Chereads / REINCARNATED LOVE (TAGALOG) / Chapter 19 - CHAPTER 18: THE NOTES

Chapter 19 - CHAPTER 18: THE NOTES

ADELA's POV

Mag aalas onse na ng umaga nang makabalik ako sa office.

Kaloka! Ang lawak lawak pala ng main office ng Mendez Corporation. Andaming empleyado. Kung kani kanino ako pinasa, ang ending absent naman pala yung hinahanap ko. Tinanong pa ako kung bakit di namin alam eh nag inform naman daw si Madam Eve nila sa board meeting na sa monday nalang next week magpasa ng report since nakaleave ito hanggang friday ngayong week.

Nabadtrip ako dun ah. Kung nag inform sila, bakit di alam ni sir Luke?

Kaloka si sir ha. May amnesia ba sya?

Padabog akong umupo sa aking desk. Gusto ko pa naman makita si Sir Allen. Lasing kasi ako nang makita ko sya kaya hindi ko na masyado matandaan kung gaano sya kagwapo.

Kinilig ako.

'Tumigil ka nga Adela! Ang landi mo. Akala ko ba may Sir Luke kana? Bakit

may pagharot kapa kay Sir Allen?'

Well, kay sir Luke kasi hanggang pangarap nalang ata ako. Feeling ko wala akong chance.

Saka, di naman ako magugustuhan ng dalawa talaga. Di kami bagay. Mayaman sila, mahirap lang ako.

Nalungkot ako sa aking naisip. Well, ang realidad naman talaga ay...ang mahirap para sa mahirap at ang mayaman ay para sa mayaman.

Sa mga napapanood ko sa mga teleserye at movies, kalimitan inaalipusta ng mga mayayaman ang mahihirap. Sinasabi kapag nagkagusto ang mahirap sa mayaman, gold digger daw! Asar diba?

Nang marelaks na ako ng very light, pinagpasyahan kong sumilip sa board room kung saan ginagawa ang presentation ng proposal.

Nagretouch muna ako ng aking make up para fresh bago umalis at tumungo doon.

Sa di kalayuan ay nakita kong nakabukas ang blind ng glass window kung saan sila nagmemeeting. Nagmamadali akong lumapit sa bintana. Patago akong sumilip.

Ay! Ayun si Sir Allen. Gosh! Ampogi pogi kahit nakatalikod. Sana humarap man lang sya.

Lumipat ako ng kabilang side ng bintana para naman makita ko kahit side view man lang ng mukha nya. Pero sa kasawiang palad, hindi ko parin makita!

Nakita kong nakaupo sa harap ni Sir Allen si Sir Luke. Busy itong nakikinig at nakatingin sa nagpepresent na head ng aming Art Department.

Juskolord! Magkaharap ang dalawang pogi! Di natulak kabigin kung sino ang mas pogi. Pero sa sex appeal, lamang na lamang si sir luke.

Siksik luglog, umaapaw ang sex appeal ni Sir Luke ko. Yung tipong kapag tiningnan ka nya, mapapahubaf kana agad ng panty! Charot!

Muli akong sumilip sa bintana. Napatingin ako sa pwesto kung nasaan si Sir Allen ngunit nabigla ako.

Si Sir Luke! Nakatingin sakin! Nandilat ang aking mata nang makita sya. Napangiwi at napakagat labi ako.

Patay na! Huli ka balbon! Chos!

Napakamot ako ng ulo. Muli ako lng nagtago sa gilid ng bintana kung saan di ako makikita ni sir.

Isang silip lang naman at aalis nako. Hehehe! Gusto ko lang makita mukha ni Sir Allen.

' Isa lang naman Luke ko. Sayo lang ako! Titingnan ko lang naman si Sir Allen ha. Wag na magselos!' Bulong ko sa sarili. Kinikig ako sa kaharutang naisip. Kahit papano, naaangkin ko sa aking imahinasyon si Sir Luke.

Muli akong sumilip....pero sa kasawiang palad. Sarado na ang mga blinds!

Hmmp! Sigurado si sir ang nagsara nito. Asar!

Nanlulumo akong bumalik sa aking desk.

' Sisilip lang eh, ang damot damot naman ni sir!' Bulong ko sa sarili.

Ginawa ko nalang na busy ang sarili sa pagbasa ng notes ni Ate Rosa about kay sir.

"Things to remember about Luke !" Bigla akong nagkainteres sa aking nabasa. Malalaman ko kung ano ang mga ayaw ni sir para maiwasan ko ang mga ito at ang mga gusto para pampaganda points! Chos!

"Hmmm. Exciting!"

Agad kong binasa ang list na isinulat ni Ate Rosa. Syempre noh, bilang kapalit na assistant ni sir, dapat kilala ko ugali nya para naman maintindihan ko sya.

Binasa ko ang list.

1. Cafe Americano

Ayaw ni sir ng ibang brand kundi yung brand na nasa baba ng building lamang.

Huh? Bakit di nya agad sinabi sakin? Kaloka ha! Pinahirapan nya ako nung first week ko dito sa pagtimpla ng kape nya yun naman pala mas bet nya ang kape ng cafe sa baba. Asar ha! Dugo at pawis pinuhunan ko sa pagtimpla ko ng kape that time.

Napasimangot ako.

2. Ayaw nya ng maingay na heels. Kung kaya maglakad ng walang ingay, mas maganda.

Ay kaloka! Panu ako maglalakad? Dapat nakalutang? Maingay pa naman ang heels ko. Nagiisa pa naman ito. Katas ng unang sahod ko. So balik doll shoes ako?

Anu ba yan! Tumangkad pa naman ako kahit slight sa heels ko.

3. Takot sa ipis. Kaya dapat palaging malinis ang office.

Napangiti ako. Sa laking tao ni sir, takot pala ito sa ipis. Kaloka! Samantalang kami, ginagapangan na minsan. Kasama na nga namin sa bahay ang mga ipis eh. Boarders namin. Ahahaha!

4. Namumula ang ilong at tenga kapag galit, inis o nagseselos.

Selos? Hmmm? Interesting! Ang cute pala ni sir magselos, mahahalata agad. Panu ko kaya sya lagseselosin? Chos! Asa kapa Adela! Di ka nga nya bet eh.

Laglag balikat ako bigla. Nagbuntunghininga ng malalim.

5. Never mention "Chelsey".

Chelsey? Sino yun? Name ng gf ni sir? No! Sabi ni ate Rosa single si sir eh. So...ex nya? At may masamang history siguro sila kaya ayaw niya marinig ang name nung babae.

Hmm. Bakit kaya? Sinaktan ba si sir ni Chelsey kaya ganun nalang ang galit nito para ayaw marinig ang name nya?

Bigla akong nagkainteres sa Chelsey na yon. Binuksan ko ang phone para magresearch kung sinong Chelsey ang tinutukoy ni ate Rosa.

Inopen ko ang browser ko at nagresearch sa google.

Nilagay ko sa search box ang name na Chelsey at Luke Mendez.

Maya maya madaming lumabas.

Oh my gosh! Si Chelsey Wilson ang ex ni sir? Ang boss ko at ang idol ko, mag ex?

Napanganga ako sa pagkabigla. Agad ko ding tinakpan ang aking mga bibig gamit ang dalawang palad.

Binasa ko ang news item.

Matagal na pala nung naging sila ni sir. Di pa sikat na model noon si Chelsey.

'So meaning, nung umalis para mag abroad si Chelsey, naiwan si sir at nagbreak sila!' Tanong ko sa sarili.

Napabuntunghininga ako sa nalaman. Iba naman pala talaga ang taste ni sir. Talagang magaganda at sexy. Mga artistahin kumbaga. Napasimangot ako at nanlumo sa nalaman.

Wala kana talaga pag asa Adela! Hanggang pangarap nalang talaga sya.

Biglang nagvibrate ang aking phone. May text akong natanggap. Binuksan ko ito at binasa. Kay Nanay pala galing.

'Nak malakas ang ulan. Signal number 1 pala sa atin. Ingat ka pag uwi ha mamya.'

Napangiti ako. Si nanay talaga, super maalalahanin. Ang sarap ng feeling na may taong nagmamahal at nag aalala sayo. Sana ganito din si Sir sa akin.

Hays! In your dreams Adela!

Bigla atang sumakit ang tyan ko. Dali dali akong tumayo at tinungo ang cr. Nasa pantry ito kaya doon ako pumunta.

Gosh! Habang naglalakad ako ay may pailan ilang masamang hanging lumabas sa akin. Nakakahiya baka malakas ang maging tunog kaya pwinersa ko ang aking pwetan para maipit ito at di tumunog o kayay wag nalang lumabas hanggat wala pa ako sa cr!

********************************

Naging maalwan din ang aking pagbabawas. Ang sarap ng feeling na nailabas mo lahat ng sama ng loob. Chos!

Palabas na ako ng pantry nang makasalubong ko sina Trina at Isabel. Di ko alam kung saan nangging ang mga ito at ngayon ko lang nakita.

"Girl! Ikaw ha! Di mo sinabi na super pogi pala nung Allen!" Agad na bungad sa akin ni Trina. Ngiting ngiti pa ito. Kilig na kilig pa.

"Huh? Panu nyo nasabi? Nakita nyo ba?" Tanong ko. " Teka teka san ba kayo galing at ngayon lang kayo nagpakita?"

"Anu kaba? Nasa board room din kami.. nagtaka nga ako bakit wala ka eh?" Sagot ni Isabel. " Ang hot ni Allen ha? Mayaman pa!"

"Ah... hehe. So bakit nandito na kayo? Tapos naba?" Tanong ko ulit.

"Oo tapos na! Ayun umuwi na sina Sir Allen mo! Uyyyy!" Namula ako sa panunukso ng dalawa. Di ako sanay na tinutukso ako kasi dalagang pilipina ako. Chos.

"Ay, nakaalis naba?" Tanong ko ulit habang pasilip silip sa labas ng pantry. Balak ko sanang habulin. Para nga sana magsorry at mag thank you sa bulaklak. At higit sa lahat makita ang kapogian ni Sir allen! Charot.

"Ay wala na girl. Nakapasok na ng elevator bago kami pumasok dito sa pantry." Nanlumo ako sa narinig mula kay Trina. Anubayan! Di ko man lang nakita.

Akma na akong lalabas ng pantry nang magsalita si Isabel.

"San ka pupunta?"

"Kay Sir Luke. Baka hinahanap nya ako." Sagot ko.

" Girl, breaktime na. Lunch na tayo." Sabi ni Trina. Di ko nalamayan ang oras, napatagal ba ako sa cr?

Well, feeling ko nga andami ko nilabas. Ahahaha.

Sayang! Di ko man lang nakita si Sir Allen.

Nagpaalam ako sa dalawa. Sabi ko wala pa akong gana kumain. Pero makulit ang dalawa kaya napilitan nadin ako sumabay. Nagpumilit ang mga ito na malaman kung paano ko nakilala si Sir Allen. Kinwento ko ang about sa party pero syempre di ko na sinabi ang pagkalasing ko at ang nangyaring kahihiyan sa in ni Sir Luke

Pagbalik ko ng aking desk, nasilip ko si Sir Luke na nasa loob na ng kanyang office. Busy ito sa ginagawa.

Hays! Ang happy pill ko. Makita ko lang sya masaya na ako ulit.

Di ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Naalimpungatan nalang ako sa aking kahibangan nang makita kong napatingin narin si Sir sa akin. Nakakunot ang noo nito.

Bigla kong binawi ang aking paningin. Tila namula ako ng very light. Ibinaling ko nalang ang aking sarili sa pagcheck ng voice messages sa telepono.

>>>>——————->>>>>>

Makalipas ang ilang oras.

Uwian na!

Di ko alam pero parang lalagnatin ako. Mabigat ang aking pakiramdam. Siguro dahil sa ulan to kanina.

Naunang nagpaalam si Sir Luke sa akin. Mukhang nagmamadali itong umuwi.

Inayos ko muna saglit ang office nito bago nag out sa front desk.

Nasa ground floor na ako ng building nang makita kong malakas padin ang ulan.

Hassle naman! Kaloka.

Need ko pa tumawid ng kabilang kalsada para makasakay. At need ko magjeep ngayon since kapag tag ulan, super mahal ni tricycle tapos mababasa kapa.

Paglabas ng building, agad kong binuksan ang payong at tumawid sa kabilang kalsada. Buti nalang may malapit na waiting shed, kaya doon ako sumilong.

Napagpasyahan kong dito nalang maghintay ng sasakyan. Lumalakas ang ulan eh. Sana di punuan ang jeep.

"Adela?" Narinig ko sa gawing likuran ko. Well, medyo marami kaming nagsiksikan sa waiting shed. Napalingon ako.

Si Peter pala! As usual, naka puting puti na marino outfit ito.

Nagkamustahan kami.

Nagtataka daw ito kung bakit di ako nagrereply sa text nya. Nung chineck namin ang number, nagkabaliktaran pala ang numero.

Masaya kaming nag uusap nang biglang may dumaang sasakyan.

Gosh! Dahil sa mabilis na takbo nito, nasabuyan kami ng tubig na dinaanan ng gulong nito.

Kaloka! Basang basa si Peter! Mabuti nalang may dala akong payong at di ako masyado nabasa dahil naicover ko agad ito.

Kalokang kotse yun ha! Bastos na driver!

Tiningnan ko ang kotse kahit nasa malayo na ito. Teka, parang kahawig ng kotse ni Sir Luke ah? Si sir kaya yun?

Di naman siguro. Katulad lang siguro.

Tinulungan ko magpunas si Peter. Pinahiram ko narin sa kanya ang panyo ko.

Kawawang Peter, ampogi pa naman nito sa suot na puti na ngayon ay putim na!

Salbaheng driver na yun, karmahin sana!