* * *
Ten Moves Xin Wuheng!
Ang summit ay nakaabot na sa kasukdulan sa pagdating ni Xin Wuheng. Bilang ang kampeon nakaraang summit, sikat si Xin Wuheng sa buong Sun Feather City.
"Xin Wuheng matagal kong hinintay ang oras na ito." Ang hangarin manalo ay lumitaw sa mga mata ni Zhao Linlong, at ang aura ng kaniyang pagiging sixth rank ay hindi na pinipigilan.
"Zhao Linlong, nabawasan ng kaunti ang iyong enerhiya, makakabuti para sa'yo ang mamahinga muna," Paalala ni Qiu Mengyu.
Lumaban na si Zhao Linlong ng maraming beses kanina at gumamit na ng maraming stamina, lalo na nung kinakalaban niya si qiu Mengyu. Kung nakatapat siya ng isang normal na kalaban hindi na kailangan pang mag-isip ni Zhao Linlong tungkol dito. Subalit, ang kalaban niya ay si 'Ten Moves' Xin Wuheng, ang taong nagpatumba na sakaniya noon.
"Big brother Linlong, magpahinga ka muna habang sinusubukan ko ang skill niya." Tumalon sa gitna ng entablado si Zhao Ling dala-dala ang kaniyang sibat.
Naipuwesto si Zhao Ling sa rank seventh ng paligsahan at wala siyang karapatang magpunta, subalit binigay ni Zhao Linlong ang kaniyang puwesto kay Zhao Feng. Kaya naman, sobrang nagpapasalamat si Zhao Ling kay Zhao Linlong at nais siyang tulungan.
"Sige, pero huwag mong pilitin ang sarili mo." Bumalik si Zhao Linlong sa pabilyon at nagsimulang bawiin ang kaniyang enerhiya.
Ngayon si Zhao Ling ang unang lalaban, siguro ay kaya niyang subukan muna ang skills ni Xin Wuheng.
"Xin Wuheng… kuhanin mo ang sibat ko!" sigaw ni Zhao Ling habang ang kaniyang sibat na pilak ay kumislab sa kadiliman ng gabi.
Nakatayo ng tuwid si Xin Wuheng nang may isang kamy sa kaniyang likuran.
Nakakapangilabot!
Ang kilos ni Xin Wuheng ay nagpapakita na hindi niya binibigyang pansin si Zhao Ling.
_Shua!_
Tumulak ang sibat patungo sa kaliwang balikat ni Xin Wuheng. Walang ekspresyon sa mukha ni Xin Wuheng habang tinaas niya ang kaniyang isang daliri.
_Dang!_
Ang simpleng daliri ay nagawang tamaan ang pinakamahinang parte ng dulo ng sibat at isang makapangyarihan at nagwa-walang Inner Strength ang dumaloy sa sibat patungo sa loob ng katawan ni Zhao Ling.
Naramdaman bigla ni Zhao Ling ang pagkulo ng kaniyang dugo.
"Bitaw!"
Hinawi ni Xin Wuheng ang kaniyang kamay at ang walang kapantay na Inner Strength ay tumama kay Zhao Ling, nagdulot ng pagdura ng dugo niya.
_Clang!_
Lumipad ang sibat paalis sa kamay ni Zhao Ling at ito ay nahulog sa sahig.
Mabilis na natalo si Zhao Ling gamit ang isang hawak ng daliri at ng isang palad. Ang eksenang ito ang naging dahilan ng paglukso ng puso ng maraming henyo, ngunit ito ay lahat inaasahan na. Kung tutuusin, si Xin Wuheng ang nagwagi sa nakaraang summit, at kahit si Zhao Linlong ay kayang makamit ang parehas na resulta.
_Sa loob ng pabilyon ng pamilya ng Zhao..._
Taimtim ang mukha ni Zhao Feng, nakita niya ang buong laban gamit ang kaniyang kaliwang mata. Bawat galaw na ginamit niya ay simple at pangkaraniwalan lamang, ngunit lahat ito ay tumama sa lahat ng kritikal na parte ni Zhao Ling tila ba mayroon siyang katulad na abilidad gaya ng kaniyang kaliwang mata.
Dagdag pa rito, ang mga atake ni Xin Wuheng ay parang may sinusundan na batas na masiyadong malinaw para sakaniya. Ito ay katulad ng atake ng misteryosong babae sa loob ng kuweba, subalit ang pakiramdam mula sa misteryosong babae ay mas malakas ng sampung beses.
"Brother Linlong magpahinga ka ng kaunti pa, pupunta ako at pipilitin ko siyang gamitin ang buong lakas niya." nagkislapan ang mga mata ni Zhao Chi nang siya ay tumalon patungo sa lugar.
"Atake." nakatayo lang si Xin Wuheng ng walang ekspresyon.
"Sky Howling Fist!"
Mabilis na ginamit ni Zhao Chi ang kaniyang palapit na peak level high ranked skill. At sa iisang oras, ginamit niya ang isang high ranked speed skill at isang high ranked body strengthening technique.
Ang lakas ni Zhao Chi ay ang pinakamalapit sa apat na pinakahenyo at wala siyang masiyadong kahinaan. Kung ganoon, siya ang pinakamagandang sumubok sa lakas ni Xin Wuheng.
Breaking Wind Finger!
Humiwa ang daliri ni Xin Wuheng sa hangin na parang isang matalas na espada.
_Ssss!_
Ang daliri at ang kamao ay nagtama, ngunit ang daliri ni Xin Wuheng ay dumaplis lamang sa kamao ni Zhao Chi.
Ang anyo ni Zhao Chi ay biglang natumba habang namanhid naman ang kaniyang kamay sa parehas na oras.
"Breaking Wind Finger? Parang isa itong middle ranked martial art!"
"Sandali, naensayo ko na rin ang Breaking Wind Finger, ngunit parang iba to sa kaniya."
Kumalat ang usapan.
Huminga ng malalim si Zhao Chi at ginamit ang kaniyang high ranked speed skill upang takasan ang panganib.
_Pah! Pah…_
Nagpalitan ang dalawa ng kanilang daliri at kamao.
Isang galaw, dalawang galaw, tatlong galaw...
Hindi man lamang gumalaw si Xin Wuheng, samantalang si Zhao Chi ay pinagpapawisan at bumubuga na ng hangin. Nagpalitan lamang sila ng tatlong tira sa kabuuan.
Kinailangang gumamit ni Zhao Chi ng enerhiya na mas marami ng isang daang beses kaysa sa normal. Natatapan ni Xin Wuheng ang kaniyang bawat galaw.
Kahit na mayroon silang parehas na Inner Strength at level ng lakas, tila ba nakakakasabay ni Xin Wuheng ang kalangitan.
Nang makarating na sila sa ikalimang galaw, ang dibdib ni Zhao Chi, kamay at braso ay namaga sa sobrang pagharang.
Biglang, sa ikaanim na galaw, gumamit si Xin Wuheng ng isang middle ranked leg skill at nang may lagabog ito ay tumama sa braso ni Zhao Chi.
"Ahhhh…" humiyaw sa sakit si Zhao Chi at lumagapak siya sa sahig, malamig na pinagpapawisan.
Gumamit lamang si Xin Wuheng ng isang middle ranked finger at leg skill upang matalo si Zhao Chi.
"Katulad lamang ng nakaraang taon, gumamit lamang siya ng middle ranked martial arts."
"Ang lahat ng kaniyang skills ay halos nakarating na sa peak level."
Sa gitna ng entablado...
Nakatayo ng tuwid si Xin Wuheng habang ang kaniyang mga kamay ay kalmadong nakapuwesto sa kaniyang likuran. Pagtapos matalo ni Zhao Chi, ang pamilya ng Qiu ay nagpadala rin ng ilang talentadong disciples upang subukin siya, ngunit hindi ito gumana. Kahit si Qiu Changyi ay natalo gamit ang pitong galaw, at sa bawat atake ni Xin Wuheng, gumamit lamang siya ng isang kamay.
Ang mga cultivators ng iisang rank ay madali lang natalo at ng walang hirap.
"Mahirap paniwalaan…" tumingin si Zhao Feng sa laban at hindi nagtagal bumuo ng analisis.
Nag-ensayo si Xin Wuheng ng lima o anim na middle ranked skills na lahat ay halos aabot na sa peak level. Ilan sa mga galaw na ito ay lumagpas pa sa orihinal na skill sa kapangyarihan.
******************
_Sa iisang oras..._
Sa isang puno malapit sa summit, dalawang anyong nakadamit ng pilak na kalasag ang tahimik na tumayo sa isang sangay, nagtatago sa kadiliman ng gabi.
"Upang maensayo ang napakaraming middle ranked skills hanggang sa peak rank… Hindi ako makapaniwalang ang isang maliit na Sun Feather City ay mayroong talentadong henyo. Kung siya ay mailagay sa Jun City, maipu-puwesto pa rin siya sa top ten," isa sa mga nakadamit na pilak ang nagsabi.
"Minamaliit mo siya… bagama't hindi pa siya nakakaabot sa Martial Master, mayroon pa rin siyang pandama gaya nila. Sa tingin ko naiintindihan mo ang ibig sabihin nito, hindi ba?" magaspang na pagkakasabi ng isa pa.
Wala sa mga henyo, bisita, at mga elders ang nakaramdam sa dalawang taong ito.
******************
Walang ekspresyong nakatayo si Xin Wuheng sa gitna ng entablado. Sa puntong ito, wala nang naglalakas-loob na hamunin siya, kaya't lahat sila ay tumingin kay Zhao Linlong.
Nakarating na si Zhao Linlong sa sixth rank ng Martial Path at siya lamang ang nag-iisang makakasabay sakaniya. Ang mga mata ni Xin Wuheng ay tumingin din patungo sa pabilyon ng pamilya ng Zhao tila ba naghihintay sa isang bagay.
"Handa ka na ba, Xin Wuheng?" tumayo si Zhao Linlong. Narating na niya ang kaniyang peak na estado, ang dugo at ang chi na nasa loob niya ay nagkuluan.
"Hindi ko kailangan maghanda." Bagama't kagagaling lang niya sa maraming laban, tila hindi siya nagbawas ng kahit anong enerhiya dahil ang kaniyang mga kalaban ay saglitan lamang natalo.
"Magaling!" Pagtapos na pagtapos niyang magsalita, nag-iwan ng isang gintong after-image si Zhao Linlong at lumitaw sa gitna ng entablado.
Ang dalawang henyo ay nakatayo katapat ang isa't isa habang ang mga manonood ay masiglang nanonood. Kahit na ang dalawang anyong nakadamit na pilak sa kalayuan ay interesadong nanood.
_Shadow Step!_
Gumalaw si Zhao Linlong at kahit hindi siya nakita ng karamihan sa nakababatang henerasyon, naririnig pa rin nila ang _sha sha_ na tunog na nanggagaling sakaniya. Karamihan sa mga tao ay kilala ang high ranked skill ni Zhao Linlong.
Hu!
Huminga si Xin Wuheng at dahan-dahan niyang pinakawalan ang kamay sa kaniyang likuran habang nagiging seryoso ang kaniyang mukha. Ang mga laban na pinanggalingan niya kanina ay gamit lamang ang isang kamay, ngunit sa ngayon, gagamit na siya ng dalawang kamay dahil ang kaniyang kalaban ay nakaabot na sa sixth rank.
Sa pagharap niya sa tila multong anyo ni Zhao Linlong, nanatiling nakatayo na tila isang batong estatwa si Xin Wuheng. Malinaw na nakikita ni Zhao Feng na ang dugo, paghinga, at Inner Strength ni Xin Wuheng ay nanatiling kalmado sa loob ng kaniyang katawan.
"Ang speed skill ni Zhao Linlong ay maaaring walang epekto sa kaniya." bumuntong hininga siya at umiling.
"Hindi ako naniniwala sa'yo!" malamig na sambit ni Zhao Ling. "Ang high ranked speed skill ni Brother Linlong ay nakaabot na sa peak level at ang kaniyang cultivation ay ang pinakamataas na rin."
Nakabuo na siya ng paghanga at tiwala kay Zhao Linlong. Ngumiti si Zhao Feng, subalit hindi siya nagsalita.
_Shua! Pah!_
Isang palad galing sa gintong anyo ang humawi patungo sa likod ni Xin Wuheng.
Masiyadong mabilis!
Walang nakaintindi kung paano lumitaw si Zhao Linlong sa likod ni Xin Wuheng. Subalit, sa mga oras na ito, gumalaw din si Xin Wuheng. Kalmado siyang gumalaw, bahagyang itinulak palabas ang kaniyang dibdib at hindi siya tinamaan ng kasindak-sindak na palad.
"Back Flowing Leg!"
Nang hindi man lamang lumilingon, nagpakawala si Xin Wuheng ng kaniyang atake.
_Peng!_
Dali-daling pinadaloy ni Zhao Linlong ang kaniyang Inner Strength at nagawa niyang salagin ang atake ni Xin Wuheng. Gaya ng inaasahan ni Zhao Feng, ang speed skill ni Zhao Linlong ay walang epekto kay Xin Wuheng...
"Paano mo nalamang walang epekto sa kaniya ang Shadow Step ni Zhao Linlong?" mausisang itinanong ni Zhao Yufei.
Sa kabilang banda niya, malamig na sinabi ni Zhao Ling, "Sinuwerte lang siya at sinabi niya iyon dahil hindi niya gusto si Brother Linlong."
_Hindi ko siya gusto?_
Muntik ng pakawalan ni Zhao Feng ang kaniyang tawa, kung tutuusin, halata naman kung sino talaga ang hindi may gusto sa kung sinuman.
"Anong tinatawanan mo!? Kung gano'n magpustahan tayo," galit na sambit ni Zhao Ling.
* * *