Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 42 - Isang Bagay na Mabibili

Chapter 42 - Isang Bagay na Mabibili

Si Blue River ay isang taong nagaalala na mawalan ng mukha. Ang panghahamak na ginawa ni Poplar Beach ay naging dahilan kung bakit siya nakaramdam na para bang mahuhulog sa lupa ang kaniyang dignidad. Sa huli, siya ang nanguna at inimbatahan si Poplar Beach para magtagisan sa Arena. Matagal ng nag-aantay si Poplar Beach para dito, kaya masaya niya itong tinanggap.

Ang mga miyembro sa isang guild ay kadalasang nagtatagisan. Pero ang mga miyembro ng Blue Brook Guild ay alam na ang tagisang ito ay hindi ganoon ka dali. Kung sinu man ang mananalo sa labanang ito ay magkakaroon ng kwalipikasyon na makilala bilang isa sa Limang Dakilang Eksperto ng Blue Brook Guild.

Ang resulta'y ang labanang iyon ay hindi talagang natapos. Sa mga panahong iyon, ang pinuno ng Blue Brook Guild ay nag anunsyo na magdadala si Blue River ng mga manlalaro sa ikasampung server.

Si Blue River ay temporaryong umalis sa Heavenly Domain at nagsimulang maging abala sa bagong server. Ang pinakamalungkot na parte ay temporaryong binalewala din siya. Ang biglang pagdating ni Lord Grim ay naging dahilan kung bakit naalala niya si Poplar Beach. Ang kaniyang mga kaibigan ay hindi alam ang sasabihin.

Katahimikan. Si Blue River ay biglang nakatanggap ng mensahe. Binuksan niya ito at nakitang ito'y galing kay Plantago Seed: "Ha ha ha, Bakit biglang iniwan ka ng ekspertong iyon pagkatapos maitatag ang record?"

Nagualt si Blue River at mabilis na sumagot na pagalit: "Napakawalanghiya. Naglagay ka ng mga espiya sa guild namin?"

"Wag kang ganyan. Parang wala ka namang nilagay na espiya sa guild ko." Sagot ni Plantago Seed.

"Wala pa akong nilalagay." Makatarungang tugon ni Blue River. Ang mga espiya ay ordinaryong pangyayari. Pero dahil pangalawang araw pa lang ng bagong server, wala pang nalalagay si Blue River!

"Kung makatarungan ka talaga, wag ka nalang maglagay!" Nagmensahe si Plantago Seed.

Biglang nagkaroon ng inspirasyon si Blue River at sumagot: "Ha ha, kung palagian mong inaakit ang aming mga manlalaro, masisisi mo lang ang iyong mga mata."

Natanggap ni Plantago Seed ang mensahe at nagulat: "Anong ibig mong sabihin?"

Hindi nagreply si Blue River.

"Chie, alam kong tinatakot mo lang ako. Old Blue, wag mo gamitin ang ganiyang paraan, masyadong pambata." Tugon ni Plantago Seed.

"Wala akong oras para sayo. Aalis ako para mag palevel." Sagot ni Blue River.

Umalis si Blue River para gawin ang kaniyang trabaho, habang si Plantago Seed ay nakatayo pa rin at naguguluhan. Nung sinabi ng espiya na si Lord Grim ay umalis sa Blue Brook Build, tumawa siya ng malas. Habang siya'y naghahanda para akitin si Lord Grim, nagpadala siya ng mensahe kay Blue River. Pero sinong makakahula na ganon ang sasabihin ni Blue River. Para bang sinadya nilang magparaya para maakit si Lord Grim ng mga ibang malalaking guilds.

Ramdam ni Plantago Seed na parang sinadya ito ni Blue River para maging mas misteryoso ang sitwasyon. Pero hindi niya masasabing tama nga ang kaniyang iniisip.

Tungkol naman sa mga espiya, hindi madaling protektahan ang iyong sarili galing sa kanila sa larong ito. Dadagdag lang sa mga inaalala niya kung iisipin pa niya ang mga espiyang iyon. Pero iba si Lord Grim. Siya'y isang dakilang eksperto. Kapag pumunta siya sa guild, siya'y talagang magiging isang importanteng tao. Hindi siya yung tipong kaswal lang. Kung ang taong iyon ay isang espiya, yun ay magiging isang trahedya.

May guild noon sa Glory na halos magkasing-lakas ng Three Great Guilds, pero nasira ito dahil sa mga espiya. Sa mga panahong iyon, ang lahat ng mga malalakas na manlalaro ng guilds ay mga espiya pala sa ibang mga guilds. Sa wakas, nung lumaki at lumawak ang impluwensya ng mga espiya, sila'y nagpakita at nagpakilala. Maraming mga manlalaro ang umalis sa guild. Pero ang pinakanakamamatay na atake nila ay yung panahon na papagaling na ang guild, sa panahong iyon. Ang mga pinakapinuno ng guild ay nagpakilala rin bilang mga espiya. Sa huli, maraming tao nanaman ang umalis at ang isa sa mga pinakamalakas na guild ay tuluyang

nawasak.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, lahat ng mga guilds sa Glory ay naging sobrang maingat tungkol sa kanilang pinakamalalakas na miyembro. Kapag mas malaki ang guild, mas nagiging maingat din sila. Idagdag pa, sa malaking pangyayaring iyon, ang mga espiya ay nagsimula sa simula at dahan-dahang umakyat papunta sa Heavenly Domain. Ang mga taong iyon ay matatag at karapat-dapat na tawaging pinakadakilang espiya ng Glory.

At ngayon itong si Lord Grim? Bigla-bigla siyang dumating sa ikasampung server at naging sentro ng atensyon. Ang tipo ng taong ito ay talagang pag-aawayan ng iba't-ibang guilds. Pero siya nga ba ay isang espiya? Sa panahon ngayon, ang mga espiya nga ba ay ganoon ka high-profile? Napabuntong hininga sa lungkot si Plantago Seed, pero kinontak pa din niya si Lord Grim. Basta siya'y maingat sa kung gaano kalaking kapangyarihan ang ibibigay niya kay Lord Grim, walang magiging problema.

Si Lord Grim, na umalis sa Frost Forest, ay papunta ngayon sa Bulls.

Ang Forest Forest ay nasa southwest border zone. Ang Bulls ay isang malapit na town. Kahit na sa anong server pa naglalaro ang isang manlalaro, ang lugar na ito ang pinakaunang aapakan ng mga manlalaro galing sa beginner village. Kaya parating marami ang tao dito. Pagkatapos umalis ni Lord Grim sa beginner village, dumiretso siya sa Frost Forest at nawalan ng oras para magparehistro sa Bulls bilang kaniyang resurrection location. Sa lugar na ito, pagkatapos mamatay ang isang karakter, dito siya mabubuhay ulit. Ito ang isa sa mga tuntunin ng Glory.

Hindi malaki ang Bulls Town, pero lahat ng mga kinakailangan ay nandito. Pinapasok ni Ye Xiu si Lord Grim sa isang warehouse at inilagay ang kakakuha lang niya na Strong Spider Silk at mga iba pang materyales. Nung makita na ang storage chest niya ay may 88 na Strong Spider Silk, napatawa nalang si Ye Xiu at napakamot sa ulo.

Pagkatapos iwanan doon ang 48 Strong Spider Silk, ang natitira niyang mga items ay dinala ni Ye Xiu sa equipment editor ng Material Library. Bago niya mabuksan ang equipment editor, isang mensahe ang biglang lumitaw. Binuksan niya ito at nakitang ito'y galing kay Seven Fields.

"Congratulations kuyang mahusay, noon, nung tinatapos namin ang dungeon, nakita namin ang iyong Frost Forests clear record. Napakabangis!" Sabi ni Seven Fields.

"Ha ha, wala iyon."

"Sumali ka sa Blue Brook Guild?" Nagtanong si Seven Fields.

"Hindi, tinulungan ko lang silang lamangan ang record, kaya temporaryo akong sumali. Umalis na ako." Tugon ni Ye Xiu.

"Huh?" Naguluhan si Seven Fields.

"Ilang beses niyo na natakbo ang dungeon?" Biglaang tanong ni Ye Xiu.

"Dalawang beses." Sagot ni Seven Fields.

"May kulang ba kayong isa? Pwede ko pang takbuhin yan ng tatlong beses." Biglang napaisip si Ye Xiu na abutin muna ang entry limit.

"Oo! Syempre naman oo!" Unang nagulat si Seven Fields pero bigla rin siyang nakarekober mula sa kaniyang pagkagulat. Hindi inaasahang gusto pala ni kuyang mahusay na mag-dungeon kasama sila. Talagang napakaganda.

"Pupunta agad ako." Mabilis na pinaalis ni Ye Xiu si Lord Grim mula sa warehouse at pinapunta sa Frost Forest.

Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya ay mga ordinaryong manlalaro lang at walang husay at galing kagaya nung mga nasa Blue Brook Guild. Mas mabilis matatapos ni Ye Xiu ang dungeon kasama ang mga taga Blue Brook Guild. Pero mas gusto niyang kasama sila Seven Fields at ang mga kasamahan niya. Nakita niya ang intensyon ng guild na akitin siya. At alam niyang sa lakas ng Blue Brook Guild, kayang-kaya nilang bigyan siya ng mga materyales para sa kaniyang Myriad Manifestation Umbrella. Subalit, pagkatapos pumasok ng guild, ibig sabihin ay may responsibilidad at kompromiso na siya para sa guild. Ang guild ang magbibigay ng party para sa dungeon, level at makatapos ng mga quests; Pero sa kabilang dulo, ang guild ay kinakailangan din na tulungan niya ang iba sa kanilang dungeon, pagpapalevel, at pagtatapos ng mga quests. Hindi gusto ni Ye Xiu na matalian ang kaniyang paa at kamay kagaya niyan.

Para sa mga dakilang eksperto kagaya niya, ang hindi pagsali sa isang guild ay nagbubukas din ng opportunidad para makapagnegosasyon sa kahit na anong guild. Ngayon, tinulungan niya ang Blue Brook Guild para makatatag ng bagong clear record. Sa susunod, tutulungan niya ang Herb Garden.

Ang mga taong may kakayahang makahukom ay makikita ang kaniyang kahalagahan. At lahat ng guild na gustong magtatag ng record ay pupunta sa kaniya para humingi ng tulong.

Sa paraang ito, mas mabuti pang mag-isa siya kaysa sumali sa ibang guild at itali ang kaniyang sarili sa isang puno. Papaanong hindi ito mas maganda?