Ginamit ni Zhao Feng ang Star Finger upang talunin si Qiu Changyi gamit lamang ang isang galaw. Ang mga manonood ng summit ay nag-ingay.
"Sino siya? Bakit wala pa akong naririnig tungkol sa kaniya?"
"Kakatalo niya lamang kay Xin Tong sa loob ng isang galaw, at ngayon pati si Qiu Changyi ay natalo rin sa kaniya."
Ang kaguluhan na nangyayari ay mas malaki kaysa kanina, dahil si Qiu Changyi ay isa sa apat na magagaling na mga henyo. Ang talunin si Qiu Changyi, baka si Zhao Feng na ang maging isa sa susunod na magagaling na mga henyo.
Ang ilang pamilyar na mga henyo ng Zhao Family ay natigilan. Hindi maitago nina Zhao Chi, Zhao Han, at Zhao Qin ang kanilang gulat.
"Nanalo siya." Pananabik ang makikita sa loob ng mga mata ni Zhao Yufei.
"May ganito palang katalentadong tao sa Zhao Family, At saka, isa lamang siyang labing-apat na taong gulang…" Ang mga mata ni Qiu Mengyu ay puno ng pag-aalala at pagkabahala.
Matindi ang paligsahan sa pagitan ng tatlong malalaking pamilya ng Sun Feather City at ang Qiu Family ay hindi maganda ang relasyon sa Zhao Family. At ang mga nakababatang henerasyon ay magpapasya ng kanilang mga pagkakataon sa hinaharap.
***********************
Matapos talunin si Qiu Changyi, bumalik si Zhao Feng sa pavilion ng Zhao Family.
Ngumiti siya kay Zhao Yufei, "Mukhang hindi kita nabigo."
"Nagbibiro lang ako, ngunit gusto ko ring malaman ang tunay na lakas ni Kapatid Feng," mahinang sabi ni Zhao Yufei.
Bigla siyang nakaramdam ng kagustuhang pumatay na nanggagaling mula sa kaniyang tabi. Nang pagtalikod, nakita niya si Zhao Linlong na seryosong nakaupo doon at nagbabalang nakatingin sa kaniya.
Umiling si Zhao Feng at alam niyang napagkakamalan siyang kalaban ni Zhao Linlong pagdating kay Zhao Yufei. Masyado siyang tamad na magpaliwanad. Gamit ang kaniyang lakas, hindi niya kinakatakutan ang sinuman na mula sa nakababatang henerasyon.
Nagpatuloy ang Genius Summit na may maraming talentadong mga bata na umaakyat sa entablado.
_Sa isang punto..._
Umakyat si Qiu Mengyu upang ipamalas ang kaniyang mga skills. Agad niyang tinalo ang maraming mga bata na fourth o fifth rank.
Kahit ang lakas nina Zhao Qin at Zhao Ling ay hindi kayang salagin ang tatlong mga galaw mula sa kaniya at mga cultivators ng fifth rank tulad nina Zhao Chi at Zhao Han ay hindi na kaya pang sumalag ng higit pa sa dalawampung beses.
Nagsanhi ito sa maraming tao na patagong mag-usap.
"Si Qiu Mengyu ay lubos na mas malakas kaysa kay Qiu Changyi." Nagulat si Zhao Feng.
Ang pakiramdam na binibigay ni Qiu Mengyu ay ang 'pinakamagandang babae ng Sun Feather City', ngunit kung lakas ang pag-uusapan, siya ang ikalawa sa rank noong nakaraang summit, mas mataas ng isa kay Zhao Linlong.
"Zhao Linlong, ang iyong cultivation ay ang pinakamataas sa apat na magagaling na mga henyo. Maaari bnga mapunta sa akin ang karangalan na makipaglaban sa iyo?" Sabi ni Qiu Mengyu habang ngumingiti.
"Siyempre. Dahil natalo ako sa'yo noong nakaraang taon, siguradong magkakaroon tayo ng laban ngayon taon." Dahan-dahang tumayo si Zhao Linlong at pinakawalan ang kaniyang sixth rank aura.
Sa sandaling ito, pinagmasdan niya ang mga nanonood na batang mandirigma sa isang mataas at marangal na paraan.
"Ngunit kakalaban mo lang, kaya kahit na manalo ako, hindi ito magiging patas," Bumaluktot ang bibig ni Zhao Linlong.
"Kaya pala si Linlong ang pinakahenyo sa Zhao Family, eh 'di magpapahinga muna ako." Ngumiti si Qiu Mengyu at hindi tinanggihan ang kaniyang alok.
"Mayroon bang sinuman na may lakas ng loob na makipaglaban sa akin?" Ngumiti si Zhao Linlong at sinuri ang mga pabilyon ng Qiu at Xin Family.
"Mengyu, hayaan mo akong subukan ang kaniyang mga skills," bulong ng isang payat na bata mula Qiu Family kay Qiu Mengyu.
"Mag-iingat ka, Qiu Lin! 'Wag mo siyang kalabanin nang harapan!" sang-ayon ni Qiu Mengyu habang binabalik ang kaniyang lakas.
_Ceng!_
Isang bata sa fifth rank ay lumapag sa gitna ng entablado.
"Zhao Linlong, maaari mo ba akong labanan?"
Si Qiu Lin ay may matinding kagustuhang makipaglaban na lumilitaw sa kaniyang mga mata habang ang isang malabo't matingkad na berdeng ilaw ang kumalap sa kaniyang katawan, halata naman na ang taong ito ay nasa peak fifth rank.
"Hehe, iniisip ko kung ilang galaw ang kaya mong salagin." Bahagyang tumawa si Zhao Linlong at sa isang shuah, nag-iwan siya ng maraming after-images sa madilim na gabi.
"High Ranked Martial Art Shadow Step!"
"Ang skill na ito ay maaaring magamit sa lubos nitong potensyal sa gabi!" sigaw ng mga manunuod.
Sa sandaling ito, mayroon lamang mga after-images ni Zhao Linlong sa entablado. Lumukso ang puso ni Qiu Lin, hindi man lang makita ng kaniyang mga mata kung paano gumalaw si Zhao Linlong.
"Ancient Wind Palm!"
Kiniskis ni Qiu Lin ang kaniyang mga ngipin at isang matingkad na berdeng ilaw ang lumitaw sa kaniyang mga palad na sumilaw sa buong lugar.
Beng! Tah! Tah!
Ang lugar ng kaniyang atake ay napunta sa kung nasaan si Zhao Linlong. Gayunpaman, wala sa kaniyang mga atake ang lumapat man lang sa mga damit ni Zhao Linlong.
Shua!
Ang malabong anyo ni Zhao Linlong ay biglang naglaho muli mula sa kaniyang paningin. Agad na naramdaman ni Qiu Lin na may mali at tila upang patunayan na siya'y tama, may anumang umatake mula sa kaniyang likuran.
"Ancient Wind Reverse!" sigaw niya at ibinato ang kaniyang mga palad patalikod.
_Pah!_
Isang malakas na tunog ang maririnig sa gitna ng madilim na gabi.
Ang paggalaw ni Qiu Lin ay nanigas at gulat ay sumakop sa kaniyang mukha. Hindi na muling makagalaw ng kaniyang braso. Ang high level ng isang high ranked skill ay napuwersang tumigil sa himpapawid.
_Si!_
Ang mga taong nanunuod ay bumuga ng malalamig na hangin. Mayroong isang bata na may gintong kasuotan na nakatayo sa likod ni Qiu Lin na may isang kamay sa kaniyang balikat.
Naramdaman lamang ni Qiu Lin ang malamig na pawis na tumutulo sa kaniyang likuran at nadama niya na ang kamay sa kaniyang balikat ay masyadong mabigat. Kahit gaano kahirap siyang magpumiglas, hindi siya makagalaw."
"Ang Shadow Step ay isang high ranked martial art at sinasanay sa peak level kasama ang Sixth Rank ng Martial Path ni Zhao Linlong ay ginagawang imposible na talunin siya." Huminga nang malalim si Qiu Changyi.
Ang lakas ni Zhao Linlong ay hindi kapani-paniwala.
"Sino pang makikipaglaban sa akin?" Tumayo sa gitna ng entablado si Zhao Linlong, ang kaniyang gintong kasuotan na nililipad ng hangin ay pinagmumukha siyang isang hari.
"Ako!" Isang bata sa fifth rank ay lumabas mula sa Xin Family.
"Tatalunin kita sa loob ng tatlong galaw." Tumawa si Zhao Linlong at nag-iwan ng mga after-images sa hangin.
Nagbanggaan ang dalawang anyo at sa tatlong galaw, ang bata sa fifth rank ay pinatalsik kasama ang isang malakas na tunog.
_Hu!_
Ang mahinang lila na aura ni Zhao Linlong ay lumitaw muli.
"Sino pa?" Ang mga mata ni Zhao Linlong ay sumiri patungo kina Qiu Mengyu at Xin Wuheng.
Nakasara ang mga mata ni Xin Wuheng at hindi nagsalita na tila wala siyang interes na lumaban.
Nang hahamunin na siya ni Zhao Linlong…
"Ako!" Si Qiu Mengyu ay tila isang diyosa na naglakad patungo sa gitna ng entablado.
"Anong uri ng skill iyon?" Maraming mga bata and natuliro. Ang skill ni Qiu Mengyu at parang surreal at tila mas itinuturing na isang sayaw.
"Mahusay! Ginamit ni Zhao Linlong ang kaniyang Shadow Step at ang mga after-images ay lumitaw muli.
_Pah! Pah..._
Kumalaunan ay nagsapakan na ang dalawang anyo sa gitna ng himpapawid. Sa bawat banggaan, ginagamit ni Qiu Mengyu ang lakas ni Zhao Linlong upang mapalakas siya nang lalo.
"Kinucultivate ni Qiu Mengyu ang Twirling Snake Body at isang katangi-tanging body strengthening skill, hinahayaan nito ang gumagamit na maging hindi karaniwang malambot at kayang tiisin ang anumang malakas na pinsala. Ang mga cultivators sa parehong rank ay hindi siya magagawang saktan…" Pagpapaalam ni Zhao Qin sa lahat.
Kung gaano kalakas ang kanilang body strengthening techniques ang pag-uusapan, si Qin Mengyu ay mas mataas kaysa kay Xing Ton at mas mahina kaysa kay Zhao Feng. At saka, ang speed skill ni Qiu Mengyu ay hindi mas mahina kaysa kay Qiu Changyi, at ang kaniyang cultivation ay peak fifth rank rin.
Dahil sa paggamit ni Zhao Linlong ng Shadow Step sa kasukdulan, hindi siya makakuha ng pagkalamang.
Tatlumpung galaw… apatnapung galaw....
Mabagal na lumipas ang oras. Ang mga atake rin ni Zhao Linlong at naging mas matindi.
Spatial Cloud Finger!
Matapos ang limampung galaw, ginamit ni Zhao Linlong ang kaniyang peak ranked martial art.
_Shua~_
Isang manipis na linya ng lilang ilaw ang dumiretso patungo sa kalangitan. Hindi na kaya pang labanan ni Qiu Mengyu ang mga atake ni Zhao Linlong at muntik na siyang umubo ng dugo matapos salagin ang sampu pang mga galaw.
"Ang mga pagbuti ni Kapatid Linlong ay hindi kapani-paniwala. Ang iyong Spatial Cloud finger at Shadow Step ay nagawa akong pahangain," Ngumiti si Qiu Mengyu nang siya'y sumuko.
Kahit na siya'y natalo, ito ay inaasahan naman dahil ang cultivation ni Zhao Linlong ay masyadong malakas. Siguro si Xin Wuheng lamang ang may kaya na bigyan siya ng laban.
Matapos talunin si Qiu Mengyu, ang huling kalaban ni Zhao Linlong ay si Xin Wuheng.
"Sino pang gusto akong kalabanin?" Ang mga mata ni Zhao Linlong ay sumuro sa mga tao nang lumagpas ito kay Zhao Feng, sama ng loob ang makikita sa kaniyang mga mata.
Sa wakas, ang mga mata ni Zhao Linlong ay nanatili kay Xin Wuheng. Sa isang iglap, lahat ng mga taong naroon ay umaasang tumingin kay Xin Wuheng.
Si Xin Wuheng, ang hari ng summit noong nakaraang taon na gamit-gamit ang lubos na kapangyarihan upang mangibabaw sa iba pang tatlong malalaking mga henyo.
"Xin Wuheng! Xin Wuheng! Xun Wuheng!"
Habang sinisigaw ng mga tao ang kaniyang pangalan, dahan-dahang tumayo nang kalmado si Xin Wuheng. "Wala nang kuwenta. Parehas lang tulad ng kanina, sampung galaw."
_Hua!_
Ang mga manunuod ay nagkagulo.
Sampung galaw? Anong ibig sabihin nito?
Tumingin si Zhao Feng sa iba pang mga henyo.
"Si Xin Wuheng ay may palayaw, 'Ten Moves'," mahinahong sabi ni Zhao Qin.
Huminga nang malalim si Zhao Feng. Ten Moves?
"Hanggang ngayon, walang sinuman ang nagawang makipagpalitan ng sampung galaw sa kaniya!"