Isang pusta?
Ang ekspresyon ng mukha ni Zhao Feng ay biglang sumaya nang labis. "Anong gusto mong ipusta?"
Ang pagtatalo ng dalawang ito ay naging dahilan upang masama silang tignan sila ng ibang pamilya. Ngunit marami sa mga taong ito ay alam na hinahangaan ni Zhao Ling Si Zhao Linlong, at si Zhao Linlong ang nagbigay ng imbistasyon kay Zhao Feng papunta kina Zhao Ling. Samakatuwid, hindi lang hinahangaan ni Zhao Ling si Zhao Linlin, bagkus ay malaki rin ang pasasalamat niya rito.
"Zhao Ling, kayong dalawa ay disipulo ng iisang sect. Bakit hindi kayo mamuhay nang mapayapa?" Sabi ni Zhao Qin.
"Hindi!" Ang mukha ni Zhao Ling ay namumutla ngunit ang kanyang mga mata ay nakatitig pa rin kay Zhao Feng.
"Pumupusta akong mananalo si Brother Linlong! May lakas ka ba ng loob na pumusta?"
Halata naman na si Zhao Ling ay may malaking tiwala kay Zhao Linlong.
"Bakit hindi? Pumupusta ako na tanging si Xin Wuheng lamang ang mananalo, bukod pa roon ay mananalo rin siya sa pamamagitan ng dalawampung galaw," pagtawa ni Zhao Feng.
Ano!?
Ang mga tao sa pabilyon ay tinignan si Zhao Feng nang may pagdududa. Base sa kasalukuyang sitwasyon, mayroong 5:5 win-loss ratio sa pagitan nina Zhao Linlong at Xin Wuheng. Saan nanggagaling ang kumpyansa ni Zhao Feng?
"Mahusay, mahusay, mahusay! Ang matatalong grupo ay kinakailangang huminga ng tawad." Ang mga mata ni Zhao Ling ay halos umapoy dahil sa emosyon.
"Sige ba" Sa kabilang banda ay naging kalmado pa rin si Zhao Feng.
****
Sa gitna ng entablado...
_Shua!_
Muling ginamit ni Zhao Linlong ang kanyang Shadows Step at nagpalutang-lutang sa paligid ni Xin Wuheng. Makalipas ang ilang sandali, ang kanyang mga after-image ay nasira. Ang kanyang gintong pigura ay muling lumitaw at mabilis na lumusob sa ibabang bahagi ng katawan ni Xin Wuheng.
_Pah!_
Nagpamalas ng isang leg skill si Xin Wuheng na nagpa-atras sa atake ni Zhao Linlong.
Nasalag ulit?
Nagulantang si Zhao Linglong. "Hindi ako makapaniwala!"
Hindi makapaniwala si Zhao Linlong na mayroong taong kayang sirain ang kanyang Shadows Step, lalo na't ang kanyang kalaban ay mayroong mas mababang antas ng cultivation.
Muli, si Xin Wuheng ay may blangkong ekspresyon habang siya gumagalaw ng ilang hakbang upang iwasan ang mga atake ni Zhao Linlong. Ginamit ni Zhao Linlong ang Shadow Step sa pinakamalakas na antas nito ngunit hindi nito tinamaan si XIn Wuheng, bukod pa rito ay nakacounter-attack niya pa ito.
Kung ang kanyang cultivation ay hindi mas mataas kumpara kay Xin Wuheng, siguradong pinulbos na siya nito.
"Ang speed skill ni Zhao Linlong ay totoong walang epekto kay Xin Wuheng,"
Si Zhao Chi at Zhao Han ay hindi makapaniwalang-tumingin kina Zhao Feng. Zhao Qin at Zhao Yufei, upang magtanong ng dahilan kung bakit ganoon ang mga nangyayari.
"Nagsanay si Xin Wuheng ng hearing skill, maaaring nitong masabi ang ruta at posisyon ng atake ng kalaban sa pamamagitan ng pakikinig sa hangin. Sa kanilang sitwasyon, si Zhao Linlong ang unang umaatake, kaya naman ay naiiwasan niya ang mga ito," paliwanag ni Zhao Feng.
Tumingin ang mga tao kay Xin Wuheng at napansin nilang gumagalaw ang mga tainga nito. Kung hindi ito titignan nang mabuti ay hindi ito mapapansin. Ngunit dahil sa kaliwang mata ni Zhao Feng ay madali niya itong napansin. Nalaman niya na ang mga tainga ni Xin Wuheng ay tumuturo sa posisyon ni Zhao Linglongm, ibig sabihin nito ay hindi malilito si Xin Wuheng sa skill ni Zhao Linlong.
"Hmph! Mananalo pa rin si Brother Linlong, ngunit ito ay hindi magiging madali." Malupit na sabi ni Zhao Ling.
Sa oras na ito, ang dalawa ay nagpalitan ng limang matitinding suntok. Nang matapos nila ang panlimang galaw, si Xin Wuheng ay lubusang nagpokus sa depensa. At sa pang-anim na galaw ay nagsimula siyang magcounter-attack.
Small Cloud Vein Hands!
Muling nasalag ni Xin Wuheng ang kamay ni Zhao Linglong, at kasabay nito ay ginamit niya ang kanyang pambihirang bilis at accuracy upang hawakan ang braso ni Zhao Linlong.
"Open!"
Agad na pinakawalan ni Zhao Linlong ang kanyang Inner Strength upang maalis ang kamay ni Xin Wuheng sa pagkakahawak. Kahit na ginawa niya ito ay nagkaroon pa rin nang madugong marka sa kanyang kaliwang braso. Bawat skill na napag-aralan ni Xin Wuheng ay nasa peak level o mas mataas pa, kahit na si Zhao Linglong na nasa sixth rank cultivation ay hindi magagawang salagin ito.
"Nakamit na ni Xin Wuheng ang pinakamataas na antas sa pagkakontrol. Sa pamamagitan lamang ng kanyang pinakamahinang lakas ay kaya niyang magawa ang pinakamalubhang pinsala. Ang atakeng iyon ay tumama sa isang nerve points ni Zhao Linlong…" Perpektong nakita ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang mga nangyari.
Cloud Chess Foot!
Sa pagkakataong ito ay si Xin Wuheng naman ang unang umatake gamit ang isang unknown step skill. Mukhang siyang umaatras, ngunit sa katotohanan ay ang kabaligtaran. Ang bilis ng kanyang skill ay hindi mabilis, ngunit tila lubhang kakaiba ito at bawat hakbang ay mayroong 'di nauubos na kaalaman.
Mula sa perspektibo ni Zhao Feng, ang skill na ito ay hindi speed skill, ngunit isang paraan ng paglalaro ng chess.
"Hindi pa ako nakakakita ng ganitong klase ng skill." Lahat ng taong nanunuod ay napa-iling. Kahit na hindi ito mabilis ay nagawa nitong pakabahin si Zhao Linglong dahil sa pagiging mahiwaga ng skill na ito.
Breaking Wind Finger!
Dahil sa takot, ginamit ni Zhao Linlong ang isa sa pinakamalalakas niyang skills. Tila ang powerful finger ay hindi uubra kay Xin Wuheng. Ang finger skill at speed skill ay himalang pinuri ang isa't isa. At sa parehong oras, nadama ni Zhao Feng ang 'One with the Sky'.
"Anong klaseng sitwasyon ito…?" Lumiit ang dilat ng mga mata ni Zhao Linlong.
Ang counterattack ni Xin Wuheng ay nagbigay sa kanyang ng kakaibang pakiramdam. Ang kamay ng kanyang kalaban ay tila nababalot ng malalim na kaalaman.
"Break!" Sigaw ni Zhao Linlong at ginamit ang kanyang buong lakas upang pigilan ang atake.
_Ta!_
Ang pigura ni Xin Wuheng ay napaatras ng apat na hakbang. At sa parehong oras ay napa 'hmph' si Zhao Linlong nang ang kanyang kanang braso ay naging manhid at mahina. Lahat ng nanunuod ay pinigilan ang kanilang paghinga.
"Ang atake ni Xin Wuheng ay masyadong kakaiba."
Karamihan sa mga nanunuod ay hindi alam kung ano ang nangyari, iilan lamang ang nakakita ng kakaiba sa nangyari.
***************
Sa ilalim ng puno…
"Nagawa niyang pagsamahin ang iilang martial arts, anong klaseng henyo siya?" Malalim na tanong ng isang kulay pilak na pigura.
"Marahil ay naglalaman ito ng malalim na kaalaman mula sa Holy Martial Arts… hindi siya mukhang simple tulad ng kanyang panlabas na anyo…" sagot ng isang kulay pilak na pigura.
***********
Paano ito nangyari?
Malamig na pawis ang lumabas sa noo ni Zhao Linlong. Sa simula ng laban, ito ang unang beses na mapapansin na siya ang dehado. Ang dalawa ay nagpalitan pa lamang ng pitong suntok.
Ten Moves Xin Wuheng!
Spatial Cloud Finger!
Huminga nang malalim si Zhao Linlong ay inilabas ang kanyang nakamamatay na galaw.
Howling Tiger Fist!
Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Xin Wuheng at gumamit siya ng middle ranked martial art. Sa pagkakataong ito, isang alulong ang nanggagaling sa kamao ni Xin Wuheng.
_Peng!_
Ang daliri at kamao ay mabigat na nagsalpukan habang isang malakas na hangin ang namuo sa kanilang paligid na may lima o anim na metrong radius. Naramdaman ni Zhao Linlong na ang kamao ng kanyang kalaban ay parang isang bolang bakal na mabilis na nanginginig.
Lahat ng lakas ng finger skills ay nagsama-sama sa iisang bahagi, at kahit na ang pinsala ay lubahang malakas, ang panganib sa paggamit nito ay mataas din. Halimbawa, ang Star Finger ay lubhang delikado sanayin; kahit maliit na aksidente lamang ay maaari na nitong mabali ang daliri ni Zhao Feng. Ang kamao ni Xin Wuheng ay mayroong malakas at makapangyarihang nginig.
_Teng!_
Kinailangan ulit ni Zhao Linlong na umatras. Ito ang unang beses na makikita sa kanilang dalawa ang senyales ng pagkatalo. Mabilis lumapit sa kanya si Xin Wuheng sa pamamagitan ng fist skills, palm skills, foot kills… lahat ng ito ay nasa peak level.
Ang ikapitong galaw… ang ikawalong galaw… ang ikasiyam na galaw…
Malubha nang nanghihina si Zhao Linlong at maraming pinsala na ang makikita sa kanyang katawan. Kung ang antas ng cultivation ni Zhao Linlong ay hindi mataas, siguradong lubusan na siyang napinsala sa kanilang palitan ng suntok.
Sa wakas!
Ito na ang ikasampung galaw…
"Ang ikasampung galaw!" Lahat ay makapigil-hininga.
"Cloud Breaking the Heavens!"
Lahat ng lakas ni Zhao Linlong ay inilagay niya sa kanyang daliri. Ang daliring ito ay nag-iwan na isang kulay lilang liwanag sa kalangitan.
Napakalakas! Ang mga henyong nanunuod ay lubhang nagulat.
"Ang lakas ng daliring ito ay malapit na sa aking One-Line Star Finger."Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay bahagyang nagbago.
"Interesante," bahagyang ngumiti si Xin Wuheng at magaang huminga.
Kasabay nito, isang dark grey chi ang lumitaw… Ang dami ng chi na lumitaw ay nalampasan ang limitasyon ng mga sixth rankers.
Paano niya nagawa ito?
"Sweeping the Wind and Clouds!"
Iwinasiwas ni Xin Wuheng ang kanyang robe at sa tunog ng kidlat, ang mga bato na nasa kanyang ilalim ay nahati at kalaunan ay naging vortex. Ang kaswal na pagwasiwas ng kanyang robe ay tila nadistorbo ang hangin. Ito ang pinakamalakas na galaw na ginamit ni Xin Wuheng.
_Boom——–_
Ang dalawang malakas na galaw ay matinding nagsalpukan, na nagsanhi ng isang maliit na buhawi na nabuo dahil sa labanan ng mga enerhiya.
Tanging dalawang malabong pigura ang makikita at pareho itong nababalot sa alabok. Ang mga nanunuod ay tila naging kahot na manok.
Ang lakas!
Sobrang lakas!
Lahat ay naglabas ng isang malamig na hiningan. Magmumukhang labanan ng mga bata ang mga naunang laban kung ikukumpara sa dalawang ito.
"Mahirap paniwalaan na ang dalawang ito ay nasa sixth rank pa lamang."
"Ang enerhiya sa dulo ay siguradong nasa Marital Master level…" Ang mga importanteng panauhin ay nalaman at naintindihin kung gaano kalakas at nakatatakot ang mga Martial Masters.
_Hu~_
Ang katawan ni Zhao Linlong ay nanginig, pagkatapos ay dumura siya ng dugo at bumagsak sa lupa.
_Plop!_
Ginamit niya ang isa sa kaniyang mga kamay upang iangat ang kaniyang sarili mula sa lupa, ang takot at hindi pagkagustong ekspresyon ay naroroon pa rin sa kaniyang mukha.
Talo!
Hindi lamang siya natalo, natalo siya sa loob ng sampung galaw!
Ten moves Xin Wuheng!
Hindi ba ito maaaring sira?
"Paano natalo si Brother Linlong…? Sampung galaw pa lamang iyon…" si Zhao Ling ay mukhang nakuhaan ng kaluluwa. Si Zhao Linlong ay ang itinuturing niyang diyos.
"Natalo sa sampung galaw?" Si Zhao Feng mismo ay nagulat.
Inaasahan niyang matatalo si Zhao Linlong, ngunit hindi sa sampung galaw. Sa sandaling nito, ang lahat ay nakatitig sa kaniya na para bang isa siyang halimaw.