Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 44 - Ibang Bayarin

Chapter 44 - Ibang Bayarin

"HA HA HA HA..." Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y napatawa ng malakas. Kanina, ginawang parang tanga sila ni Immersed Jade dahil sa kaniyang pagsigaw ng "Diyos. Pero ngayon, dahil sa kanilang mga halakhak, ang mga nasa paligid ay napaisip kung nasisiraan na ba sila ng isip.

Ang mga taong nakarinig sa kanilang mga halakhak ay napalingon. Sa huli'y, nakita nila ang isang nagngangalit na manlalarong nagngangalang si Endless Night, naglagay siya ng mga benteng nagagalit na mukha sa common chat box.

"Anong nangyari?"Ang mga manlalaro'y nagtanungan sa isa't-isa, pero walang nakakaalam sa kanila. Ang resulta, sila'y dahan-dahang ginalaw ang kanilang mga karakter para makarinig.

At narinig nila si Endless Night, na kani-kaninalang ay nagngangalit sa chat box: "Kung ganoon, anong class ang kailangan mo?"

"Tatlong Fire Elementalists na ang magic attacks ay mas mataas sa 430. Isang Level 22 o pataas na may naka auto-leveled na Doll Shururu, at isang Witch na mayroong Shadow Cloak. Ang kanilang technique ay dapat maganda at ang kanilang mga kamay ay dapat matatag. Hindi sila pwedeng magkamali." Sabi ni Ye Xiu.

Natulala si Endless Night. Kapag dinala itong tatlong elementalists, ito'y isang party na may pinakamataas na DPS. Ang mga Elementalists ay may mababang depensa at mababang health. Ang mga Witches ay nagsusuot lang ng leather armor, na medyo mabuti. Ang buong party ay may sobrang mataas na atake pero mababang depensa. Isang OT lang at masisira ang lahat. Ito'y isang party na talagang dapat na walang pagkakamali.

Para sa ganitong mataas na kinakailangan, si Endless Night ay walang kahit na anong reklamo dahil ang kasalukuyang record ay 20:24:11.

Kung gusto nilang lamangan ang ganitong tipo ng record, kinakailangan talaga nilang gumamit ng mga hindi nakasanayang paraan. Kapag ang isang miyembro ay nagkamali, pagsasayang lang sa oras ang pagliligtas sa kaniya. Iyan ay magiging kapalkapakan ng buong party.

"Parang hindi ko pa kayang bumuo ng ganiyang party." Sagot ni Endless Night. Sa totoo lang, hindi pa nila kayang magtipon ng ganoong miyembro sa maikling panahon. Hindi lang ang Tyrannical Ambition, ang ibang mga guilds din ay wala pang tatlong Fire Elementalists na ang Magic Attack ay mas malaki pa sa 430.

"Walang problema, pagnatipon na sila, kontakin niyo nalang ako ulit." Tugon ni Ye Xiu.

"Bukod pa diyan, wala na bang ibang paraan?" Nagtanong si Endless Night.

"Level 25." Sabi ni Ye Xiu.

Ang Level 25 ay talagang nasa ibang dimensyon. Bagong equipment, bagong skills, ang lakas ng lahat ay tataas. Gaya nyan ang Level 20-25 Frost Forest dungeon, sa mga lumang servers, lahat ng mga records ay nagawa ng mga Level 25s party.

"Sige, idadagdag kita bilang kaibigan ko!" Sabi ni Endless Night.

"Okay." Si Ye Xiu at Endless Night ay idinagdag ang isa't-isa bilang magkaibigan.

Si Endless Night, nanagpakilalang desente, pagkatapos maging kaibigan si Ye Xiu, ay ipinakita ang totoo niyang anyo: "Kung ganoon, hindi muna natin kailangan magtatag ng record. Tayong lahat ay pwede pang tumakbo ng isang beses. Sumali ka kaya sa amin para sa isang takbo?"

"P*ta!" Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y napahingal sa gulat. Ang taong ito'y talagang imortal, walang makakatalo, walanghiya, pinaka, at walang kapares na hay*p.

"Okay." Pero si Ye Xiu ay sumagot din, "Pwede kong babaan ang bayarin kung ganoon."

"Nanghihingi ka rin ng bayarin para dito? Wag mong sabihin na hiningan mo rin sila nang bayarin?" Sabi ni Endless Night.

"Hindi ako humingi ng bayarin, pero ang lahat ng equipment ay ibinigay sa party leader. Ako ang naging party leader." Sabi ni Ye Xiu.

"Okay lang, gawin din natin yan." Maligayang sagot ni Endless Night.

Si Seven Fields at ang mga iba pa'y narinig ito at naging mapanlaw! Sa kanilang party, talagang napunta kay kuyang bihasa ang lahat ng mga equipment, pero alam nilang si kuyang bihasa ay mabait at matapat. Hindi siya nakikipaglaban para sa mga items na kinakailangan nila. Noong sila'y nasa Spider Cave, nagbigay pa siya ng Purple Weapon kay Sleeping Moon, isang manlalarong naging kaaway niya!

"Makikita mo namang hindi pa ako nagpapalit ng class, kaya gusto ko lahat ng equipment." Sabi ni Ye Xiu.

"Mga ilang equipment lang naman iyan. Tara tara, umalis na tayo." Makailang beses nagpadala si Endless Night ng party invites. Silang lahat ay nabaliwala ng system dahil si Lord Grim ay nasa isang party pa. Sa huli'y, umalis si Ye Xiu ay umalis sa kaniyang party at pinapasok si Lord Grim sa party ni Endless Night. Ito'y isang standard party, isang MT, isang healer, tatlong DPSer. Pagkatapos pumasok ni Lord Grim, binigay agad ni Endless Night ang party leader position sa kaniya.

"Tara, umalis na tayo!" Binaling ni Ye Xiu si Lord Grim papasok sa dungeon.

"Tara!" Pinamunuan ni Endless Night ang tatlo at sumabay. Kuntento parin siya sa nangyari. Hindi siya gaanong nagaalala sa record. Gusto niya lang makita kung gaano kagaling si Lord Grim.

Kahit saan sa loob ng Frost Forest, makakakita ka ng mga yelo at snow. Kahit saang banda ay tahimik. Silang lima ay nakatayo sa isang linya. Walang gumagalaw at walang nagsasalita.

Isang static screen ang tumigil sa kanilang harapan sa loob ng kalahating minuto.

"Hey hey!" Para bang si Endless Night ay sinusubukan ang kaniyang headphones.

"Anong sinisigaw mo diyan?" Tanong ni Ye Xiu.

"May nagsabi ba ng kahit na ano? Wala naman akong naririnig." Sagot ni Endless Night.

"Wala naman sigurong nagsalita, hindi ba?" Sabi ni Ye Xiu.

"Walang nagsalita." Tumango ang tatlo.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" Sabi ni Endless Night.

"Sinong tinatanong mo?"

"Ikaw!"

"Bakit kailangan kong magsalita?" Tanong ni Ye Xiu.

"Para mamuno!" Sabi ni Endless Night.

"Ako ang mamumuno?"

"Oo."

"Leading fee."

Dalawampung nagngangalit na mukha ang lumitaw, ang tatlo'y nagkagulo: "Kaibigan, hindi ka naman siguro nagbibiro?"

"Ha ha." Tumawa si Ye Xiu.

"Ano ang leading fee?" Nadiskubrehan ni Endless Night na nakilala niya ang kaniyang katapat ngayong araw. Sigh, wala ng ibang paraan. Sino bang nagutos sakin na kaibiganin 'tong taong to? Galit na napaisip si Endless Night.

"Ten White Wolf Bristles." Sagot ni Ye Xiu.

"Kaibigan, sobra na yan!!" Ang apat ay napasabi. Ang White Wolf's hair ay hindi isang Bristle. Ang Bristles ay may chance lang na mahulog mula sa hidden BOSS ng Frost Forest. Ito'y matatawag na uncommon material.

"Hindi ko naman kailangan mamuno!" Sabi ni Ye Xiu.

Natigilan at napaisip si Endless Night. Para makita niya ang totoong galing at husay ng isang eksperto, kinakailangan niyang mamuno. Ang resulta, kinagat niya ang kaniyang mga labi at napasabi: "Sige, pero mabibigay ko lang ito sa iyo pagkalabas natin sa dungeon, wala akong dala-dala."

"Matitiwalaan ko ba ang pinagsasasabi niya?" Tinanong ni Ye Xiu ang tatlo. Ang mga malalaking guilds ay hindi naman sumisira sa kanilang pangako, pagkatapos niya magawa ang usapan kasama si Blue River, si Ye Xiu ay nagtiwala kay Blue River. Pero itong si Endless Night ay napakawalanghiya na hindi niya mapigilang magkaroon ng agam-agam.

"Mapagkakatiwalaan mo siya." Mabilis na sinabi ng tatlo.

"Sige!" Sagot ni Ye Xiu.

"Bilis na at tara!" Sabi ni Endless Night.

"Sige. MT hilain nyo ang mga halimaw, mga DPSer abante. Mga Healer suportahan niyo ang MT." Paguutos ni Ye Xiu.

Ang apat ay natulala at ang kani-kanilang screens ay para bang tumigil nanaman sa loob ng kalahating minuto.

"Yan lang?" Tanong ni Endless Night.

"Syempre."

"Anong klaseng pamumuno 'to?!" Muntik matumba si Endless Night.

"Kayong lahat ay mga eksperto, alam niyo naman siguro kung ano ang gagawin." Sagot ni Ye Xiu.

Ramdam ni Endless Night na para bang siya'y nauto. Kung ginamit lang niya ang standard routine, hindi na kailangan nang pamumuno ang kanilang party. Ang lahat ay magagawa nila ang dapat nilang gawin at walang magiging problema. Hindi pwede. Dapat siguraduhin ko na ang ten White Bristles ay hindi masasayang!

"Hindi hindi, hindi 'to gagana." Tawag ni Endless Night, "Dapat pamunuan mo kami, step by step."

"Sige..." Sabi ni Ye Xiu," Knight, hilain mo ang dalawang Goblins sa 10 o'clock. May tatlong posibilidad. Kapag ang dalawa ay long-ranged, lapitan mo sila as soon as possible. Kapag inatake ka habang papalapit, gamitin mo ang Descending Phoenix Hammer. Maiilagan mo ang kanilang atake at ang shock wave ay magpapatumba sa dalawang halimaw. Kapag malapit ka na, hilain mo ang isa sa kanilang aggro. Kapag may isang melee at isang long-ranged, gamitin mo ang Falling Star Hammer para mapatigil ang atake ng long-ranged. Kapag lumapit ang melee, gumamit ka ng Repel. Hilain mo muna ang aggro ng long-ranged. Kapag dalawang melee, gumamit ka ng Descending Phoenix Hammer at Repel para sa isa sa kanila. Itatag mo ang natitirang aggro. Naiintindihan mo ba?"

Muntik ng maiyak ang Knight: Sa pagtuturo sakin ng ganito, akala mo ba'y mangmang ako?