Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 38 - Ano ang Damage?

Chapter 38 - Ano ang Damage?

Halos di kapani-paniwala ang kanilang bilis sa pagpapatuloy nila sa dungeon. Makikitang sobrang masaya si Blue River. Wala ring inaalala si Ye Xiu. Sina Blue River at ang mga iba pa'y mas mabuti pa kaysa kay Seven Fields at ang kaniyang mga kasama, kahit sa mga kagamitan o skills. Pagkatapos niyang pamunuan sila gamit ang One Wave Rush, hindi na niya kinakailangang sumigaw pa nang mga utos. Atsaka, pagkatapos naintindihan nang apat ang kaniyang intensyon, nalalaman na nila ang tamang oras kung kailan sila gagalaw.

Gamit ang paraang ito, ang mga halimaw papunta sa unang BOSS ay naubos lahat. Tumingin si Blue River sa oras. Hindi pa nga sila gumagamit nang five minutes. Ang mga halimaw ay hindi na problema, ang sa susunod ay ang BOSS na.

Ang unang BOSS, Goblin Patrol Guard, ay mas malakas kaysa sa mga normal na Goblins. May dala-dala siyang Barbed Wolf Fang Stick na may napakataas na phyisical attack. Kahit na ang BOSS na ito'y walang kahit na anong skills. Ang palagiang paggamit niya nang kaniyang baston ay nagbibigay nang sakit sa ulo para sa mga manlalaro.

Ang rason dito'y hindi dahil sa BOSS, kung hindi dahil ang mga normal parties ay gumagamit nang MT para gumawa ng aggro. Dahil dito, ang MT ay nakakadepende lang sa kaniyang mataas na defense at vitality para matiis ang malalakas na atake ng BOSS. Kapag ang stats ay hindi umabot sa nakatakdang marka, walang magagawa ang MT kung hindi dumepende sa kaniyang husay at galing. Pero ang husay at galing ay hindi basta-basta makukuha. Ang resulta, kapag ang stats nila'y hindi naabot ang kinakailangan, ang mga eksperto'y gagawa ng paraan habang ang mga normal na manlalaaro ay kinakailangan bumili ng bagong mga gamit para mapataas ang kanilang stats.

Tungkol sa husay at technique, walang agam-agam si Blue River para kay Blue River. Siya'y isang unspecialized Level 20 at kayang-kaya na humila nang 20 Goblins at ipaikot-ikot sila. Kapag may ibang tao na nagsabing ang taong ito'y walang husay at galing, hindi tatango si Blue River. Pero laban sa BOSS, hindi nagaalala si Blue River kung mamamatay ba si Lord Grim sa Goblin Patrol Guard kung hindi ay, nagaalala siya kung magagawa ba niya ito nang maayos. Kapag may nagawa siyang pagkakamali at ang baston ng Patrol Guard ay tumama sa mga mage, agad-agad ay mamamatay ang mga mage.

"Ako ang hihila, kayo na ang bahala sa damage." Sabi ni Ye Xiu.

"Gaano katagal tayo maghihintay?" Nagtanong si Blue River na hindi nagmamali at naiirita. Sa normal na paraan, kumukuha nang aggro ang mga MT's sa pamamagitan nang pakikipaglaban sa BOSS sa loob ng ilang segundo para ang iba'y hindi ma OT kapag umatake sila.

"Hindi na kailangan mag hintay, pag nahila ko na, pumasok nalang kayo." Sagot ni Ye Xiu.

"Kapag nahila na, pasok agad?" Ang apat ay napasabi habang humahanga.

"Oo, para masira ang record, kailangan nating bilisan, magsisimula na ako!" Pinindot na ni Ye Xiu ang keyboard para pasugurin si Lord Grim. Sina Blue River at ang mga iba pa'y nagulantang, pero hindi sila nagreklamo. Kahit na maraming oras ang kanilang natipid sa paglilinis nang mga maliliit na halimaw, ramdam nilang dapat unahin muna ang BOSS. Ang resulta, hindi sila gumalaw at pinanuod lang si Lord Grim na sumaksak sa Goblin Patrol Guard.

Dragon Tooth, Sky Strike, Double Stab, normal uppercut, normal stab, isa pang Sky Strike...

"Ano pang hinihintay niyo?

Pagkarinig nito, gumising si Blue River na para bang siya'y natulog. Pero siya'y natutuliro pa, simula noong sinimulan ni Lord Grim ang panghihila, ang Goblin Patrol Guard an ito'y lumilipad-lipad sa hangin, talagang napakahusay at galing niya sa juggling! Ang apat ay hindi mapigilang magbilang kung makailang beses pinalipad ni Lord Grim ang BOSS at kung kailan ito babagsak sa lupa.

Pero sa sigaw na ito'y, naalala nang tatlo na hindi sila nanonood sa sinehan at mabilis na sinimulan ang paggamit sa kani-kanilang skills. Inilabas ang kanilang mga magical items at binuhat ang kanilang mga espada, sila'y dumeretso at sumugod ng sabay sabay.

Flames, Ice, Starshine, Sword Light...Ang irregular attacks ng apat ay dumating na may kaakit-akit na epekto. Wala sa kanila ang humaharang sa kani-kanilang posisyon at line of sight. Gayunman, silang lahat ay may pagaalala, takot sila na sobrang damage ang kanilang ibigay at sila ang susugurin nang BOSS.

Kahit na sinabi ni Lord Grim na hindi nila kailangang pigilan ang kanilang sarili sa pagatake, siya'y kahit na ano pama'y hindi isang specialized MT. Ang Specialized MT ay parang mga Knight, pagkatapos magpalit ng class, hindi lang sila nakakuha ng bagong aggro skills, at marami din silang aggro-related skills galing nung bago pa sila nag Level 20. Kahit na pwedeng makuha ni Lord Grim ang ganoong mga skills, hindi niya ito kinuha.

Ang resulta'y ang apat ay hindi ganoon kalakas ang pagatake at pinigilan ang kanilang mga sarili. Umatake sila at umatake hanggang sa sumigaw si Ye Xiu: "Wag na kayo magpigil, hindi ma O-OT yan."

Nung makita nila kung gaano ka laki ang tiwala niya sa sarili niya. Hindi naman maganda kung hindi nila susundin ang sabi niya. Hinanda nila ang kanilang sarili at lumaba. Ang lahat ay umatake gamit ang lahat nilang makakaya.

Ang Glory ay walang assist tool para aggro calculations. Ang apat ay mga dalubhasa at may kani-kanilang paraan sa paglaban. Noon, ang lahat ay hindi inilabas ang kanilang makakaya, takot sa OT. Ngayon, sa kaloob-looban ng kanilang puso, parang gusto nilang ma OT. Kapag walang OT na nangyari, para bang walang kakwenta-kwenta ang kanilang damage.

Sa huli'y hindi man lang tumingin ang Goblin Patrol Guard sa kanila. Ang baston na hawak-hawak niya'y nakaukol kay Lord Grim. Sobrang mabilis ang galawan ni Lord Grim, at ang mas nakakahanga pa'y ang lahat nang galawan niya'y hindi nakakaapekto sa kaniyang abilidad para umatake. Walang panahon na siya'y tumigil. Siya'y patuloy na umiikot-ikot sa Goblin.

Si Blue River ay isang melee class din. Ngayon, habang tumatagal ang kaniyang pagtingin, mas lalong natatakot siya. Gamit ang mga paraan ni Lord Grim, mas mabilis ang paggalaw ng BOSS at patuloy na umiikot at humahabol sa kaniya. Ganito, kahit na bumaling siya sa kaliwa o kanan, ang BOSS ay hindi mahuhuli. Kaya, halos hindi na niya kayaning ilagan ang atake ng BOSS. Pero kapag naka PK siya, ang paraang ito'y sapat na para pasukahin sa pagkatuliro at pagkalito ang manlalaro. Makikitang ang taong ito'y magaling din sa PK.

Sawakas ay tumumba na ang Goblin Patrol Guard. Sa huli'y ang apat ay hindi man lang nakakuha ng atensyon mula sa BOSS. Nakaramdam sila nang hiya na sabihin na ang ginawa nila'y pinaligiran at inabuso lang ang BOSS. Pinaligiran nila ang BOSS at hindi nagpigil sa kanilang mga atake, pero para bang ang BOSS na kanilang inaabuso ay hindi man lang alam ang kanilang presensya.

"Kaibigan, paano mo nahila yung nang ganoon katatag?" Hindi mapigilan ni Blue River na magtanong. Ramdam niyang kahit kasama ang isang specialized MT kagaya ni Flower Lantern, ang kaniyang damage ay magiging dahilan ng OT.

"Basta ang damage ko ay mas malakas pa sa iyo, walang problema." Tugon ni Ye Xiu.

"..."

Nanigas si Blue River, si Returning Cloud ay nagulantang, Si Lunar Grace ay walang masabi at si Thundering Light ay napasabi: "Hindi naman talaga siya MT, isa rin siyang damage dealer..."

Muntik nang maiyak ang apat. Tama, mas malaki lang talaga ang damage ni Lord Grim kaysa sa kanila.

Kahit walang pahinga, si Lord Grim ay nagsimulang manghatak nang mga Goblins. Ang apat ay sumunod sa kaniya at bumulong.

"Talagang ang damage niya ay mas malaki pa sa ating lahat." Bulong ni Returning Cloud.

"At hindi lang mataas, sobrang taas. Kung hindi'y, bakit ganoon ka stable ang aggro." Sagot ni Lunar Grace.

"Kinikilala ko ang kaniyang husay at galing, ang magawa yun nang ganoon katatag, sigurado akong ang atake niya ay hindi mababa. May isa ba sa inyo na nakakakilala sa kaniyang lance?" Tanong ni Blue River.

"Hindi ko alam. Mukhang kakaiba na para bang bawang." Sagot ni Thundering Light.

"Ganyan ang bawang sa inyo?" Tugon ni Returning Cloud

"Hindi ako nagbibiro. Alam mo kung ano iyan?" Tanong ni Thundering Light.

"Tumahimik ka." Panghamak na sagot ni Returning Cloud.

"Kayong lahat, tumahimik kayo. Nagsimula na siyang manghatak, magpokus tayo." Sabi ni Blue River.

Sa harap nila, si Lord Grim ay nagsimulang manghatak nang halimaw. Ang apat ay hindi nangahas na magreklamo. Kahit na dalawang beses na nila itong nagawa, alam nila ang mga panganib sa kanilang ginagawa. Pag may nagawa silang mali sa timing, ang resulta'y trahedya..

Hatakin ang halimaw, ipunin ang halimaw, patayin ang halimaw.

Bawat isa sa kanila'y eksaktong nagawa ang kani-kanilang trabaho, pagkatapos nang pangalawang wave, napatay nila lahat nang halimaw papunta sa Second BOSS. Kaharap ang Second BOSS, sina Blue River at ang iba pa'y hindi nagatubiling umatake gamit ang lahat nilang makakaya. Sa huli'y ang apat ay tahimik na sumunod kay Lord Grim.

"Ang bilis, talagang matatalo natin ang record." Biglang napabuntong hininga si Thundering Light.

"At sobrang laki pa ng diperensya." Sobrang nakuntento si Blue River.

"Yay!" Makikitang masaya rin si Returning Cloud.

"..." Hindi alam ni Lunar Grace kung ano ang sasabihin.

Damage at kung ano pa. Hindi nila gustong pag-isip iyon.