DISCLAIMER: Isla Luisa is a fictional place. Any resemblance to any place is purely coincidental.
•••••••••••>>>>>><<<<<<•••••••••
ADELA's POV
"Nak, kumpleto na ba ang nga dadalhin mo? Aba ay baka may nakalimutan ikaw?" Tanong ni nanay sa akin habang naghuhugas ng kawaling pinaglutuan nito ng ulam.
"Opo nay. Chineck ko napo." Sagot ko kay nanay.
Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga damit na dadalhin para bukas. Maaga kasi ang alis namin. Dapat nasa parking lot na kami ng Mendez plaza bago mag alas sais ng umaga. Mahirap na raw gabihin sa daan lalo na at tatawid pa ng dagat bago makarating sa isla.
Wala daw kasi ilaw ang main road since hindi pa gaano ka asensado ang probinsya ng Quezon. May dadaanan din daw kaming bangin kaya mas maigi pang maliwanag pa ay bumiyahe na kami para iwas accident.
Excited ako! Oo! Super duper!
Andami kong dinalang damit kahit na 2 days and 3 nights lang kami sa Isla. Well, if you don't know...first time ko ata ito na makakapunta sa malayo layo. Naalala ko, Tagaytay lang ata ang napuntahan ko na labas ng Manila.
So eto, halos wala akong masidlan ng kaligayahan.
Inilagay ko na sa bag ang huling damit na aking tinupi. Bumungad sa akin ang pink na one piece swimsuit. Never pa ako naligo ng nakaganito dahil nahihiya ako pero itatry ko sa Isla. Mas mabuti na dalhin ko ito kahit di ako sire if may sapat akong lakas ng loob na suutin ito lalo na at marami sa mga kawork ko ang sasama.
25 katao ang nagconfirm na sasama sa team building. Karamihan sa mga umayaw ay may mga asawa't anak na kaya mas pinili na sa bahay na lang magstay sa holiday.
Tumayo ako at pumunta sa harap ng salamin. Itinapat ko ang swimsuit sa katawan at nagpose pose.
"Sana masuot kita bukas." Nasabi ko sa sarili.
5:30 palang ng umaga ay nasa parking lot na ako ng building. Naglalakad ako patungo sa bus kung saan kami sasakay. Excited akong lumapit dito.
"Girl!" Narinig kong tawag sa akin ni Trina. Kasabay nito sa paglalakad si Isabel na hindi magkadaungaga sa pagbigbit ng bag.
Lumapit ang mga ito sa akin. Pinili ko namang umupo muna sa bench malapit sa bus. Hinintay ko sila.
"Anubayan Isabel, dala mo ba ang buong bahay mo? Oa sa gamit ha?" Medyo natatawa kong puna kay Isabel
Nang makalapit na sila sa akin.
"Naku girl, mas okay na ready ka noh. Saka karamihan dyan mga toiletries at mga swimsuit! Alam mo na! Swimming swimming to the max!" Nakangiti nitong sabi na may pasample pa ng paglangoy.
"Girl ikaw, mukhang kukunti lang dala mo?" Tanong ni Trina sabay tingin sa bag ko. Bubuksan sana nito ang bag pero pinigilan ko na agad.
"Damit lang mga yan. Ilang araw lang naman tayo. Saka di tayo magcacamping doon, may malaking hotel and resort sina sir dun!" Sabi ko sa kanila.
Nagkakalibangan kami sa pagkukuwentuhan kung ano ang gagawin pagdating sa isla nang may napansin kaming paparating na sasakyan.
Napanganga kami sa paghanga sa kulay pulang sasakyan. Sa pagkakaalam ko, jaguar ang tawag dito na kung saan dalawang tao lamang ang sakay kasama na ang driver. Nabubuksan din ang bubong nito.
Lahat ng mga empleyadong di pa nakakasakay ng bus ay napatingin sa sasakyan na may paghanga. Hinihintay lumabas kung sino ang nasa loob nito.
Maya maya pa ay unti unting nawala ang bubong nito.
Si Sir Luke ang nasa drive seat!
Shocks! Ang gwapo nito sa sunglass na suot.
Biglang lumakas ang tibok ng aking puso.
"Girl, laway mo oh.." pagsuway sa akin ni Trina sabay pagkapit sa chin ko para isara ang aking bibig. Nakanganga kasi ako sa pagtitig kay sir.
Well, di na secret sa kanila na crush na crush ko si sir. Maging sila din naman ay naging crush ito. Mabuti na lamang at may mga bf na sila kaya off limits na sila kay sir. Aking akin na daw si sir. Faithful daw sila.
Bumaba si sir sa sasakyan.
Sh*t! Ang hot ni sir sa suot nito. Plain white shirt lang na muscle fitted at board short. Napakagat labi ako. Kita ko ang mabalbon na mga binti ni sir na matataba dahil sa nagpuputukang mga muscles nito.
Juskolord! Ang perfect ng katawan nya! Lahat may muscles! Humapit din ang suot nitong damit sa katawan kaya bumakat dito ang malaking chest at abs.
Sya na nga ata ang perpektong nilikha ng Maykapal.
"Girl?" Tawag ulit sa akin ni Trina. Tawang tawa ito. "Anu na? Hinga hinga din!"
Sabay silang naghalakhakan ni Isabel.
Ang mga walang hiya. Sa sobrang lakas ng halakhakan ay napatingin sa amin si Sir.
Bigla akong umiwas ng tingin. Inundayan ko ng kurot sa singit ang dalawa pero agad itong lumayo sa akin na tumatawa padin.
"Asar kayo dalawa ha. Eskandalosa talaga kayo!" Nakakunot kong wika na medyo namumula na.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong tinutunton na ni sir ang aming kinaroroonan.
At sa tuwing hahakbang sya...lalo akong kinakabahan. Gosh! Nagpapalpitate na ata ang puso ko.
Ang prince charming ko! Papalapit na sa akin! Charot!
"Goodmorning sir!" Bati nina Isabel at Trina. Babati din sana ako kaso tila natuyo ang aking lalamunan.
Tumingin na lang ako at ngumiti kay sir.
"Kumpleto naba kayo?" tanong ni sir. Hinintay ko na sumagot ang dalawa pero wala akong narinig. Nakatungo kasi ako dahil iniiwasan ko na makipagtitigan kay sir.
"Yes sir. Kumpleto napo kami. Kami na nga lang po ata ang hinihintay bago umalis." Sagot ko nalang dahil sa akin pala nakatingin si sir. Ang dalawa, sinasadya atang di sumagot. Inaasar at tinutukso talaga ako ng kanilang mga tingin. Sarap tusukin ang mga mata ng dalawang ito.
"Sir mag isa po kayo sa car? Wala po kayong kasama? Mahaba po ang byahe baka antukin kayo kung walang kausap?" Mahabang litanya ni Isabel. Ngiting ngiti ito habang nanunudyo ang tingin sa akin.
"Oo nga sir! Dapat may kasama kayo. Si Adela po, pwede." Nabigla ako sa sinabi ni Trina. Nabilaukan ata ako. Pinamulatan ko sya ng mga mata.
Kayo talaga! Lagot kayo sa akin!
"Ay sir..wag na po ako. Mahihiluhin po ako. Baka sumuka lang ako sa car mo. Mamahalin pa naman po yan." Sagot ko. Buti nalang nakaisip ako ng alibi.
"Ahh. So mas okay pala na sa car ko ikaw sumakay kasi kapag sumuka ka, madali lang kasi open air at nabubuksan din ang bintana." Sabi ni sir. Nakangiting titig na titig sa akin.
Patay na! Wala na akong lusot! Anu sasabihin kong alibi?
"Oo nga sir!" Segunda naman ng dalawa. Bumaling sa akin si Trina at nagsalita ulit.
"Saka girl, kung susuka ka sa bus..panu na kami. Maamoy namin lahat. So masusuka din kami." Sabi nitong may mapout pout pa ng lips. Halatang tinutukso talaga ako.
So wala akong nagawa. Napilitan akong sumakay sa car ni sir.
Kalurkey! Ang sarap sarap ng feeling na makasakay sa mamahaling sasakyan. Lalo na nung inalis ni sir ang bubong nito nang halos bukirin na ang aming dinadaanan.
Ang sarap ng hangin. Napakasariwa! Walang wala ang kapreskuhan nito compare sa hangin ng syudad!
Hinayaan kong sumunod sa galaw ng hangin ang aking buhok. Napapikit ako.
Buong buo ang sayang aking nararamdaman lalo na at katabi ko pa si sir!
Daig ko pa ang nanalo sa lotto!
Biglang tumunog ang aking cellphone. Napamulat ako. Napatingin ako kay sir.
Seryoso itong nagdadrive. Actually, nasa likuran lang namin ang bus.
May tumatawag pala pero unregistered number.
'Sasagutin ko ba ito?' Tanong ko sa sarili.
Tumingin muli ako kay sir bago ito sinagot.
"Hello, sino po ito?"
"Hey Adela! It's me.. ! I got your number from the front desk lady." Nabigla ako sa narinig. Napatingin ko kay sir. Napasulyap ito sa akin, nakakunot ang noo.
"Sir Allen?" Tanong ko. Tama! Sa boses palang nito ay alam na alam ko na. Kalokang Jasmine, binigay pala ang number ko ng walang pahintulot.
"Yeah! I am happy you can still recognize me. By the way, where are you now? I called your office but no one is answering?" Mahabang nitong litanya. Napangiwi ako.
"Uhmm sir. We have an out of town team building." Sagot ko. Sa mga bukirin na ako nakatingin. Nahihiya ako kay sir.
"Oh. I see. Hmm. Okay. By the way ,can I invite you for a dinner sometime?" Tanong nito. Pero di ko na ito nasagot dahil nalobat na pala ang aking cp. Kalurkey!
Binalik ko sa bulsa ang cp. Buti nalang may dala akong charger. Sa hotel ko nalang icharge pagdating.
Napasulyap ako kay sir. Seryoso ito sa pagdadrive. Walang kaimik imik. Pero tila makulimlim ang mukha. Nagtatagis ang mga bagang.
Napaupo ako ng maayos. Awkward!
"Nanliligaw ba sya sayo?" Biglang tanong ni sir out of nowhere.
Nabigla ako. Di ako agad nakasagot.
"Po? Sino po?" Tanong ko. Nakangiwi ako after ko sumagot.
"Si Allen Abueva? Is he courting you?" Napatingin ako nang marinig iyon. Napatingin saglit sa akin si sir pero agad ding binawi at itinuon sa daan ang paningin.
"Ay. Hindi po. Nagtanong lang po kung nasaan ako. At nagyaya kung pwede daw magdi.....dinner." Natigilan ako. Dinner? Dinner! So date yun! Baka panliligaw na yun! Napakagat labi ako.
"Ohh. Dinner date...is it?" Nakaismid na tanong ni sir. Di ko alam kung bakit parang naniningkit ang mga mata nito. Tila galit!
Galit ba sya sakin? Pero bakit?
" Ah eh..Di ko po alam sir." Nahiya na ako. Napayuko ako.
Baka sabihin nya ang landi ko! At pati client pinapatos ko!
Napangiwi ako. Tila nangangatog ang aking mga tuhod.
"Do you like him?" Narinig ko ulit nyang tanong.
"Ayyy hindi naman po. Gwapo po sya pero may iba po akong gusto." Di ko na alam. Nagrarattle na ako. Panu kung tanungin nito kung sino at madulas ako?!!!
Sasabihin ko ba na... ikaw sir! Ikaw! Ang lalaking gusto ko! Nasa panaginip ko! Pinapangarap ko!
Pinagnanasaan ko!
Napakagat labi ako sa huling naisip. Napakahalay ko naman. Palihim kong kinurot ang aking hita.
"Okay good." Wika nya.
Napatingin ako sa kanya. Anung ibig nyang sabihin sa "good"?
Napaawang ang aking labi nang makita ko itong nakangiti na. Maliwanag nadin ang mukha at mukhang masayang masaya!
Luh? Nababaliw na naman si sir!
Nakatitig lang ako sa kanya nang bigla itong sumulyap sakin.
Ngumiti at biglang kumindat.
Gosh! Tila lumundag ang aking puso sa nasaksihan!
Ramdam ko agad ang pag iinit ng mukha ko. Sigurado akong namumula na naman ako.
At lalo pa akong nagpalpitate sa sunod nyang sinabi.
"You are too cute when you blush!" Sabay ngiti nito.
Napabaling ako sa ibang direksyon. Gosh! Nakakahiya!
Pero deep inside ay halos maihi na ako sa super kilig.
Maya maya pa ay pinagsaluhan namin ang pakikinig sa isang awitin...
....🎼it's your smile
your face, your lips that i miss
those sweet little eyes that stare at me
and make me say
i'm with you through all the way.
'cause it's you
who fills the emptiness in me
it changes ev'rything, you see
when i know i've got you with me🎼
(You-Basil Valdez/Jona version)