan ang bintana. Mula sa aking kwarto ay matatanaw ang anim na villas. Wala akong mapagsidlan ng saya sa mga nakikita.

Napatingin ako sa baba since nasa second floor ako. Makikita ang mga iilang foreigners na naliligo sa pool.

Napangiti ako. Mamaya magpipictorial ako ng pak na pak!

Muli akong humiga sa kama. Napagpasyahan kong magpahinga nalang at umidlip saglit. Mamyang 6 pm pa naman ang unang activity namin.

Huminga muna ako ng malalim at pumikit hanggang sa hilahin na ng kawalan ang aking kamalayan.

————————————————

Tok! Tok! Tok!

Napamulat ako ng aking mga mata sa narinig na ingay. May kumakatok pala. Saglit akong umupo sa kama at nag inat inat. Madilim na pala!Napasarap ako sa pagtulog ko.

Maya maya ay tinungo ko pinto para buksan iyon.

"Girl anu na?! Kaloka ka! Natulog ka pala. Magsisimula na ang boodle fight. Tara na!" Si Isabel. Kasama nito si Trina na busy parin sa pagpipicture. Nakabestida ang mga ito na may floral print. Mukha naring mga bagong ligo.

"Ay di pa ako nakakligo eh. Sunod nalang ako. San ba?" Tanong ko sa dalawa. Kinusot ko ang aking isang mata.

" Sa likod ng hotel girl...sa may garden." Nakangiting wika ni Isabel. Nagpaalam narin ang mga ito.

Agad akong naligo. Pagkatapos ay isinuot ang isang boho dress na puti na may iilang print ng pink roses.

Humarap ako sa salamin at nagpahid ng kunting powder at lipgloss.

'Shocks! Simple is beautiful!' Sabi ko sa sarili na ilang beses ding nagpaikot ikot sa salamin.

Pumunta ako sa likod ng hotel at lalo akong namangha sa nakita. Punong puno ng ilaw ang garden. Kahit madilim ay nakikita ko pa din ang mga ibat ibang bulaklak. Nakapalibot ito sa isang malaking nipa hut na open air kung saan gaganapin ang boodle fight namin.

Nagkakasiyahan na ang lahat pagdating ko. Kanya kanyang picturan at kwentuhan.

Natanaw ko si sir Luke, busy ito sa pag aayos ng mga pagkain kasama ang mga staffs.

Napangiti ako. Sa suot nitong stripes na sando at short, lalong lumabas ang kakisigan at kapogian nito.

My gosh! Ang hot hot!

Sa bawat paggalaw nito ay nagfeflex naman ang mga biceps at triceps nito.

Kahit na bagong ligo ako ay tila bigla akong uminit.

"Adela!Dito ka!" Narinig ko si Trina. Napalingon ako sa kanya. Ngumiti ako at tinungo ang kinaroroonan ng dalawa. Habang naglalakad ako ay nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtitig ni sir.

Shocks! Nakatitig si sir sakin!

"Ayyy! Puk* mo!" Bigla kong naibulalas nang matisod ako sa isang bato.

Kaloka! Di ka kasi natingin sa dinadaanan mo Adela!

Muntik na akong matumba , mabuti nalang nakapagbalanse ako.

Napakagat labi ako at agad na tinunton ang kinaroroonan ng dalawa.

Nakaupo ito sa ilalim ng malaking puno na may mga ilaw na nakasabit.

Umupo ako.

"Okay kalang ba girl? Muntik kana madapa ah?" Tanong ni Trina.

"Okay lang. Asar kasing bato yun! Di ko nakita." Sagot ko at agad na chineck ang aking hinlalaki sa kanang paa kung may sugat. Mabuti nalang at wala naman.

"Panu kasi, kay sir ka nakatingin. Ahahahha." Wika ni Isabel sabay tawa ng napakalakas.

"Hoy hindi noh! Tseh!" Tanggi ko at akma ko sanang kurutin ang dalawa pero tumakbo ang mga ito sa nipa hut.

Maya maya pa ay nagsalita si sir..

"Guys ready na! Let's eat!" Sabi ni sir. Pero nakatitig sya sakin.

Juskolord! Kahit ata madilim ay feeling ko mahahalata ang aking pamumula.

Pumunta ako sa kubo. Nagsimula naring kumain ang lahat. Masasarap ang nakahaing pagkain. Iba't ibang seafood.

Busy ako sa pagbabalat ng hipon ng nakakamay nang mapasulyap ako kay sir. Nakakamay lang din ito.

Napangiti ako. Di naman pala maarte si sir. Mahusay sya makisama infairness ha. Pogi na, humble pa!

Di ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya nang mapansin kong nakatingin na rin sya sa akin. Nakangiti!

Binawi ko agad ang aking paningin.

Gosh! Nahuli na naman nya ako.

"Girl, may allergy kaba sa seafood?" Malakas na tanong ni Isabel kung kaya napalingon ang halos lahat sa akin kabilang si sir.

"Ay wala noh! Mahilig kaya ako sa seafoods." Sabi ko. Sabay yuko at ipinako ang tingin sa pagbalat ng hipon.

"Ah alam ko na! Namumula ka na naman! Sino ba ang nagpapablush sayo?" Tanong ni Trina at humalakhak ng napakalakas. Tumawa na din ang lahat.

Madiin kong tiningnan si Trina para sawayin ito sa panunukso sa akin. Ngunit ang haliparot...lalo pang nanunukso.

"Nagbablush ka kasi nakatingin sayo si sir noh?" Dagdag nito na lalo kong ikinabigla. Nasamid pa ako kaya agad agad akong uminom ng buko juice.

Tawanan ang lahat.

"Uyyyyy! Crush si sir!" Panunudyo ng iba sakin. Napasulyap ako kay sir. Ngingiti ngiti lang ito habang nakain. Paminsan minsan ding sumulyap sa akin.

Napangiwi ako. Di ko alam kung pano pa ngumiti sa kahihiyang natatanggap ko.

Inirapan ko ang dalawang nag umpisa ng lahat.

Lagot kayo sa akin mamya!

Tiningnan ko ng masama ang mga ito.

Ilang minuto pagkatapos kumain ay may mga nagsidatingang mga lalaki. Staff ata ng hotel. May mga bitbit itong alak.

Oh my gosh! No to alak ako! Ayoko na maulit ang nangyari sa amin ni sir!

Agad kong niyugyog ng aking ulo. Nagpaflashback na naman kasi sa aking isip ang nangyari.

Gosh! Nakakahiya.

Niyaya nila akong uminom pero tumanggi ako. Ayaw ko talaga.

"Girl, try mo tong wine. Masarap at matamis. Di nakakalasing." Pamimilit ni Isabel.

Tumanggi ako. Napasulyap ako kay sir. Masaya itong nakikipag inuman sa mga lalaking empleyado at sa bff nitong si Ruel. Maya maya ay may tumabi kay sir na babae, si Katarina!

Nakabra lang ito at nakapekpek shorts!

Ang hitad! Nilalandi ang Luke ko.

Tila nagpupuyos ang aking damdamin sa simpleng paglalandi ni Katarina. Asar na asar ako!

Itong si sir naman, mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa ng haliparot na babae. May pasandal sandal pa ang ulo sa balikat ni sir ang hitad.

Di ko na makaya ang makita sila. Kaya sa iba ko ibinaling ang paningin.

Kinuha ko nadin ang wine na iniabot kanina pa ni Isabel at paunti unting ininom ito.

Maya maya pa ay nagkayayaan ang mga lalaki sa isang game.

Paramihan ng shot ng alak. Halos lahat ng lalaki ay sumali kaya naman pati si sir Luke ay napilit narin nilang sumali.

"Sir Luke! Sir Luke! Sir Luke!" Sigaw ng mga ito kapag natungga si sir.

Di rin naman nagtagal ang laban kasi halos nagsibagsakan na ang lahat ng kalaban ni sir. In short, si Sir Luke ang nanalo!

Pero sa itsura nito, mukhang sobrang lasing na ito. Mapungay na ang mga mata nito.

"Girl, lasing na lasing na si sir." Sabi ni Trina. "Ihatid mo na kaya sa kwarto nya."

"Hala bakit ako?" Bigla kong tanong. Actually medyo tinatamaan na ako ng wine pero kaya ko pa naman. Normal na normal pa ang galaw ko.

"Tingnan mo oh. Bagsak na rin." Turo nito kay sir na kasalukuyan nang nakasubsob sa table ang mukha.

Nakahilig din dito si Katarina na lasing na lasing nadin.

Luminga linga ako. Juskolord! Karamihan sa mga lalaki ay natutulog na dahil sa kalasingan.

Naawa ako kay sir. Pero nahihiya akong lapitan ito.

In a sudden, tumayo ito. Paika ika itong naglalakad.

"Girl! Alalayan mo si sir. Ikaw lang ang di lasing dito. Nahihilo narin kami ni Isabel eh." Sabi ni Trina na ininguso si si Luke. Nakahilig naman sa balikat ni Trina ang nakapikit na si Isabel.

So wala akong choice, baka maaccident pa si sir kaya inalalayan ko na ito para ihatid sa kwarto. Tinanong ko sa babaeng nasa front desk ang room number ni sir.

Nasa pinto na kami ng room nya nang mapansin kong magkatabi lang ang aming room. Hall way lang ang pagitan patungong veranda.

Pinakiusapan ko ang isang bellboy na nakasalubong namin na tulungan akong buhatin si sir para ihiga ito sa kama.

After maihiga si sir ay agad na nagpaalam ang bellboy.

Tinanggal ko ang sapatos ni sir at inayos ang pagkakahiga. Nakapikit na ito.

Napatingin ako sa nakapikit na mga mata ni sir.

Malaya kong sinulyapan ang mukha niya.

Ang gwapo gwapo! My gosh!

Dinama ko gamit ang aking palad ang mukha ni sir. Makinis!

Inilapit ko ang aking hintuturo sa ilong nya at nilakbay ang bridge nito.

Ang tangos ng ilong! Napapangiti ako.

Ngayon, kahit papano ay mahahawakan ko ang mukha ni sir na matagal ko nang iniimagine.

Nilapit ko ang aking mukha kay sir. Mga 10 inches lang ang pagitan.

Napatitig ako sa lips nya.

"Sir, ang pogi pogi mo." Mahina kong bulong. Im sure naman tulog na ito at di na ako maririnig.

"Parang ang sarap sarap ng lips nyo." Nakangiti kong sabi habang titig na titig sa mga lips ni sir na mapula.

Actually kaya ko naman halikan si sir pero mas pinili kong pigilan ang sarili.

Di ko naman kaya magtake advantage sa lasing.

May bigla akong naalala. Natigilan ako.

Akma ko na sanang ilalayo ang aking mukha nang bigla akong niyakap ni sir.

Walang anu anoy....siniil nya ako ng halik!

Halik na napakadiin at marubdob.

Nashock ako! Kaya di na ako nakagalaw.

Lalong naging mapusok ang kiss ni sir. Tila nais nitong ibuka ang aking bibig dahil pinipilit pasukin ng kanyang dila ang kaloob looban ng aking bibig.

Aaminin ko. Tila bigla akong sinilaban. Uminit ang aking pakiramdam.

Sa ginagawa ni sir, di ko maitatangging nagugustuhan ko ito.

Kaya bahala na..

Nagpatianod ako sa lukso ng aking puso at hinaing ng makamundong pagnanasa.

Gumanti ako ng halik.