Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 41 - Isang Simpleng Pag-alis

Chapter 41 - Isang Simpleng Pag-alis

Nung umalis si Blue River at ang kaniyang mga kasamahan sa dungeon. Si Bound Boat at Flower Lantern ay naghihintay pa sa labas. Bago napunta sa TV ang party, ang dalawa'y sumasamba na sa harapan ni Lord Grim sa paghahanga. Sila ang mga orihinal na miyembro ng party at totoong alam nila ang lakas ng party. Si Lord Grim ang 100% na rason kung bakit nagawa nilang lamangan ng limang minuto ang nakaraang clear record.

Si Flower Lantern na may nakaraang agam-agam para kay Lord Grim, ay nakaramdam ng tinding kahihiyan.

Sa wakas, siya'y napabulong: "Talagang ikaw ay isang Diyos, Sumasamba ako, sumasamba ako, hindi maging naganda ang inasta ko noon."

Sa kabilang dulo, nagtanong si Bound Boat kay Thundering Light kung papaano nila natapos ang dungeon. Nagsalita si Thundering Light, nagpapaulan ng laway kahit saan. Napataas ang mga kilay ni Returning Cloud at Lunar Grace: Hindi pa pwedeng magpigil ka naman, parang sinasabi mo na natapos namin ang dungeon sa loob ng sampung minuto.

"Okay, nasira na ang clear record." Sabi ni Ye Xiu kay Blue River.

"Tama, tama. Ang lakas, ang lakas." Mabilis na pagtango ni Blue River.

"Kaibigan..." Matakaw na sinabi ni Ye Xiu.

"Dito, dito!"

"Ang mga items!' Sabi ni Ye Xiu.

"Anong items? Oh, oh! Naku po, sa sobrang saya ko'y nakalimutan ko." Sa wakas ay naintindihan na ni Blue River na ang mga pinangakong items ang ibig sabihin ng kabilang dulo, "Bound Boat, ang mga items?"

Hindi dala-dala ni Bound Boat ang mga items. Nung kinumpirma lang ni Blue River na nalamangan nila ang record na umalis si Bound Boat at pumunta para makuha ang mga items. Sa Glory, ang lakas at bilis ng paggalaw at pagtalon ay nakadepende kung gaano kabigat ang kanilang mga dinadala. Ang resulta, kapag papuntang PK o papatay ng halimaw, ang mga manlalaro ay palagiang pinapagaan ang kanilang mga sarili.

Dinala ni Bound Boat ang mga items at nakipagtrade kay Lord Grim. Tinanggap ni Lord Grim at ang mga items ay nalagay sa trade box. Nagulat siya nung makita na may, 72 Strong Spider Silk, 2 Mithril Pendants, at 8 White Wolf Sharp Fangs.

"Ano?" Hindi naintindihan ni Ye Xiu. Iyan ang kaniyang naunang panukala at hindi yung kaniyang tinawaran.

"Kaibigan, deretsahang paglamang sa clear record ng limang minuto, hindi mo alam kung gaano kadaming oras ang natipid mo para sa amin." Sagot ni Blue River.

"Ah, kaya ganon pala 'to!" Hindi alam ni Ye Xiu kung iiyak ba siya o tatawa. Hindi niya kailangan ang mga materials na ito para ibenta. Ito'y mga orihinal na para sa Myriad Manifestation Umbrella. Kinakailangan lang niya ng 24 Strong Spider Silk. Ang pagpanukala niya ng 72 sa simula ay ginawa lang niya para may lugar sa pagtawad. Pero sa huli, ang kabilang dulo'y masayang binigyan siya ng 72. Sino namang ayaw sa libre? Hindi ganoon si Ye Xiu, kaya masayang tinanggap niya ito. At totoo naman ang sinabi ni Blue River. Kung hindi nila nalamangan ang clear record ng limang minuto, siguradong makailang ulit pa sila babalik para makipagtagisan sa ibang guilds!

"Salamat!" Sabi ni Ye Xiu.

"Walang anuman. Kaibigan, pwede bang..." Pagkatapos niyang masabi ito, bigla siyang natakot.

Umalis! Bakit umalis siya agad? Pagkatapos matanggap ang items, deretsahan siyang umalis sa guild. Magtatanong sana si Blue River kung pwede bang hindi nalang siya umalis sa guild. Binigyan niya siya ng madaming items para sa dalawang rason. Una ay para mabigyan siya ng gantimpala sa pagtapos ng dungeon. At ang isa pa'y para makilala ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang napakamahusay na dalubhasa at karapatdapat lang na suholan.

Kung alam ko lang talaga! Malungkot at nanlulumong naisip ni Blue River. Ang mga gantimpalang dapat na nagfng paraan para sila'y maging magkaibigan ay naging isang business deal!

"Anong pwedeng ba?" Si Ye Xiu, na papaalis na, ay nagtanong kay Blue River.

"May puwesto ka pa ba sa friends list mo? Pwedeng bang mag kasama ulit tayo sa susunod." Malungkot na sabi ni Blue River.

"Sige." Tugon ni Ye Xiu.

"Kaibigan, kailangan mo bang mag dungeon? May kulang kayong isa? Kung mayroon, sabihin mo lang sakin at magtatawag ako ng mga tao para sa iyo." Sabi ni Blue River.

"Oh, hindi ko kailangan yan. Madami pa akong gagawin. Mauuna na ako." Sagot ni Ye Xiu.

"Oh, oh, bye bye." Parang maluluha si Blue River sa panghihinayang habang sinamahan si Ye Xiu papaalis. Si Thundering Light, Bound Boat at ang mga iba pa'y nakita na ang "Lord Grim has left the guild" na mensahe sa guild channel. Silang lahat ay nabigla. Nung nakita nila siyang umalis, mabilis silang bumalik sa kanilang sarili.

"Bakit siya umalis?" Tanong ni Returning Cloud.

"Tapos na ang trabaho, syempre aalis siya." Malungkot na sinabi ni Blue River.

"Bakit hindi natin siya pinigilan?" Tanong ni Bound Boat.

"Sa kaniyang APM, ang pag-alis niya'y mas mabilis pa sa aking pagsasalita." Tugon ni Blue River.

Anong koneksyon niyan sa APM? Ang lahat ay natulala. Ang Blue River na ito'y naging bobo sa galit!

"Hindi gagana ang mga benepisyo sa pang-aakit sa ganiyang eksperto. Sa kaniyang husay at galing, ang pagpunta lang niya dito para tulungan tayo ay parehas lang sa mga benepisyong kaya nating ibigay. Kaya hindi siya nagatubili. Mas mainam na magtatag tayo ng pagkakaibigan." Sabi ni Bound Boat.

"Tama! Inakala ko talagang ganoong tao siya, pero..." Malungkot na sabi ni Blue River. Ang orihinal na pagtatatag ng pagkakaibigan ay naging isang business transaction.

"Ai ai, gumamit tayo ng honey trap. Bilisan niyo't sabihin ang pinuno na magdala ng mga magaganda dito." Sabi ni Thundering Light.

"Cough cough." May isang umubo.

"Kung ganoon, pag parehasin natin siya kay Lunar Grace." Dagdag ni Thundering Light.

"..." Si Lunar Grace na nanatiling tahimik at nakatingin lamang kay Lord Grim, na hindi pa nawawala sa kanilang paningin.

"Lunar, kanina ka pa nakatingin diyan ah? Baka ikaw ay..." Dalawang beses na inikutan ni Flower Lantern si Lunar Grace.

"Nangangati ka ng puntahan siya?" Sabi ni Thundering Light.

Hindi namalayan ni Lunar Grace ang sinabi niya at mahinhin na nagtanong: "Hindi niyo ba nararamdaman na masyado siyang malakas?"

Ang lahat ay nagulantang at natahimik.

"Matatawag tayo na mga top-tier na eksperto sa Glory, hindi ba? Kung hindi naman, sigurado ako na si Blue River ay talagang eksperto, hindi ba? Pero para sa akin, ang taong yun ay mas magaling pa. Kung ganon, anong level ng pagiging eksperto siya?" Sabi ni Lunar Grace.

"Cough cough, matagal na akong hindi nag lalaro sa isang low-leveled na account..." Sagot ni Blue River.

"Low-leveled tayong lahat." Paalala ni Lunar Grace.

"Ang kaniyang armas ay mas maganda pa sakin. Sa tingin ko iyon ay isang Orange weapon." Tugon ni Blue River.

"Hindi pa siya nagpapalit ng class." Nagpaalala ulit si Lunar. Sa madaling sabi, ang lahat ay may maganda at pangit na parte.

"Sige, talo na ako. Takot akong sabihin pero ang taong yun ay talagang mas magaling at mahusay pa sa akin." Nadiskubrehan ni Blue River na wala na siyang pag-asa para maibalik ang kaniyang dignidad, "Pero sa sobrang dami ng manlalaro sa Glory, paanong walang mga nakatagong eksperto? Parang hindi naman tayo nakakita ng ganyan. Halimbawa, Poplar Beach."

Pagkatapos nasabi ang pangalang iyon, ang lahat ay biglang natahimik. Alam na alam nila ang pangalan ng taong hindi gusto ni Blue River.

Ang taong iyon ay ang nakaraang pokus ng Blue Brook Guild. Hindi siya ganoong kilala noon. Pero sa maikling panahon, sa Heavenly Domain, ipinakita niya ang kaniyang lakas sa kahit na anong pagtatagisan. Dahil binigyan siya ng importansya sa guild, habang tumatagal ay mas lalong gumaganda ang kaniyang mga gamit. Maraming tao sa guild ang naguusap-usapan kung kinakailangan na bang baguhin ang Limang Dakilang Eksperto. Sa Limang Dakilang Eksperto, ang pinakakinukumpara kay Poplar Beach ay si Blue Bridge Spring Snow, ang main account ni Blue River. Sa kadahilanang ang dalawa ay parehas ng class; silang dalawa'y Blade Masters.

Ang mga Blade Masters, dahil ang kanilang playstyle ay kahawig sa WuXia. Sila'y naging pinakasikat na class sa Glory.

Pagkatapos napag-usapan si Poplar Beach. Talagang hindi siya mahinhin. Madalas niyang pinagyayabang ang kaniyang mga damage records, kill records, at ang mga eksperto na kaniyang natalo sa arena battle, at kung papaano niya mag-isang tinalo ang lahat ng nakipag-away sa kaniya sa wild area at mga iba pa, sa guild channel. Makikitang gusto niya talagang ipakita kung gaano siya kalakas kaysa kay Blue Bridge Spring Snow, na muntikan nang dumiretso at hamunin siya sa isang duelo.

Pero bago yan nangyari, si Blue River ay naatasan na na maging isang mamumuno sa ikasampung server. Sa guild, madami ng usap-usapan na ito ang paraan ng guild para bigyan si Poplar Beach ng lugar at mapaalis si Blue River.