Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 17 - CHAPTER 16: JEALOUSY

Chapter 17 - CHAPTER 16: JEALOUSY

LUKE's POV

Di ako mapakali sa nangyari. Imagine, being naked infront of someone na wala kayong intimate relationship?

Tsk! F*ck! Damn it!

Sa dami ng makakakita, si Adela pa! Isang kahihiyan on my part lalo na at may special unconfirmed feelings ako sa babaeng iyon.

Napahiga ako sa kama. Kinuha ko ang unan at inihampas hampas ito sa mukha ko.

'Paano ko pa sya ngayon malalapitan nang walang awkwardness? Pano pa magiging normal ang araw araw kung sa office, sa tuwing makikita ko sya ay lagi kong maaalala na nakita nya na ang lahat lahat sa akin?'

Well, di ako mahihiya sa size ng anu ko pero yung thought na nakita nya ito..GRRRR!

Sigurado ako na mas maiilang lumapit sa akin si Adela simula ngayon.

Binagsak ko sa aking mukha ang unan. Hinayaan ko itong nakapatong lang sa aking mukha.

Huminga ako ng malalim. I am trying to convince myself na wala lang ang nangyari. It was an accident. Walang dapat ikahiya.

I decided na humingi nalang ng sorry kay Adela.

Sa mga oras na ito, I am sure kasalukuyan na itong naliligo. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinungo ang harap ng salamin. Tiningnan ko ang aking mukha. Namumula pa ang aking tenga. Ganito talaga kapag ako ay napahiya o nagagalit.

Sinuklay ko ang medyo basa ko pang buhok gamit ang aking mga daliri. And then I tried to fix my shirt, napansin kong baliktad pala ang pagkakasuot ko. Kakamadali ko sigurong magbihis kanina. Even brief pala wala pa akong suot! Nakalimutan ko narin suotin kasi I was in a rush to cover my thing.

After makapag ayos, tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Napabuntunhininga ulit ng malalim.

I asked myself; " Paano na?"

Kinagat ko ang aking lowerlip at tila nanlulumong napaupo sa gilid ng kama.

Maya maya ay napagdesisyunan kong umarteng tila walang nangyari kapag nasa harap ni Adela.

After one hour, binabaybay na namin ang daan pauwi. Tahimik lang ako. Pinapakiramdaman ko pa ang aking katabi. I am trying to approach her to say sorry pero nauunahan ako ng hiya.

Lumunok muna ako bago sinubukang kausapin si Adela. Napatingin ako dito. Hindi ito lumilingon sa akin at busy sa pagtingin sa dinadaanan namin.

"Uhmm...Adela?" Tila medyo basag pa ang aking boses nang maisambit ko iyon.

Tumingin sya sakin kaya bigla ko ding binawi ang aking paningin.

Di ko kaya ang makipagtitigan sa kanya. Andun na ang hiya at pagkailang.

"Bakit po sir?" Tanong nito sakin. Sa tono ng boses nya, ramdam kong nahihiya din ito. So awkward! I hate this feeling!

"About kanina." I replied without looking to her.

"Ah wala po yun sir...maliit..." di ko na narinig ang sunod nyang nasabi dahil umiwas ako sa nag overtake na sasakyan sa amin.

I was in shock nang magsink in sa akin ang sinabi nya. Maliit? Damn. Sinasabi nya bang maliit ang anu ko? Bigla ata akong namula sa aking narinig. Parang isang malaking kahihiyan ang masabihan ng "maliit" ang thing mo lalo na kapag galing sa babae.

Isang kabawasan ng pagkalalaki!

Sa sinabi nyang maliit, meaning may nakita syang mas malaki kesa sakin? Kay Hulk ba ang nakita nya?

Di ko alam ang aking iisipin. Sunod sunod akong napalunok. Sh*t!

Actually, kung size lang ang pag uusapan? Isa ako sa proud dahil alam kong meron akong ipagmamalaki. Naalala ko pa nung highschool....with my teammates sa varsity.. well if you dont know, varsity player ako ng basketball. Lagi akong MVP noon.

After play or training, wala kaming paki sa isat isa kahit hubot hubad. Nagkakakitaan kami ng aming mga thingy at lagi nila akong binibiro kasi namamangha sila sa laki nito. And here I am, for the first time?...masabihan ng "maliit". Masakit sa ego ng testosterone ko!

I need to ask Adela. Hindi ko ata matanggap sinabi nya. I need confirmation. I want explanation.

"Maliit?" Tanong ko sa kanya. Napasulyap ng saglit. Di ko ipinakita na apektado ako.

Nang muli akong sumulyap sa kanya, waring di magkandatuto si Adela. Feeling ko nagrarattle sya. Di ko alam if anu ang iisipin. Pero maya maya ay narinig ko syang nagsalita....

"Ah sir...I mean po..maliit na bagay po

yung nangyari kanina. Kalimutan nalang po natin. Ibubura ko po lahat sa aking isipang lahat ng aking nakita! Promise!" Sabi nito sa medyo nanginginig na boses. Di ito tumingin sa akin. Waring umiiwas. Di ko inaasahan ang sagot nya actually.

Napangiti ako.

'Am I insane? I misinterpreted her words!'

Napangiti ako. Feeling ko naibalik ang aking moral about sa aking manhood. Nawala na ang aking doubt at muling tumaas ang aking self confidence. Well girls, if you don't know...kapag sinabihan nyo ang inyong asawa o bf na maliit ang thingy nila? Sigurado magdadamdam sila! Trust me. Ahahahah.

So back to reality,...di na ako sumagot kay Adela. Mas pinili ko nalang magfocus sa daan since hindi rin naman magandang pag usapan ang bagay na iyon.

I insisted na ihatid si Adela sa harap ng bahay nito pero nagpumilit itong ibaba nalang sya sa terminal ng pedikab. Di raw kasi kasya ang sasakyan since masikip ang daan patungo sa kanila.

Hindi narin ako nagpumilit. Maaring awkward kay Adela ang aking presensya.

**********************************

Monday morning

Di ata ako nakatulog kagabi. Yeah, kasi sa tuwing pipilit ako, nakikita ko ng paulit ulit ang kahihiyang naganap sa amin ni Adela.

I decided na pumasok ng maaga sa office. Bukod sa may hahanapin pa akong draft ng proposals, I want to come up with fresh ideas para mas comprehensive ang pagmarket ng Abueva's hotel chain. And to see..Adela..

Alas siyete palang ng umaga ay nasa office na ako. Inilabas ko ang lahat ng mga previous drafts para kunan ng ideas. Inilapag ko din ang iba sa floor since di ito magkasya sa aking table.

Malaking account kasi ang Abueva Hotel. Hundreds of millions ang worth nito kaya dapat lang di kami mapapahiya. I need this to boost our firm's credentials.

Isa isa kong binasa at sinuri ang mga ito ngunit wala padin akong makuhang magandang ideas.

Napaupo ako sa chair at ipinikit ang aking mga mata.

'Hi Mr. Mendez. Gusto ko lang sabihin na si Allen na ang mamamahala ng marketing campaign ng hotels. ' naalala kong wika ni Mrs. Abueva nang magkita kami sa party.

Napabuntunghininga ako. I dont have ideas pa about sa personality ng anak nito kaya I don't know how will I impress him.

Lumabas ako ng aking office at pumunta ng office management department para kausapin si Ruel.

Di ko namalayan ang oras at nalibang pala ako sa pakikipag usap sa kanya. Nagpaalam na ako para pumunta na sa office ko ulit para mag isip at magresearch.

Sa malayo palang ay nakita kong naglalakad si Adela. I stared at her. She is lovely.

Napailing ako.

'Stop it Luke. Sya nalang ba iisipin mo? Com'on...you have a presentation to deliver tomorrow. You need to focus!'

Muli ako napasulyap sa kanya. And napatitig ako sa dala dala nitong bulaklak.

Flowers? Hmmm? Kanino galing iyon?

Di ko alam pero parang naging curious ako bigla bakit may bulaklak itong dala.

"Binili nya siguro?" I said to myself. Or gusto ko lang isipin na binili nya. I have this feeling na unti unting umaapoy deep inside me. Pero di ko alam kung ano.

Kibit balikat akong tinunton ang aking office. Iwasan ko nalang na tumingin pa sa kanya.

Pero few meters away nalang ako sa pinto ng aking office nang marinig ko ko si Trina, coordinator for PR department.

"Hi Adela. Have a happy monday. From Allen!"

Tila nawindang ako sa aking narinig. Parang sumakit ang aking tenga at dinurog ang aking puso.

Damn!

Di ko mapigilan pero parang biglang uminit ang aking nararamdaman. Tila there is something inside me...burning.

Adela? Allen? F*ck!

Parang sa isang iglap ay nagbago ang aking mood. Inis o galit? Or jealousy?

'No. No. No! This can't be real! Jealousy?'

Napakuyom ako ng aking kamao. Ramdam kong may masakit sa aking dibdib.

'Jealousy at its best! Damn! Am I liking here that much?' Sabi ko sa sarili.

Bumalik ako sa aking huwisyo nang marinig ko si Adela.

"Good morning sir!" Bati nito sa akin. At sumunod nading bumati ang dalawang kausap nito. Si Isabel at Trina.

I did not response. Pumasok na lang ako sa loob ng aking office at pasalampak akong umupo sa aking swivel chair.

Iniisip ko padin ang aking narinig. Confirmed! Allen is interested with Adela. Sa party palang, kung makatingin ito kay Adela ay tila hinuhubaran na.

Maya maya ay pumasok si Adela. Nasa bukana lang malapit sa pinto asking if may ipapagawa ako.

"Did I call you?" Naibulalas ko with sama ng loob. I cant contain myself with these heavy feeling.

"Ay sorry po." Narinig kong sagot nito.

Nailang na ngumiti at agad ding binawi.

'Adela. Adela. You are mine. Only mine! Why are you letting someone na ligawan ka?'

Natigilan ako sa aking naisip. So here I am...inamin na ng aking isip na gusto ko na sya.

Nalilito ako. Should i stop this?

Di ko rin alam ang isasagot.

Nakita kong palabas na ng pinto si Adela.

"Adela, inform the team leads that we will have a short meeting. And I need ten copies of this file."ang nasabi ko nalang.

Tumingin ito sa akin. Maya maya ay lumapit para kunin ang iniabot kong papel para ipaprint nya ng copies. Di ako tumingin sa kanya. I dont want her to recognize my feelings tru my eyes.

Ipipinid na nito ang pinto ulit nang magwika ako. Actually, bulong ko lang sa sarili.

"This is an office, not a place para magligawan."

Tila napalakas ang pagkasabi ko nun. Pero nagkibit balikat nalang ako. Sure naman ako na hindi nya narinig kasi nasa labas na sya.

Narelaks ako kahit papano. Atleast, mapipigilan ko ang masamang balak ni Allen sa secretary ko!

****************************

Kasalukuyan akong nasa meeting. Dinidiscuss ko sa mga department leads ang draft ng proposals namin for Abueva account. I want them to come up with fresh ideas para sa ads and also new ways para mas mapalawak.

Hindi ko na isinama si Adela para sa minutes ng pag uusapan. Madidistract lang ako sa presence nito. Inutusan ko nalang ito na linisin at ayusin ang mga papel na kinalat ko kanina.

"Sir, last year. Gumawa tayo ng ads for a hotel din. Maybe we could use that as our reference only?" Narinig kong wika ng isa sa mga ito.

"Tama. I have a copy on file. We can use that as a reference but still I want you to come up for a greater and fresher ideas." Wika ko.

"Wait. Kunin ko lang sa office."

Alam kong nakita ko ang hard copy nito kanina. Nailagay ko sa table. Pero may copy din ako sa laptop.

Binabaybay ko na ang way papuntang office nang makita kong nakasara ang mga blinds nito.

Marahil nasa loob si Adela. Ginagawa na ang inutos ko.

Pagbukas ko ng pinto. Nabigla ako sa aking nakita. Napanganga ako.

Si Adela, kumekembot kembot habang iniikot sa ere ang blazer nito. Maya maya pa ay pupulot ulit ng papel at gigiling.

I want to laugh pero pinigilan ko. I dont know! Pero naeenjoy ko ang aking nakikita.

Inilapag nito sa table ang folder at gumiling giling paitaas paibaa.

Woah! She is a legit dancer!

Sa suot nitong hapit sa katawan, lumabas ang magandang kurba nito.

She is definitley sexy!

In a sudden, narinig kong umawit ito. Isang tagalog song. Somewhat familiar pero diko alam ang title.

Sa bandang chorus nito ay ikinabit nito sa lyrics ang aking name.

I was in awe. I cant contain my happiness. She likes me?

Napangiti ako sa sobrang kaligayahan.

' Akin kanalang sir Luke?'

It made my heart palpitate.

Humarap sya sakin. Kumakanta parin. Pero di ko alam. Nakikita nya ba ako? Di parin ito tumigil. Maya maya tinuro ako, itinikom ang mga daliri at inilagay sa tapat ng puso.

"Akin ka...sir Luke!" Birit nito. Di ko alam ang gagawin. Naakward ako sa ginawa nya.

Napansin kong natigilan ito. Nakatitig sa akin. Tinitigan ko din sya. Pumikit ito ng dalawang beses. May pakusot kusot pa ng mga mata. Waring kinoconfirm kung ako ang nasa harap nya.

'Yeah Adela. This is the real me!'

Nakangiti ako. Well happy ako na gusto nya ako.

"Sir luke? Kanina pa po kayo dyan?" Tanong nitong nabigla. Di mapakali na waring hiyang hiya.

"Not really Adela." Sagot ko. Di ko na sinabinh nakita ko ang mga sayaw nyang nakakaakit.

Lumakad ako patungo sa kanya. Tinanong ko if tapos na ito sa pinagawa ko just to start a convo.

Napatingin ako sa katawan nya. She is really sexy.

Siguro napansin nya iyon kaya kaagad nitong hinanap ang blazer na itinapon kanina habang sumasayaw.

Alam kong hiyang hiya sya. Pulang pula ang pisngi nito. She is cute and lovely. I like her personality.

Pinagbreak ko sya for lunch.

Nang palabas na ito sa pinto. Di ko napigilang sabihin na...

"Your voice is out of tune though....your dancing skills are great!"

I know narinig nya iyon. Napatawa ako.

'Adela, you are funny! You are different!' Bulong ko sa sarili.

Sya lamang ang nakakapagpangiti o tawa sa akin ng ganito.

She is bubbly.

And now I confirmed. I like her. I definitely like her...her innocent personality, her stunning beauty and her humour..

Umiling nalang ako. Di ko alam kung saan papatungo ang aking nararamdaman. Pero sa ngayon, di pa ako ready para ipursue ito. I can't..

And I hope Adela can wait.