Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 40 - Bagong Record

Chapter 40 - Bagong Record

Mapait na bumalik si Blue River sa pagaatake, gusto ko sanang gumamit ng Wave Wheel Slasher sa Frost Thain para mabalik ang aking dignidad, pero sinabi ko na hindi ko pa natututunan ang Wave Wheel Slasher. Kung bigla ko itong gagamitin, papano ko yun ipapaliwanag? Aksidente ko itong natutunan noon at hindi pa yun nakikita? Tang**, napakahangal. Namumula ang kaniyang mukha sa kakaisip.

Ang nakakatakot na Ice Whirlwind ang dapat na naging pinakadelikado nilang kaharap. Pero dahil sa pinakitang galing at husay ni Lord Grim, nawala ang kanilang mga takot. Sa ilalim ng malalakas na atake ng lima. Sawakas ito'y natumba. Nahulog ang mga items, pero si Blue River at kaniyang mga kasamahan ay hindi ito ininda. Silang lahat ay nakatutok sa system announcement window.

"Congratulations to Blue Brook Guild's players: Blue River, Thundering Light, Lord Grim, Returning Cloud, Lunar Grace, for breaking the Frost Forest clear record. Time: 20:24:11."

Si Blue River at ang mga iba pa'y alam na mula nung nagawa nila ang One Wave Rush. Kapag wala silang nagawang pagkakamali ay maitatatag nila ang bagong record. Hindi sila nasorpresa sa resulta, pero ang hindi kapani-paniwalang diperensya sa kanilang record at ang nakaraang record ay sobrang sumabik ang apat.

Ang nakaraang clear record ay nagawa ng Herb Garden sa 26:12:48. Pero, sa isang takbo, natalo nila ang record na ito at may limang minuto pa na pagkakaiba.

Papaanong nasira nila ang records sa ganoong kalaking diperensya? Ang mga manlalarong kagaya ni Blue River at ang mga kasamahan niya'y alam na kahit na subukan pa nila ng 8 o 10 na beses para talunin ang record ito'y masasabing mababa lang. At alam din nila, na kapag may natatalong record, ang diperensya'y kadalasang nasa isang minuto lang. Para maging 5 minuto ang diperensya kagaya ng nagawa ni Blue River at ang mga kasamahan niya'y talagang hindi kapani-paniwala.

Kung ikukumpara, noong makita ng ibang manlalaro ang system announcement, sila'y talagang nagulat at nagulantang.

Pagkatapos magpalit ng classes sa Level 20, Sina Seven Fields at ang mga iba pa'y pumunta sa Frost Forest at naghanap ng mga manlalaro para pumasok sa kanilang party. Sila'y kasalukuyang nasa dungeon at binubugbog. Sa mga oras na ito, kahit kalahati'y hindi pa nila natatapos. Nung nakita nila ang system announcement, nagulat sina Seven Fields at ang mga kasama niya. Ang newbie na sumali sa kanila, si Immersed Jade, ay napasigaw: "Tingnan niyo, ang Diyos.. Ang Diyos at nasa TV!!"

Ang newbie ay mabilis na nakuha ang terminolohiyang, "TV".

'Yeah, tama ka....." Malungkot na sagot ni Seven Fields at ng mga iba pa. Nakaramdam sila ng pait sa kanilang mga puso. Blue Brook Guild, alam nilang ito'y isa sa tatlong pinakamalakas at pinakamatatag na Guild sa Glory. At ang ganoong guild lang ang maaring makakumpara sa husay at galing ni kuyang mahusay.

Para sa kanilang second-rate guild at mga second-rate na manlalaro, para matulungan sila ni kuyang husay mapunta sa TV, hindi ba dapat na silang makuntento?

Ang tatlo ay naging malungkot. Pero si Immersed Jade ay bumubulong pa: "Frost Forest, hindi ba iyan ang dungeon kung nasaan tayo ngayon?"

"Tama!" Sabi ni Seven Fields.

"20 minuto...20 minuto din natin tong ginagawa. Nasaan na tayo ngayon?" Nagtanong si Immersed Jade.

"Kalahit pa lang..." Malungkot na sagot ni Seven Fields. Makikitang iyon ang nakakalasong impluwensya na kanilang nakuha matapos makihalubilo kasama si kuyang mahusay. Kung ikukumpara ang dalawang dulo, ang mga napagtagumpayan ni kuyang mahusay ay talagang ganap na nasa malayong mundo. Dahil dito, sila'y nagsimulang magkaroon nang agam-agam sa sarili. Ito'y napakaseryosong problema.

Sa mga panahong ito, ang ikalimang miyembro ng kanilang party, isang Cleric na tinatawag na Endless Night. Siya'y nakapokus sa healing, kaya hindi siya masyadong nagsasalita. Pagkatapos narinig ang usapan ng apat, siya'y biglang sumabat: "Kayong lahat ay nakadepende sa taong to para makakuha ng first clear records?"

Nagulat si Seven Fields. Totoong nasa TV sila noon. Halimbawa, si Immersed Jade ay humanga at sumama sa kanila dahil sa kadahilanang iyon. Ito'y naging dahilan kung bakit nagaatubili na silang manguha ng mga hindi nila kilala. Pag may nakita silang hindi nila kilala, na parehas kay Immersed Jade, na pumasok sa kanilang party, dahil naalala niya kung gaano ka husay ang kanilang party. Kung wala si kuyang mahusay, paano nila maipapakita ang kanilang galing? Sila'y mahihiya pag dumating ang panahong iyon.

Pagkatapos pumasok ang Cleric na si Endless Night, wala siyang sinabing kahit anong humahangang komento. Nangumusta lang siya at nakikipagusap pag nakikipaglaban sila sa mga halimaw. Sina Seven Fields at ang mga iba pa'y napaisip na hindi niya alam na sila'y miyemro ng first clear team. Kalahati lang ang natapos ng party sa Frost Forest sa loob ng 20 minuto, habang si Lord Grim ay nasira ang record sa loob ng 20 minuto at napunta sa TV. Ito'y nagpapakita na sa first clear team, tanging si Lord Grim lang ang eksperto, ang iba'y nabuhat lang.

Sa huli'y, ang kahiya-hiyang panahon ay dumating pa rin. Sina Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y walang nagawa kung hindi sabihin: "Tama, siya yung nagbuhat sa amin."

"P*ta. Sinasabi ko na nga ba. 20 minuto na akong nasa inyo pero wala akong nakikitang eksperto sa inyo." Sabi ni Endless Night.

"Hindi ba't parang sobrang deretsahan ka naman?" Ang kaniyang mga salita'y dumagdag lang sa kaniyang kahihiyan. Si Seven Fields at ang mga iba pa'y wala na sa mabuting kondisyon.

"Sige sige. Simula ngayon, sundin niyo ako." Biglang sabi ni Endless Night.

"Bakit?" Ang lahat ay nagtanong.

"Isang eksperto ako galing sa Tyrannical Ambition, Endless Night. Kanina, gusto kong makita ang galing niyo kaya wala akong sinasabi. Kanina pa ako nagtitiis, ang mga utos niyo'y walang tamang direksyon, ako na ang bahala dito." Sabi ni Endless Night.

"Tang**!" Ang orihinal na tagapamunong si Seven Fields ay naging mas malungkot. Anong klaseng taong to? Anong klaseng tao ang tatawgin ang sarili bilang isang eksperto. Kung ikukumpara, si kuyang bihasa ay mas mahinhin at pinapakita lang ang kaniyang galing para magsalita.

"Hindi na kailangan." Talagang hindi natakot si Seven Fields sa kasikatan ng Tyrannical Ambition.

"Kaibigan, wag kang ganito! Kailangan nating bilisan at matapos 'tong dungeon. Madami pa akong kailangan gawin!" Tugon ni Endless Night.

"..."

"Ako na ang bahala! Ako na ang bahala!"

"..."

"Nagmamakaawa ako sayo."

"P*ta. Sige, ikaw na. Ikaw na." Hinayaan na ito ni Seven Fields. Anong klaseng eksperto ito! Parang ramdam ni Seven Fields na nabasag ang salitang "eksperto" sa kaniyang isip.

"Sige, sundin niyo ang mga utos ko mula ngayon." Sa isang iglap, nagpalit nang gamit si Endless Night. Sa kaniyang mga kamay, may hawak siyang Cross. May silvery-white na liwanag na nagmumula rito. Sa isang tingin, malalamang ito'y hindi isang ordinaryong item.

"Amp*ta, nagplaplastikan lang pala 'tong taong to!" Sa wakas ay nakita rin ni Seven Fields at ng mga kasama niya ang katotohanan.

Habang si Endless Night ay namumuno, nagpadala siya ng mensahe sa guild: "Nagkamali tayo, sa first clear party, si Lord Grim lang ang totoong eksperto. Ang iba'y mga basura."

"Huling-huli na tayo. Si Lord Grim ay nasa Blue Brook Guild na. Natalo nila ang record nang limang minuto. Grabe, nakakatakot. Ito'y dahil idinagdag nila yang taong yan."

"Ai ai ai ai." Napabuntong hininga si Endless Night.

"Binubuhat ko tong mga gag*ng basurang to sa dungeon." Tugon ni Endless Night.

Samantala. Pagkatapos nasira ang clear record, ang nakaraang record holder, Herb Garden, ay nagkagulo.

"20:24:11! P*ta, grabe naman niyan! Ang taong yun, si Blue River ay walang ganon na lakas." Plantago Seed, ang guild leader ng Herb Garden at ang eksperto na namuno sa party para maitatag ang nakaraang clear record, ay malakas na nagsalita.

"Yung Lord Grim na yan ang dahilan! Sigurado akong dahil sa kaniya lang lumakas sila." Isang kasamahan, Si Malva Nut ay nagsabi.

"P*ta, tatanungin ko si Blue River!" Sinabi ni Plantago Seed at nagpadala ng mensahe kay Blue River. Silang lahat ay mga malalakas na eksperto sa Tatlong Dakilang Guilds. Alam nila ang isa't-isa sa Heavenly Domain at dinagdag pa nag isa't-isa bilang magkaibigan.

"Hey hey, hindi na tama yan, may nakuha kang isang eksperto!" Nagpadala ng mensahe si Plantago Seed kay Blue River.

"Ha ha ha ha. Galit ka? Galit ka? 20:24:11. Matatalo mo ba yan pag nasa Level 25 ka?" Pagyayabang na sinabi ni Blue River. Sa harap ni Lord Grim, nakakaramdam siya ng pait at pressure. Pero maliban diyan, binibigyan pa rin niya sila ng respeto. Heh. Napaisip si Blue River.