30:8:71
Ito ang clear time na nagawa ni Ye Xiu kasama si Endless Night at ang kaniyang mga kasama. Ito ay napakanormal na time. Lahat ng ordinaryong five man parties ay natatapos ang Frost Forest sa loob ng tatlumpung minuto.
Wala namang masasabi sa oras, pero nagngangalit ang galit ni Endless Night.
Talagang pinamigay nila ang leading fee ng libre! Mula sa simula hanggang sa matapos, si Lord Grim ay hindi tumigil sa pagbibigay sa kanila ng direksyon. Pero hindi sa paraan na ginawa niya kagaya sa ginawa niya doon sa Knight. Ipinaliwanag lang niya sa kanila ang orihinal na stratehiya. Kung silang apat ay mga newbies, maraming benipisyo silang makukuha. Pero para kay Endless Night at ang mga kasamahan niya, tinakbo nila ang dungeon na iyon para sa wala. Sa buong dungeon, wala silang nakikitang maganda at espesyal sa kaniya.
Sa huliy, tinuruan niya ang apat. Silang lahat ay mga eksperto, pero ang stratehiyang iyon ay napakaordinaryo. Talagang parang nagmukhang tanga sila.
Ramdam ni Endless Night na sinadya iyon ni Lord Grim, kaya sinadya niyang gumawa ng mga kamalian para mapukaw ang interest ni dakilang eksperto.
Sa halip, ang dakilang eksperto ay nagpaliwanag ng may pagtitiis tungkol sa pagkakamali ni Endless Night, dapat gawin 'to, dapat gawin yan...
Nung marinig ito ng tatlong magkakaibigan, sila'y palihim na napatawa, naintindihan ni Endless Night na tinituringan siyang tanga.
Sa huli, ang nakapukaw lang sa atensyon nila kay Lord Grim ay ang katotohanang hindi pa siya nagpapalit ng class, pero ang damage niya'y nakakasabay sa dalawang DPSer sa kanilang team. Ang kaniyang armas ay hindi rin basta-basta. Pero ano itong battle lance niya? Hindi pa ito nakikita ni Endless Night.
"Kaibigan, niloloko mo kami!" Sinabi ito ni Endless Night pagkatapos nakalabas sa dungeon.
"Paano mo nasabi, may mali ba mga utos ko?" Sagot ni Ye Xiu.
"..." Hindi alam ni Endless Night kung ano ang dapat niyang sabihin. Kahit na ang pamumuno at mga utos niya'y ordinaryo, wala naman itong mga mali; wala siyang nilagpasang detalye. Kung hindi dahil sa mga sinasadyang pagkakamali ni Endless Night, edi sana walang mangyayaring mali sa kaniyang pamumuno.
Sa katunayan ang mga utos niya ay nagsasabing alam niya ang lahat ng basics. Sinikap ni Endless Night na matanggap ito at sinikap na paniwalaang ang huling dungeon run ay hindi pagsasayang sa oras. May nakuha akong benepisyo, may nakuha akong benepisyo.
"Kukunin mo na ba ang White Wolf Bristles?" Tanong ni Ye Xiu.
Muntik nanamang maiyak si Endless Night! Ang taong 'to ang tanging nakakabenepisyo!
Pagkatapos matanggap ang White Wolf Bristles, nagpaalam si Ye Xiu at umalis. Ang karakter ni Endless Night ay hindi gumalaw. Ang manlalaro ay nakaupo sa harap ng kaniyang computer, naguguluhan.
Bigla-bigla, may pumindot sa kaniya. Binaling ni Endless Night ang kaniyang ulo at nakita na ang pumindot sa kaniya ay isa sa mga miyembro ng kaniyang party na sumama sa dungeon kanina.
Lumapit si Endless Night at narinig niya ang taong iyon na nagsasabing: "Nung narinig ko siyang namuno, nakaramdam ako na pamilyar siya, tingnan niyo..."
Tiningnan ito ni Endless Night at muntik na siyang mapasuka ng dugo.
Anong p*tanginang basic skills, anong p*tanginang wala problema, lahat ng inutos ng gagong iyon ay mula sa isang patnubay. Ni isang salita ay walang nagkaiba. Syempre wala siyang makakalimutang detalye.
"Naloko tayo..." Ang taong iyon ay nagsaita. Walong White Wolf Bristles! At ang kapalit ay nakakuha sila ng 100% clear-rate na patnubay na may milyong-milyong nakapanood sa forums.
Nakaramdam ng kahinaan si Endless Night. Parang sinasabi niya na ring gusto niyang magpaloko! Ang kabilang dulo ay hindi gustong makipagdungeon sa kaniya, ngunit pinilit niya ito gamit ang kaniyang kawalanghiyaan. Ang kabilang dulo'y hindi sinabi na siya ang mamumuno, pero pinilit niya ito gamit ang kaniyang kawalanghiyaan. Sa simula pa lang, ang kabilang dilo'y hindi nagbabasa galing sa isang patnubay, ngunit sila'y nagpumilit na utusan niya sila ng paisa-isa.
Paisa-isa? Sa lakas ng kanilang party, hindi na nila kailangan pang turuan ng paisa-isa. Ang pagpupumilit niya dito ay nagpasakit ng kaniyang ulo. Ngayon, talagang sumasakit na ang kaniyang ulo!
"Hayop!" Nagpigil si Endless Night at bumalik sa kaniyang upuan at galit na galit na isinulat: "Kaibigan, hindi ka mabait! Niloko mo ba kami at gumamit ng patnubay?"
"Hindi naman. Ako ang sumulat ng patnubay na iyon." Sagot ni Ye Xiu.
Talaga? Mabilis na ibinaling ni Endless Night ang kaniyang ulo at tinanong nag taong iyon: "Sinong sumulat ng patnubay na iyan?"
Ang taong iyon ay makikitang hindi namamalayan ang nangyayari. Siya'y bumalik sa unang post at sinabi: "One Autumn Leaf."
Sobrang nagalit si Endless Night. Siya'y bumaling at paulit-ulit na hinampas ang kaniyang keyboard: "Anong pinagyayabang mo? Ang patnubay na iyon ay isinulat ni Diyos Ye Qiu."
"Tama, ako iyon!"
Walanghiya! P*tangina talagang napakawalanghiya...Talagang walang masabi si Endless Night.
"May mga gagawin pa ako, kaya kailangan ko ng umalis. Mamaya nalang ulit." Natanggap ni Endless Night ang mensaheng ito sa kabilang dulo.
Tumatakas!, siya'y tumatakas! Alas tres sa umaga ngayon, anong kinakailangan mong gawin? Napaisip si Endless Night.
Sa loob ng Happy Internet Cafe, si Ye Xiu ay kasalukuyang may dalang ilang bote ng Cola para sa mga bisita.
Tahimik ang buong gabi.
Sa alas syete ng umaga, ang mga bisita'y nagsimula ng patayin ang kani-kanilang mga kompyuter at umalis. Ang Lord Grim ni Ye Xiu ay naging Level 21. Pagkatapos umalis sa beginner village, ang pagpapalevel ay hindi na ganoon ka bilis. Una, ang experience na kinakailangan ay tumaas. Pangalawa, may dungeon entry limit. Kahit na ang mga Level 20 ay nakakatakbo ng kahit ilang beses sa loob ng Skeleton Graveyard, malalaman nilang ang experience na kanilang makukuha sa Skeleton Graveyard ay masyadong mas mababa kapag sila'y limang level na mas malaki kaysa sa dungeon.
Pagkatapos ng Level 20, bukod sa mga dungeons, ang mga manlalaro ay kinakailangang dumepende sa mga quests at pagpapatay sa mga ilap na halimaw para lumevel up.
Sa pinakaharap ng Level Leaderboards para sa ikasampung server, nakita ni Ye Xiu si Blue River, Endless Night, at mga iba pang pangalan. Silang lahat ay Level 24. Makikitang, sila'y nakadepende sa paglalaro buong araw sa loob ng ikasampung server para makakuha ng lugar sa leaderboards. May klarong diperensya kung ikukumpara ang mga manlalarong tinutulungan ng guild at yung mga ordinaryong manlalaro lang. Sa likod nitong mga Level 24s, ang Level 22 at ang Level 23s ay halos walang laman. Pero ang Level 20, 21 ay nandoon ang pinakamasisikap na tao sa bagong server. Halimbawa, mga manlalarong kagaya ni Lord Grim at Seven Fields. Sa maikling panahon na ito, sila'y matatawag na sobrang masikap.
Halos lahat ng mga manlalaro'y hindi pa nga umaalis sa beginner village!
"Magandang umaga, Brother Ye!" Sa oras na ito, ang mga tao para sa workshift ay dumating sa trabaho at nangumusta kay Ye Xiu.
"Magandang umaga." Naglogged-out si Ye Xiu sa laro at pinatay ang kompyuter ng counter.
"Ang lahat ay abala. Aalis muna ako sa trabaho."
"Sige"
Pagkatapos mangumusta sa lahat, umunat si Ye Xiu at bumalik sa inner rooms ng second floor. Nung mabuksan niya ang pintuan, nakarinig siya ng ingay mula sa TV galing sa living room.
"Boss, ang aga pa, gising ka na?" Sinabi to ni Ye Xiu at pumasok sa kwarto. Sa huli, nakita niyang naka on ang TV at nakahiga si Chen Guo sa sofa. Walang nakabalot na kumot sa katawan niyang nakabaluktot na para bang hipon sa lamig.
"Boss, dapat bumalik ka sa kwarto mo at matulog!" Lumapit si Ye Xiu at sinampal siya ng dalawang beses. Tumalikod si Chen Guo at nagpakita ng galit at pagkainis sa pangiistorbo sa kaniyang tulog.
Nanghihina si Ye Xiu at nakitang hindi nakasara ang kwarto ni Chen Guo. Pumunta siya at pumasok para maghanap ng bagay na maitatakip niya kay Chen Guo. Nakita niyang ang dingding, sahig, at ang kisame ng kwarto ay bago. Pero sa kabilang dulo, ang mga dekorasyon at ang higaan ay lumain. Hindi masyadong nagisip si Ye Xiu tungkol dito. Kinuha niya ang kumot sa higaan ni Chen Guo at tinakpan ang katawan ni Chen Guo. Pinatay niyaa ang TV at umalis para matulog sa loob ng storage room.