Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 43 - Hindi Kailangan ng Cleric.

Chapter 43 - Hindi Kailangan ng Cleric.

Kakaalis palang ni Seven Fields at ng mga iba pa mula sa dungeon. Kasama si Endless Night, ang pangalawang kalahati ng kanilang dungeon ay mabilis na natapos. Galing dito, makikitang ang taong iyon ay mas magaling kaysa sa kanila at siya'y isang napakadalubhasang eksperto. Pero sila Seven Fields ay hindi siya hinahangaan. Sa totoo lang, hindi nila ito makita. Hindi lang si Immersed jade. Silang lahat ay nalason na ni Lord Grim. Si Endless Night ay talagang isa sa mga pinakamalakas kung ikukumpara sa ibang manlalaro, pero hindi nila ito makita.

Pagkatapos nilang matapos ang dungeon, siya'y nakatayo lang sa gilid na may mukhang nagsasabing: "Bilisan niyo, sambahin niyo ako." Sa huli, nakatanggap siya ng mensahe: "You have been kicked out of the party."

"P*ta, mga walanghiya! Bakit niyo ako sinipa?" Nagalit si Endless Night.

"Hindi ba may gagawin ka pa? Bilisan mo't gawin mo na iyon!" Sagot ni Seven Fields.

"Ngayon wala na." Tugon ni Endless Night.

"Oh, pasensya ka na, wala na kaming lugar. May kaibigan kaming papunta." Sagot ni Seven Fields.

Narinig iyon ni Endless Night at ang kaniyang mata'y umilaw. Mabilis siyang sumagot: "Si Lord Grim ba yan?"

"Ano namang pakealam mo?" Tugon ni Seven Fields.

Sa huli, tumangging umalis si Endless Night ay palagiang iniikutan silang lahat. Nakaramdam ng pagkainis si Seven Fields at nagkaroon ng intensyon na pagpipirasuhin siya. Pero siya'y isang eksperto galing sa Tyrannical Ambition, kaya si Seven Fields ay hindi nangahas na gawin ang kaniyang iniisip. Kung ayaw niyang umalis, ano naman ang gagawin niya? Nanghula si Seven Fields at nakakamit ng sagot. Para labanan ang taong ito, wala silang pagasang manalo! Sa kanilang walang kwentang lakas, maswerte na nga silang makasama si kuyang mahusay ng ilang beses. Ngayon, kung piliin siya ng isang eksperto galing sa Tyrannical Ambition, maglalaro pa ba si kuyang mahusay kasama sila? Isang araw palang nila kilala siya at hindi pa sila talagang magkaibigan!

Samantalang nagkakagulo ang kaniyang isip, ang hitsura ni Lord Grim ay makikita na. Si Immersed Jade ay nagsimula nang sumigaw: "Diyos!!"

Sa laro, kapag mas malakas ang boses, mas malayo rin ang mararating nito. Pero ang problema ay ang lakas ng volume ay nakadepende sa totoong tao. Nakikita nilang sa mga panahong ito, si Immersed Jade, kung nasa bahay man siya o nasa Internet Cafe, ay talagang nagsisisigaw. Kung may mga tao sa paligid, talagang magmumukha siyang tanga.

Inalis ni Lord Grim ang kaniyang battle lance, na para bang nangungumusta sa kanila. Si Seven Fields at ang mga iba pa'y humanda para salubungin siya, pero si Endless Night ay tumakbo na simbilis ng isang kuneho. Sa isang whoosh, siya'y nakarating na sa harapan.

"Ikaw si Lord Grim? Nagagalak akong makilala ka. Ako ay si Endless Night, isang dalubhasa galing sa Tyrannical Ambition." Nagpakilala si Endless Night sa sarili.

"Hi." Tugon ni Ye Xiu at bumaling kay Seven Fields: "Kaibigan mo?"

"Tama, kami ni Seven Fields ay naging malapit na magkaibigan sa dungeon na ito." Sagot ni Endless Night.

"P*ta, sino ka!" Minsan may hindi pa nakakita si Seven Fields ng taong kasing walanghiya sa kaniya.

"Kuya Seven Fields, wag ka namang ganyan!" Sabi ni Endless Night.

Gustong-gustong sipain ni Seven Fields ang taong iyon hanggang sa mamatay. Binigyan niya muna si kuyang mahusay ng party invite habang nagsisisigaw kay Endless Night: "Aalis na kami, gawin mo muna ang gusto mong gawin1"

"Dalhin niyo din ako, dalhin niyo din ako!" Paulit-ulit na sigaw ni Endless Night. Paanong eksperto 'tong taong to? Nung nagbubuhat sila ng mga newbie sa bagong server, kahit sila'y hindi ganoon ka walanghiya kagaya niya.

"Wala ng lugar." Sagot ni Seven Fields.

"Mabait na ate, pwedeng ibigay mo ang lugar mo para kay kapatid?" Nalaman pa ni Endless Night ang pinakamahinang parte ng party at walang kahihiyang ginambala si Immersed Jade.

Dahil si Immersed Jade ay isang newbie at hindi pa nakakita ng taong ganito ka walanghiya, nalito siya, at hindi alam ang gagawin, nagmumukhang parang papayag siya sa taong iyon, ng biglang sumabat si Ye Xiu.

"Ikaw ba ay isang Cleric?" Tanong ni Ye Xiu.

"Yup, ang husay ko'y masyadong maganda, eksperto." Habang sinasabi 'to ni Endless Night, kinuha niya ang mga kumikislap na silvery Cross. Si Seven Fields at ang mga iba pa'y hindi nakikilala ang item na iyon, pero alam nilang iyon ay totoong magandang item.

"Crystal Cross, isang Orange weapon!" Sabi ni Ye Xiu.

"Wow, talagang ikaw ay isang dalubhasa. Magandang mata! Isama mo kaya ako sainyo?" Namamanghang sabi ni Endless Night.

"Hindi namin kailangan ng Cleric." Sagot ni Ye Xiu.

Instant kill!

Ito ay isang Instant kill!

Isang limang salitang Instant kill!

Ang nagagalak na si Endless Night ay natahimik. Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y talagang sinasamba si kuyang mahusay.

Hindi namin kailangan ng Cleric! Wow, napakalakas. Kapag siya'y pinalitan ng isang ordinaryong manlalaro at ang manlalarong iyo'y nakatayo sa labas ng Frost Forest at sinasabing "Hindi namin kailangan ng Cleric", kahit na si Seven Fields ay mapapasabing siya ay nagmamayabang. Pero iba si kuyang mahusay. Kung sinabi ni kuyang mahusay na hindi nila kailangan ng cleric, talagang hindi nila kailangan ng cleric. Cleric, umalis ka't maglaro kung saan mo gusto!

"Pasok, pasok, pasok." Pasigaw na sabi ni Seven Fields.

Walang ni isa sa kanila ang pumansin pa kay Endless Night. Si Endless Night ay nakatayo lang na para bang estatwa at nakitang pumasok ang party sa dungeon.

"Kuyang mahusay, paano tayo papatay?" Pumasok si Seven Fields at deretsahang tinanong si Lord Grim.

"Ako ang hihila, kayong lahat ang bahala sa damage." Sagot ni Ye Xiu.

Kahit na ang pinakamahirap na parte ng One Wave Rush ay ang kakayahan ng MT na humila ng mga halimaw, mayroon din itong mataas na kinakailangan sa ibang mga manlalaro. Kasama sila, si Ye Xiu ay walang tiwala sa kanilang damage.

Kasama si kuyang mahusay, si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y nakaramdam na ang pagtatapos sa dungeon na ito'y mabilis at dalisay. Tanging ang estudyante na si Immersed Jade ang walang alam at biglaang nagtanong kay kuyang mahusay: "Diyos, makakatatag ba tayo ng bagong record?"

Hindi ba't sa tanong na ito'y pinapahiya mo lang ang sarili mo? Imposibleng makatatag sila ng bagong record. Ang problema'y hindi kay kuyang mahusay, kung hindi sa kanila. Nakaramdam ng hiya si Seven Fields at ang mga iba pa at tinulungan si kuyang mahusay na sagutin ang tanong na iyon.

Mabilis at dalisay ang kanilang pagpapatuloy sa dungeon. Ang hidden BOSS ay hindi nagpakita pero mga nakakamanghang equipment ay nagsihulugan. Si Lord Grim ay makakatakbo pa sa adungoen, pero si Seven Fields at ang mga kasama niya'y narating na ang entry limit. Umalis na lang sila na nanghihinayang. Sa huli, nung umalis sila sa dungeon, nakita nila si Endless Night na nakatayo sa labas. Sa unang beses na pagpasok nila, ang taong ito'y umalis na.

Pagkakita sa lima, mabilis na tumakbo si Endless Night papunta sa kanila.

"Wala ng runs?" Ang bata'y masayahing nagtanong, at naging dahilan kung bakit halos masapak na siya ni Seven Fields. Alam ni Endless Night na dalawang beses nalang nila matatakbo ang dungeon.

"Makakatakbo pa ako ng isang beses." Matapat na sinabi ni Ye Xiu.

"Ang gandang pagkakataon! Makakatakbo pa din ako ng isang beses!" Sagot ni Endless Night.

"Totoo ba?" Tumawa si Ye Xiu.

"May isa pang malaking pagkakataon! Tingnan mo, may tatlong kaibigan din akong makakatakbo pa ng isang beses. Sa tingin mo ba'y mas magandang pagkakataon din iyon?" Sagot ni Endless Night. Tatlong tao ang pumunta sa kanila mula sa nagkukumpulang tao sa paligid. Ang kanilang guild name Tyrannical Ambition ay nakalagay sa itaas ng kanilang ulo.

"Dahil ito'y napakagandang pagkakataon. Hindi ba't mas maganda na magsama-sama nalang tayo sa pagtakbo?" Sabi ni Endless Night.

"Paano kaya kung magtatag ulit tayo ng bagong record?" Tanong ni Ye Xiu.

"Sige sige!" Sobrang nasayahan si Endless Night.

"Kung magtatatag tayo ng bagong record, may dalawa akong kondisyon." Tugon ni Ye Xiu.

"Sabihin mo lang."

"Isa, kailangan ko ng bayad." Sabi ni Ye Xiu.

"Oh, madali lang iyan." Sagot ni Endless Night, "At ang isa pa?"

"Hindi natin kailangan ng Cleric." Napatawa si Ye Xiu.