Sa pagpapaalis niya kay Zhao Feng gamit ang kaniyang mga mata, naligaw si Qiu Mengyu sa sarili niyang isip. Sa panglabas, si Zhao Feng ay mukhang batang labing apat na taong gulang, subalit ang malamig na kalmado at pang-unawa sa kaniyang mga mata ay tila hindi tao. Kahit si Zhao Feng mismo ay hindi napagtanto na ang kaniyang lahi at ang kaniyang pag-uugali ay nagbago dahil sa pagsasalubong ng mata...
_Teng!_
Isang nakadamit pang-iskolar na bata ang lumapag sa tabi ni Qiu Mengyu, ito ay si Qiu Changyi!
"Mengyu, bakit umalis agad ang batang iyon? Pumalpak ba ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City?" Bahagyang nagulat si Qiu Changyi.
"Pumalpak ako...mukhang hindi siya normal na bata." Umiling na lamang si Qiu Mengyu.
Nang biglang may matandang boses na nagsalita, "Huwag kang mag-alala, Mengyu, hindi ko naman inasahan na gagana ito." Isang elder na naka-abong baro ang lumitaw sa likod nilang dalawa.
"Elder," dali-dali nilang binati ang matandang lalaki.
Ang summit ay halatang mayroong isang matandang nagmamasid sa pangyayari, at ang elder na iyon ay ang matandang lalaki na ito. Kamakailan lamang, nakipaglaban siya sa mga misteryosong Guanjun Corps, kaya naman ang kaniyang mukha ay bahagyang maputla.
"Mengyu, nagtagumpay ka na sa pagpipigil sa kaniya sa kalahati ng oras na nararapat upang masunog ang isang stick ng insenso. Ang pangalawang resolusyon ay naihanda na." Isang may layunin ng pagpatay ang kumislap sa mga mata ng elder.
"Gagawin mo ba talaga ito?" Pagdadalawang isip ang lumitaw sa mukha ni Qiu Mengyu.
"Masiyadong malaki ang kaniyang potensyal. Sa oras na maging masiyadong malakas ang pamilya ng Zhao, mawawasak ang pamilya ng Qiu," sabi ng matandang lalaki.
"Ngunit Elder! Kapag namatay si Zhao Feng, ikokonekta ito ng pamilya ng Zhao sa pamilya ng Qiu." tila ba nag-aalinlangan si Qiu Chanyi.
"Hehe, ang mga patay na henyo ay walang kakuwenta-kuwenta. Dagdag pa rito, siya ay galing lamang sa isang sangay ng sect at ang plano natin ay perpekto. Hindi mamamatay si Zhao Feng malapit sa lugar ng pamilya ng Qiu…" Isang misteryosong ngiti ang lumitaw sa mukha ng matandang lalaki na naka-abong baro.
_Shua!_
Habang sinasabi niya ito ang kaniyang anyo ay naglaho sa kadiliman, ang kaniyang bilis ay doble ng bilis ni Qiu Changyi.
"Napakamalas." Nagtinginan ng may pagkaawa sina Qiu Mengyu at Qiu Changyi sa mga mata ng isa't isa.
***********************************
Naglakad mag-isa sa baba ng bundok si Zhao Feng. Sa oras na ito, ang summit ay natapos na kaya naman walang masiyadong tao sa daan. Hindi alam ni Zhao Feng kung bakit, hindi mapalagay ang kaniyang pakiramdam, tila ba siya ay pinagmamasdan. Isang pagnanais na pumatay ang nagpatibok ng kaniyang kaliwang mata.
_Hm?_
Bahagyang binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata. Biglaan, mayroong matamlay na asul na liwanag ang lumitaw sa kaniyang mata. Sa kadiliman, ito ay mas lalo pang maganda. Napunta muli sa enchanced-vision mode si Zhao Feng. Ang lubhang madilim na gabi ay kasing liwanag ng araw sa kaniya. Kaya niyang makita ang lahat na nasa loob ng labing limang kilometro. Kung umaga pa ngayon, ang distansya ay maaaring dumoble.
Ang pakiramdam ng mga super senses na ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob at kakalmahan.
_Shua!_
Sa ilalim ng kaniyang pagmamasid, biglang may nakitang anyo si Zhao Feng sa taas ng puno mga ilang daang metrong layo. Ang anyo na iyon ay mayroong barong kulay abo at maayos na nakahalo sa puno, ang mga normal na tao ay hindi kayang maramdaman siya. Subalit, ang mata ni Zhao Feng ay malinaw na nakilala kung sino ang taong iyon.
Siya iyon!
Lumukso ang puso ni Zhao Feng! Nakita niya na ang elder na naka-abong roba kanina, ito ang taong nakipaglaban sa misteryosong nakapilak na anyo kanina.
"Hindi maganda! Ang taong ito ay maaaring isang elder ng pamilya ng Qiu at nais niya siguro akong patayin!", bumilis ang pag-iisip ni Zhao Feng.
Ang kaniyang pagganap ay masiyadong namumukod-tangi, kung ganoon kahit ang high levels ng pamilya ng Qiu ay nagawang mapansin siya.
"Masuwerte, tinago ko ang tunay kong cultivation."
Nagpanggap si Zhao Feng na wala siyang nakita at ginamit niya ang kaniyang normal na bilis upang bumalik sa pamilya ng Zhao. Ngayon ay papalapit na siya sa teritoryo ng pamilya ng Zhao. Kakaiba ang pakiramdam ni Zhao Feng, bakit hindi siya inaatake ng kalaban?
Binuksan niya ang kaniyang super vision muli at pinagmasdan ang kaniyang kapaligiran. Mayroong liblib na lugar sampung kilometro sa teritoryo ng sect ng Zhao. Alam ni Zhao Feng na ito ang huli at natatanging lugar kung saan sila aatake.
Bakit sila aatake malapit sa teritoryo ng pamilya ng Zhao?
Umikot ang isip ni Zhao Feng at nalamaan niya agad ang sagot.
Kung namatay si Zhao Feng malapit sa summit, ito ay magtataas ng duda ng pamilya ng Zhao at ilalagay nila ang sisi sa pamilya ng Qiu dahil ang summit ay nasa loob ng teritoryo ng pamilya ng Qiu. Ang plano ng pamilya ng QIu ay hayaang mamatay si Zhao Feng sa sariling teritoryo ng sect ng Zhao. Sa ganitong paraan, ang sect ng Zhao ay walang pruweba at ebidensya upang sisihin ang iba.
"Napakatalinong plano!"
Dali-daling pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang Inner Strength at kumaripas patungo sa front gate ng pamilya ng Zhao.
"Kailangan ko lang makaabot sa lugar na malapit sa pamilya ng Zhao. Masiyadong maraming guwardya doon ay ang pamilya ng Qiu ay hindi maglalakas-loob na patayin ako…"
Nakagawa na ng desisyon si Zhao Feng. Nag-iisip sa ganitong punto, ang kaniyang bilis ay tumaas bigla.
"Tinago ng paslit na ito ang kaniyang totoong cultivation! Ang kaniyang bilis ay mas mabilis pa kaysa kay Changyi…" tumaas din ang bilis ng elder na naka-abong baro at siya ay humabol.
Anim na kilometro...limang kilometro...apat na kilometro...
Palapit na ng palapit si Zhao Feng sa front gate.
_Sou Sou Sou—-_
Biglang, may dalawang anyong lumabas sa front gate ng sect ng Zhao. Mula sa kanilang kasuotan, mukhang nanggaling sila sa sect ng Zhao. Para kay Zhao Feng, ito ay magandang balita dahil ang tao sa likod niya ay kailangang mag-alala sa dalawang ito. Ang kaniyang kaliwang mata ay sinuri ang mukha ng dalawang tao. Ang dalawa ay hindi gaanong katanda at ang kanilang cultivation ay parehas umabot sa sixth rank.
Isa sa mga mukha ang lubhang pamilyar.
"Siya iyon! Zhao Tianjian…"
Nagulat si Zhao Feng. Isa sa dalawang cultivators na nasa sixth rank ay ang ama ni Zhao Yijian, si Zhao Tianjan! Si Zhao Tianjian at ang isa pang tao ay marahang pumunta patungo kay Zhao Feng. Biglang hindi mapakali si Zhao Feng. Kung ito ay ibang tao, hindi siya mag-aalinlangan, ngunit bilang ang isa sakanila ay si Zhao Tianjian, bigla siyang naging alerto.
"Pigilan mo siya, at patayin siya ng mabilis hangga't maaari!" sambit ni Zhao Tianjian sa isa pang sixth rank warrior.
Dahil ito ay gabi at mayroon pang kaunting distansya sa pagitan ng dalawa, hindi alam ni Zhao Tianjian na nakita na ni Zhao Feng ang kaniyang mukha.
_Sou!_
Tumaas ang bilis ng elder sa likod habang ang dalawang grupo ay pumunta sa harap at sa likod. Naramdaman ni Zhao Feng ang panganib galing sa elder. Hindi siya takot kay Zhao Tianjian at sa kaniyang kaibigan, ngunit si Feng ay lubhang nag-aalala sa elder ng pamilya ng Qiu. Ang elder ng pamilya ng Qiu ay nakaabot na sa seventh rank; hindi na siya isang Martial Artist, isa na siyang Martial Master!
Lightly Floating Ferry!
Ang anyo ni Zhao Feng ay mas lalo pang bumilis.
"Grabeng bilis!"
Si Zhao Tianjian at ang kaniyang kaibigan ay nagbago ng ekspresyon habang sila ay nahati sa dalawang direksyon, humaharang sa daanan ni Zhao Feng. Kung hindi nila mabilisang mapapatay si Zhao Feng, ang kanilang pagkatao ay makikilala.
Kung hindi namatay ang isang isda, ibig sabihin nito na ang lambat ay sira! (Ibig sabihin isa sa kanila ay dapat mamatay)
"Patayin!"
Ang dalawa galing sa pamilya ng Zhao ay inatake si Zhao Feng sa iisang oras.
Cold Flowing Sword!
Ang blade ni Zhao Tianjian ay dali-daling naglagablab ng isang malamig na liwanag. Alam ni Zhao Feng kung gaano kalakas ang Cold Flowing Sword, dahil nakalaban niya na noon si Zhao Yijian na gumagamit din ng ganitong skill. Ngunit sa oras na ito, ang Cold Flowing Sword ni Zhao Tianjian ay umabot na sa peak level at sa cultivation na mayroon siya sa huling mga hakbang ng sixth rank, ang atake ay mas lalo pang nakamamatay.
Emperor Wind Fist!
Mayroong pagpito na tunog na nanggaling sa gilid, ang isa pang hindi gaano katandang lalaki ay umaatake rin sa iisang oras. Ang dalawang peak sixth ranks ay nakikipaglaban sa isang fifth rank, ito ay halatang hindi patas. Dagdag pa rito, mayroon pang isang nakamamatay na galaw na mula sa elder ng pamilya ng Qiu! Sa oras na mangyari ang aksidente, maaayos agad ito ng elder gamit ang lakas ng kaniyang pagiging seventh rank.
Lightly Floating Ferry! Lightly Micro Step!
Pinadaloy ni Zhao Feng ang dalawang skills na ito sa pinakahangganan at nakuha niya lang umiwas sa mga atake.
First Stance of Star Finger!
Ang aura ni Zhao Feng ay biglang umangat patungo sa sixth rank.
_Shua!——_
Isang asul na liwanag na tila isang bulalakaw ang lumitaw at tumama sa espada ni Zhao Tianjian.
_Dang~_
Naramdaman ni Zhao Tianjian ang pagkamanhid ng kaniyang braso at ang kaniyang blade ay nahati sa dalawa. Sa iisang oras, isang mabangis na chi ang tumama sa kaniyang katawan.
_Wah!_
Dali-daling umubo ng maraming dugo si Zhao Tianjian at sumama ang kaniyang ekspresyon. "Star Finger...paano mo natutunan iyon? At ang iyong cultivation…"
Star Finger!
Ito ang pinakamagaling sa lahat ng magaling na peak ranked martial arts. Sa oras na magamit ito, walang makakatabla rito. Kahit si Zhao Tianjian na nasa peak ng sixth rank ay nakatanggap ng pinsala sa loob ng kaniyang katawan dahil sa pagsalag sa skill na iyo ng harapan.
"Mamatay ka na!"
Muling umatake si Zhao Feng at bagama't ang mga galaw na ito ay hindi ang kaniyang pamatay na galaw, ang Star Finger ay nagdagdag pa rin ng pinsala kay Zhao Tianjian.
Emperor Wind Fist!
Lumusot ang isa pang sixth rank sa likod upang iligtas si Zhao Tianjian. Hindi lubos maisip ng dalawang ito na ang totoong cultivation ni Zhao Feng ay nasa sixth rank at natutunan niya ang Star Finger. Kung nais ni Zhao Feng na patayin si Zhao Tianjian ngayon, kailangan niyang tanggapin ang atake sa likod ng harapan.
Mamatay ka na!
Hindi binigyang pansin ni Zhao Feng ang atake galing sa likod ay ginamit niyang muli ang Star Finger. Ang matamlay na asul na liwanag ay napakaganda sa gabi.
_Pu!_
Tinamaan ng daliri niya ang kaniyang kalaban.
"Ah…" Nanigas ang katawan ni Zhao Tianjian nang may lumitaw na butas sa kaniyang dibdib.
_Plop!_
Ang buhay ng isang cultivator na nasa sixth rank ay natapos lang doon. Ito ay dahil sa katotohanang masiyadong malakas ang Star Finger, at ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng ay dumagdag pa sa kapangyarihan ng skill na ito.
Emperor Wind Fist!
Sa iisang oras, ang wagas na atake mula sa isa pang sixth rank warrior ay nakarating sa kaniyang katawan.
_Pah!_
Hindi nakaiwas si Zhao Feng, ang pinakamaganda niyang nagawa ay ilipat ang kaniyang katawan upang hindi matamaan ang kaniyang mga bituka.
_Bam!_
Nang tamaan si Zhao Feng ng kamao, ang ekspresyon ng hindi gaano katandang lalaki ay naging maginhawa at maligaya. Ang elder ng pamilya ng Qiu ay nagkaroon din ng ngiti sa kaniyang mukha, magandang palitan ito kung napatay niya si Zhao Feng kapalit ni Zhao Tianjian.
"Metal Wall Rebound!"
Sigaw ni Zhao Feng habang nilipon niya ang lahat ng kaniyang chi at nilagay ito sa Metal Wall Technique. Ang kaniyang buong katawan ay naging isang metal shield habang binalik nito ang atake.
_Craaaack!_
Lumabas ang dugo sa bibig ng hindi gaano katandang lalaki habang naramdaman niya ang pagnginig na dumaloy sa kaniyang braso.
_Teng! Teng! Teng…_
Umungol ang tao sa sakit habang siya ay napaatras.