Habang isinasara ang kaniyang mga mata, nagsimulang subukan ni Zhao Feng na makakuha ng mga kaalaman mula sa Star Finger.
May naintindihan si Zhao Feng matapos ang ilang oras - ang skill na ito ay talagang mas mahirap kaysa sa high ranked martial arts. Kung hirap ang pag-uusapan, ito ay maikukumpara lamang sa Lightly Floating Ferry. Ngunit ang Star Finger ay hindi lamang mahirap, mayroon rin itong tiyak na laki ng panganib. Kapag ginamit ng isang tao ang kaniyang Inner Strength, ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring magresulta sa pagkalumpo ng cultivator.
Nangangahulugan ito na ang isang tao ay dapat maging lubos na maingat at hindi magmadali, upang ang bilis ng pagpapabuti ay maging mabagal. Gayunpaman, pinataas ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang kaniyang mental energy, bilis ng reaksyon, kakayahang sumuri, at pagkatuto, na nangangahulugang mahirap itong maliin.
Ang panganib ng Star Finger ay nabawasan. Gamit ang oras ng dalawang araw, ang Star Finger ni Zhao Feng ay bahagyang nakaabot sa first grade. Ginagawa ng first grade ng Star Finger ang inner strength bilang isang linya, at mayroon itong malakas na penetrating power. Matapos maabot ang first grade nang hindi man lang ginagamit ang Inner Strength, kaya nang butasin ni Zhao Feng ang isang bato gamit lamang ang isang kaswal na daliri.
Pinagpatuloy niyang sanayin ang Star Finger. Ang second grade ay higit na mas mahirap kumpara sa first grade, kinakailangan ng cultivator na gawing isang tuldok ang lakas imbis na isang linya, na nangangahulugang mayroon itong mas higit na lakas.
Gumamit muli ng pitong araw si Zhao Feng upang maabot lamang ang second grade. Ngunit ang epekto nito ay lubos na halata, ang pinsala nito ay kapantay ng mga high level high ranked skills. Nangangahulugan ito na ang mga atake ni Zhao Feng ay kayang pangibabawan ang lahat ng mga disipulo ng Zhao Sect, hindi kasama si Zhao Linlong. Matapos maabot ang second grade, nalaman ni Zhao Feng na ang bawat hakbang pasulong ay lubos na mabagal.
_**************_
_Matapos ang kalahating buwan..._
Sa wakas ay naabot na ni Zhao Feng ang tuktok ng second grade ng Star Finger. Si Zhao Feng sa wakas ay nakatagpo na ng paghihirap nang sinubukan niyang magtagumpay patungo sa third grade. Halata naman na iyon ay hindi maaabot sa loob lamang ng maikling oras.
"Ang skill na ito ay tunay ngang mahirap sanayin. Hindi na ako makapag-intay na maabot ang fourth grade." Ang mga inaasahan ni Zhao Feng ay lumalaki nang lumalaki.
Kailangan lamang ng Star Finger ng fourth grade upang makaatake sa hangin, na ang mismong lamang na mayroon ang mga Martial Masters.
Dati-rati, nasanay rin ni Elder Zhao ang skill na ito at ginamit niya ito sa loob ng isang taon upang maiabot lamang ito sa second grade.
Gumamit lamang ng mga dalawampung araw si Zhao Feng upang maabot ang tuktok ng second grade.
"Hindi pa ito ang pinakamahirap na skill. Ang galaw mula sa babae noong araw na iyon ay higit na mas malalim at mas kumplikado…" Naalala ni Zhao Feng ang Mysterious Wind Palm sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.
Siyempre, alam ni Zhao Feng na kaya lang niyang humakbang ng isa sa isang pagkakataon. Kinakailangan ng Martial Arts na maensayo nang tuloy-tuloy, walang sinuman ang kayang abutin ang langit sa isang iglap.
*********************
Sa lalong madaling panahon, ang pag-iisip nang mabuti ni Zhao Feng ay bumalik sa kaniyang cultivation at Inner Strength. Nang siya ay nasa loob ng kuweba, ang katawan ni Zhao Feng ay nakahigop ng napakaraming bilang ng medisina.
Sa oras na iyon, ang medisina ay hindi pa ganap na nahigop, mayroon pa ring maliit na bilang ng natitira sa loob ng katawan. Matapos bumalik, sinimulang higupin ni Zhao Feng ang mga huling bilang sa pamamagitan ng pagsanay ng martial arts at pagcultivate.
*********************
Sa isang kisapmata, labing-limang araw na naman ang lumipas.
Ang mga natitirang medisina ay nahigop na. Ang kaniyang cultivation ay naabot na ang tuktok ng fifth rank, kalahating hakbang na lamang ang layo mula sa sixth rank. Para naman sa kaniyang Inner Strength, ito ay kapantay ng sixth rank. Kung gugustuhin ni Zhao Feng na magtagumpay patungo sa sixth rank, wala nang paghihirap ang naroroon, hindi man lang niya kinailangan na gamitin ang three thousand year old plants.
"Maaabot ko ang sixth rank sa susunod na ilang mga araw." Naintindihan rin ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kaniyang katawan.
Sa katunayan, ang karamihan sa mga cultivators ay may ganitong pakiramdam kapag sila ay malapit nang magtagumpay. Kaya imbis na magcultivate, napagdesisyunan niyang ipahinga ang kaniyang katawan.
Sa perkpektong tiyempo, si Zhao Yufei, ang kaniyang kapitbahay, ay dumating upang makipaglabanan kay Zhao Feng.
Isa't kalahating buwan na ang nakalipas mula noong martial arts contest. Sa sandaling ito, ang cultivation ni Zhao Yufei ay naabot na ang tuktok ng fourth rank, pwede niyang maabot ang fifth rank sa anumang sandali.
"Kapatid Feng, gusto kong makita ang iyong bagong mga skills." Ngumiti si Zhao Yufei. Ang kaniyang mga pisngi ay bahagyang pula at sa kaniyang asul na bestida, nagmumukha siyang isang diyosa.
"Sige ba!" Tumango si Zhao Feng, gusto rin niyang subukan ang kaniyang mga skills.
Sa loob ng hardin, ang dalawa nilang anyo ay nagsama at naghiwala. Ang una ay ang kanilang mga movement skills.
Ginamit ni Zhao Feng ang Lightly Micro Step at ang kaniyang katawan ay naging misteryoso at malabo. Nang matulak sa kasukdulan ang Lightly Micro Step, magkakaroon ng maraming anino niya na nagpapatong-patong.
Bilis ang specialty ni Zhao Yufei, ngunit siya ay lubos na nagpipigil kapag kaharap si Zhao Feng. Kahit na ang dalawang skills ay parehong high ranked at naabot na ang high level, ang pinagkaiba nito ay halatang-halata.
Si Zhao Yufei ay labis na nalilito, dahil pinipigilan ni Zhao Feng ang kaniyang cultivation sa level na mas mababa pa kaysa sa kaniya. At kung Inner Strength ang pag-uusapan, pareho silang nagsanay ng Air Crossing Breathing Technique.
"Yufei, ang mga katangian ng iyong katawan ay hindi mas mahusay kaysa sa akin at mayroon rin akong Lightly Floating Ferry bilang pundasyon, kaya ako ang lamang sa bilis," sabi sa kaniya ni Zhao Feng, bahagyang totoo.
Ang totoo ay ang Lightly Floating Ferry at Lightly Micro Step ay lubos na magkatulad. Kapag ginamit nang magkasama, nagagawa niyang paangatin ang mga skills sa peak rank.
Sunod, pinagkumpara nila ang kanilang mga offensive skills.
Pinigilan ni Zhao Feng ang kaniyang Star Finger sa simula ng second grade, nang ang kaniyang daliri ay naglalabas ng linya ng purong enerhiya na kayang butasin ang kahit ano. Muntik nanag mapinsala si Yufei matapos ang isang galaw.
"Ang skill ni Kapatid Feng malamang ay isang peak ranked skill." Lubos na naiinggit si Zhao Yufei.
Lubos na mahalaga ang Peak Ranked Martial Arts, sa lahat ng mga disipulo ng Zhao Sect, tanging sina Zhao Linlong, Zhao Chi, at Zhao Feng ang may pagkakataong matutunan ang mga ito.
"Tama ka, ito nga ay isang peak ranked martial art," Si Zhao Feng ay lubos na natutuwa sa Star Finger.
Sa sandaling nagtatalakayan ang dalawa tungkol sa kanilang mga skills, isang boses ang sumingit.
"Haha, Little Sister Yufei, makikipaglaban sana ako sa'yo, ngunit wala ka sa bahay. Dito ka lang pala."
Ang tinig ng isang binata ang maririnig, ito at kaswal at kalmado. Sa bakod ng hardin, nakatayo ngayon ang isang bata na may gintong kasuotan sa edad na labing-pito, tumitingin pababa kay Zhao Yufei.
Si Zhao Linlong!
Nagkunot ang mga kilay ni Zhao Feng. Ito ang kaniyang bahay at pumasok nang walang permisyo si Zhao Linlong. At saka, tumitingin siya pababa, literal, at metaporiko, sa pamamagitan ng pagtayo sa ibabaw ng bakod.
"Kuya Linlong," Ngumiti si Zhao Yufei at sinunod ang tuntunin ng magandang asal. Siya ang top inner disciple at ang pinuno ng step-son ng sect. "Pumunta muli si Kapatid Linlong upang makipaglaban sa akin?"
Walang ekspresyon si Zhao Yufei. Si Zhao Linlong ay bumibisita sa kaniya nang 'di mabilang na beses para makipaglaban. Sa tuwing nakikita niya siya, nararamdaman ni Zhao Yufei ang apoy sa loob ng mga mata ni Zhao Linlong, na nagsasanhi sa kaniya na hindi mapakali.
"Tama iyon, sana hindi ako tanggihan ni Kapatid Yufei." Ang mga salita ni Zhao Linlong ay naglalaman ng lubos na kumpiyansa.
Hindi siya yumapak sa hardin, nakatayo lamang sa bakod. Mula sa sandaling pumasok siya, hindi siya tumingin kay Zhao Feng kahit isang beses.
"Salamat sa pag-aalala, ngunit kakalaban lang namin ni Kapatid Feng," Ngumiti si Zhao Yufei nang tanggihan niya ito.
Ang makipaglaban sa henyo ng Zhao Sect ay ang pangarap ng 'di mabilang na mga babaeng disipulo ng zect.
Ngunit hindi gusto ni Zhao Yufei si Zhao Linlong. Si Zhao Linlong ay mayroong aura ng pagkalumbay at pagkamataas, na tila sa tao ang kasiyahan na mapahintulutan na mahalin siya.
Ito ang ganap na kabaligtaran ni Zhao Feng, na tulad niya, nanggaling mula sa isang branch sect at ang kanilang paglalaban at pag-uusap ay tila natural. Walang kahit anong puwersa.
"Siya?" Sa wakas ay napagtanto na ni Zhao Linlong na si Zhao Feng ay naroon.
Matapos sumulyap nang isang beses kay Zhao Feng, ngumiti si Zhao Linlong, ngunit hindi siya binati. Halata naman na siya ay nasusuklam sa kaniya.
"Ayos lang iyon. Pumunta ako rito ngayong araw at hinanap si Kapatid Yufei para sa isa pang bagay," Nagkibit-balikat si Zhao Linlong.
"Pakiusap, ipaliwanag mo."
"Ang bagay na ito… gusto kong makipag-usap kay Yufei nang pribado." Kaswal na sumulyap si Zhao Linlong kay Zhao Feng.
"Kapatid Feng, aalis muna ako," Nanghihingi ng tawad na sabi ni Zhao Yufei.
Lumakad palabas ang dalawa nang magkatabi.
"Maaari kayang hinahabol ni Zhao Linlong si Yufei....?" Sa wakas ay may napagtanto na si Zhao Feng…
**********************
_Sa kabilang banda ng bakod..._
Dinala ni Zhao Linlong si Zhao Yufei sa isang bahagyang tagong lugar.
"Yufei, sa loob ng kalahating buwan, ang taunang Genius Summit ng Sun Feather City ay magsisimula na. Ang host ay ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City, si Qiu Mengyu. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga henyo ng mga clan, sect, factions, at pamilya ay maaanyayaan." Tumigil si Zhao Linlong.
Genius Summit! Ang pinakamagandang babae sa Sun Feather City.
Ang mga mata ni Zhao Yufei ay kumislap, gulat at umaasa. Narinig na ni Zhao Yufei ang tungkol sa Genius Summit. Ito ay isang kaganapan na pupuntahan ng lahat ng mga henyo ng Sun Feather City at makipaglaban sa isa't isa.
Ang lahat ng magagaling na mga henyo ng Sun Feather City ay pagpapasiyahan doon.
"Ito ang pinakaimportanteng kaganapan para sa mga bata ng Sun Feather City! Bilang top Zhao Disciple, pwede akong magrekomenda ng limang tao upang makilahok." Ang mga labi ni Zhao Linlong ay naging isang ngiti.
"Oh? Genius Summit? Gusto ko talagang maranasan ito." Si Zhao Yufei ay lubos na interesadong sumali. "Ah oo, sino ang irerekomenda mo?" pilit na tanong ni Zhao Yufei.
"Nandoon sina Zhao Chi, Zhao Han, Zhao Qin, Zhao Ling…" walang tinago si Zhao Linlong.
"Sandali! Bakit hindi kasama si Kapatid Zhao Feng? Siya ang pangatlo!" singit ni Zhao Yufei.
"Zhao Feng?" Kaswal na sinabi ni Zhao Linlong, "Isa lamang siyang branch disciple at wala man lang siyang tapang upang hamunin ako. Walang punto ang magdala ng ganoong tao sa Genius Summit."
"Ngunit ang lakas ni Kapatid Feng ay naroon pa rin…" Nadama ni Zhao Yufei na ito ay hindi makatarungan.
"Hehe, ayos lang iyon, Yufei. Ramdam ko na maaabot ko na ang sixth rank sa lalong madaling panahon at ako ang magiging pinuno ng apat na magagaling na henyo. Kaya hindi mahalaga kung sino ang aking pipiliin, ang mahalaga ay naroon ka kasama ko, upang masaksihan ang aking kadakilaan…" Ang pagsasalita sa puntong ito, ang mga mata ni Zhao Linlong ay nag-init at hindi mapigilan ng kaniyang mga kamay na mapunta sa mga balikat ni Zhao Yufei.
"Zhao Linlong! Umayos ka!" Ang mukha ni Zhao Yufei ay naging malamig nang harangin niya ang kamay ni Zhao Linlong.
"Hindi ko kailanman pinuwersa ang sinuman sa isang bagay na hindi nila gusto. Ngunit Yufei, kailangan mong maniwala sa akin na walang makapipigil sa akin na makagawa ng anuman sa babaeng aking minamahal. At maliban na lang kung gusto mong tumanda nang mag-isa…"